Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 49

Chapter 49:

Hakuna Miran's Point of View.

Nakagat ko ang gilid ng sariling pisngi dahil sa kahihiyan, bigla ay nauhaw ako kaya mabilis kong kinuha ang kupita ng sariling alak at nilagok 'yon lahat. Sandali akong natulala bago ko naramdaman ang panghihina ng tuhod.

Nalingon ko si Laze na nanatiling nakatingin sa akin, seryoso ang mga tingin at magkalapat ang mga labi, magkahawak ang kamay niya habang nakasandal ang mga siko niya sa mesa.

"What now, Hakuna Miran?" Napatitig ako sa kanya at tsaka ako huminga ng malalim.

"You're in a relationship with someone?" Kwestyon niya, dahan dahan akong umiling.

"But I will be, soon." Tumango tango siya.

"Why did you do that?" Kwestyon niya muli parang nagtataka, o naguguluhan sa inasta ko.

"Wala." Wika ko, "Trip ko lang, hindi ka naman masasaktan." Gitil ko at umiwas tingin.

"Do you like me?" Sa tanong niya ay ngumiwi ako.

"N-No." Ngumisi siya at tumayo sa harapan ko kaya napahakbang ako ng isang beses paatras habang nakatingin sa kaniya.

"Alright, what do you want to do?" Kwestyon niya.

"Do you want me to kiss you? Do you want me to take you out?" Umawang ang labi ko sa bawat suhestyon niya, "Or do you want me to sleep with you?" Nanlaki ang mata ko sa huling tanong.

"I-I am not that kind of girl!"

"That's obvious, you didn't even know how to kiss back—"

"Laze!" Singhal ko sa pagkapahiya.

"Or do you want to date me Hakuna Miran?" Sa sinabi niya ay napatitig ako sa kaniya, "But I don't like you," pagsisinungaling ko.

"Likewise, let's say experience lang?" Naningkit ang mata ko habang nakatingin sa kaniya tsaka ko inilahad ang kamay. "Deal." Ngumisi siya at nakipagkamay, "How should we start playing?" I asked, inilahad niya ang kamay kaya kinuha ko 'yon.

"Let's dance." Bumalik kami sa loob at ganoon nangunot ang noo ko ng dalhin niya ako sa gitna, "Let's dance individually since it's not a dance for two person." Tumango ako at nakisabayan, ngunit ganoon nangunot ang noo ko ng maraming kinikilig sa mga nakakatabi at nadaraanan si Laze.

Wow mga ignorante sa gwapo?

Sumasabay lang kami sa sayawan hanggang sa magtaka ako ng makita si Ate Janella at Jem na parang nagtatalo sa gilid, okay lang ba sila? Ano na naman kayang pinag-awayan nila?

"What's wrong?" Kwestyon ni Laze, dahan dahan akong napatigil ng mapatitig sa kaniya. I've never seen someone who's handsome at doing anything.

Nakiki-vibe lang naman siya, pero parang lahat kaya niyang gawin. "Mr.Jeremiah Laze Garcia, calling your attention." Napatigil kami at nalingon ang emcee.

"Here." Itinaas ni Laze ang kamay dahilan para tumutok sa kaniya ang spot light, "Your sister is asking you to sing a song, or dance? What could you give Mr.Garcia?" Nakangiting tanong ng emcee.

May lumapit kay Laze at inabot ang mic. "I don't like attentions, sorry but I'll decline Jami." Seryosong sabi ni Laze dahilan para ngumuso si Jami at ngumiwi.

"Palagi na lang." Ngumiti si Laze sa kapatid at dahil doon ay walang nagawa yung emcee at si Jami, nang sweet song na ay nahihiya akong natigil lalo na ng napansin ko na tinititigan na lang ako ni Laze.

"May I have this dance?" He laid his hands and I reached it, but then he put it on his neck and pulled me closer. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ng magkalapit kami at lumapat ang palad niya sa bewang ko.

His hands were placed on my waist respectfully, our bodies were swaying and vibes with the romantic music, nang mahiya ako sa eye contact ay nahihiya kong isinandal ang noo ko sa dibdib niya but hearing his soft chuckles made my heart beat so fast again.

Janella's Point of View.

Umawang ang labi ko habang nakatitig kay Jem na salubong ang kilay, "You know what, I don't understand you Jeremy. You were never that protective, but now you act like you're someone who's my brother, my sister, my dad." Inis na sumbat ko matapos niya akong hilain kasama yung nanliligaw sa akin.

"'Di ba sabi ko sa'yo gagaguhin ka lang no'n?" Inis niyang sabi.

"May iba pang nilalandi 'yon, bakit ba hindi ka naniniwala sa akin?" Dagdag niya kaya umawang ang labi ko at pinagkrus ang braso ko sa dibdib.

"Look, he's a good guy. Ikaw lang 'tong pinag-iisipan siya ng masama, at isa pa pwede ba huwag kang magbintang?" Naiiritang sabi ko.

"Know your limits, hindi naman tayo magkapatid." Inis na dagdag ko at sinamaan siya ng tingin, bakit siya magagalit sa akin dahil sumasama ako doon? He's being so protective.

Natigilan ako ng hilahin niya ang pulsuhan ko at iharap ako sa kaniya. "You're getting back at me?" Singhal niya.

"Why? Does it hurt you?" Inis na sumbat ko.

"You know how much I hate you Jem," dagdag ko ngunit huminga siya ng malalim.

"Tagal na no'n."

"That's why," matipid kong sabi.

"I turned you down because you're my sister, we're siblin—"

"Hindi nga tayo magkapatid, hindi kita kadugo." Mariing sabi ko.

"It's been three years, Janella. Baka naman pwedeng kalimutan na natin 'yon?" Sumama ang tingin ko sa kaniya at pekeng tumawa, "Wala akong pakialam. Huwag mo na rin akong pakialaman, pinili mo 'yan 'di ba?" Inis na gitil ko.

"Your dad will kill me," gitil niya pa.

"So stay away from me," banta ko at binawi na ang kamay ko at tsaka ako naglakad papalayo sa kaniya, salubong ang kilay kong naglakad papalayo sa kaniya.

I've already suffered enough once, and as I thought he'll be the one whom I could count on yet I fell in love with him and he easily rejected me. "Janella." Nang humabol siya ay mas binilisan ko ang lakad ngunit nahuli niya na naman ako.

"Bumalik na lang tayo sa dati, please?" He asked, tumalim ang titig ko sa kaniya.

"Dati? Wala namang magbabago." Sarkastikang sabi ko sa kaniya at tsaka ako umayos ng tayo.

"Gusto mong kalimutan ko 'to 'di ba? Tapos ngayong gagawin ko na ayaw mo?" Sumbat ko, naglapat ang labi niya at tsaka niya itinaas ang buhok na para bang nahihirapan na siyang magsalita o magpa-intindi.

"Janella." Sambit niya muli sa pangalan ko kaya tinaliman ko ang tingin sa kaniya.

"Ayoko lang na masaktan ka na naman, huwag mo namang gawin 'to. Nandito naman ako bilang kaibigan at kapatid mo—"

"Hindi nga tayo magkapatid!" Inis na sabi ko.

"Inampon ka lang ni dad kasi wala kang parents! That doesn't conclude that we're siblings. Oo sabay tayo lumaki at naging kuya kita pero iba na ngayon." Mariing sabi ko, umuusbong ang galit sa dibdib.

"Tinanggihan mo na ako, bakit sinong gusto mo si Miran rin? Si Miran ulit?" Inis na sabi ko.

"Sino? May iba pa ba kaya hindi mo ako kayang tignan as a lady? Kasi tingin mo sa akin kapatid? Kaibigan?!"  Mangiyak ngiyak kong sumbat.

"Bakit naman nadamay si Miran?" Kwestyon niya.

"Dahil parati kang nasa tabi niya, parang mas may chance pa nga siya kesa sa akin! Dahil ba hindi mo naman siya nakasama lumaki?" Galit kong tanong.

"Janella, hindi ko gusto si Miran, kapatid ang tingin ko sa inyong dalawa." Mariing sabi niya.

"Hindi mo nga kami kapatid!"

"Pero kapatid nga ang tingin ko sa inyo dahil inalagaan ako ng daddy niyong dalawa, Janella. Maging mature ka naman mag-isip." Nauubusang pasensya na sabi niya.

"Kung ganoon sabihan mo yung sarili mo na huwag akong pakialaman! This is how I distance myself from someone who already rejected me not once, not twice but thrice."  Galit na sumbat ko, tumitig lang siya sa akin na para bang hindi niya alam kung papaano mapapagaan ang nararamdaman ko.

"Ang kapal ng mukha mo para tanggihan ako. Tinanong kita ulit ng kailan lang pero tinanggihan mo na naman ako." Mariing sabi ko.

"Huwag mo na akong susundan, dahil pag sinundan mo pa ako. I'll sleep with someone I'll bump on first." Nagbabantang sabi ko.

"Janella." Ubos na ubos ang pasensya niya pero sinamaan ko lang siya ng tingin at iniwan na siya sa espasyo na 'yon.

Inis akong naupo sa malayong silya at tsaka ako umorder ng maiinom, ngunit habang umiinom ay napatitig ako kay Miran na masayang kasayaw si Laze. Bigla ay gumaan ang pakiramdam ko at pinagmasdan na lamang ang magandang ngiti ng kapatid ko.

Sana naman ay sarili niya na ang isipin niya ngayon.

Hakuna Miran's Point of View.

After dancing the whole night, I've never felt so tired as I was enjoying his company. Even though the heels were a bit high, my legs were enjoying walking, swaying with him.

I realized I was very happy with him.

After the romantic song he held my hand and held it tight as if it was the first time we ever held hands. "Laze." Sambit ko sa pangalan niya, nalingon niya ako at agarang nalusaw ang puso ko ng ngumiti siya na para bang sinisigurado niya na ako lang.

Nahiya ako ng dalhin niya ako sa harap ng parents niya dahilan para mag-init ang mukha ko. "A-Ano?" Bulong ko.

"I am being responsible, meet my parents." Ngising sabi niya, "Mom, dad this is my girl." Nanlaki ang mata ko at napahawak sa likuran ng damit niya.

"Huy."

"I knew it, kayo rin sa huli." Ngising sabi ng dad niya.

"P-Po?"

"Dad, I'll just hangout with her. You can go without me," magalang na sabi ni Laze.

Matapos no'n ay hinila na ako ni Laze sa kung saan, hindi niya na binitiwan ang kamay ko at dinala niya ako sa buffet dessert side. Nanatili lang akong nakatitig kay Laze habang kumukuha siya ng sweets, why is he doing this?

It doesn't look like a play to me, "Why are you looking at me like that?" Our eyes met and I stifled a fake smile.

"Am I leaving?" He added that made me shake my head and grabbed a strawberry coated in chocolate.

"Wait, that's not sweet. Take this instead," hinawakan ko ang binigay niya at nanatiling nakatingin sa kaniya.

"If that strawberry tastes sweet then you'll grant me one wish." Naningkit ang mata ko at kinagatan 'yon ngunit natigilan ako ng malasahan ang tamis nito hindi dahil sa chocolate dahil sa strawberry mismo.

"It's not sweet." I lied, ngunit halos manlaki ang mata ko ng hawakan niya ang pulsuhan ko at ilapit 'yon sa kaniya. Sinubo niya lahat ng natirang strawberry at habang ngininguya niya 'yon ay tumatalim ang tingin niya sa akin.

"Don't lie." Matipid niyang sabi at tsaka huminga ng malalim.

"Sorry."

"Let's go." Napatitig ako sa kamay niyang nakalahad, nang hindi ko pa kunin 'yon ay napalunok ako ng siya ang umabot doon at maglakad.

Nang makaupo kami sa isang sulok ay sumandal siya sa kinauupuan at pumikit sandali, "Nahihilo ka na?" Nag-aalala na tanong ko.

"Hmm," nagmulat na siya at pinilit ang sariling kumain ng matatamis.

"Why are you not playing? Did you get shy after stealing a kiss from me?" Umawang ang labi ko sa kahihiyan sa kaniyang sinabi.

"Laze.."

"You don't bite like a dog who's hungry, babe. You should do it like this."  My eyes widened as his palm reached my cheek, babe? Babe? That call was familiar. I've heard it from someone already.

"You're cheating," mahinang sabi ko.

"Do I?" Bulong niya habang nakatingin sa labi ko at sinulyapan ang mga mata ko, nanatili kami sa magkalapit na pwesto. He lifted my chin to have an easy access, my heart was racing like I'm having 150 beats per minute.

"I should get a consent from you right?" Mahinang bulong niya ngunit ako ang nabitin ng ngumisi siya at mabilis na lumayo dahilan para manlumo ang puso ko.

"Let's be gentlemen." Bulong niya at tsaka siya sumandal sa malambot na upuan sa dulo, ang mga braso niya ay tila nakaakbay dahil nakahawak 'yon sa sandalan ng upuan ko sa likuran ko.

"You just hated me a while ago," sambit ko.

"Ngayon nandito ka sa tabi ko tapos ang bait bait mo na naman sa akin," bumuntong hininga ako sa naisip ngunit nanatili siyang nakatitig sa akin.

"I really hate you Hakuna, because you made me feel so easy for you again. I am not an easy person but when it comes to you, I can give up everything. Every single thing I have, and it's dangerous." Umawang ang labi ko sa sinabi niya.

"A-Akala ko ba hindi mo ako gusto," Nanlaki pa ang mata ko matapos unawain ang sinabi niya.

"Hindi kita gusto." Matipid na sabi niya.

"My first goal is to make you regret and to make you like me, but then here I was wanting to like you first again." Mapait siyang ngumiti.

"Should I be numb like you suggested?" He fixed my hair and tucked it in behind my ears, he smiled sweetly and it feels like it will last longer this time.

"Laze," hindi makapaniwalang sambit ko sa pangalan niya bigla ay nanguna ang konsensya sa akin.

"Kidding," ngumiti siya muli at tahimik lang na tumitig sa kung saan.

"I want to sleep already," mahinang sabi niya kaya naman lumunok ako.

"M-Matulog ka na, m-matatapos na rin yung party mamaya kasi inuman na lang meron." Paalala ko, tumango siya at ganoon ako nagulat ng ilahad niyang muli ang kamay.

Aabutin ko ba ulit?

"Grab it." Sa sinabi niya ay napasunod ako kaagad.

"Let's walk outside," tumango ako at nang makarating sa buhanginan ay inalis ko ang takong na suot at hinayaan ko ang walang sapin na paang maglakad sa buhangin na kulay puti.

Ang buwan ang nagsisilbing liwanag namin sa beach, ngunit sa kabila ay panay lanterns na ang mga nakasabit sa poste. Magkahawak ang kamay naming naglalakad, habang hawak niya sa isang kamay niya ang heels ko.

"Ngayon lang ako nakaapak sa ganitong klaseng buhangin." Masayang sabi ko at tsaka ko ibinabakat ang bawat paa ko sa buhangin.

"Ang ganda rito," sambit ko.

"Sana magkaroon pa muli ng pagkakataon para makaapak ako dito."  I added, ngunit napansin kong tahimik siya kaya nilingon ko siya pero nahiya ako ng mapansin na pinanonood niya lang ako.

"A-At least say something?"

"I am enjoying the view, Hakuna." Makahulugan siyang tumitig sa akin bago itinuon sa himpapawid ang mga mata niya.

"If only this game will last," bulong niya at tsaka siya seryosong tumingin sa kamay namin na magkahawak.

His hands are warm, and big while mine is cold and tiny. My height is just above his chest, he is tall and I am small. But I like how tall he is, he's making me put a lot of effort just to stare at his face.

"You want to wet your feet?" Kwestyon niya at tumigil, lumunok ako at dahan dahan na tumango.

"Go ahead," he stated and guided me to where the little waves could reach my barefoot feet.

Napangiti ako ng malamigan ang mga pagod kong paa, bigla ay parang gusto ko ay mababasa lang ang paa ko, parang relaxing kasi. "Anong oras na?" Tanong ko kay Laze, tumigil siya sa pag titig sa akin at sinulyapan ang suot niyang relos.

"12:17am." Napatango ako at lumayo na sa karagatan.

"Tara, matulog ka na." Anyaya ko at tsaka ko tinuyo ang paa gamit ang mga buhangin tsaka ako naupo sa bato. "W-Wait," nahihiyang sabi ko at binawi ang kamay ko.

Pinagpagpag ko ang mga paa ko at tsaka ako tumayo matapis suotin ang heels. "Tara," tahimik lang siyang sinabayan ako dahil nahiya na akong hawakan ang kamay niya dahil ihinawak ko na 'yon sa paa ko.

Naglakad kami papunta sa tinutuluyan naming lahat, nang nasa kwarto na ay nang marinig si Yamato sa loob ay hindi ko na dapat siya papasukin pero tinawag siya ni Yamato. "Kuya Laze, tara."  Pumasok si Laze kaya dumeretso na ako sa kwarto ko upang kumuha ng dadamitin.

"I'll take a shower," paalam ko sa kanila.

"Hindi kami titingin ate," sagot ni Yamato at mukhang may pinakikita siyang kung ano kay Laze sa mismong iPad na hawak niya.

Matapos ko mag-shower ay sa loob na ako ng banyo nagbihis ng pantulog, pagkalabas ay inaantok akong dumeretso sa kusina upang uminom ng tubig. "Aren't you on good terms with Jami?" Sa tanong ni Laze kay Yamato ay naningkit ang mata kong tinignan siya na hindi alam ang isasagot.

"We're okay kuya, friends." Sagot ni Yamato.

"How about your girlfriend?" Tanong ni Laze.

"Ah out of the topic, ayoko sa ganyang topic kuya. Gusto mo ba i-open ko yung feelings mo kay ate?" Nanlaki ang mata ko at mabilis na ibinato ang twalya ko kay Yamato.

"Tumahimik ka nga!"

"See, umalis ka lang sumama na ugali kuya." Napangisi si Laze.

"Mas gumwapo ka kuya, anong sikreto? Ganyan ba pag na-broken?" Ngumisi lang si Laze.

"May girlfriend 'yan." Sambit ko.

"Ay meron?" Tanong ni Yamato, nagulat. Tumango naman si Laze at halos maudlot ang paghakbang ko ng ituro ako ni Laze.

"Your sister," umawang ang labi ko.

"I can't recall that you became my boyfriend?" Sumbat ko.

"You don't? You just asked me to play with you." Napatango ako sa sinabi niya.

"I-I did, but that doesn't mean—"

"It does mean to me," tila inosente niyang sagot.

"Ehem, baka naman mahiya kayo sa akin." Parinig ni Yamato.

"Bahala nga kayo, matutulog na ako. Nahihilo na ako—"

"Kuya sa kwarto ka na niya matulog—"

"YAMATO!" galit na sabi ko.

"Ate, ang korni ha. Oa na." Sumama ang tingin ko kay Yamato.

"Pasok na ako sa kwarto ko, usap well." Paalam ni Yamato at dumeretso sa kwarto niya, "Laze ikaw naman, mamaya iba pa isipin no'n." Singhal ko.

"Totoo naman?" Alanganin niyang sagot.

"Na ano?"

"Na boyfriend mo ako for today," huminga ako ng malalim.

"For today lang," sagot ko.

"Matutulog na ako, umuwi ka na." Tumango siya at tumayo.

"I'll make you sleep—"

"Laze, Hindi ako sanggol." Nauubusang pasensya na sabi ko ngunit ayon na naman ang abo niyang mata na akala mo inosente.

"You're my baby for today?" Napapikit ako ng mariin at padabog na tinalikuran siya, shit yung puso ko.

Sununod siya sa kwarto ko kaya tumigil ako at hinarap siya. "At least take a shower and use the hotel's provided sleeping clothes. Go." Napatigil siya at napahawak sa batok niya.

"Alright."  Lumabas siya ng kwarto ko, natignan ko naman ang suot kong silk sleeping pajamas terno.

Naupo ako sa harap ng vanity mirror at inayos ang sarili ko, matapos no'n ay dahil sa nasa paligid siya ay ginamit ko na ang lotion dahil nakakahiya namang mahawakan siya ng hindi man lang ako naka-lotion.

Makalipas ang isang minuto ay napatitig ako sa kaniya ng nasa harapan siya ng pinto ko at naka-suot lang siya ng silk pajamas na terno ngunit kulay itim 'yon at basa pa ang buhok niya habang may saktong laking twalya ang nasa balikat niya.

Napakurap ako ng maraming beses. "Papatulugin mo talaga ako?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Ang blangkong tingin niya sa akin ay nagbago ng ngumiti siya. He looks so innocent but when he smirks he looks so freaking different, when his lips are patted he looks so fierce and serious.

"'Wag tayo sa kwarto," anyaya ko. Baka ano pa magawa ko, tumango siya at dahil doon ay pumunta kami sa sala.

"Nood na lang ng movie, nawala antok ko sa'yo." Ngiwing sabi ko.

"Hmm." Tugon niya lang at naghanap ng pwedeng mapanood.

"I wish we had some snacks." Mahina akong natawa at nilingon siya.

"My girlfriend, can't you be fierce like you were a while ago?" My eyes almost dropped when he pointed and tapped his lips two times.

"Laze." Banta ko, ngumisi siya.

"You threw yourself into me," natatawang sabi niya kaya naman umusod ako sa tabi niya.

"Enough," bulong ko.

"You don't like me, yet you're here." Turo niya sa akin, napahiya ako kaya lalayo na sana ako pero inakbayan niya ako at mahina siyang tumawa.

"Laze, this is not for long. This is just temporary." Tumango siya.

"What can I do about it? I'll just enjoy the day and suffer the next day." Mahinang sabi niya at habang hawak ang remote sa kabilang kamay niya ay nakaakbay ang braso niya sa akin.

What can we both do about it? It's just temporary fun. I'll also suffer the next day since I'm already engaged and I just want to feel his presence for long even if it can only last for 24 hours.

///

"Why? Is it because of him?"

@/n: Was it for good? Or temporal? Any thoughts? Feel free to drop your thoughts, keep safe!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro