Chapter 48
Chapter 48:
Hakuna Miran's Point of View.
Nag-suot ako ng puting dress para sa party ni Jami dahil 18 na si Jami, so 4 years ang age gap nila ng kuya niya? Woah ang tagal rin pala bago sinundan si Laze. White and black kasi ang theme ng party ni Jami, punong puno ng puti't itim na paru-paro ang venue kanina na animo'y nasa paraiso talaga kami.
But then I noticed my grandmother and grandfather, parents ng dad ko. So they're also invited? Does that mean my grandparents are also something in business industry?
But then when I saw Terry in the crowd my forehead crumpled like a paper, that's odd. He's also a friend of Jami?
I walked in before my friends, ngunit doon tumaas ang kilay ko ng makita ang girlfriend ni Laze. Sabagay, natural ay nandito siya dahil girlfriend siya ng kuya ni Jami. Pasimple akong napairap, pumwesto ako sa kung saan maganda ang pwesto ng table.
Ngunit pagkaupo ay tinawag kaagad ako nila Crizel sa table sa kung saan kami mauupo at kasama sila Jami at yung girlfriend ni Laze. "Busangot ka?" Bulong ni Crizel.
"Wala." Matipid na sabi ko, hinintay kong makalapit si Jami.
"You're here rin pala," tumaas ang kilay kong sinalubong ang tingin ng girlfriend ni Laze.
"Don't start," sita ni Laze sa girlfriend niya kaya napairap ako.
"Hindi naman ikaw ang ipinunta ko," pairap na sagot ko.
Napangiti ako ng matanaw si Jami na naglalakad papalapit sa amin, sobrang ganda niya, unlike me siya ay mas tumangkad, mas matangkad na siya sa akin. "Ate Miran," nakangiting bati niya at bumeso kaya inabot ko ang regalo ko.
"Happy birthday Jami." Ngumiti siya at napansin ko ang pag-sulyap niya kay Yamato na abala sa pagtipa sa kaniyang cellphone. May girlfriend ba 'to?
"Thank you ate," sunod ay bumati rin si Crizel at Janella.
"Yamato mamaya na nga yung cellphone," sita ni Janella rito kaya pasimple akong ngumisi, natigil si Yamato at tinignan si Jami.
Pasimple kong nakagat ang ibabang labi ng suriin muna ni Yamato ang kabuohan ni Jami bago tumayo, "Happy birthday." Nagtaka ako ng kamayan niya lang ito, at muling maupo.
"Thank you kuya." Nakagat ko lalo ang ibabang labi lalo na ng mapansin ako ni Yamato, pinanlakihan niya ako ng mata kaya naman hindi ko na mapigilan ang ngiti.
"Awkward pala matawag na kuya 'no," parinig ko naman.
"Ate," bulong niya naninita at naupo na muli sa tabi ko.
"Lalo na ng babaeng gusto mo," napatingin ako kay Laze ng sulyapan niya si Jami at tsaka tumikhim. Naningkit ang mata ko ng makita muli ang kwintas na kanyang suot.
Bigla ay naalala ko tuloy si Sha.
Laze is just wearing a simple buttons up longsleeve polo, color black. Matching his slacks, I like his silver watch on his right wrist but his left wrist wore my handmade bracelet.
Sandali akong natigilan ng may lumapit sa akin na babae ngunit naka-suot siya ng formal attire kaya naman nilingon ko siya. "Your grandparents wants to have a word with you, ma'am." Nangunot ang noo ko at tsaka ngumiti.
"Sure." Tumayo ako at sumunod.
Nang makarating sa table nila lola ay nangunot ang noo ko ng makita si Terry sa table nila, "Architect Lapiz." Bati nito at nakipagkamay kaya ngumiti ako.
"Lola, lolo." Bati ko at humalik sa kanilang mga pisngi.
"Apo, naaalala mo ba yung usapan natin ng huli tayong magkita?" Nakangiting tanong ni lola.
"Opo," mahinang sagot ko.
"It seems like you both knew each other already," napatitig ako kay Terry na nagtataka rin.
"Yes," matipid na sagot ko.
"He's my client, lola." Sagot ko.
"He's the man I'm talking about apo," nakangiting sabi ni lola kaya alanganin akong ngumiti at tumango.
"Really po?"
"What's happening?" Tanong ni Terry.
"Do you remember when I asked you to marry the heir of my best friend? It's her." Itinuro ako ng grandparents ni Terry kaya lumunok ako.
"Ah, okay. Glad that it's her," ngumiti si Terry ngunit alanganin rin 'yon.
"Get married next month," dahil doon ay nagulat ako.
"Po?" Gulat na tanong ko kay lolo.
"N-Next month na po agad? M-May big project pa po ako." Kinakabahan kong kontra.
"It won't affect your work, apo." Natignan ko si Terry na nakatingin sa akin, sumenyas siya kung tutulungan niya ba ako kaya tumango ako bilang sagot.
"Ah I still need to do something next month, maybe after 4 months?" Nakahinga ako ng maluwag ng sabihin niya 'yon.
"Okay, sure." Ngumiti si lola sa kaniya.
"I'll have fun, I'll go first." Naiilang na paalam ko at tumayo na, hindi ko gusto pero anong magagawa ko?
Dumeretso ako sa banyo dahil pakiramdam ko ay kinakabahan ako, sino ba naman matutuwa ikasal sa taong hindi mo naman mahal?
Nang makalabas ay nagulat ako ng makita si Yuno sa party, "I was late, are you okay?" Nakagat ko ang ibabang labi at tsaka ako napayuko sa sarili kong palad.
"I'm starting to hate my last name, Yuno." Nakagat ko ang ibabang labi, ngunit mahina siyang tumawa at itinaas ang tingin ko sa kaniya.
"Let's change it to mine?" Nakangiting sabi niya kaya mabilis ko siyang nahampas sa braso, "G-Gago ka ba." Bulong ko.
"Seryoso nga, ano?" Kwestyon ni Yuno kaya umiling ako.
"That won't do," sambit ko.
"Edi papalitan mo kay Laze, easy." Nang-aasar niyang sabi kaya napairap ako, "May girlfriend yung tao." Bulong ko.
"Ay nanghihinayang ka? Agawin mo." Inakbayan niya ako, nang makita si Terry ay itinuro ko si Terry.
"Siya yung mapapangasawa ko." Bulong ko.
"Ah si Bautista," matipid niyang sabi.
Nang lumingon si Terry ay nagulat ako ng mabilis akong hapitin ni Yuno, "Huy gago." Gulat na sabi ko ngunit ngumisi ang may kanipisan niyang labi at halos itulak ko siya not until he whispered.
"Both of them were watching," bulong niya. Nagtama ang mata namin dahilan para pilit kong lingunin ang tinutukoy niya ngunit hindi ko magawa 'yon, "Tama na." Bulong ko, ngumisi siya at bahagyang lumayo sa akin.
"Let's go?" Ngiting sabi ni Yuno at inilahad ang kamay kaya tinanggap ko 'yon, bumalik kami sa table at dahil doon ay nagbatian si Crizel, Yuno, at Jem.
"I heard you two were past lovers?" Napatitig ako sa girlfriend ni Laze na nagsalita habang matalas ang tingin sa akin, kahit si Jami ay natigilan.
"Ate," matipid na sita nito sa girlfriend ni Laze.
"Enough with the arguments." Sita ni Laze, huminga ako ng malalim at tinaasan ng kilay 'yon.
"So?" Kwestyon ko.
"I am asking if you were," paglilinaw nito, ngumisi ako.
"I guess that's none of your business right?" Sumbat ko.
"Miran," sita sa akin ni Janella.
"You can't have him," mataray na sagot ng girlfriend ni Laze dahilan para ngumiwi ako.
"Pakialam ko?"
"Ate, tama na po." Awat ni Jami sa girlfriend ni Laze at alanganin akong nginitian.
"Girls are really a headache," bulong ni Laze not until a man who's wearing a black tuxedo showed up with a smirk on his lips. Napakurap ako ng mapansin kung gaano ito ka-gwapo kahit sa taon niya. Para siyang 40 years old pero, parang hindi siya tumatanda.
"Who's giving you a headache, Laze?" Nakangising tanong nito at ipinatong ang palad sa balikat ni Laze.
"Dad," nang sabihin 'yon ng girlfriend ni Laze ay ngumiwi ako.
Maganda nga siya, halata naman sa daddy niya.
"Oh it's you, Sierah?" Ngumuso yung girlfriend ni Laze kaya pinandilatan ko siya ng mata dahilan para irapan niya ako.
"It's not me dad, I'm a good girl." Sagot nito na Sierah pala ang pangalan.
"Good evening everyone," nakangiting sabi nito dahilan para malunok ko ang sariling laway tapos ay tumikhim.
Namamangha ako, para akong nakakakita ng sculpture sa kagwapuhan ng daddy ng girlfriend ni Laze. "I am Zai," nang kindatan kami nitong lahat ay nanlaki ang mata ko ngunit si Crizel ay nakurot ako sa legs.
"Gagi mare," bulong ni Crizel.
"Ang gwapo naman ng tatay ng girlfriend ni Laze, parang hindi tatay mare. Parang deserve tawaging daddy," malanding bulong ni Crizel kaya siniko ko siya.
"Sige, landi." Bulong ko.
"Good evening po, Jeremy po." Pakilala ni Jem at inabot ang kamay ng daddy ng girlfriend ni Laze.
"Janella, sir." Nakipagkamay rin si Ate Janella at ngumiti.
"Yamato, sir." Nakipagkamay si Yamato at dahil doon ay ako na ang sumunod.
"Hakuna Miran po," ngumiti ito sa akin at inabot ang kamay ko.
"Japanese?" Marahan akong tumango.
Sunod ay si Crizel na, "C-Crizel po, sir." Pigil tawa ako ng mautal si Crizel.
"Yuno Marshall, sir. Nice meeting you." Ngumiti si Yuno at nakipagkamay.
"We've met already right?" Tumango si Yuno sa tanong ni Sir Zai kaya naman nagtaka ako, saan sila nagkita.
"Where did we meet again?" Kwestyon ni Sir Zai.
"Japan sir," napa-weh ako dahil doon.
"I knew it, nakasama kitang kumain ng kobe beef. But what where you doing in that business meeting?" Tanong ni Sir Zai kay Yuno.
"I'm the heir, sir." Ngiting sagot ni Yuno.
"Ah, yes. Marshall ang last name mo, I get it. How were you related—"
"Uhm sir, maybe we can talk about that next time? We'll meet again for sure." Ngumiti si Sir Zai sa sinabi ni Yuno
"Sierah, behave." Paalala ni Sir Zai sa anak niya kaya napangiti ako, ngumuso si Sierah hanggang sa may medyo bata na lalake ang lumapit sa amin.
"Ate," nang ngumiti ito at humalik sa pisngi ni Jami ay nakagat ko ang ibabang labi ng lumabas ang dalawang cute na dimples nito sa mataba niyang pisngi.
Ang cute..
"Happy birthday ate!" Nakangiting sabi nito, pasigaw.
"Thank you Zian." Sambit ni Jami.
I guess he's 14 or 15?
"Ate Sierah," nang lumapit si Zian kay Sierah ay doon ko nalaman na magkapatid sila dahil sa pagkakahawig nila, parehas na brown ang mga mata nila at parehas sila ng kulay sa balat.
Matapos no'n ay nagkainan na ang lahat at kasabay no'n ang sayawan. Habang ako ay tahimik lang, tahimik akong umiinom sa gilid ng biglang maupo sa harapan ko si Laze. "Bored?" Napatitig ako sa abo niyang mata tsaka ngumisi.
"Hindi naman, I'm just thinking." Matipid na sagot ko.
"Thinking about?" Tanong niya, hindi naman halatang interisado siya dahil sa tingin niya sa akin parang nagbabalak lang siyang mambwisit.
"Nothing, ikaw bakit ka nandito? Bored ka?" Sumbat ko.
"Why?" Nangunot ang noo ko sa tanong niya.
"Anong why? Ang hilig mo talaga sumagot ng tanong sa tanong ano?" Iritang sabi ko dahilan para ngumisi siya at inumin ang hawak niyang kupita.
"Matapang ang alak na iniinom mo," sambit niya.
"Bakit ka nga nandito?" Kwestyon ko.
"Bored ka?" Kwestyon ko ulit.
Matunog siyang tumikhim at bigla ay napatitig ako ng maging blangko na naman ang tingin niya sa akin, "Why? You're gonna ask me to have fun with you?" Napalunok ako ng unti unti siyang sumeryoso.
"Tinanong ko lang." Sambit ko.
"I'm actually in a verge of confusion," biglang sabi niya kaya nangunot ang noo ko, "Tungkol saan?" Sambit ko.
"About you, Jem and Yuno." Tumaas ang kilay ko.
"Stop being mischievous, Laze. Wala akong panahon makipaglokohan o makipag-asaran sa'yo ngayon," napipikon na sagot ko.
"I am not, really."
Ngumiwi ako at huminga ng malalim, "Are you taken or not?" Nangunot ang noo ko sa tanong niya.
"Taken by heart, single in person." Tumaas ang isang kilay niya at ngumisi, natigilan ako ng basain niya ang ibabang labi at ganoon ako napatitig sa kaniya ng magbaba siya ng barya sa mesa.
"What's that?" Kwestyon niya.
"Let's drink, lightly." Seryoso ko siyang tinitigan, hindi ko siya maintindihan sa sinasabi.
"As friends." He added and took a sip on his wine glass. Nakagat ko ang ibabang labi at uminom na lang rin hanggang sa biglang dumating si Yuno at ibinaba niya ang kupita na hawak at nginisihan si Laze.
"It's nice seeing you again, Laze." Nababahiran ng sarkasmo ang tinig niya, "I didn't go here to argue with you. Yuno," nangunot ang noo ko ng sumeryoso si Laze.
"Can I tell you a secret, Miran?" Nang lumingon sa akin si Yuno ay nagtaka ako.
"Secret?" Kwestyon ko.
"Should I tell her some secrets we share together, Laze?" Nakita ko kung paaano tumalas ang tingin ni Laze kay Yuno.
"I've got nothing to lose, Yuno." Seryosong sagot ni Laze, "It's actually a win-win situation." Nagtaka ako at tinitigan silang dalawa.
"Really? Then why can't you tell her a secret that we both know?" Napansin ko kung papaano humigpit ang hawak ni Laze sa kupita.
Laze playfully pushed his tongue in the insides of his cheeks, not until he gazed at me and smiled. "You have nothing to worry," ngunit ganoon ako nagulat ng tumayo siya at tsaka sandaling tumigil nakaharap kay Yuno.
"Follow me." Sambit ni Laze at tsaka siya naglakad papaalis.
Baka mag-away na naman sila?
"Yuno, sandali." Hinawakan ko si Yuno sa pulsuhan.
"Don't have a fight with him, please." Ngumiti si Yuno at tumango sa akin kaya naman bumalik na ako sa pagkakaupo ng umalis siya.
Kalagitnaan ng gabi ay medyo tinatamaan na ako sa iniinom ko, hindi na muli ang lumapit sa akin si Laze o Yuno, wala rin akong balita kung kumusta sila. Tumayo ako at naglibot libot, ngunit natigilan ako ng makasalubong ko si Laze mula sa nilalakaran.
Tumitig siya sa akin, ngunit kinabahan ako ng muling makita ang walang emosyon niyang mukha. "Are you drunk?" Kwestyon ko, matipid siyang umiling sa akin.
"Tipsy," sagot niya.
Sinuri ko ang mukha niya, wala namang sugat, walang pasa, mukhang nakinig sa akin si Yuno. "Do you hate each other that much?" Sambit ko, ngunit naaatras ako ng hawakan niya ang pisngi ko dahilan para kabahan ako.
Ang tibok ng puso ko at kahit sa malamig na lugar ay bigla akong nainitan, "What are you doing?" Sambit ko at hindi makapaniwala siyang tinitigan.
"We don't really hate each other, we just hate the fact that he knows one of my secret, and he hates the fact that he can't even speak a bit because he doesn't want to spill my secrets." Nangunot ang noo ko at naguguluhan na tinitigan siya.
"Anong sikreto ba 'yan?"
"Nothing," matipid niyang sinabi at binawi ang palad sa pisngi ko at ibinulsa na lang 'yon na para bang 'yon ang paraan para maiwasan niyang haplusin ang pisngi ko.
"Don't you have someone to hangout with?" Tumango ako sa tanong niya, "Let's go," anyaya niya at nangunang maglakad.
Sumunod naman ako at nang makaupo sa hindi aircon na parte ng lugar ay naupo siya sa kaharap at tumanaw sa kalangitan, mula rito ay tanaw rin ang malawak na karagatan. "W-When did you get your emotions back?" Napatitig siya sa akin sa biglang tanong ko.
"I-I mean, k-kailan?" Dahil sa titig niya ay kinabahan ako at pakiramdam ko mali na nagtanong pa ako, "H-Hindi mo naman kailangang sagutin." Bulong na dagdag ko at napaiwas tingin.
"It started when I started to like you before," napakurap ako sa sinabi niya.
"Ha?"
L-Like? Hindi ba siya mahihiya? Kasi kung ano ikakahiya ko 'yon? Kung ako man ang nagkagusto..
"But it gets worst when you hurt me." Nanlaki ang mata ko sa deretsang sagot niya.
"You didn't asked me to stay, you just pushed me away." Ngumisi siya at napansin ko ang pag kagat niya sa ibabang labi niya na para bang pinipigilan niya ang sariling may sabihin.
"I guess, I waited for your call. Your text, your presence, everything. When I was in US, I am still waiting for you to ask me to go back, but it didn't happen." Nakatitig siya sa malayo at hindi sa akin ngunit bigla akong nalungkot.
"But then that hit me, because if you like me. You would text me even if it's months ago, years passed and I didn't receive anything from you." Ngumiti siya, nang lingunin ako ay tumango siya.
"Sorry."
"Don't feel sorry about it, I'm okay. I'm already good, and happy." Itinaas niya pa ang makapal na kilay to assure me, sumimsim siya sa kupita niya at tumingin sa relos niya.
"You're drunk already, that's enough for tonight." Sambit niya at sinenyas ang kupita ko.
"Uubusin ko lang." Sagot ko.
"I'll accept your revenge." Biglang sabi ko at napatitig sa mukha niya, sa sinabi ko ay nagbago ang reaksyon ng mga mata niya at natignan ako.
"Don't accept it willingly, I won't be satisfied." Umirap ako sa sinabi niya.
"Sige lang, okay lang naman. Naging masama ako sa'yo," wika ko.
"Masama ka naman talaga sa akin, what's new." Sarkastikong saad niya.
"Sorry talaga Laze," seryosong sabi ko at dahil doon ang titig niyang matalas ay biglang lumamlam, napaiwas tingin siya at matipid na ngumiti.
Ikakasal na rin naman ako, bakit hindi ko pa hayaan ang sarili kong sulitin ang gabi na 'to dahil kinaumagahan pag-aari na ako ng iba.
"Laze," matipid na tawag ko sa kaniya.
"Hindi mo na ako gusto, 'di ba?" Kwestyon ko na ikinatigil niya.
"Hindi na." Sagot niya kaya mapait akong ngumiti at tsaka ako tumayo.
"I am a horrible woman, Laze. You'll hate me after this, your girl might even curse me to death but I don't care. I want to play," nangunot ang noo niya habang nakatingin sa akin na nakatayo sa bandang harapan niya.
"What? Are you gonna kill me?" Nakangisi niyang sabi at naguguluhan, pero tinitigan ko ang mukha niya at tsaka ko pinantayan 'yon.
"I'm going to do the things I'm not good at," binasa ko ang labi at tsaka ko sinunggaban ang labi niya, dahil sa ginawa ko ay napasandal pa siya sa wall.
Ipinikit ko ang mata at lakas loob na nanatili sa pwesto ko ngunit nang maramdaman ko ang pag awang ng labi niya ay hindi ko na alam ang gagawin kaya napapahiya akong hinawakan ang pisngi niya.
Bago pa man ay natigilan ako humiwalay siya at hindi ako makapaniwalang tinitigan, "This is cheating Hakuna Miran," hindi makapaniwalang sabi niya.
I know, I know it well.
Napatitig ako sa labi niya tsaka ako ngumisi, "That's why I called my self horrible." Seryoso ang mukha niya at tsaka siya tumikhim at umayos ng upo.
Parang hindi makapaniwala sa inasta ko, "Do you hate me now?" Ang malamlam niyang mata ay tumitig sa mata ko.
Napatitig ako sa kaniya ng dahan dahan siyang tumango, "Yes." That pierced my heart.
///
@/n: Any thoughts? Feel free to comment, keep safe!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro