Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 64

Chapter 64:

Hakuna Miran's Point of View.

"Lola." Nilapitan ko siya ngunit mabilis ako na itinulak ng kapatid ni Terry.

"Nakita mo na ginawa mo sa lola mo? Ang kapal talaga ng mukha mo 'no?" Sinamaan ko siya ng tingin at mabilis na itinulak ang balikat niya.

"Huwag mo 'kong hahawakan," Pinandilatan ko siya ng mata at mabilis na nilapitan ang lola ko.

Nang may dumating na ambulansya ay bumuntong hininga si Laze at hinayaan akong sumakay sa ambulansya at sumunod na lang siya.

Wala akong masabi, bigla ay nakokonsensya ako at tila gusto kong maiyak sa takot at kaba na baka mapahamak ang lola ko dahil sa akin.

Kahit na galit ako ay hindi ko kayang maging sanhi ng pagkawala ng isa sa myembro ng pamilya ko.

Nang makarating sa ospital ay mabilis na hinuli ni Laze ang kamay ko at pigilang sumunod hanggang sa loob ng emergency room, napakurap ako ng maraming beses at tsaka ako napatitig sa kaniya.

"K-Kasalanan ko 'yon 'di ba?" Kinakabahan at nababalisa kong tanong.

"No, Miran." Sagot niya ngunit umiling ako at nasapo ang sariling mukha, hindi ako mapakali.

"K-Kasalanan ko 'yon, h-hindi ko na dapat pinatulan kasi lola ko siya Laze." Nakagat ko ang ibabang labi ng matakot ako na baka mapahamak ang lola ko.

"K-Kasalanan ko 'yon." Napahid ko ang mga pisngi ng maluha ako.

"Wala kang kasalanan Hakuna Miran," Laze grabbed my shoulders and looked into my eyes, "It was never your fault. Don't guilt trip yourself." Umiling ako sa sinabi niya.

Ang abo niyang mata ay ayokong tignan, "H-Hindi eh, kasalanan ko kaya siya inatake. P-Papaano pag napahamak si lola Laze?" Natatakot na tanong ko.

"Natatakot ka? Natural makukulong ka dahil pinatay mo ang sarili mong lola." Napatitig ako sa kapatid ni Terry sa sinabi niya.

"Anong iisipin ng ibang tao? Mamatay tao—"

"That's enough." Sita ni Laze.

"You better distance yourself, Ms.Bautista." Hinawakan ni Laze ang kamay ko sa harapan nito, fiancé niya si Laze hindi ba?

"Hindi ako pumapatol sa babae, pero baka ikaw ang una." Naudlot ang luha ko sa banta ni Laze, tila naging isa siyang robot o mannequin walang emosyon!

Papaano niya nagagawa 'yon?

Matunog na ngumisi ang kapatid ni Terry at umalis na, napaupo ako sa silya sa harapan ng emergency room at nasapo ang mukha ko. "T-Tawagan mo yung family ko Laze, p-pwede ba?" Napatitig sa akin si Laze at hindi nakalampas ang pag-ayos niya sa hibla ng buhok ko bago tumango.

Sandali siyang tumayo at tsaka parang humanap ng signal, makalipas ang isang oras ay lumabas ang doctor ni lola at wala pa rin ang family ko dahil bumyahe pa sila.

"K-Kumusta po ang lola ko?" Kinakabahan na tanong ko.

"Kailangan niyang ma-operahan, inatake sa puso ang pasyente at dulot na rin siguro ng sobrang galit at stress na dulot no'n sa kaniya." Napayuko ako sa narinig.

"May nakaaway ba siya bago mangyari 'to?" Tumango ako bilang sagot.

"N-Nagkasagutan ho kami." Tumango ang doctor at napahawak sa face mask niya.

"Pakipirmahan na lang yung consent form para masimulan na ang operasyon hija," tumango ako at tsaka naman sumama si Laze sa akin.

Matapos pumirma sa mahigit limang papel ay napayuko na lang ako sa sobrang konsensya na nararamdaman. "I can't cheer you up, but I'll stay here." Napa-angat ang tingin ko kay Laze sa sinabi niya.

"B-Bakit?"

"I don't know, Hakuna Miran." Matipid niyang sagot kaya naitikom ko ang bibig at tulalang naupo sa kung saan.

Makalipas ang oras ay hindi pa ako kinakausap nila mama at dad, tahimik lang akong nasa gilid habang si Ate Janella at Yamato ay nakatitig sa akin.

Tila gusto akong tanungin kung anong nangyari ngunit kinakain talaga ako ng konsensya.

Matapos ang operasyon ay hindi pa wari kung kailan magigising si lola, lumabas na muna ako ng ICU ngunit pagkalabas ay magkakrus ang braso ng mother ni Terry at kapatid niya.

"Wala akong panahon para makipag-away," mariing sabi ko matapos nilang harangan ang daraanan ko.

"Kami meron, ngayon matututo ka na ba?" Naglapat ang labi ko sa pagka-irita sa presensya nila.

"So ano naman kung tingin mo masama ako? Kung tingin ninyong lahat masama ako?" Tinitigan ko sila ng hindi gaano kumukurap, "Ibig bang sabihin no'n mabuti na kayo?" Umawang ang labi nila sa idinagdag ko.

"Huwag mong baliktarin, kahit na ganoon ang nangyari ikaw ipinahamak mo ang lola mo." Ngumisi ako sa sinabi nila.

"Kung ganoon layuan niyo ako, kung lola ko nga napahamak ko. Kayo pa kaya?" Sumbat ko.

"Huwag kang trying hard magmatapan— ah!" Pinagkrus ko ang braso matapos siyang sumalampak sa sahig ng ospital dahil sa malakas na pagtulak ko.

"Hindi ko alam kung anong kasalanan niyo sa akin noon, pero kumukulo ang dugo ko nakikita ko pa lang kayo. Mga lason," sarkastikang sabi ko at nilampasan sila.

"Ugh! You are so annoying!" Sigaw no'n na parang bata.

"Likewise," ngising dagdag ko at nang makalabas sa ospital ay napaupo ako sa vacant bench around the trees.

I am really mad at them, but my conscience is already eating my whole body.

Nasapo ko ang mukha at tahimik na sinisisi ang sarili, hindi na lang sana ako lumabas.

Habang nakayuko sa palad ko ay natigilan ako ng may magpatong ng sumbrero sa ulo ko at naupo sa tabi ko nalingon ko siya ngunit nakatingin siya sa harapan namin.

"B-Bakit?"

"I have food, kumain ka muna." Napatitig ako sa ipinatong niya sa lap ko, naka-styro 'yon at nang buksan niya ay nakita ko ang siomai na maraming garlic.

"Japanese siomai." Nangunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Bakit?"

"What do you mean bakit? I'm giving you that because you didn't eat for 4 hours. Nalipasan ka na," ngumuso ako ay halos maluha kong tinusok 'yon at nginuya.

"Why are you crying Hakuna Miran? Are you so touch—"

"A-Ang init," tukoy ko sa dila ko na ikinangiwi niya.

"Tsk."

Tahimik akong kumakain, tumahan ako sa pag-iyak dahil masarap talaga yung siomai na tila may seafood wrap. "A-Ang lansa 'no?" Nalingon ako ni Laze sa tanong.

"I don't know," tumusok ako at itinapat sa bibig niya na ikinatigil niya.

"What?"

"So you'll know," nakangusong sagot ko.

Kinuha niya 'yon gamit ang bibig at umiwas tingin, mahigit dose piraso kasi ito at may kalakihan pa. "'Yung ganito sa tapat ng market ang liit," tukoy ko pa.

"Hmm." Tugon niya lang.

Tahimik kaming naupo, doon halos inabot kami ng oras hanggang sa maabutan kami ni mama sa labas kasama si dad pati na ang kapatid ko.

"Okay ka lang anak?" Agaran akong lumapit kay mama, naluluha.

"Sorry po, hindi ko po sinasadyang mangyari 'yon. S-Sumagot lang po ako," mabilis na sabi ko.

"We're not blaming you anak, alam naman namin ang ugali ng lola mo." Sagot ni dad.

"Hayaan niyo na, baka lesson 'yon sa kaniya ni Lord—"

"Yamato," sita ni mama na ikinanguso no'n.

"Anak, mabuti siguro umuwi na kayo at kami na lang ng dad mo magbabantay rito. Pasunod na rin ang lolo niyo," habilin ni mama at tinignan si Laze.

"Hijo pakibantayan muna ha?" Nalingon ko naman si Laze na matipid na ngumiti ngunit ang dimples niya ay lumabas kaagad kaya napaiwas tingin na ako.

"Ma, kailangan ko pang bumalik sa Batangas. May itatayo kasing ospital doon at kasama ako sa project," tumango si mama sa sinabi ni Ate Janella.

"Ikaw lang?" Kwestyon ni mama.

"Ah ihahatid ko na lang siya ma, para hindi kayo mag-alala." Sabi naman ni Jem kaya tumango si mama, matapos no'n ay lumapit si Yamato kay Laze.

"Kuya, mag-isa ko lang sa bahay. Saan mo dadalhin si ate?" Kwestyon ni Yamato at sinulyapan ako.

"At my condo, you want to come?" Naglakad lang kami na para bang hindi ko sila naririnig nag-uusap, "Pwede?" Tinig ni Yamato.

"Tara." Laze opened the door for me in front of his car and let Yamato open on his own, pagkasakay ay sumandal ako kaagad.

"What a tiring day, isn't it?" Tanong ni Laze, tinig ay tila inaantok na naman.

"Yup. So tiring," gitil ko.

Nang makarating sa condo niya ay natigilan ako ng may lumabas na babae, sino 'yon? "Good evening sir," bati nito kay Laze.

"How's Bullet?" Kwestyon ni Laze.

"He's good sir, I already fed him after your lola called me to check on him." Tumango si Laze.

"Go." Umalis kaagad ang babae kaya natitigan ko si Laze not until he noticed my stare and I looked away, pumasok na ako at pilit inakbayan si Yamato na mas matangkad sa akin, hamak.

"Ipilit mo pa ate," ngiwing sabi niya kaya natawa ako.

"Dito na ako sa sofa matutulog, kayong dalawa na lang sa taas—"

"Sige ate—" ang pagpunta ni Yamato sa itaas ay naudlot dahilan para mangunot ang noo ko dahil mabilis na inakbayan ni Laze si Yamato at ngumisi.

"Ate mo doon," wika ni Laze.

"Binigay niya n—"

"Ate mo sa taas kasi babae siya, she needs privacy." Tumikhim ako sa sinabi ni Laze, gentleman naman pala.

His accent is just different, even when talking tagalog. Sana nag-english na lang siya, saan ba siya lumaki? Koreano ba siya? O british? American?

"Oppa!" May malakas na kumatok dahilan para sabay sabay kaming mapalingon.

"Oppa!" Mabilis naman na lumapit si Laze sa pinto at binuksan 'yon pero halos manlaki ang mata ko ng makita kung gaano kadungis ang suot na uniform ni Jami.

"What happened?" Hinihingal naman na pumasok si Jami at isinarado ang pinto.

"Ah, wait—" natulala kami sa kaniya dahil hindi namin alam ang sasabihin.

"Oppa!" Galit na sigaw ni Jami, teary eyed.

"What?"

"I was calling you for 1 hour, m-may gagong manyakis kanina." Nanlaki ang mata ko sa sumbong.

"L-Lowbatt na yung phone ko." Sagot ni Laze bumuntong hininga.

"Wala ka bang kasama sa bahay?" Kwestyon ni Laze.

"I just got off from the library since my classmates are doing research. I got off at 6pm and I asked you to fetch me since lolo is busy, our manong driver is injured." Inakbayan ni Laze ang kapatid.

"Mianhe," nangunot ang noo ko.

Ano raw? Mani?

A-Anong meron sa mani? Hindi naman siguro bastos 'yon? Baka yung nuts lang?

"Ts— A-Ate Miran, nandito— Kuya Yamato." Namula ng todo ang mukha ni Jami kaya nangunot ang noo ko ng umiwas tingin si Yamato at maupo na lang na para bang wala siyang narinig at nakita.

"Both of you, you better change." Napailing si Laze ng tignan kaming dalawa.

"Clothes?" Tanong ni Jami.

"You're gonna borrow mine? You hate my clothes because you look short." Sarkastikong sabi ni Laze sa kapatid.

"Wow, why are you teasing me in front of them?" Bulong ni Jami ay mahinang hinampas ang kuya niya,

"M-Mas matangkad ako kay Ate Miran," sa sinabi ni Jami ay nanlaki ng bahagya ang mata ko.

"A little bit," sagot ni Laze.

After that conversation, Laze and Yamato left to get clothes at our house, tutal nalaman ko na may inaasikaso rin family nila Laze kaya mag-isa si Jami sa bahay nila ngayon with her yaya pala.

"Jami.." kumatok ako sa mismong banyo.

"Po?" Sagot niya habang nasa loob ng banyo.

"May kailangan ka ba?" Mahinahon na tanong ko.

"Wala naman po ate, may problema po ba?" Ang malambing niyang boses ay bahagyang lumakas.

"Wala naman, gusto mo ba ng ice cream pagkatapos mo?" Kwestyon ko pa muli, "Sure ate," ngumiti ako at pumunta na sa kusina.

Hinanap ko sa freezer ang ice cream na binili ni Laze sa grocery, nang makita ay inilabas ko 'yon at kumuha ako ng baso. Matapos ilagay sa braso ay sakto namang tapos na si Jami at suot niya ang malaking t-shirt ng kuya niya.

Naupo naman siya sa dining kaya matapos lagyan ang baso niya ay naupo na rin ako at kumain sa harapan niya, "Wala ka pa ring naalala ate?" Kwestyon niya.

"Wala pa gaano eh," wika ko at matipid na ngumiti. "Sana maalala mo na ate, kahit pa may bad memories tayo from the past marami pa rin talagang magaganda at dapat i-treasure." Napangiti ako sa winika niya.

"Tama ka naman," inabot ko ang ice cream at muling naglagay sa cup ko.

"Lalo na sa inyo ni Kuya Laze," nang bumungisngis siya ay napatitig ako sa kaniya.

"S-Sa atin lang 'to ha, ako ba yung unang nagkagusto sa kaniya?" Pabulong kong sabi at tila hinarangan ko pa ang gilid ng bibig upang walang makaunawa.

"Hindi ko po sure ate eh, pero si kuya po yata?" Lumunok ako sa sagot niya, pero ako ang nag-yaya sa halikan?

Ang landi ko naman?

"'Yung sa kwintas na 'to, alam mo ba kung sino nagbigay nito?" Tukoy ko sa kwintas ko na natural na suot ko na mula ng magising ako sa pagkaka-coma.

"Eto po?" Natigilan ako ng makita rin ang katulad no'n kay Jami, ngumiti siya at tsaka tinignan ako muli.

"Simbolo ito ng pamilya namin ate, at si mommy ang nagbigay niyan sa'yo to make you our family member soon." Napakurap ako ng maraming beses..

"W-Wala pang label pero m-may ganoon na?" Hindi makapaniwalang sabi ko kay Jami na ikinangiti niya lalo.

"Ate, kasi po alam naman po namin na parehas kayo ng nararamdaman ni kuya." Alanganin akong tumawa ng mag-init ang mukha ko at awtomatiko na lang akong napasubo ng ice cream.

Dumaan ang sampung minuto ay bumukas na ang pinto kaya nalingon ko sila, "Ano 'yan ang dami naman?" Naningkit ang mata kong tinitigan yung travel bag na dala ni Yamato.

"Ate, huwag ka na kumontra." Sagot ni Yamato, ngunit sumeryoso agad ang mukha niya ng masulyapan si Jami na kumakain ng ice cream.

"Mahiya ka naman kay Laze," bulong na sabi ko.

"Ate mag-aambag ako," balik bulong niya.

"Wala akong pera, alam mo ba pin ng ATM ko?" Bulong ko sa kaniya.

"Talk properly." Matipid na sita ni Laze at tumungo sa dining, ngunit halos umawang ang labi at manlaki ang mata ko noong makita ko si Laze na kumain ng ice cream using my spoon and cup!

"Laze?" Lumapit ako kaagad.

"I already used that," tukoy ko nangunot ang noo niya at halos mapalunok ako ng iwan pa niya sandali sa bibig ang kutsara ng ice cream at titigan ako.

"So?" Sumbat niya nang alisin 'yon.

"May lawa—"

"That's what you call indirect kiss, Kuya Laze you're being cliche." Yamato stated and grabbed a spoon and cup on the sink before sitting beside Jami.

"Cliche?" Seryosong sumbat ni Laze.

"You know, corny na—"

"When you can't even make your own move to a lady, Yamato." Naitikom ni Yamato ang tinig at alanganin na tumawa, "I did, and I got— never mind. Don't wanna talk about it," sagot ni Yamato at kumain na lang.

"What happened?"

"Wait until you remember, Ate Miran." Sagot ni Yamato kaya napangiwi ako sa pagkadismaya.

"Maligo ka na ate, amoy ospital na amoy semento ka." Halos mamura ko siya sa sinabi, "Gago." Bulong ko.

"Yung katabi ko naman amoy gatas, bata ka pa." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Yamato kay Jami, nanlaki ang mata ni Jami at hindi makapaniwalang nilingon si Yamato.

"It's because of the milk soap!" Depensa niya.

Mahinang natawa si Laze at nilingon ako, "Take a bath already, so you'll smell like a milk instead of cement." Naningkit ang mata ko at iritableng tumayo.

"Bahala kayo diyan," singhal ko at kinuha ang travel bag sa sala.

"Yamato oh butas mong brief—"

"Ate walang ganyan! Wala naman akong ganoon ah?" Tumayo si Yamato upang kumpirmahin dahilan para matawa ako.

"Uto-uto."

Kinuha ko ang pamalit ko at tsaka ako naglakad papasok sa banyo..

Makalipas ang ilang oras ay naramdaman ko na ang antok kaya naman umakyat na ako, nag-tatalo na naman si Jami at Yamato dahilan para hamunin nila ang isa't isa sa larong parehas silang magaling.

"Checkmate again, Jami. What now?" Napailing iling ako at umakyat sa itaas, nasa taas si Laze inaayos ang kama niya na tutulugan namin ni Jami.

"Ang ganda naman ng kwarto mo Laze," sambit ko na naging dahilan para sandali siyang tumigil at lingunin ako.

"I know, but you know what's more beautiful?" Nangunot ang noo ko at umiling, "Ano ba?"

"Us, sleeping together in this room." Napakurap ako ng maraming beses bago umangat lahat sa mukha ko ang dugo hanggang talampakan.

Bumilis ang tibok ng puso ko, "Just kidding." Mahina siyang natawa, "I was just kidding about telling you that it's just kidding." Nasobrahan ako sa banat niya kaya napailing iling ako.

"I know that this is your room but go down already," I unbelievably said, I might be out of words.

"Later," he sat on his bed and lay on his back.

"I miss my bed," wika niya.

"I'll sleep already," pagsisinungaling ko at nahiga na sa kabilang dulo at nagtakip ng kumot.

"Hmm," nalingon ko siya kaagad sa tugon.

"Ba't?"

"What panike?" He asked.

"I mean bakit? Bakit?" Inis na sabi ko.

"I wish I could make you forget how bad your past is and just remember our good part." Lumunok ako at huminga ng malalim bago muling naupo.

"I'm sorry if I can't remember," wika ko at bigla ay nakonsensya.

"No, you don't have to apologize. We're good, we're both here and that's enough." Matipid siyang ngumiti at halos hindi ako makagalaw ng hawakan niya ang pisngi ko.

"Goodnight," pabulong niya iyong sinabi kaya naman napalunok ako at tumango.

"Goodnight." Bati ko pabalik, humiga na ako habang nakatingin pa rin sa kaniya. Napahawak ako ng mahigpit sa kumot ng lumapit siya ngunit napapikit ako ng halikan niya ang noo ko at tumayo na.

"I'll turn off the lights," paalala niya at tsaka siya lumapit sa lamp shade at napahikab pa siya dahilan para takpan niya ang bibig at mahinang natawa.

Nakagat ko ang ibabang labi ng sa mahinang tawa niya ay lumabas kaagad ang dalawang dimples niya sa pisngi at naningkit ang mata niya.

"Pikit na," bilin niya ng mapansin na nakatitig pa ako sa kaniya.

Kinabukasan..

Kunot noo akong bumangon ng makita si Yamato na nakaupo sa kama habang kaharap si Laze na prenteng nakatayo at nakasandal sa isang cabinet na may figurines and trophy.

Sa itaas no'n ay ang TV na nakadikit sa mismong wall.

"Gising na mga prinsesa." Nakangiwing sabi ni Yamato at halos masipa ko siya ng kilitiin niya pa ang talampakan ko.

"Yamato ano ba," reklamo ko at itinago sa ilalim ng makapal na comforter ang paa ko.

"Don't touch my sister's feet," natigilan si Yamato at alanganin na tumikhim.

"I know," sagot niya.

Ang sungit ni Laze, ang aga-aga. "Nakaluto na ako breakfast, since Kuya Laze can't." Si Laze ang tumikhim sa sinabi ni Yamato at umiwas tingin.

Tinatamad akong bumangon at tsaka maingat na bumaba sa hagdan, si Jami naman ay pilit ng itinayo ng kuya niya kaya mahina akong natawa at tsaka dumeretso sa banyo upang magbanyos.

Pagkatapos ay naupo na ako sa dining at tinitigan ang mga nakahanda, natural na umagahan lang naman. Rice, bacon, ham and sunny side up egg. "Inaantok pa kayo?" Tanong ni Laze.

"Kuya anong oras na kaya ako natulog," sagot ni Jami at ngumiwi.

"Hindi niya matanggap yung pagkatalo niya as champion," pailing iling na sagot ni Yamato.

"Partida," umirap si Jami at kumain na lang.

Sumama sila sa akin na bisitahin si lola, at nalaman ko na wala pa rin siyang malay. Wala pa ring response, at heto ako nilalamon ng konsensya ko.

Huminga ako ng malalim at napaiwas tingin kay lola na maraming apparatus sa kaniyang katawan at marami ring machine sa gilid niya na nagbibigay kaba sa akin sa bawat pagtunog no'n.

Lumabas na ako dahil bawal rin magtagal sa loob, isolated kasi ang kwarto at kailangan may protective suit ka pa bago makapasok.

Ngunit agaran akong ngumiwi nang matanaw ko ang pamilya ni Terry, awtomatikong umirap ang mga mata ko lalo na sa bunsong Bautista.

The audacity of this young lady is making me want to puke.

"Are you okay Miran?" Nang lumapit sa akin si Terry at hahawakan pa sana ako sa balikat ay hinawi ko sa maayos na paraan ang kamay niya.

"I don't like someone to touch me," matipid na sabi ko at iniiwas sa kaniya ang tingin.

"Ang arte mo naman, ano ka santo?" Tumaas ang kilay ko at tinignan ang kapatid ni Terry, "Hindi, kaya nga hindi ako nagpapahawak hawak sa kung sino-sino 'di ba?" Umawang ang labi niya sa naging sagot ko.

"Ang sama talaga ng ugali mo, as the fiancé of my brother you should at least feel sorry because you cheated on him." Galit na sabi niya kaya tinignan ko si Terry.

"Cheated? This is arranged marriage, sa tingin mo ba wala akong naging ka-relasyon nang panahon na ipinagkasundo kami?" Sumbat ko.

"You talk like you know everything, baka dahil isip bata ka pa at mahilig ka sa Jollibee?" Natigilan ako ng sumingit si Yamato, halos makagat ko ang ibabang labi ng itago niya pa ako sa likuran niya.

"A-Anong Jollibee?" Hindi naiintindihan na sabi ng kapatid ni Terry.

"Pabibo ka eh," sumbat ni Yamato na ikinainis no'n. "Kaya huwag mong bumabugin yung ate ko, now that she can't remember how she was before. I was a bit thankful Terry, kasi tumatanggi na siya sa kasal."

"Huy," bulong na sita ko kay Yamato pero tumango siya sa akin na para bang sinasabi niyang hayaan ko siya sa gagawin.

"Tandaan mo pag napahamak ang lola niyo ate mo ang may kasalanan, ate mo ang paparusahan!" Tumaas ang kilay ko ng duruhin ako ng kapatid ni Terry.

"Bakit si ate? Bobo ka ba?" Nanlaki ang mata ko sa sumbat ni Yamato.

"Yamato, that's enough na anak ha. Kami na ang bahala rito ng dad mo, kumain na kayo." Awat ni mama at tsaka ngumiti.

"Sige na, Laze dalhin mo na sila baka gutom na sila." Pag-aayo ni mama at natigilan ako ng abutan niya pa ako ng pera.

"A-Ano po ito?"

"Hindi mo pa alam ang pin ng ATM mo kaya sige na anak," napasunod na lang ako kay Laze ng akbayan niya ako pati na si Yamato.

Sumunod naman si Jami sa amin at tsaka naglakad ng magkahawak ang kamay niya sa likuran niya, nang makalabas ng ospital ay huminga ng malalim si Yamato.

"Babae ba talaga 'yon? I-sure mo nga ate ang sarap sapakin eh." Natawa ako sa sinabi ni Yamato.

"Ayan, diyan ka magaling. Sa gulo," sambit ko.

"True po." Sagot ni Jami kaya natigilan ako.

"Akala mo may alam ka ah," sambit ni Yamato kay Jami.

"Wala po ba? Nakita nga po kita nakikipagsapakan sa likod ng gym—"

"Ah hehehehehe." Mabilis na tinakpan ni Yamato ang bibig ni Jami at tsaka agaran ring binitiwan ng tumingin ng masama si Laze.

Bumalik kami sa sasakyan ni Laze, mabilis naman na nag-daan ang oras ngunit madaling araw ay may tumawag sa akin mula sa pagkakatulog ko.

Inabot ko ang cellphone at sinagot ang tawag, "Hello po?" Sagot ko.

"A-Anak, w-wala na ang lola mo." Halos matulala ako sa harapan ko ng marinig ang umiiyak na boses ni mama.

Kumabog ng sobra ang dibdib ko at tila nagbigay 'yon sakit sa puso ko, a-anong nagawa ko?

///

@/n: Any thoughts? Drop your thoughts 🙈

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro