Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 53

Chapter 53:

Hakuna Miran's Point of View.

Kinaumagahan ay umuwi ako sa bahay pero hindi ako pinapansin ni Yamato, halata naman kasi na boto na boto sila kay Laze. Pumasok ako sa kwarto at hinanda ang mga damit na dadalhin ko, lumabas ako ng kwarto.

"Anak, aalis ka na kaagad?" Tanong ni mama.

"Opo ma, busy rin po sa work." Matipid na sagot ko.

"Nasa labas si Laze, anak." Nanlaki ang mata ko at natanaw yung sinasabi ni mama, anong gagawin niya rito?

"B-Bakit raw po?"

"Hindi ko rin alam 'nak, pinapapasok ko pero ayaw niya." Tumango ako at nag-paalam na, nang makalabas ay natigilan ako ng buksan ni Laze ang pinto ng sasakyan niya.

"Ano meron?"

"Get in, we'll talk." Huminga ako ng malalim.

"Wala tayong pag-uusapan, Laze."  Maayos na sabi ko.

"Get inside, and we'll talk." Pag-uulit niya kaya bumuntong hininga ako at naupo sa loob ng sasakyan niya.

"Anong pag-uusapan natin?" Kwestyon ko, nilingon niya ako.

"I've waited for years, Hakuna Miran. Why are you getting married to someone else?" Lumunok ako ng derekta niyang sabihin 'yon.

"I'd let you and Janella both heal, now that I came back why are you marrying someone else and not me?" Napatitig ako sa mga mata niya, "Laze hindi naman kasi sa lahat ng oras makukuha mo yung gusto mo." Sagot ko.

"Hindi sa lahat ng oras—"

"Bakit hindi ko makuha yung gusto ko ngayong oras? Handa naman akong isuko lahat ng mga gusto ko na nakuha ko na. Just to get you."  Napaiwas tingin ako sa isinumbat niya.

"Hindi mo ba talaga ako magugustuhan kahit kailan bilang ako?" Nakagat ko ang ibabang labi sa tanong niya, saying yes is just giving him hope and it will just hurt him.

"No, Laze."

"Hakuna Miran." Nasasaktan niyang sambit sa pangalan ko.

"I'm really sorry for hurting you a lot, huwag mo na lang ako gustuhin para hindi na kita masaktan." Pakiusap ko, "Okay? Kalimutan mo na lang ako Laze.."

"I tried Hakuna Miran for 4 years. I tried burying my feelings for you yet I ended up wanting to get you when I came back." Napatitig siya sa manibela ng kanyang sasakyan.

"Laze." Nanlulumong sambit ko sa pangalan niya.

"Leave him.." Mahinang pakiusap niya dahilan para matitigan ko siya.

"I can do better, I can treat you better." He stated, "Mas aalagaan kita kesa sa kaniya, I'll give you flowers that you love." Umiwas tingin ako at mahinang tumawa.

"Kahit naman gawin mo lahat ng 'yan kung gusto kita hindi mo na kailangang sabihin 'yan para piliin kita." Nakagat ko ang ibabang labi matapos magsinungaling.

"Damn, that hurts." Mahina siyang natawa, ang palad niya ay humawak sa manibela ngunit nakita ko kung gaano niya kahigpit hinawakan 'yon.

"I wish I was just numb." Sa mahinang sinabi niya ay natigilan ako, tila tumaas ang balahibo ko sa kanyang hiling. Sobrang sakit ba ng sinabi ko?

"I'll drop you off, saan ka?" Kwestyon niya at mahinang binomba ang makina ng sasakyan niya dahilan para tumunog 'yon.

"Hindi na, I'll go alone."

"I'll drop you off, Hakuna Miran." Desisyon niya kaya kumuyom ang kamao ko at hinarap siya.

"Nasasaktan na nga kita bakit ba hindi mo na lang ako pabayaan?" Naaburido kong sumbat, mas lalo akong nakokonsensya.

"Hindi kita pinili, kaya dapat pabayaan mo na ako sa kalsada at kung ano man ang mangyari sa akin huwag ka ng mag-alala." Mariing sabi ko ngunit tumitig lang siya sa akin at matipid na ngumiti.

Nang haplusin niya ang pisngi ko ay mas nasaktan ako ng mapatitig sa mukha niya, galit kong hinawi 'yon. "Laze!" Pasigaw na tawag ko.

"Hmm?" Halos mapaiwas tingin ako ng maluha sa mga titig niya.

He's making it hard for me.

"Stop caring!" Galit na sabi ko, "Stop staring at me like I was the beautiful thing that happened to your life. Stop admiring me with those eyes—" naputol ang sasabihin ko ng tumulo ang luha ko ngunit pinahid ko kaagad 'yon.

"Can you stop looking at me with love! I don't deserve it." Galit na galit kong sabi, ngunit sa loob ko ay gusto kong umiyak at mag-sorry.

"Laze, stop smiling!" Sigaw ko.

"Why not?" Mahinang tanong niya hindi nagbabago ang titig sa akin.

Because I'm hurting too..

"E-Experience ka lang kaya kita ginamit, para matuto ako maging girlfriend at asawa sa k-kaniya. Kaya tama na," mahinang sabi ko.

"E-Experience lang, Laze." Tumitig siya sa akin, hindi nagbabago ang mga mata ganoon pa rin.

"Don't treat me very special, I will just hurt you a lot." Tumango siya.

"Okay." Pinaandar niya na ang sasakyan.

Tutok ang mga mata niya sa daan kaya pasimple kong napahid ang mga luha sa mata, kaya ko 'to. Kung makakahintay pa siya kahit kaunting oras baka, baka may pagkakataon pa kaming dalawa.

Ibinaba niya ako sa condo ko kaya naman derederetso akong pumasok sa loob, nang makarating sa condo ko ay napaupo ako sa sofa at nasapo ang pagmumukha ko.

Was hurting him all that I could do? Then I don't deserve any sympathy or love from him.

How I wish I could turn back the time when we were both good.

A week passed and I'm here in tagaytay planning Terry's blueprint to start the construction, isang araw ay kailangan matapos ko na kaagad para makabalik ako sa main project.

After working hard, Terry gave me a bottle of water that he opened recently in front of me. "You look tired, pahinga ka muna." Mahinahon niyang sabi, kinuha niya yung monoblock at inilapit sa akin. Naupo ako doon at uminom ng tubig.

"Are you feeling hot? Gusto mo sa car muna tayo may aircon doon." Suhestyon niya kaya umiling ako.

"Okay lang ako, Terry." Mahinahon na sabi ko.

"Sure ka?" Pinunasan niya ang pawis ko.

"Terry, okay lang talaga. Ganito talaga sa kahit saang site ng trabaho, sanay naman na ako." Matipid na explain ko.

"Alright." Tumango siya.

Naupo ako for five minutes, pagkatapos ko maupo ay tumayo na ako upang asikasuhin muli yung site.

Tinulungan ko silang lahat upang mas mapadali yung trabaho, matapos nilang lagyan ng panibagong buhangin ang buong lupa ay sinimulan na nilang itayo ang malaking bakod, habang ang iba ay nakatuon na sa mismong bahay na gagawin.

Inabot kami ng gabi ngunit hindi naman umalis si Terry kahit na pwede naman siyang umalis na. "Anong oras ito matatapos?" Mahinang tanong niya sa akin, ipinatong niya ang towel sa balikat ko.

"Hindi pa matatapos, pwedeng mauna ka na Terry. Hindi rin talaga ako makagalaw ng maayos pag nandito ka, nahihiya ako." Napangiti siya at tsaka tumango.

"Ganoon ba, aalis na ba ako para hindi ka distracted?" Pilit akong ngumiti at tumango.

"I'll fetch you later?" Umiling ako bilang sagot.

"I'll find a place to stay in, I'll text you." Tumango siya at ngumiti.

"Alright, I got it. Keep safe, Miran." Pilit ulit akong ngumiti, nang lumapit siya para yumakap ay pinagbigyan ko na lang.

"Ingat ka sa daan, pahinga ka na rin."

"I will, please look for her while I'm gone." Nakangiting pakiusap ni Terry sa mga kasamahan namin.

"Yes boss!"  Sagot naman nila.

Natigilan ako ng buksan ni Terry ang wallet niya, "Use this money to find a room, and eat a lo—"

"Terry hindi na, h-hindi pa naman tayo kasal." Suot ko ang pekeng ngiti habang sinasabi 'yon.

"Hmm." Tugon niya at tinitigan ako.

"Bahala ka, pag kasal na tayo mauubos na 'yang pera mo kung ngayon pa lang gagastusan mo na ako." Mahina siyang natawa sa nakakadiri kong sinabi.

May hitsura si Terry, ngunit hindi talaga siya kayang itibok ng puso ko kahit pa gaano siya kabuti o kabait sa akin. Hindi mababago no'n ang nararamdaman ko kay Laze.

"Alright, take care then."  Tumango ako.

"Ikaw rin." Nang makaalis siya ay nakahinga ako ng maluwag, mas napabilis pa ang trabaho ko ngunit hindi pa ako tapos.

Nang pagpahingain nila ako ay 7pm na ng gabi, kaya kinuha ko ang cellphone ko at kinuhanan ng litrato ang site tsaka ko inilagay sa story ko sa IG para naman makita rin ng lahat na kahit gabi na nagtatrabaho pa rin ako.

Pa-busy person lang kunyare.

Awtomatikong napunta doon ang lugar kung nasaan ako tsaka ako huminga ng malalim, "Architect Lapiz, dinner po muna kayo. May malapit po na resto diyan lang sa labasan." Nginitian ko yung manager ng construction.

"Thank you po, kayo rin break time muna." Paalala ko.

Nang lumabas ako ng gate ay nangunot ang noo ko ng wala man lang taxi na dumadaan, kahit jeep, tricycle ay wala. So papaano ako pupunta sa destinasyon na gusto ko? Papaano ako hahanap ng matutulugan?

Nakagat ko ang ibabang labi at binuksan ang wallet ko, ngunit isang libo na lang ang cash ko rito. Panigurado naman sa bayan nito may ATM machines sa kung saan pwede ako mag-withdraw.

Ngunit kinse minutos na ang nag-daan ay wala pa rin akong masakyan, nanlumo ako at napaupo sa sarili kong paa dahil kumakalam na ang tyan ko.

Humaba ang nguso ko at paglalaruan na sana ang lupa sa harap ko pero halos mapatayo ako sa gulat ng may mabilis na sasakyan ang biglaang huminto sa harapan ko.

Akala ko si Terry ito ngunit natigilan ako ng makita ang sasakyan ni Laze, ibinaba niya ang salamin sa bintana tsaka siya huminga ng malalim. "Hop in." Napalunok ako at mabilis na umubo.

"H-Hindi na." Sagot ko.

"May trabaho pa ako oh." Turo ko, papaano niya nalaman kung nasaan yung exact location ko?!

"I drove here for 30 minutes, instead of 1 hour and 45 minutes." Lumunok ako at napatitig sa kaniya, "S-So?" Nauutal na tugon ko.

"I haven't eaten yet."  Sa sinabi niya ay umawang ng todo ang labi ko.

"N-Nasa akin ba yung pagkain mo?" Hindi makapaniwalang sumbat ko.

"Hop in, I won't open the doors for you so you won't feel you're special to me." Muling umawang ang labi ko dahil hindi ako makapaniwalang naririnig ko ang mga dahilan niya.

"Even if you really are," umatras ako sa sinabi niya.

"Hindi na, kumain ka na lang kung gusto m—"

"I don't force someone to ride my car, but if it's you I don't mind carrying you—"

"Oo na, sasakay na." Napipilitan ko kunong sabi at tsaka ako pumunta doon ngunit hindi ko alam kung papaano buksan dahilan para siya ang magbukas at bahagyang itulak 'yon.

Nang makasakay ay gininaw ako ngunit naginhawaan sa lamig ng sasakyan niya. "Amoy semento ka." Sa sinabi niya ay umawang ang labi ko.

"B-Bababa na nga ako." Inis na sabi ko at bubuksan na sana pero ni-lock niya na bago siya mahinang tumawa.

"Kidding," pinaandar niya na ang sasakyan at tsaka siya dumeretso sa kabilang daan, "Hindi ko kabisado rito pero medyo naalala ko pa." Kwento niya at lumilinga linga sa signage sa nasa labas at nakatayo.

Nang makita namin ang marami rami na ilaw ay doon namin nalaman na bayan 'yon, hindi lang dahil marami rami rin ang tao dahil sa palengke.

Ang tagal na ng huli akong nakapunta sa palengke, dahil mula ng dumating si dad panay grocery at airconditioned na market na ang napasukan namin.

Dahan dahan naman siyang nag-drive dahil may mga tumatawid tawid rin na mga tao sa may kakiputan na daan dito, 'di kalayuan mula sa bayan ay may natanaw kaming kainan ngunit hindi man ito katulad ng mga resto sa city ay malinis naman dito.

Humanap kami ng pwedeng parkingan hanggang sa makahanap si Laze ay itinabi niya doon ang sasakyan na maganda, lahat ay tumitingin sa sasakyan niya. "Kuya, kuya, mamahalin po yung sasakyan mo?" May isang bata ang lumapit at tinanong si Laze.

"Nope." Matipid na sagot ni Laze.

"Mahal 'yan, kahit ako hindi makakabili eh." Pagsasabi ko sa mga bata.

"Ang swerte mo naman po sa boyfriend mo ate, mukhang mayaman talaga siya oh." Napalunok ako ngunit natigilan ako ng ngumiti si Laze sa mga bata.

Wow, tinotopak ba 'to?

"Ang ganda kuya, pwede ba hawakan?" Kinakabahan na paalam no'n.

"Go ahead, keep my car safe and if I come back and see you here I'll give you something." Natuwa ang mga bata at tumango sa kaniya, umalis na kami doon at tsaka kami naglakad papunta sa resto na 'yon.

"I know that you hate dirt, bakit dito mo napili?" Tanong ko.

"I don't hate dirt." Sagot niya.

"Takot na takot ka nga sa alikabok." Sambit ko.

"If I am scared of dust then why did I enter this industry? Architect ako." Sagot niya kaya ngumisi ako.

"Bakit mo nga napili dito?"

"Because you seem to like the place," sagot niya at pumasok sa loob.

Naupo kami sa apatan na upuan ngunit magkaharap kaming dalawa, "Wala akong pera panlibre." Mahinang sabi ko.

"I'm not asking you to treat me anyway," he stated and stared at the menu, confusion written all over his face.

Tinignan ko naman ang menu, kung bakit siya naguguluhan. Napalunok ako ng makita ang ibang exotic food. "I am not familiar with any of these.." Pigil ngiti ako sa narinig, hindi mo talaga alam tagalog kasi ang nandidito.

"What's papaitan? Kambing na papaitan?" Kwestyon niya sa akin.

"Mapait na soup 'yan. Tapos goat yung meat," lumunok siya at tsaka huminga ng malalim.

"Order for me." Nang sabihin niya 'yon ay naalala ko ang mga panahon na nagtatrabaho pa lang ako sa cafe ng lola and lolo niya.

Dahil doon ay umorder ako ng adobong pato, bulalo, at beef pares. Nang dumating 'yon ay huminga ako ng malalim ng nagtataka niya pang tinignan 'yon. "If Bullet was here, he'll get these bones." Turo niya kaya napangiti ako.

"Adobo unahin mo," turo ko. Kumuha naman siya ng serving at 'yon yung legs ng duck.

"Oh this is chicken but the meat looks old for being chewy." Naitikom ko ang bibig pinipigilang natawa ng masarapan siya.

"It's not old, that's adobong duck."  Umawang ang labi niya sa sinabi ko.

"Duck? Peking duck?" Umiling ako bilang sagot.

"Normal ducks." Naibaba niya ang tinidor at kutsara sa sinabi ko.

"Normal ducks can be eaten?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Oo, pwede rin tinola." Napailing siya parang ayaw maniwala.

"Poor ducks."

"The owner is so cruel," mahinang sabi pa niya at itinabi na ang adobo. Pinili niya ang beef pares, nagtataka niya rin kinuha ang buto na may bone marrow at fats.

"This tastes good, but fatty." Tumango na lang ako at kumain, after eating I ordered a soda to make us burp.

Mas nagustuhan niya ang bulalo, lasang cup noodles raw ng Japan. Ewan ko rin ba kay Laze, ang daming tanong sa buhay pero minsan bigla na lang hindi nagsasalita dahil tinatamad siya.

Pagkatapos kumain ay inilabas ko na ang pera ko, but then to find out that our bill is 950 pesos because of bulalo and beef pares. "Grabe." Bulong ko at kinuha ang nag-iisang isang libo sa wallet ko pero natigilan ako ng i-abot ni Laze ang isang libo at tsaka siya tumango.

"Let's go." Napasunod na lang ako kay Laze, ngunit tumigil siya sandali sa snack store malapit sa resto.

"Babayaran na lang kita." Paalala ko.

"No thanks but knowing you, I won't talk anymore." Ngumiwi ako ng parang pinalalabas niyang kabisado niya na ako kaya hindi na siya magpapagod magsalita.

Bumili kami ng snacks at hindi ko alam kung bakit magkakahiwalay ang plastic ng mga 'yon, tumigil rin kami sa bilihan ng mga laruan na umiilaw ilaw. "Anong gagawin mo diyan?" Tanong ko, tuloy ay nawili na rin ako.

After buying those, naglakad na kami. "May gusto ka?" He asked.

"W-Wala." Sagot ko.

"Okay." Matipid niyang sagot at bumalik na kami sa sasakyan niya ngunit natuwa ako ng makita ang tatlong bata na kanina ay interisado sa sasakyan.

"Nandito na si kuyang mayaman," nakangiting sabi no'n kaya natawa ako.

"Hmm you waited for me huh," Laze stated.

"Naman kuya, baka pagtripan sasakyan mo ang mahal pa man din." Nakangiting sabi no'n at proud na proud siya sa sarili niya kaya ngumiti na lang rin ako.

"Thank you for looking out, get these." Inabot ni Laze ang mga pinamili niyang snacks kaya pala magkakahiwalay na plastic dahil para walang agawan na mangyari.

"Wow, thank you kuya. Salamat po sa pa-meryenda." Ngunit mas natuwa ang mga bata ng abutan sila ng tig-iisang nakakaaliw na laruan, sana pala nagpabili rin ako ng ganon.

"Ang lupit!"

"Salamat kuya poging mayaman!" Mahina akong natawa.

"Salamat rin ate ganda!" Naningkit ang mata ko ng bolahon ako nito.

"We'll go ahead then, thank you." Binuksan ni Laze ang sasakyan kaya sumakay na ako. Sumakay na rin siya sa kabilang sakayan kaya naman kinawayan ko ang mga bata bago kami nakaalis sa bayan.

"8:30pm na, may work ka pa rin?" Tumango ako bilang sagot.

Bumalik kami sa site, "Salamat." Paalam ko, tumango lang siya kaya pumasok na ako sa loob ng site.

Kahit sandali lang, ang saya ko.

Nang alas dies na ay pinauuwi na rin ako ng mga gumagawa dahil kaya at nasaulo na nila ang plano para sa bahay, ngayon ang problema ko na lang ay papaano ako makakahanap ng matutuluyan gayung wala akong masasakyan.

Lumabas na ako ng gate ngunit awtomatiko akong napatigil ng makita ang sasakyan ni Laze sa kung saan ko siya iniwan kanina, nakabukas ang bintana at ganoon nanlaki ang mata ko ng makita kung gaano kahimbimg ang pagkaka-idlip nito.

H-Hinintay niya ba ako?

Napatitig ako sa maamo nitong mukha, ngunit napalunok ako ng bahagyang nakaawang ang manipis at mamula mula nitong labi. Mukhang kanina pa siya naka-idlip kakahintay.

Lumapit ako doon sa mismong bintana niya at tsaka siya kinalabit. "Hmm?" Tugon niya halatang naiirita sa pag-gising sa kaniya.

"Laze," tawag ko muli.

"Tsk," maktol niya at halos mapigilan ko ang ngiti ng inis niyang bugawin ang lamok na tila bumubulong sa tenga niya.

"Laze!" Malakas na sabi ko sa pangalan niya na mabilis niyang ikinabangon, nagulat siya ng makita ako.

"Tapos ka na?" Tanong niya, huminga ako ng malalim at tinitigan siya sa kaniyang mukha.

Hinintay niya nga ako.

Ang inosente nitong mukha ay hinihintay ang sagot ko sa katanungan niya. "Tapos na, bukas ko na ulit itutuloy. Bakit nandito ka pa sa labasan?" Kwestyon ko.

Lumunok siya at tinignan ang relos, nang malaman niya na alas dies na ay huminga siya ng malalim. "Wala kang masasakyan pauwi," sagot niya.

"And?"

"Ihahatid kita," nag-aalangan niyang sagot.

"Hindi ako uuwi, Laze." Mahinahon na sagot ko.

"Saan ka matutulog?" Inosente ang mga abo niyang mata, at titigan ko lang 'yon ay pakiramdam ko hindi ako magsasawa.

"Hahanap ako ng matutulugan na hotel," sagot ko.

"Samahan na kita." Sambit niya, "Umuwi ka na Laze. Anong oras na rin," matipid na sabi ko, nakokonsensya.

"Uuwi ako, pero sasamahan muna kita." Napatitig ako sa mukha niya, bakit ba ganito siya sa akin?

"Sige, basta umuwi ka na pagkatapos." Ngumiti siya at tumango. Hindi ko na siya hinayaan na pagbuksan pa ako dahil kusa akong sumakay.

Pinainit niya lang ang makina at kusa niyang isinarado lahat ng bintana at binuksan ang aircon, sumandal ako sa pagkakaupo matapos mag-suot ng seatbelt.

Sandali akong pumikit dahil na rin sa pagod na nararamdaman, pansin ko naman na inaantok na si Laze dahil sa pagkurap niya ng maraming beses na para bang pinipilit na lang niyang imulat ang mata sa daan.

Nang matigil kami sa isang hotel na hanggang anim na lapag lang ang taas ay hindi ko na pinalampas, "Check if there's available room." Mahinang sabi niya at tsaka lumabas na rin ng sasakyan.

Lumabas ako at pumasok sa loob para magtanong, naupo naman si Laze sa sofa sa harapan no'n ngunit habang naghahanap ng kwarto yung receptionist ay nalingon ko si Laze ngunit nakayuko na siya sa at nakasandal ang noo niya sa nakakuyom niyang kamao na nakapatong ang siko sa sofa.

Napagod siguro siya bumyahe at naghintay. "Ma'am may 1 available room po kami, pero separate po yung beds. Wala pong available na 1 bed lang eh." Lumunok ako ng sulyapan niya rin si Laze ha naka-idlip na naman.

"Okay na 'yon." Sagot ko.

"Okay po ma'am."

Hinintay kong ibigay ang susi sa akin, nang maibigay ay tinawag kaagad yung bell boy para i-guide kami. Patulugin ko na rin kaya dito si Laze?

Dalawa naman yung bed eh, at isa pa baka mapano pa siya sa daan pag nakatulog siya mabilis pa man din yung sasakyan niya kahit normal lang ang takbo.

"Ma'am tara po." Tinanguan ko yung bell boy pero bago 'yon ay nilapitan ko si Laze.

Nagulat siyang nagising dahil siguro ay hindi niya inaasahan na makakaidlip siya doon sa ganoong pwesto, "Okay ka na?" Tanong niya kaya tumango ako.

Ang inaantok niyang mga mata ay pilit niyang minumulat, "Okay na may kwarto na." Tumango siya at matipid na ngumiti.

"Mauuna na ako, ingat ka." Napailing pa siya at napahikab kaya umiwas tingin siya.

"Dito ka na matulog," anyaya ko na ikinatigil niya.

"With you?" Gulat niyang tanong.

"Dalawa naman yung kama," sagot ko.

"Sure ka?" Nagtatakang sabi niya, naninigurado.

"Oo, tara na." Sumunod siya sa akin, kaya naman ng makarating sa kwarto ay naibaba ko ang gamit tsaka ako humilata sa kama ko.

"Akin 'tong kama na 'to." Tukoy ko sa hindi gaano natatapat sa hangin ng aircon.

"Thank you for letting me stay here." Tumango lang ako at tsaka ako tumayo at tinignan ang bag ko sa kung saan nandito ang damit ko.

Lumapit si Laze sa cabinet at tsaka niya kinuha ang isang bag kit. "Would you mind if I take a shower first?" Paalam niya kaya tumango lang ako, nakita ko naman yung kit na kinuha niya ay may hygiene set na.

Kaya hinanap ko rin ang ganoon ko ay provided na pala nila, inaantok kong ihiniga ang katawan sa kama tsaka ko hinintay na matapos si Laze.

///

@/n: Any thoughts?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro