Chapter 46
Chapter 46:
Hakuna Miran's Point of View.
Matapos maligo ay sinuot ko na ang damit ko, lumabas naman ako dala ang damit na suot ko kanina. "May laundry po?" Tanong ko sa housekeeper.
"Ay akin na ma'am, ako na." Inabot ko 'yon sa kaniya.
"Salamat po."
Dumeretso naman ako sa kusina upang uminom ng tubig ngunit napatigil akong muli ng makita ko si Laze na nasa harapan ng ref at nakatitig lang. "Excuse me," mahinang sabi ko napaatras siya ng abutin ko ang pitsel at pumunta sa sink.
"Ano bang ginagawa mo diyan?" Kwestyon ko.
"Thinking what should we eat," sagot niya at isinarado ang ref.
Naitikom ko ang bibig ko at sumandal sa kabilang sink, "You're still wearing the bracelet I gave you as a gift huh?" Biglang sabi ko ng mapansin ang pulsuhan niya, natigilan siya at nasulyapan ang puso niya bago siya ngumiti.
"Gifts are precious," matipid niyang sabi at sumandal rin sa kabilang sink sa kung saan malapit sa ref at stove.
"Have you tried removing it?" Kwestyon ko sa pagtataka, imposible na kahit isang beses hindi.
"I didn't try, why?" Palihim kong nakagat ang ibabang labi ng nagbigay 'yon ng katiting na kasiyahan sa puso ko.
"Wala, I just got curious as I'm the one who gave that. Malay ko ba may sama ka ng loob sa akin," pabulong na sabi ko at hinugasan na ang baso na ginamit ko.
"Sama ng loob? What for?" Kwestyon niya muli at bahagyang itinaas ang bagsak niyang buhok na humaharang sa noo niya.
"Wala," sagot ko.
"Ah so you think I hate you?" Umawang ang labi ko ng nakangisi niyang sabihin 'yon, he's showing facial expressions now huh?
"Kind of?" Nagtatakang tanong ko.
"I don't, no worries." Nang ngumiti siya ay ganoon nangunot ang noo ko ng lumabas ang dimples niya ngunit agaran niyang binawi ang ngiti at humarap sa sink para maghugas ng kamay.
He's making me think of him.
"Nandito pala kayo, anong gusto niyong kainin at ihahanda ko?" Nangunot ang noo ko kay manang na housekeeper.
"Chef rin po kayo dito?" Gulat kong tanong.
"Nako naman ma'am, marunong lang magluto hindi chef." Natawa pa siya kaya napangiti ako.
"Manang can I request something?" Nalingon ko si Laze ng sabihin niya ang word na manang, wow ha ang arte parang lalakeng maarte.
Mehnang?
Sabagay basa nga niya sa Miran ko Merahyn.
"Osige sir, ano ba 'yon?"
"Do you know how to cook sinigang na belly ng salmon? And a fried chicken popsicles?" Lumunok ako sa request niya, "Oo naman sir, sige ba tatawagin ko na lang kayo pag tapos na." Nakangiting sabi ni manang kaya naglakad na ako.
"Ikaw ma'am?"
"Manang huwag na pong ma'am, Miran na lang po." Nakangiting sabi ko.
"Okay na po ako doon," dagdag ko at kinawayan siya tapos ay naglakad ako papunta sa salas upang manoon sana ng tv dahil walang tv sa kwarto halatang for family bonding ang rest house na 'to.
Ipinatong ko ang cellphone sa hita ko habang nanonood ng balita ngunit nagulat ako sa sariling vibrate ng cellphone ko dahil tumawag si Ate Janella. "Hoy gaga, ano panty mo ngayon? Yung gamit mo naiwan mo sa sofa." Mukhang kauuwi niya lang kaya mahina akong natawa.
"Sungit naman mare—"
"Anong mare mare, ate mo 'ko ngayong wala kang dadamitin. Gusto mo ba mangamoy tuyo?" Ganoon ako natawa ng sabihin niya.
"Kalma ate, ako lang 'to. Lahat nagagawan ng paraan—"
"Wala kang panty?!" Nanlaki ang mata ko sa pasigaw niya, "Sino walang panty?!" Nanlaki lalo ang mata ko ng marinig si Jem.
"Hoy Jeremy! Anong walang panty doon ka nga, epal ka ah!" Galit na sabi ko, ngunit ganoon ako nahihiyang napalingon ng halos mapatid si Laze na uupo at makiki-nood lang sana ng tv.
Nanlaki ang mata ko ng magulat siya sa narinig, "B-Bahala nga kayo diyan," nahihiyang sabi ko at pinatay ang tawag. Nakakahiya.
Napapahiya ako sa sariling bibig ko.
Naibaba ko ang cellphone sa hita ko at hindi magawang lumingon sa gawi ni Laze. What a shame.
Makalipas ang oras ay tinawag na kami para kumain ngunit mas natuwa ang puso ko ng sabihin ni Laze ha sumabay na si manang sa amin kumain. "Ay hindi pwede 'yon sir." Naiilang na sabi ni manang.
"Kasabay ko rin po kumain sa mesa yung mga nag-alaga at kasama ko sa bahay manang." Sagot ni Laze, kaya sabay sabay kami kumain.
Kinaumagahan ay ala singko pa lang ng umaga gising na ako, nandito naman na ang grupo ng mga construction workers pati na si Jem at Crizel na inaantok pang sinamahan ako.
Matapos sabihin ang plano ay naupo ako sa silya sa labas ng rest house dahil inaantok talaga ako literal. "Kape," inabot ni Jem ang cup sa akin kaya tinanggap ko 'yon.
"Salamat."
Mabilis naman na dumaan ang oras at nang padilim na ay hindi na lang kami ni Laze ang mag-iistay kasama na si Crizel, Ruri, Carl at Jem. Nang padilim na ay naglakad ako papunta sa site para tignan kung maayos ba, pero lumabas rin ako kaagad dahil walang suot na gear.
Habang naglalakad ay natigilan ako ng nandito yung girlfriend ni Laze, nangunot ang noo niya ng makita ako. "Ikaw yung colleague niya 'di ba?" Tumikhim ako at tumango.
"Pwede mo ba akong samahan sa kaniya?" Tanong niya kaya luminga linga ako.
"May pupuntahan kasi ako, pero pwede ko naman ituro sa'yo." Natigilan siya ng mapatingin sa leeg ko, "Familiar yung necklace mo—" mabilis akong napailag ng akma niyang hahawakan 'yon ngunit naputol dahilan para mapatingin ako sa baba.
Huminga ako ng malalim ng hindi ko makita sa lapag ang kwintas ko. "It's not my fault." Mabilis na sabi nito, kaya tumaas ang kilay ko.
"If it seems familiar to you maybe respect my boundaries?" Naiinis na sabi ko at lumuhod upang hanapin ang kwintas ko na nasa madilim na parte ng buhangin.
"I-I know but it's not my fault, h-hindi ko naman intensyon na maputol." Umawang ang labi ko at mas nairita ng hindi ko makapa at makita ang kwintas.
"Really? Hindi ka na lang mag-sorry for losing it?" Inis na sumbat ko, tumaas ang kilay niya.
"It's not really my fault?" Inis na sabi niya na at bahagyang pumadyak ang paa.
"Then can you at least help me find it?" Sumbat ko.
"What if I don't?" Mariin akong pumikit at inis na tumayo.
"Look, miss. Hindi mo dapat hinahawakan ang bagay na hindi mo pag-aari, tapos sasabihin mong hindi mo kasalanan? At least feel sorry that because you wanted to touch the necklace, it broke and fell. Now it can't be seen," gitil ko.
"Wow, so you're saying na I have debt just because of that trash necklace?" Bahagyang kumuyom ang kamao ko sa pagka-irita sa kaniya.
"That necklace is important to me, how could you call it a trash?" Napipikon ko ng tanong.
"What's the matter here?" Nang biglang sumingit si Laze ay mas nairita ako.
"At least find a girl that has a conscience," inis na sabi ko at muling hinanap ang kwintas. "Wow, for your information I have conscience and it doesn't work on you because I didn't do anything bad, how could you blame it to me?" Kung hindi lang 'to mas bata pinatulan ko na.
"Enough," sita ni Laze sa girlfriend niya.
"Stop siding with her, wala naman talaga akong ginawang masama." Inis na sabi ng babae kaya inis akong tumayo.
"After you call my necklace, trash? Wala kang magawa pero may nasabi meron." Inis na sumbat ko, napabuntong hininga si Laze.
"Trash naman talaga eh, edi papalitan ko na lang kesa salita ka ng salita!" Napairap ako at hindi makapaniwalang tinitigan ito.
"Importante nga sa akin yung kwintas, kailangan kong hanapin 'yon kasi regalo 'yon sa akin. Anong papalitan?" Galit na sabi ko na.
"Calm down, both of you please." Laze stated.
"Palibhasa asa kayo sa pera ng mga magulang niyo kaya hindi kayo marunong magpahalaga ng isang regalo." Galit na sabi ko na ikinatigil nilang dalawa.
"W-What did you just say?!" Galit na tanong sa akin ng babae at akmang susugurin ako pero mabilis siyang hinarang ni Laze at pinakalma.
"Ugh really?! You're so mean!" Ayaw paawat no'n at halatang galit siya.
"Stop," utos ni Laze.
"Wait me at your car." Padabog na umalis yung babae at sinamaan pa rin ako ng tingin.
"You shouldn't have said that," mahinang sabi ni Laze kaya sinamaan ko rin siya ng tingin.
"Why not? Nasaktan rin naman ako ng sabihin niyang basura yung kwintas na 'yon, why I can't hurt her back? Because it does hurt you too?" Inis na sabi ko dahilan para mapatitig siya sa akin.
"Hindi ba totoo yung sinabi ko? Yung car niya galing sa pera ng magulang niya, yung lahat ng meron kayo kaya niyo bang pahalagahan? 'Di ba hindi kasi tulad ng sinabi niya madaling palitan kasi may pera kayo!" Galit na sabi ko, kumuyom ang kamao ko.
"Still, it hurts her." Umawang ang labi ko.
"Sinabi ko bang hindi? Sinabi ko bang hindi masakit yung sinabi ko? Kung kakampihan mo yung babae na 'yon wala akong pakialam pero umalis ka sa harapan ko." Galit na sabi ko nakaturo sa kung saan.
"Architect Lapiz," naninitang tawag niya.
"Ano? Hindi ba totoo? Yung posisyon mo ngayon, bakit ka VIP kasi 'di ba dahil sa pamilya mo? Dahil sa apelyido mo, dahil sa kapangyarihan na meron kayo kaya ang dali-dali para sa inyong tawagin na basura ang importante sa iba!" Mariing sabi ko na ikinatigil niya, sumeryoso ang mukha niya ngunit nagtaka ako ng maging blangko 'yon.
"You're being out of the line, Hakuna Miran." Sinamaan ko siya ng tingin ng tawagin ang buong pangalan ko.
"I was in my position because I worked for this," naitikom ko ang bibig ng mahimigan siya ng galit.
"I had all of these because I worked hard, I studied hard, I didn't sleep for weeks just to pass the bar exam. How could you say all of that as if you knew everything?" Hindi ko nagawang magsalita sa sinabi niya.
"I never used a power, I never used my last name. Hakuna Miran, medyo sumasakit ka magsalita ah?" Nang peke siyang ngumiti ay napahiya ako, hindi ko alam ang sasabihin.
"Then just like before, be numb." Mariing sabi ko na ikinabago ng tingin niya, napamaang siya sa nilabas ng bibig ko.
"Woah," he gasped as if he heard it for the first time in his life.
"You're really something, something I didn't expect." Tinignan niya ako ulo hanggang paa bago niya ipamulsa ang mga kamay at talikuran ako na para bang sinasabi ng mga tingin niyang 'yon na hindi niya na ako kilala, na sumama ang ugali ko dahilan para makagat ko ang ibabang labi at napaupo sa sarili kong paa habang tumutulo ang luha.
Naiinis ako, naiinis rin ako kung bakit ako ganito.
Bigla ay namalayan kong umiiyak na akong nangangapa sa buhangin, ang sakit pala pag galing sa kaniya pero ang mas masakit mukhang masyado akong naging masama.
Panay ang pigil hikbi ko ng may bumuntong hininga sa likuran ko, "Ano nangyari?" Nang marinig ko ang tinig ni Jem ay mas nahiya ako.
"W-Wala." Nakagat ko ang ibabang labi upang magpigil.
Bumuntong hininga siya at mahinang suminghal, "Halika nga rito. Umiiyak ka na naman," ngunit ganoon bumigay ang luha at impit na hikbi ko ng itayo niya ako at itago sa dibdib niya habang hinahaplos ang ulo ko.
"Tahan na, ano man ang nangyari." Bulong ni Jem.
"Hay nako." Bulong ni Jem at mahinang natawa, "Bumalik lang siya umiiyak ka na naman," ngumuso ako sa pahabol niyang sinabi.
"Grabe ka naman," bulong ko.
"Girlfriend niya 'yong ma-attitude na 'yon?" Marahan akong tumango sa kaniya, "'Yon lang," mahinang sabi niya at pinunasan na ang luha ko.
"Huwag ka ng umiyak, papangit ka niyan." Ngising sabi niya pa kaya napanguso ako lalo.
Nang tumahan ay sinubukan kong hanapin ang kwintas ngunit ng wala ay sinabihan ko ang sarili na sa oras na lumiwanag hahanapin ko ulit 'yon. Bumalik kami sa loob, kumain kami ng gabihan ng sabay sabay ngunit hindi ako umiimik dahil sa nangyari kanina sa amin ni Laze.
It's his first time calling my name again and it hurts this time.
Matapos kumain ay walang imik na tumayo si Laze at dumeretso sa kwarto niya kaya napabuntong hininga ako, pumasok na rin ako sa kwarto upang mag-shower sa banyo.
Makalipas ang ilang oras ay alas diyes na ngunit hindi ko magawang matulog kahit na maaga ako nagising, hindi ako sanay na walang makapa sa leeg bago ako matulog. Pinilit kong pumikit ngunit ganoon na lang ako nainis at bumangon.
I need to find it now.
Kinuha ko ang jacket ko tsaka ko dinala ang cellphone for flashlight, tahimik akong lumabas ng bahay ngunit ganoon ako natigilan ng matanaw ang likod ni Laze na nakayuko sa buhanginan kung saan nawala ang kwintas ko.
Tila nakaramdam ako ng kakaibang hiya dahil kahit na ganoon ang sinabi ko ay hinanap niya pa rin 'yon, bumuntong hininga ako at dahan dahan na lumapit. "Architect Garcia, anong ginagawa mo?" Kwestyon ko.
Natigilan siya at nalingon ako bago niya muling ituon ang atensyon sa buhangin. "Nothing, I'm doing nothing." Sagot niya kaya ngumiwi ako.
"Don't bother looking for it," mahinang sabi ko.
"I don't deserve your help, but I won't apologize as your girl hurt me first." Natigilan ako ng tumayo siya at ilahad ang kwintas sa harapan ko.
"Find it." Nanlaki ang mata ko at mabilis na kinuha 'yon sa pagkakahawak niya, nakahinga ako ng maluwag at hinawakan 'yon ng mahigpit.
"I won't accept your apology anyway, since you've hurt my feelings first." Nang sambitin niya 'yon ay ngumiwi siya at nilampasan na ako, wow parang double meaning 'yon ah? Parang hindi lang yung ngayong gabi parang pati yung past 4 years kasama?
Napairap ako. "As if I would apologize, Architect Garcia. In your dreams." Pahabol na sabi ko dahilan para matigilan siya at matalas akong tignan.
"Don't," inirapan ko siya at nag-pauna tapos ay tumigil half way.
"I'm not even thankful." I lied that made him play his tongue on the sides of his cheeks.
"Whatever." Sambit niya at nilampasan ako kaya mas inunahan ko siya maglakad, nakakainis porket matangkad siya ang yabang yabang niya na.
Magsama sila ng girlfriend niyang kaugali niya, maarte. Dahil sa kwintas ko ay nakatulog ako ng mahimbing, maaga akong nagising muli at dumeretso ako sa kusina para sa umagahan na handa ni manang.
Ngunit ng makita si Laze ay inirapan ko lang siya, "Ganda ganda ng umaga, ang pangit ng bungad." Pagpaparinig ko at tinignan siya mula ulo hanggang paa dahilan para sikuin ako ni Crizel.
"Hoy gaga," bulong niyang sita.
"Yeah right, it should be a good day but then I saw a glimpse of you." Nanlaki ang mata ko ng idirekta ni Laze ang paratang sa akin, bastos 'to ah! Dapat parinigan lang hindi niya ba alam 'yon?!
"Oh." Bulong ni Jem at mahinang natawa.
"Old says enemies can be lovers." Biglang sabi ni Crizel kaya nanlaki ang mata ko at kinurot siya sa hita.
"Aray!" Reklamo niya at hinaplos haplos ang kurot ko.
"Ikaw ha, nananakit ka na!" Nakangusong reklamo ni Crizel.
"I'd rather make her my enemy for the rest of my life—"
"Pake ko?" Sumbat ko kay Laze at sinamaan siya ng tingin.
"Gusto mo malaman?" Nangunot ang noo ko sa sinabi niya, I was about to talk but then he told me this nonsense, "Kain ka gulaman." My jaw fell as i've heard him right.
G-Ginagago ba ako nito?!
///
@/n: Thoughts?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro