Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 55

Chapter 55:

Hakuna Miran's Point of View.

Natapos ang gabing 'yon ng payapa, tatayo na sana kami ngunit natigilan kami ng biglang lumapit yung apo ng isang pamilya.

Yung babae na nakatakda para kay Laze. "You're really familar Ms.Lapiz," nangunot ang noo ko nang ako ang tignan nito.

"At your own engagement party, ikaw yung may kahalikan 'di ba?"  Natigilan ako at napatitig sa kaniya.

"Ako?" Turo ko sa sarili ko.

"Baka ang apo namin 'yon, si Terry." Turo ng lola ni Terry, nanlamig ng todo ang kamay ko ng lingunin ako ni Terry.

"No ma'am, I'm sure its not Terry. I know one thing for sure," napalunok ako kasabay ng pagkabog ng dibdib ko.

"It's Laze," nang sabihin 'yon ay napayuko ako kasabay ng mahigpit na paghawak ko sa dress ko.

"I don't like marrying someone who's kissing other woma—"

"No worries, I also don't like marrying you. I'd rather die." Tumayo si Laze tsaka ngumisi at tinignan yung babae.

"What is this?" Napatitig ako kay lola, nakagat ko ang ibabang labi.

"Let's talk this out, family by family." Pilit na ngumiti yung lolo ko, kaya naman nang makaalis yung iba ay halos hilain ako ni lola papunta sa pribadong kwarto.

Sumunod kaagad ang dalawang pamilya, nanlulumo ako at hindi alam ang sasabihin. Nang kaharap na si lola ay agaran kong nasapo ang pisngi ng sampalin niya ako.

"Nasaan na ang delicadeza mong bata ka?!" Napapahiya akong napayuko.

"M-Maybe it's just a mistake Mrs.Lapiz, I'll talk to her." Pinigilan ni Terry ang lola ko na sampalin ako muli.

"You're getting married and you're kissing who?! Your boss?" Nakagat ko ang ibabang labi at napayuko.

"I'm sorry lola."

"It's not her fault. You don't have to slap her in front of 2 families." Laze stepped up, huminga ako ng malalim.

"Miran, sabihin mo sa amin ginusto mo ba 'yon? O hindi niyo sinasadya?" Tanong ni lolo at hindi ko alam ang isasagot.

"L-Lo—"

"Hindi niya ginusto." Nang sabihin 'yon ni Laze ay mabilis ko siyang nalingon.

"Hakuna Miran, sagutin mo ang tanong ko may karelasyon ka bang iba?!" Mainit ang ulo ng lola ko at dahil 'yon sa nakasalalay ang lahat sa kasal na 'to.

Wala akong ibang ginawa kundi yumuko. "Ano mang gawin mo ikakasal ka sa pamilyang Bautista, kahit pa ipahiya mo ang sarili mo. Hindi na magbabago ang desisyon." Mariing sabi nito.

"Nakakahiya kang babae." Naluha ako sa huli niyang sinabi, at ganoon ako lalong nanlumo ng humingi pa siya ng paumanhin sa pamilya ni Terry.

"Hindi ka namin pinalaki bilang manloloko, nasaan na ang delicadeza mong bata ka." Nanatili akong nakayuko, bago pa man ako muling hilain ni lola ay pinigilan 'yon ni Laze.

"I kissed her and she pushed me, ako ang may kasalanan at hindi siya. Wala kayong dapat ikagalit sa kaniya, kung magagalit kayo ako yung dapat niyong pagalitan." Mahinahon na sinabi ni Laze, napatitig ang lola ko sa kaniya.

"Stay out of this hijo, ayokong nasisira ang plano ko sa pamilya ko." Matapobreng sabi ni lola at hinila na ako, wala akong nagawa kundi mapasama sa kaniya at nang kami na lang ay hindi ko siya matignan.

"Akala ko ba ay nagkakamabutihan na kayo ni Terry?" Kwestyon niya.

"Kakalat ang ginawa mong eskandalo, lalo na't nahanapan nila lalo ng butas ang pamilya natin. Papaano kung i-urong ng Bautista ang kasal at pabayaan tayo." Nakokonsensya akong yumuko.

"Sorry po lola."

"Pasensya na po, hindi n-na po mauulit."

"Hindi na talaga Hakuna Miran, nakakahiya ka." Nakagat ko ang ibabang labi at ng umalis siya ay nasapo ko ang mukha dahil sa pagkapahiya at bahagyang masakit niyang sinabi.

Ngayon, anong sasabihin ko kay Terry?

Medyo mainit pa man din ang mama ni Terry sa akin, dahil panigurado ay ayaw nito sa akin para sa anak niya.

Nang makalapit kila Terry ay nanghihina akong nagbaba ng tingin dahil sa mga mapanghusga nilang titig. "Pasensya na," mahinang sabi ko not until someone grabbed my elbows.

"Why are you apologizing?" Nakataas ang kilay ni Ate Janella na mataray na sinulyapan ang pamilya ni Terry.

"Ate," mahinang tawag ko.

"Tell me, what are you apologizing for?" Her stare was deadly and I'm scared.

"Wow, ang kapal naman ng mukha mong magtanong kung para saan yung sorry niya. Nang-kakalantari lang naman yang kapatid mo ng ibang lalake habang ikakasal na siya," nakataas ang kilay na sagot ng half sister ni Terry.

"Enough." Sita ni Terry.

"Wow, big word. Nangkakalantari? Baka nakakalimutan mong ang kasal na 'to ay kasunduan at hindi ginusto ng kapatid ko." Sumbat ni Ate Janella kaya hinawakan ko siya sa kamay.

"Tama na ate, baka magalit si lola."

"Edi magalit siya, anong karapatan nilang diktahan ka at hanapan ng delicadeza? Anong mali doon? Sila nga 'tong namilit." Galit na sabi niya.

"Alam niyo hindi rin namin gusto na maging part kayo ng pamilya namin, mga taga eskwater." Halatang nainis si Ate Janella sa sinabi ng half sister ni Terry.

"Eskwater? Eh ikaw bakit ka pa nandito? Bakit wala ka pa sa basurahan sa kung saan ka nararapat. Halika na Miran! Huwag na huwag kang mag-sososorry!" Hinila ako ni Ate Janella paalis, sumunod naman si Terry sa amin hanggang sa makalabas kami ng venue.

"Wait, please." Natigil lang kami ng nasa harapan na ng sasakyan.

"Look, Mr.Bautista. Para ipaalam ko sa'yo hindi ako pabor sa kasalan na 'to at para malaman mo hindi ako sing bait ng kapatid ko na humihingi ng tawad kahit na wala siyang kasalanan, kaya pasensyahan tayo kasi gaga na kung gaga pero ayoko sa pamilya mo." Napayuko si Terry at tumango.

"Naiintindihan ko Janella." Habang akoa y hindi ko alam ang isasagot o sasabihin.

"Lalo na yung kapatid mong 'yon? Napakabastos ng bibig." Turo pa ni Ate Janella.

"Miran, mag-usap tayo." Huminga ako ng malalim ng wala akong magawa kundi tumango.

"Ate, kakausapin ko lang si Terry. Mauna ka na po umuwi, ikaw na mag-explain kila mama." Bumuntong hininga si Ate Janella at tumango.

Sumakay ako sa sasakyan ni Terry, nagmaneho naman siya at nalaman ko na sa condo niya kami dinala, nang makababa ay kalmado lang siyang pinagbuksan ako ng pinto.

Nang makarating sa mismong condo niya ay wala akong masabi. Binuksan niya ang bagong bote ng alak at hindi siya nagsalita kaagad dahil uminom muna siya.

"Miran, ilang beses na?" Tanong niya.

"Nang una Terry wala ka pa namang nararamdaman sa akin no'n, kaya akala ko ayos lang." Huminga siya ng malalim at napainom muli bago niya nasapo ang mukha.

"I just met you and I hated the fact that I'm crazy about you. What's special about you?" Masama ang loob niyang sabi kaya napaiwas tingin ako.

"I already caught you twice kissing, may kanina pa?" Nanlulumo akong tumango dahil hindi ko na kayang magsinungaling.

"When you can't even kiss me, Miran!" He blurted out, napapikit ako ng mariin dahil sa konsensya.

"Ginagawa ko naman lahat, para gustuhin mo, para maging mabuti, baka sakali pero hindi mo magawang tignan man lang ako." Nahihiya ako ngayon dahil sa nagawa.

"I'm really sorry Terry."

"I'm really sorry for doing it." Nanlulumo kong sabi.

"Nasisiraan na yata ako ng bait," mariin siyang napapikit at halos kabahan ako ng tumayo siya at lumapit sa akin. Ganoon ako mabilis na napaiwas ng subukan niya akong halikan.

"T-Terry." Natatakot kong sabi.

Ngunit hindi niya ako pinansin at hinalikan niya ako ng labag sa kalooban ko, bahagya akong pumapalag dahil sa takot at hindi magandang pakiramdam.

"T-Terry, huwag ganito." Mahinang pakiusap ko, ngunit wala akong nagawa.

Nang himasin niya ang braso ko ay nandiri ako sa sarili, bigla ay nanumbalik sa akin ang takot na dala ng step father ko. "Terry please, huwag ganito." Mariin akong napapikit ng ibaba niya ang sleeves ng suot kong dress at halikan ako sa leeg.

"Terry.."

"T-Tama na please." Pakiusap ko at tinutulak siya.

"Tama na please." This time itinulak ko siya ng malakas.

"Terry ano ba!?" Sigaw kong tanong, napatitig siya sa akin at tsaka siya pekeng tumawa at umiling iling.

"But you'll let him do that to you," wika niya.

"Hindi. Hindi kami umabot sa ganyan, maniwala ka." Pakiusap ko.

"Huwag mong gawin sa akin 'to. A-Aayusin ko." Bumuntong hininga siya.

"Umalis ka na." Mahinang sabi niya at tsaka lumapit sa alak.

Kinuha ko ang bag ko at nagmamadali akong umalis, nang makalabas ay pumara ako ng taxi. Nang makasakay ay nagpaderetso ako sa bahay, pagkababa ay nandoon rin ang grandparents ko.

"What did Terry said?"

"W-Wala naman po." Matipid na sabi ko.

"Hindi niya itinigil ang kasal?"

"Hindi po." Mahinang sagot ko.

"Sayang." Natigilan kaming lahat ng marinig si Yamato na sabihin 'yon.

"What did you say?" Kwestyon ni lola kaya pinanlakihan ko ng mata si Yamato.

"Sayang po lola," sagot ni Yamato ulit kaya nanlaki ang mata ko.

"Yamato."

"Sayang po na hindi natigil ang kasal, hindi naman po kasi talaga gusto ni ate ang maikasal sa lalake na 'yon. Ipinipilit niyo lan—"

"Yamato, I said enough!" Sita ko pero ngumisi si Yamato.

"Bakit itatakwil niyo po ba ako tulad ng ginawa niyo kay dad noon?" Nang sabihin 'yon ni Yamato ay sinenyasan ko si Jem na ilayo si Yamato.

"Bastos kang bata ka ah!"  Galit na sabi ni lola.

"Lola huwag niyo na pong pansinin, hindi niya alam ang sinasabi niya." Mahinahon na sabi ko.

"Alam ko yung sinasabi ko ate, sa tingin mo ba naging magkapatid tayo para lang maging magkadugo? Ate kilala kita. Mas masaya ka pa noon ng wala sila—"

"Yamato tama na," sita ko.

"Ayoko kasi ng ginaganyan ka ate." Mariing sabi niya, nagmamatigas.

"Umakyat ka na sa kwarto mo." Utos ko.

"Tsk." Singhal niya at umakyat na.

"Lola, matutuloy po ang kasal huwag kayong mag-alala." Mahinahon na sabi ko.

"Maayos ko po yung kumpanya niyo kahit anong mangyari, I'll do anything to clean our name." Huminga ito ng malalim at umiwas tingin.

"Iwasan mo na ang binata na 'yon," mahinahon niyang sabi.

"Opo."

Kinaumagahan ay kinuha ko ang ibang gamit ko sa rest house. "Hakuna Miran," nang lumapit si Laze ay hinarap ko siya kaagad.

"Hindi mo na kailangan pang madamay, pabayaan mo na ako. Laze." Matipid na sabi ko.

"Hindi magkakaroon ng tayo, hindi ako mapapasa'yo at lalong hindi kita kayang tanggapin." I explained.

"Hindi ako nagmamadali Hakuna," sambit niya.

"Magmadali ka man o hindi Laze wala talaga!" Napipikon ko ng sabi, "Layuan na lang natin ang isa't isa. Kasi hindi makakabuti sa ating dalawa naiintindihan mo?" Nanlumo siya.

"Miran kung gusto mo ako sabihin mo naman, ipaglalaban ko naman eh!" Tila ubos na ubos na ang pasensya niyang sabi, nasapo ko ang noo ko at inis siyang hinarap.

"Hindi nga! Hindi kita gusto kaya tumigil ka na!" Sigaw ko.

"Tumigil ka na dahil pagod na pagod na ako sa paulit ulit na ganito, Laze. Let's just be friends if you want to keep me here!" Blangko niyang tinitigan ang mukha ko at halos mapapikit ako ng pikon na pikon niyang hampasin ang pader.

"Then act with your words, because you're just giving me false hopes by letting me do anything to you."  He stated and left my room, napaupo ako sa kama at inis na nasapo ang mukha.

Mabuti na siguro yung hindi kami maayos, kasi parating nauuwi sa pagiging marupok ang puso ko at natutuwa sa lahat ng ginagawa niya.

Matapos kunin lahat ng gamit ko ay dineretso ko 'yon sa condo pero nandoon na si Terry, wala akong ginawa kundi hayaan lang siya. Parati niya akong sinusundo para kumain sa condo niya, ngunit walang araw na sumaya ako kasama siya.

Nangangamba lang ako.

Lumipas ang isang linggo ay nagalit ako kay Terry ng hindi niya sabihin sa akin ang dumating na invitation sa cellphone ko dahil binura niya 'yon.

"Terry mali na yung ginagawa mo, party ng architect 'yon dapat nandoon ako." Nauubusang pasensya kong sabi.

"Para ano? Para muli na naman kayong magsama ng lalake na 'yon Miran?" Umawang ang labi ko at napapikit upang pakalmahin ang sarili.

"Look Terry, iniiwasan ko na si Laze. Kahit trabaho ko hindi ko na magampanan ng ayos dahil lang sa setup na 'to. Ano pa bang dapat kong gawin?!" Galit na bulyaw ko.

"Huwag mo 'kong sigawan." Inis na sabi niya.

"Dinidiktahan niyo 'ko eh! Kayo na lang kaya mabuhay sa kinatatayuan ko!" Galit na galit na ako dahil nagtaka yung mismong may ari ng kumpanya dahil wala ako.

"Ayoko na, pagod na ako sa ganito—"

"Hindi pwede." Halos mahigit ko ang sarili ng aggressive niyang hinila ako dahilan para kabahan ako, ganito ba siya pag galit?

Nang sapilitan niya muli akong halikan ay malakas ko siyang itinulak. "I said that's enough!" Bulyaw ko.

"Irespeto mo naman ako Terry!" Masama ang loob kong sabi ngunit galit niyang sinapo ang pisngi ko dahilan para kabahan ako sa inaasta niya.

"Ano ba!"

"Ubos na ubos na yung pasensya ko sa'yo, hindi ka na nga naging girlfriend panay ka pa takas!" Sa galit ko ay inalis ko ang kamay niya at malakas ko siyang sinampal.

"Huwag mo 'kong sinisigawan!" Galit na sigaw ko, nahawakan niya ang mukha niya at halos manlaki ang mata ko ng hiklatin niya ang leeg ko at itinulak sa sofa dahilan para matakot ako.

"T-Terry." Hindi makapaniwalang sabi ko.

"I-I'm sorry." Mabilis siyang natauhan at nilapitan ako ngunit napalayo ako kaagad sa kaniya.

"H-Huwag mo 'kong hawakan." Kinakabahan na sabi ko at nahawakan ang sariling leeg ko.

"Miran, sorry." Nakokonsensya niyang sabi.

"H-Hindi ko sinasadya, sorry." Bumuntong hininga ako at napayuko.

"Aalis na muna ako." Mahinahon kong sabi at kinuha ang bag ko pati na ang cellphone ko, lumabas ako ng condo niya.

Nang makarating sa condo ko ay nahawakan ko ang leeg, parang naiwan kasi doon ang pwersa na ginamit niya.

Nanlulumo kong tinignan ang leeg ko na bahagyang nag iwan ng pamumula dahil sa palad niya, ginawa ko na lang ang trabaho ko at tsaka ako umuwi sa bahay.

"Ate, yung invitations mo para sa kaarawan mo naipadala na sa mga bisita." Paalam ni Yamato kaya tumango ako.

"Sige, aakyat na muna ako." Paalam ko.

"May letter na dumating para sa'yo ate, galing kay Sha." Dahil sa sinabi ni Yamato ay natigilan ako.

Ano't nag paramdam si Sha?

"Pupunta raw siya sa birthday mo." Dagdag ni Yamato kaya kinuha ko yung letter at nagmamadali akong umakyat para mabasa na 'yon.

Huminga ako ng malalim bago binuksan 'yon.

Watching you from afar feels okay, but seeing you with another man makes me want to rage in anger. Your birthday is coming, sorry for not being able to meet you once in a while. I miss you. Expect me to meet you next week, Hakuna Miran.

-SHA

Bumuntong hininga ako at napayuko sa mga sulat niyang 'yon, I missed him.

Dumaan ang araw ay matapos ko magpasa ng blueprint ay hindi kami nagkikibuan ni Laze mula ng huli kaming nagkasagutan. Panigurado ay tinanggap niya na talaga na wala na, mas mabuti na rin 'yon.

"May pa-masquerade ka sa party mo mare ha," sambit ni Crizel kaya nangunot ang noo ko.

"Masquerade?" Kwestyon ko.

"Oo, si Janella nagplano." Nangunot ang noo ko at hinayaan na lang.

"Sige."

"Una na rin ako." Paalam ko.

"Teka, ano 'yang nasa leeg mo?" Tanong ni Crizel kaya nahawakan ko kaagad 'yon.

"N-Nangangati kasi kumain ako ng hipon kagabi." Pagdadahilan ko.

"Ah, huwag mo kamutin baka mapasama yung balat mo." Matipid akong ngumiti.

"Oo."

Kinagabihan ay wala akong nagawa ng sunduin ako ni Terry for dinner, nakaupo kaming dalawa at magkaharap habang kumakain ng niluto niya.

"I'm sorry about last time," mahinahon niyang sabi.

"Sige." Sagot ko lang.

"Kumusta naman pala yung party mo? I heard masquerade party." Matipid akong ngumiti at tumango.

"Ate ko nag-ayos."

"Ah, kaya pala." Matipid niyang tugon.

"Hmm, oo."

After that night, my parents had a dinner meeting with Sandoval to fix the issue that happened weeks ago. Just my mom and dad.

Inimbitahan sila sa bahay ngunit hindi na ako nagtaka ng wala si Laze, galit siya sa akin alangan ng pumunta siya. Nandito naman si Jami, ganoon ako nagtaka ng napansin na tumitingin siya parati sa akin.

"Yung apo niyo Mrs.Sandoval si Laze, mabait na bata 'yon. Sana ay makadalo siya sa kaarawan ni Miran dahil magkaibigan naman sila at noon pa man ni isang beses hindi nakadalo ang binatang 'yon." Kwento ni mama kaya nangunot ang noo ko.

Miss na miss ba niya si Laze?

"Po?" Gulat na sabi ni Jami.

"Nakadalo na po si Kuya Laze sa birthday ni ate," naguguluhan na sabi ni Jami kaya nangunot ang noo ko.

"Jami hindi pa," mahinang sabi ko baka nalito lang siya.

"Ate nang 18th birthday mo po, pumunta siya." Nangunot ang noo ko at nagtatakang tinitigan si Jami.

"Wala Jami, hindi pa siya nakakapunta kahit isang beses." Paglilinaw ko, naguguluhan niya akong tinignan.

"Ate bumalik pa nga po siya galing ibang bansa just to go at your party pero mabilis lang." Nagtaka ako lalo, I didn't met him that night?

"Hindi kami nagkita," matipid na sagot ko.

"Ate pumunta po talaga siya, nakilala ko nga po siya kahit naka-maskara siya." Kwento ni Jami.

"Hindi ko siya nakita Jami," mahinang sabi ko.

Bakit hindi niya sinabi na pumunta siya?

"Ay baka po nahiya na kasi may inaasikaso kayo?"  Bigla ay naalala ko, baka nakita niya kami ni Sha kaya hindi na siya tumuloy?

"Ganoon na nga siguro." Mahinang sabi ko.

///

@/n: Any thoughts? 🥲

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro