Chapter 66
Chapter 66:
Hakuna Miran's Point of View.
Tumulong naman ako sa ibang pumupunta rito, inaayos ko na lang rin yung coffee maker sa mismong area sa kung saan may coffee and biscuits. Pero this time hindi lang coffee and biscuits, may iba't ibang variants of drinks.
May cup and pipindutin na lang nila yung gusto nila, "Manang, paki-bili na lang po sa grocery yung nasa list. Thank you." Inabot ni mama ang pera at ang listahan, alas nuebe na ng gabi at naubusan ng stocks ang bahay namin.
Nasapo ko ang mukha ko nang maramdaman ko ang pagod, ngunit natigilan ako ng may humawak sa kamay ko dahilan para mabigla kong mapasunod kay Laze.
"Bakit?" Kwestyon ko.
Nang madala niya ako sa malayo sa mga tao ay hinila niya ang upuan at pinaupo ako doon, "Bawal ka ma-stress, Hakuna Miran." Bumuntong hininga ako at tinitigan siya.
"Stop beating yourself for it, wala kang kasalanan." Pandederekta niya kaya huminga ako ng malalim.
"Ako pa rin ang dahilan kung bakit siya inatake," paglilinaw ko.
"Get to bed, magpahinga ka muna Hakuna Miran. Hindi maayos ang tulog mo ngayo—"
"Laze naman, hayaan mo nga ako." Inis na sabi ko at tumayo.
"Tumutulong lang ako sa kanila, ang daming tao makakayanan ba nila mama at dad ang pag-asikaso sa kanila?" Tumitig sa akin si Laze sa pag-taas ko ng boses sa kaniya.
"You don't need to serve them, it's a self service Hakuna Miran." Paalala niya, "Papaano naman yung iba?" Sumbat ko.
"Can't you see? Inaasikaso sila ng ibang kasama niyo sa bahay." Sobrang naiirita ako ngayon, at naiirita ako na pinigilan niya pa akong gawin 'to.
"Pala-desisyon ka 'no? Pwede ba pabayaan mo na lang ako Laze? Ito na nga lang yung magpapatahimik sa akin oh. Ito na nga lang yung kaya kong gawin sa ngayon para kay lola." Pinagkrus niya ang braso habang nakatitig sa akin ng seryoso.
"Ito lang yung tingin kong makakapagpa-gaan ng nararamdaman ko, so stop asking me to stop because I am not tired." Mariing sabi ko, explaining what I wanted to say.
"Alright." Sagot niya.
"Do what you want then, who am I to stop you?" Napatitig ako sa sarkastikong sagot niya, "Tama, sino ka ba para pigilan ako?" Iritableng sagot ko na ikinabigla niya.
I was out of the line right?
"Really Hakuna Miran?" Hindi makapaniwalang sabi niya tsaka siya sarkastikong ngumisi at napailing bago ako tinanguan.
"Sige, sabi mo eh." Napalunok ako ng masungit niyang sabihin 'yon tsaka siya nakapamulsang umalis sa harapan ko.
"Mom, alis muna ako." Nalingon ko kaagad si Laze noong magpaalam siya sa magulang niya, "Saan ka pupunta anak?" Tanong ng mommy niya.
"Diyan lang mom," wika ni Laze at tsaka nag-paalam rin sandali sa parents ko kaya inis akong naupo at napanguso.
Nakagat ko ang ibabang labi bago ako lumapit kay Yamato at Ate Janella na umiinom ng alak na soju ang pangalan. Ngunit maya-maya ay dumating si Yuno kasabay ni Jem.
"Kumusta ka?" Tanong kaagad ni Yuno sa akin kaya nagkibit balikat ako.
Nang makaupo sa harapan nila Ate Janella ay inabutan ako ng baso at sinalinan 'yon ng soju, "Dahan-dahan."
Ininom ko 'yon tsaka ako huminga ng malalim, kami magkakasama pati na si Crizel ay umiinom rin konti.
Nang naka-anim na baso na ako ay tumigil na ako dahil kababalik lang ni Laze, naka-bihis na rin siya into a black shirt but pants were still trousers. Simpleng slides in slipper lang ang suot niya at black socks.
Inalis niya ang jacket niya at tila nagbigay galang muna kay lola bago dumeretso sa amin, nangunot ang noo niyang tinitigan ako.
"Did you drink a lot?" Kwestyon niya, salubong ang kilay.
"She drank at least 6-7 glasses," sagot ni Ate Janella.
"You better make her sleep, or else she'll cause a scene she'll regret tomorrow." Ngumuso ako sa paalala ni Ate Janella.
Nang hahawakan na ako ni Laze ay umiwas ako at dinuro siya. "Don't touch me nga, I can walk." Ngumiwi ako at humawak sa mesa hanggang sa makalapit sa hagdan.
"Miran," may humawak sa siko ko kaya inis kong hinampas 'yon ngunit hindi niya inalis.
"Umalis ka na lang, umalis ka na kanina eh." Singhal ko.
"Babalik naman ako," seryosong sabi niya kaya nang maka-akyat ay dinuro ko siya.
"Did this girl love you so much before?" Kwestyon ko.
"I don't know," sagot niya kaya natawa ako.
"Alis ka naaaa," taboy ko sa kaniya.
"Hindi kita gusto, alis!" Bumuntong hininga si Laze at tsaka binuksan ang pinto ng kwarto ko nang katukin ko 'yon.
"Ba't mo binuksan!?"
"E-Eh ano?" Naguguluhan na tanong niya.
"Ako, dapat." Isinarado ko ang pinto at tsaka ko muling binuksan.
Nang makapasok ay dumapa ako sa kama at tsaka inaantok na pumikit, "Miran." Nairita ako nang ayusin ni Laze ang pagkakahiga ko.
"Hindi kita maalala ng sobra pero nakakainis ka!" Sigaw ko at ipinadyak ang paa ko sa ere.
"Hmm," tugon niya at pilit akong kinukumutan.
"Laze naman!" Reklamo ko.
"Oh?" Tugon niya naguguluhan.
"Naiinis ako sa'yo!" Bulyaw ko.
"Bakit?"
"Kasi nakakainis ka!" Sigaw ko pa.
"Hmm, sige. Matulog ka n— Hakuna!" Nagulat siya nang hilain ko siya sa kama ko, hinampas hampas ko siya sa dibdib na ikinataka niya tsaka niya inawat ang kamay ko.
"Masakit," sita niya.
Ngumuso ako at tinitigan ang mukha niya, bumuntong hininga ako at tsaka ko isinubsob ang mukha sa bandang braso niya sa kili-kili at siniksik ko doon ang mukha ko.
"M-Miran," pagtawag niya.
"Hmm?" Tugon ko, inaantok.
Ang bango niya.
"Matulog ka ng maayos," ipinikit ko ang mata at niyakap ko ang braso niya.
"Hakuna—" sunod no'n ay hindi ko na maintindihan ang sinabi niya, dahil sa antok ko.
Kinaumagahan ay naalimungatan ako ng maramdaman ko ang kumot na nakayakap sa akin, sobrang warm no'n dahilan para mas ipikit ko pa ang mata.
Ngunit awtomatiko akong napasinghot at napamulat kaagad ako, bahagyang napalayo ang ulo ko sa kaniya. Kalmado ang mukha niyang nakapikit at tila malalim pa ang tulog niya.
Ngunit nang may kumatok ay nanlaki ang mata ko ngunit hindi ako maka-alis sa pagkakayakap niya sa bewang ko.
Lumunok ako ng malala noong mag-init ang pisngi ko, anong ginagawa ko? Uminom ako at hinila ko siya rito?
Halos umawang ang labi ko nang maalala ang ginawa kagabi! Jusko Hakuna Miran!
Hihiwalay na sana ako pero mas humigpit ang yakap niya at nanlaki ng sobra ang mata ko ng mas magkalapit kaming dalawa. "Laze." Dahan dahan na nangunot ang noo niya,
Nang magmulat siya ay napalunok ako ng tignan niya ang mata ko, inaantok pa. Ngunit nanlaki ang mata ko ng dampian niya ng halik ang noo ko bago siya tumihaya.
"Good morning," nanlaki lalo ang mata ko at napabangon.
"Tumayo ka na!" Paalala ko bago ako pumasok sa banyo upang mag-ayos.
Matapos ko sa banyo ay nagulat ako ng derederetso siyang pumasok sa loob dahilan para mapalabas ako kaagad. Pumasok ako sa closet ko at nagbihis tsaka ako nagmamadaling lumabas ng kwarto ngunit nakita ko si Yamato na magka-krus ang braso.
"Seems like you slept well, Ate Miran." Napalunok ako at tsaka alanganin na tumawa, "B-Bakit?" Kwestyon ko.
"Kagabi, hinatid ka ni Kuya Laze sa kwarto mo tapos hindi na siya nakalabas pa. Ano kayang nangyari?" Ang nang-aasar niyang tinig ay pinalaki ang mata ko.
"M-Mali ang iniisip mo Yamato," turo ko pa sa kaniya ngunit naningkit ang singit niya ng mata at tsaka alanganin na tumawa.
"Wala naman akong iniisip na mali ate," ang inosenteng tingin niya ay ikinakunot ng noo ko ngunit halos madulas ako nang biglang bumukas ang pinto sa likuran ko.
"Kuya Laze, sarap ng tulog natin ah?" Halos umawang ang labi ko nang ngumisi si Laze matapos akong sulyapan at akbayan si Yamato.
"Yes, Yamato. I slept so well," nanlaki ang mata ko at mabilis kong dinampot ang tsinelas ko at binato silang dalawa pero naiwasan nila kaya mas nainis ako.
Pinulot ko ulit 'yon at tsaka ako naglakad papunta sa baba, "Mom, buti wala kayong duty sa ospital?" Napatingin ako kay Laze na kaharap ang magulang niya.
"Well your dad insisted since we can always have our free time naman. At isa pa dapat nandito lang tayo, your girlfriend might need us." Nanlaki ang mata ko sa narinig at tsaka ako napapunta sa kung saan.
"Miran—"
"Bakit Terry?" Gulat na sabi ko.
"Aalis muna kami, baka gumawa na naman ng gulo yung kapatid ko." Napalunok ako sa pagiging mabait niya sa akin kaya ako tumango.
"I-Ingat." Matipid siyang ngumiti at tsaka ako tinalikuran, nang panoorin ko silang umalis ay huminga ako ng malalim.
Hindi ko maintindihan, yung side niya lang siguro yung masama talaga 'no? Hindi naman siya mukhang kasing sama ng mukha ng kapatid niya.
Nang iiwas ang tingin ay natigilan ako nang magtama ang mata namin ni Laze ngunit nilingon niya si Terry at muli akong tinignan bago niya inabot ang tasa ng kape at hindi na ako tinignan.
Lumapit naman ako sa family niya na kaharap ni mama at dad, "Huwag ka ng uminom uli, anak. Para kang tanga pag lasing," nanlaki ang mata ko sa sinabi ni mama.
Ngumuso ako ng mahinang matawa si Laze dahilan para masamid pa siya sa iniinom niya, "Ma naman." Napapahiyang sabi ko.
"Kumain na kayo ng umagahan, huwag mo inuugali na nalilipasan ka Miran." Lumunok ako at sumunod na lang, pumunta ako sa dining at sakto naman na inaya ni Yamato si Laze na tumabi sa akin.
"Cereals ka ba kuya?" Tanong ni Yamato.
"Tao," sa sagot ni Laze ay tumikhim ako dahil ngumiwi kaagad si Yamato.
Baka robot?
"Pulos kalokohan, kumain na." Kumuha ako ng rice matapos magbigay ng sermon ni Ate Janella, lumunok ako at tsaka inabot ang gatas.
"Coffee ate ayaw mo?"
"Hindi na," sagot ko tapos ay kumain na.
Dumaan ang hapon at tinulungan ko na lang mag-refill ng coffee grounds si manang, dahil hindi niya gaano maabot. "Ako na," nalingon ko si Laze na natatanaw pa niya ang tuktok ng machine.
Oh siya na matangkad, bwisit naman eh.
Pinanood ko lang siya, sumunod naman ay kinuha niya yung mga may bala na coffee maker, yung may mga tubes. Inilagay niya 'yon tapos ay nilingon niya yung nasa kahon.
"What about that?" Turo niya at sinulyapan ang mukha ko.
"Ilalagay?" Patanong na sabi ko ngunit nagkibit balikat siya kaya sinilip ko ang laman no'n.
"Ano ba 'to?" Mahinang bulong ko at nang makita ay napatango ako.
"Bread and ham, for sandwiches yata." Sagot ko, tumango siya at binuhat 'yon.
"Let's go." Sumunod ako sa kaniya sa kusina, nagtataka naman na sumunod si Ate Janella.
"Ano 'yan?"
"Sandwich ate, gagawa." Tumango si Ate Janella.
"Lutuin niyo na, tutulong kami sa pag-gawa." Tumango ako bilang sagot tapos nilingon si Laze.
"Hindi ka marunong magluto 'di ba? Bakit ka nandito?" Umawang ng bahagya ang labi niya tapos ay ngumisi.
"I can fry Hakuna Miran." He leaned over and grabbed the pan and the oil. I watched him open the stove and heated the pan first.
Tumaas ang kilay ko noong painitin niya muna ang mantika bago naglagay ng ilang pirasong ham.
"Put the cheese on the refrigerator first," tumango ako at sinunod siya.
After cooking, magkakasama kaming gumawa ng sandwich at inilagay 'yon sa isang paper pocket, basta yung papel pero lagayan ng tinapay.
Mabilis naman na dumaan ang oras hanggang sa sabihin ko na ang plano, nangunot ang noo ni Terry pero hindi naman siya humindi.
Wala kasi ngayon ang family ni Laze, mamayang gabi pa ang balik nila. "Pero sana hindi na muna kumalat, kasi maraming tutol. At sana hindi engrande," I suggested.
"Sigurado ka ba sa desisyon mo anak?" Nagtataka na sabi ni mama.
"Opo."
"Ngayon pa talaga ngayong namatay na yung lola mo? Huwag na kayo pumayag." Singit ng kapatid ni Terry.
"Umayos ka nga," sita ng daddy nila.
Ayoko, ayoko pero gaganti muna ako, kailangan ko pa kayo para sa kumpanya ni lola. "Ito na rin siguro ang magpapatahimik sa lola niya kung kaya't huwag na kayong makialam." Sita ng lolo nila sa bunsong Bautista.
"Kailan mo nais?" Tanong ng lola ni Terry.
"Next week po," tumango ito.
"Ihahanda namin." Tumango ako, "Save my lola's company." Pakiusap ko.
"We will," huminga ako ng malalim.
"What about Laze? Does he know?" Napatitig ako kay Terry tsaka ako umiling bilang sagot, napatitig siya sa akin at bumuntong hininga.
Matapos ang usapan na 'yon ay bumalik na kami sa kaniya kaniyang pwesto at kinailangan rin nilang umalis para maayos ang kasal. Nakagat ko ang ibabang labi ko tsaka ako bumuntong hininga.
Napatitig sa akin si Yamato, nalingon ko siya dahil doon. "You'll regret your decision ate, you're just hurting the person who's willing to risk his everything for you." Seryosong sabi niya na nagbigay kaba sa akin.
"If he can wait for me, then I'll also risk everything for him. If he can't then it's not meant for us." Ngumisi si Yamato sa sinabi ko.
"Wait until when? Until you shattered his heart to pieces? You're selfish if you're expecting him to do that for you, Ate Miran." Iniiwas ko ang tingin sa kaniya tsaka ako mapait na ngumiti.
"I'll watch you regret then," tumayo si Yamato at tinalikuran na ako kaya nakagat ko ang ibabang labi ko at huminga ng malalim.
Nang makabalik si Laze ay iniwasan ko kaagad siya tsaka ako umakyat sa kwarto ko ngunit bago pa man makapasok sa kwarto ko ay may humawak sa kamay ko dahilan para matignan ko siya.
"Ano?" Kinakabahan na tanong ko.
"Let's get married." Nanlaki ang mata ko at pekeng tumawa sa sinabi ni Laze.
"Ang lakas na naman ng trip mo, ilang taon ba tayo ha? Wala pa nga akong stable na trabaho—"
"I have stable work, I also have funds, funds for your shoppings, your wants, your clothes, bags and cars. Just marry me." Napatitig ako kay Laze tsaka ako pekeng ngumiti.
"You're trippin'," mahinang natawa si Laze sa sinabi ko.
"Fine, don't marry me but don't marry that guy either." Tukoy niya kay Terry.
"I won't marry him because I love him, you don't have to worry." Huminga siya ng malalim, tumango.
"Ikaw," nangunot ang noo ko tapos ay binuksan ko na ang kwarto ko.
Ngayon pa lang ay nahihiya na ako, at nakokonsensya.
"Laze, if I ever hurt you that you can't attain it anymore. Leave me, okay?" Napatitig siya sa akin at mapait na ngumiti.
"Promise me," I lifted my pinky finger and waited for him to make a pinky promise.
"Hakuna Miran—"
"Just promise me," nang kunin niya ang pinky finger ko at i-lock 'yon ay ngumiti ako.
"Magpapahinga muna ako, hintayin mo na lang ako sa baba." Mahinahon na sabi ko, napatitig siya sa akin na para bang nag-iisip siya ng malalim.
"Okay," nang huling magtama ang mata namin ay gusto kong bumuntong hininga.
Isinarado ko na ang pinto at tsaka ako napasandal sa likod no'n pagkasara ko. I want to curse myself so bad, so much.
I'm sorry Laze.
Nagpahinga lang ako at muli ng lumabas, ngunit pagkababa ko ay natigilan ako ng may mga pulis na dumating. Kinabahan ako kaagad, bakit?
"Hakuna Miran Lapiz, nandito ba siya ngayon?" Napalunok ako at tsaka ako lumapit.
"Bakit po?" Tanong kaagad ni Ate Janella.
"For questioning, here's a warrant arrest, parricide." Nagtaka ako sa sinabi nito, "Ano po?" Naguguluhan na tanong ko.
"Kailangan niyo pong sumama sa prisinti for questioning, huwag na po kayong magmatigas at sumama kayo ng maayos." Nakagat ko ang ibabang labi at natatakot sa kanila.
"M-Ma." Nalingon ko si mama na nag-aalalang lumapit.
"Para saan ba 'yan? Walang kasalanan ang anak ko." Malakas na kumabog ang dibdib ko sa kaba, bakit may pulis?
"What's happening here?" Nang dumating si Laze ay nangunot ang noo niya.
"Kailangan niyo lang po pumunta sa prisinto for questioning, huwag na po kayo magmatigas at sumama kayo ng maayos." Nakagat ko ang ibabang labi at umiling.
"W-Wala po akong kasalan—"
"Hakuna Miran, don't worry, it's just questioning and I'll call my tito. He's a lawyer, let's go." Hinawakan ni Laze ang kamay ko at tsaka niya nilingon si mama.
"I'll handle this tita," napatitig ako kay Laze.
"No need to handcuff her, she'll go with me. Questioning doesn't need handcuffs, just so you know officer." Sumunod ako kay Laze matapos niyang sabihin 'yon, nang makasakay sa sasakyan niya ay may tinawagan siya kaagad.
"Good afternoon Tito, I need you to come for me. Can you give me some time? Right now, yes, thanks Tito Kent." Nang matapos 'yon ay nalingon ko ang mga pulis na nakasunod sa likod ng sasakyan namin.
Nahawakan ko ang pisngi sa takot at kaba, nang marating ang police station ay pinapasok ako sa isang pribadong kwarto at sandaling naiwan ako na mag-isa doon.
Lumipas ang kinse minutos ay bumalik si Laze at kasama niya ang isang gwapong lalake na pormal ang suot.
"Good afternoon po." Nahihiyang sabi ko.
"Good afternoon Ms.Lapiz, long time no see." Nangunot ang noo ko, nagkita na kami?
"She can't remember you, because just like you Tito, she experienced a car accident." Napatango 'yong kasama ni Laze na hindi ko alam kung anong gagawin.
Bago pa man mag-simula ang tanungan ay kinailangang lumabas ni Laze sandali, "Paki-pirmahan na lang rito Ms.Lapiz, lahat ng may check mark." Tumango ako at sinunod siya, abogado naman siya at hindi ko na siguro kailangang basahin dahil tito siya ni Laze.
Parang hindi sila mag-tito, para silang magkapatid lang, "Huwag mo na akong tignan ng ganyan, may dalawa na akong anak." Nanlaki ang mata ko at napatingin sa papers.
W-Wala naman akong sinasabi.
Matapos pirmahan lahat 'yon ay ibinalik ko na sa kaniya, "Masususpende ang lisensya ko nito." Sa ibinulong niya ay nangunot ang noo ko.
Matapos ng questioning galing sa prosecutors at police ay halos ma-stress ako, pinagbibintangan nila ako na pinatay ko yung lola ko at ang nag-report lang naman ay yung mag-ina na mga pangit!
Halos maluha ako sa inis, gaganti talaga ako. Lalo na sa dalawang 'yon mga bwisit.
"Magkikita pa tayo, Ms.Lapiz, dalawa dahil sa kaso ng lola mo, isa dahil kailangan mo ako." Nangunot ang noo ko sa sinabi ng tito ni Laze.
"P-Po?"
"Basta," natatawang sagot niya at tinanguan si Laze.
"Thank you tito," paalam ni Laze.
Isang araw ang dumaan, last day na ni lola ngunit sa pagpunta ng kapatid ni Terry at mama niya ay ginusto ko silang komprontahin.
"Kayo pa talaga nagsampa ng kaso laban sa akin? Hindi talaga kayo papaawat 'no?" Galit na sabi ko matapos sila harapin.
"Oh? Takot ka?" Sumbat ng kapatid ni Terry.
"Baka gusto mong kasuhan ko kayo ng mama mo sa pananakit sa akin noon? Sa tingin mo ba hindi ko naalala?" Galit ma sabi ko.
"Gawin mo, tignan natin kung matulungan ka ng pamilya namin." Inis na kumuyom ang kamao ko at galit na tinignan silang dalawa.
"Pasalamat ka nandito tayo sa lamay ng lola ko," mariing sabi ko at tinalikuran sila.
Kinagabihan ay naupo si Laze sa tabi ko, "Huwag ka na magpuyat, maaga pa bukas." Tinitigan ko siya at tsaka ako nakokonsensyang umiwas tingin.
"Let's not meet after tomorrow," mahinahon kong sabi sa kaniya.
"Why not?" Umiling ako bilang sagot, dahil kailangan ko ng oras.
"Matutulog na ako Laze," mahinang sabi ko at tumayo.
"Ihatid na kita sa kwarto mo," matipid niyang sabi kaya tumango ako at tsaka nagpa-una.
Nang nasa tapat na ng kwarto ko ay binuksan niya 'yon, ngunit nang makapasok ay tumigil ako sa harapan niya tsaka ako huminga ng malalim. "Laze, why do you like me?" Mahinang tanong ko.
"I like you and I'm in love with you at the same time, Hakuna Miran. So I can't explain why, I don't know how to explain what I like about you." Napatitig ako sa abo niyang mata.
"Because I'm confused if I like you that way or love you that way, maybe I love how your smile is and at the same time I like it." Nakagat ko ang ibabang labi ng malito siya sa sariling explanation to the point na nahawakan niya pa ang noo.
"This bracelet used to be my lucky charm," he pointed to the one he wears on his wrist, but then my eyes widened when he held my hands. "But if I have this, I don't need anybody, either lucky charm or what." Huminga ako ng malalim at tumango.
"Can't you lessen your love for me?" I asked.
"If I can, it has already faded away 5 years ago." Lumabi ako at binawi na ang kamay ko, hinawakan ko yung bracelet ngunit napakurap ako ng maraming beses ng maalala na ako ang nagregalo no'n sa kaniya.
"I-I gave you this?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Hmm, you did and I never took it off." Pinigilan kong ngumiti ng sobra kong ma-appreciate yung ginawa niyang hindi pag-alis dito.
"Pag hindi ko na siguro 'to suot, ibig sabihin no'n sinukuan na kita at hindi na kita mahal." Mahina akong natawa at tunango, "Goodnight," paalam ko.
"Can you give me a hug?" Tanong niya at ibinuka ang mga braso kaya naman nalungkot ako..
Last hug?
Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya, humigpit ang yakap niya. "Goodnight babe," bulong niya at napapikit ako ng halikan niya ang tuktok ng ulo ko.
Dinama ko ang yakap niya at tsaka siya dahan dahan na humiwalay, ngunit napalunok ako ng yumuko siya at hindi ako makagalaw sa kaba nang sobrang lapit na ng mukha at labi namin.
Pagpikit ko ay halos malunok ko ang sariling dila ng dumampi ang labi niya sa gilid ng labi ko ngunit pakiramdam ko ay sinadya niya na hindi isakto 'yon.
Nang lumayo siya ay inayos niya ang buhok ko, "I want to kiss you but I don't like to disrespect you either, because the next time you kiss me on my lips. I would take that as your response of ''I love you more." Umawang ang labi ko at nahihiyang pumasok sa loob tsaka ko sinarado.
A-Ano raw?
May I love you na pero wala pang label? Ang l-lupit niya nanang tao..
///
@/n: Any thoughts? Drop na ❣️
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro