Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 44

Chapter 44:

Hakuna Miran's Point of View.

Ilang beses akong napakurap, pinagmasdan ko ang suot niya at halos malunok ko ang sariling dila ng sandaling mamataan ko ang pagmumukha niya. "Ay sheeesh, binabawi ko na yung sinabi ko." Mahinang sabi ng katabi ko.

One of his hands were holding a big gray luggage, and his other hand were on his black slacks pocket. Wearing a white longsleeve polo, nang makalapit siya ay inalis niya ang suot na salamin at isinabit sa dibdib niya nakasabit sa polo.

Hindi ko maalis ang titig ko sa mga abo niyang mata, ngunit mas natigilan ako ng sulyapan niya ako at tignan na ang iba. "I guess you're my team?" Nang marinig muli ang boses niya ay parang nanghina ang tuhod ko.

"Yes architect?" Inilahad ng engineer na lalake ang palad niya, "Garcia." Sagot nito at nakipag-kamay.

"Nice meeting you Architect Garcia, your last name suits you really good." Napaiwas tingin ako ng masyadong mawili ang pagtitig ko sa mukha niyang matagal ko ng hindi nasilayan.

It's been years..

"Thank you," sagot lang ni Laze.

Nang napansin ko na tinitignan nila ako ay doon ko napansin na ako na lang ang hindi pa nakikipag-kamay at ako na lang ang may suot ng sun glasses. "Uy," pasimpleng tawag sa akin kaya naman natataranta kong inalis ang salamin.

Nang tignan ko si Laze ay deretso lang ang titig nito sa akin, "Architect Lapiz." Pagtawag sa akin ng mga kasama kaya huminga ako ng malalim.

"I am the second architect, Architect Lapiz." Naiilang kong inilahad ang kamay at natigilan ako ng hawakan niya 'yon at makipagkamay.

"Nice, so let's go and have a meeting." He seemed so different right now, his emotions were visible but it was limited and I can't guess.

Naiilang akong naglakad, habang naglalakad ay tumunog ang cellphone ko. Sinagot ko naman ang tawag ni Jem habang naglalakad kami papunta sa van. "Have you heard it already lil' sis?" Nakagat ko ang ibabang labi at bumuntong hininga.

"Yes," matipid na sabi ko.

"What if sa team mo siya mapunta? Will you be okay?" Ngumiwi ako, kasama ko na nga eh ano pa bang choice meron ako.

"Actually nasa airport ako ngayon, sinundo yung fourth member ng team namin. Kayo ba?" Napaubo si Jem sa kabilang linya.

"I get it now, kasama mo siya? Ang malas mo lil' sis. Kaya mo ba?"

"What do you take me for Jeremy?" Singhal ko, nang mapalakas ay nahihiya ko silang nilingon.

"Tawag ako mamaya, ingat! Off to beach kami, same project tayo different teams." Paalam niya kaya ngumiwi ako.

"Sige sige, I'll see you." Nang mapatay ang tawag ay halos magulat ako ng panlakihan ako ng mata ng kasama namin na si Ruri yung babaeng engineer.

"Don't tell me kilala mo si Jeremy?" Alanganin kong nakagat ang labi at dahan dahan na tumango.

"Omg! He's the hot one! 'Yon yung crush ko noon!" Siniko pa nito ang kasama niyang lalake na si Carl.

"Really?" Natigilan ako ng sumingit si Laze sa sinabi ni Ruri, umiwas tingin kaagad ako dahil nangunguna ako sa paglalakad. "Yes, Architect Garcia. Sobrang bait pa— ay hala nakakaintindi ka Tagalog?" Gulat na sabi ni Ruri kaya ngumiwi ako.

Dumadaldal si Laze ngayon ha?

"Of course, I was born here." Sagot ni Laze, nang makarating sa van ay sumakay na ako sa harapan, solo niya naman ang kasunod na seat at sa pinakalikod yung dalawa.

"We're head to beach right?" Tanong ni Laze prenteng nakaupo at hindi ko siya gaanong malingon dahil baka iba ang isipin niya, galit kaya siya sa akin?

"Architect Garcia, may girlfriend ka?" Kwestyon ni Ruri.

"Who's single on these days," matipid niyang sagot kaya napalunok ako at pasimpleng pinaghawak ang mga palad ko sa kaba. Hindi rin matigil sa pagtibok ng mabilis ang puso ko.

"Ay shala. Sana all," sagot ni Ruri.

Bumyahe pa kami ng mga isang oras bago marating ang beach sa kung saan itatayo ang hotel at resort ngunit nakita ko kaagad ang mga kaibigan na nasa mismong sand at nagsusukat.

Nang malingon nila ako ay nanlaki ang mata nila lalo na si Crizel, ngunit napansin ko na wala si Yuno at Janella, baka ibang team? Nang makalapit sa kanila ay hindi kaagad naawat ang bibig ni Crizel. "OMG Laze! Long time no see!" Masayang bati ni Crizel at halos tumalon pa.

Si Jem naman ay seryoso lang, ngunit si Ruri ay hindi mapakali, makaharap niya ba naman yung big time crush niya kahit sino hindi mapapakali. "How have you been?" Balik lang ni Laze kay Crizel.

"Eto, maganda pa rin syempre. Ikaw ba? Tagal mo rin nawala ah," hindi ako kunportable at lubusan akong nahihiya sa nangyayari.

"I'm good, I finished early." Sagot ni Laze.

"Uy mas gumwapo ka!" Naningkit ang mata kong nakatingin kay Crizel dahilan para mapansin niya ako at dahil doon ay alanganin siyang ngumiti at tumawa.

"Naiinitan ka ba mare? Tubig?" Tanong niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Ah so friends kayo ni Architect Garcia?" Tanong ni Ruri kay Crizel.

"Ay hindi ba obvious, hehehehehe. Classmates kami first year college." Turo pa sa akin ni Crizel at kay Laze.

"Ah nag-study ka pala dito." Lumunok ako.

Nang lumapit si Jem ay inabutan niya ako ng water bottle tapos nakabukas na 'yon. "Thank you." Sagot ko.

"Buti naisipan mo ng bumalik Laze? Tagal na rin 'no." Daldal pa ni Crizel.

"I'll go back after I finish this project," sagot ni Laze. Muli ay sinulyapan ko siya ngunit kwintas niya talaga ang natitignan ko.

Is it a trend these days?

"Tara muna doon sa silong," yaya ni Crizel at kumapit sa braso ko at tinangay ako nangunguna.

"Gaga mare, kita mo sinayang mo?" Bulong niya kaya siniko ko siya.

"Tantanan mo 'ko."

"Hays, ka-pogi na Laze." Bulong niya pa kaya inalis ko pagkakahawak niya.

"Doon ka sige," utos ko dahilan para matawa siya.

Ang presensya niya ngayon ay pinakakaba ako, at nagiging metikolosa ako sa bawat galaw ko, kinakabahan akong makita siya, makausap o makaharap man lang. "Architect Garcia dito ka maupo," binigyan nila si Laze ng upuan kaya naman nakatingin lang ako sa sariling plato habang nakaupo.

"Galing ka Japan 'di ba?" Tanong ni Crizel.

"Yup." Sagot lang ni Laze, matipid at malamig ang tinig.

"Ano doon ka nag-aral?" Tanong ni Crizel, ma-chismis talaga 'to.

"Nope, I finished a project there. A small one," napatango ang lahat bukod sa akin at kay Jem.

"Ang astig mo naman," sagot ni Crizel kaya napailing iling ako at mabilisan at palihim na hinilot ang sintido ko.

Pag-usapan na kaya nila yung project?

"Nahirapan kami ng umalis ka ng school, panay kalokohan alam ng nakakasama namin sa group ni Miran kaya hirap talaga." Kwento pa ni Crizel.

"Pero na-manage ni Miran na maging top 1," lumunok ako at mahinang nag-tap ng ballpen sa mesa. "Profession, let's set aside those past. Let's talk about blue print, I am not the one who's in charge. Just a reminder for everyone." Nahihiya man ako ay sinabi ko 'yon.

"Ah yeah." Carl stated and bring out the blue print.

"This is the first blue print, the original idea of the owner. We have to revised this for better," panimula nito at isinabit sa white board sa harap ng mesa namin.

"Architect Garcia," tawag ni Carl at dahil doon ay tumayo si Laze ngunit hindi ko inaasahan na bubuksan ni Laze ang pangatlong butones sa polo na suot niya na para bang ang init. Kinuha niya rin ang stick.

"Alright, let's get straight to the built pool the owner want." Panimula niya, blangko ang mga tingin sa blue print at tumitingin sa amin, "We can't let it sit at the back of the hotel. It should be in front, or the rooftop of the hotel." Itinuro niya ang mga pwesto no'n.

"I want to brought up something, Architect Garcia." Tumayo ako ng tanguan niya ako, "As a second architect in charge, and as I've read the statement or the idea of the owner. You can't put this pool at the rooftop," kinuha ko ang laser at itinuro ang pwesto ng pool.

"Why?" Tanong ng iba, "Because another pool will be placed in this rooftop." I pointed it out using a laser and glanced at Laze.

"The resort have four pools in total, the built in placed in front of the hotel, the kiddie pool beside this big pool." I circled it using the laser, "Third was the one in the rooftop, and lastly the cornered glass pool placed in this part of the beach." Tumikhim ako ng matuyuan ng lalamunan.

"That's all," I stated. Halos maningkit ang mata ko ng pumalakpak si Crizel, "You're good." Ngising sabi niya pa kaya umirap ako.

"Well explained, thank you Architect Lapiz." Tumango ako kay Laze at bumalik sa pagkaka-upo.

Uminom ako ng tubig, ngunit hindi na kumalma pa ang puso ko sa bilis ng tibok nito. "I get her point, now let's talk about this 13th floor hotel. It's front will be built using bulletproof glass, what's the hotel flooring?" Kwestyon ni Laze, nang tumayo si Jem ay nagtitigan muna sila.

"The hotel flooring is three hectares, the whole resort were 10 hectares." Napakurap ako sa laki ng lupa na 'yon.

"Ah so they really own the whole island." Sagot ni Laze at tumango sa sagot ni Jem.

"Per hectare is 10,000 square meters. 1,000 is already big and this project might take a long time. So bear with my professionalism." Lumunok ako sa sinabi niya, wow ha.

"This hotel will have thick walls, and thick flooring for every floor. It should be earthquake proof." He announced.

"For this side, kids should have an outdoor play ground. Outdoor park, and a little pet's park." Nang sabihin niya 'yon ay naalala ko bigla si Bullet.

Nasaan na si Bullet?

Matapos mapag-usapan ang first floor ng hotel ay medyo nakahinga ako ng maluwag ng hindi ko siya gaanong nasilayan malapitan, kakaiba pa rin ang dating niya sa akin.

"We'll have a meeting again tomorrow, I'll see you all." Paalam ni Laze sa lahat, "See you Architect Garcia." Paalam nila.

"Let's go, both of you." Tangay sa amin ni Jem at naglakad sa kung saan rin naglakad si Laze, lumunok ako at sinulyapan si Laze sa kanyang likod.

He became more mature, no doubt mas gumwapo siya. "Where are you headed?" Natigilan kaming tatlo ng lumingon si Laze at tanungin 'yon.

"Ah sa bahay nila." Sagot ni Crizel at itinuro ako.

"Alright, take care." Nasulyapan niya muli ako at hindi ko matagalan 'yon kaya kunyare ay may tinignan ako sa cellphone ko.

"Uy bastos ha," senyas ni Crizel kaya natignan ko siya.

"Huh?"

"Gaga, hindi mo man lang sinabihan ng ingat, paano pag napano 'yon sa daan konsensya mo." Ngumiwi ako at bumuntong hininga.

"I am not comfortable around him yet," pabulong na sabi ko.

"Kahit na, you need to act professional since this is work." Ngumuso ako lalo at nang makauwi sa bahay ay tumambay si Crizel sa sala habang si Yamato ay  naglalaro sa cellphone niya ng kung ano mang laro.

"On game ka? Sali ako next game." Singit bigla ni Jem at naupo sa tabi nito.

"Maya kuya, tapusin lang."

Umidlip muna ako, at nang magising ng kinaumagahan ay naisipan kong mag-jogging dahil 11 AM pa yung meeting namin at pasok. Nag-suot lang ako ng simpleng black leggins at hoodie na puti. Sinimulan kong tumakbo ng 6 AM para hindi masakit sa balat yung araw.

Nag-jogging ako hanggang sa madaanan ko ang dati naming bahay na ngayon ay ibang pamilya na ang nakatira, huminga ako ng malalim ng may mga ala-ala na nanumbalik sa akin.

Umikot na ako at napatigil ako ng makita sa kung saan kami unang nagkakilala ni Laze, 'yon yung unang beses na kinwestyon ko kung tao ba siya. Gumanda na ngayon dito, kahit na ang mga punong lanta ay nagkaroon ng buhay dahilan para maging silong ito.

Nang mapagod ay naupo ako sa harapan ng convenience store upang uminom ng tubig, pinunasan ko rin ang pawis at sandaling nagpahinga. Ngunit natigil ako ng may malakas na tumahol at napatayo pa ako ng tumakbo ito papalapit sa akin ngunit ng makilala ko siya ay umawang ang labi ko.

Si Bullet.

Tinalon niya ako at dahil doon ay napangiti ako at hinaplos siya. "You're here." Nakangiting bati ko sa kaniya, "Long time no see Bullet." Inakap ko siya ng mabilisan hanggang sa dumating ang amo niya.

"Ah that's why he ran off that fast," sambit niya kaya tumikhim ako.

He's wearing a simple shorts and an oversized shirt. "How have you been Bullet? Are you great? Do you miss me?" Nakangiting sabi ko ngunit tumahol si Bullet kaya mas natuwa ako.

"How about you? How have you been?" Natigilan ako at natingala si Laze, napalunok ako at huminga ng malalim.

"I've been good. Great, I guess." Pagsagot ko.

"You're not gonna ask me back?" Bigla ay nahiya ako.

"Of course you're good right? You also look great." Bahagyang umawang ang labi niya sa sinabi ko, "Right." Tumango pa siya.

Nakagat ko ang ibabang labi ng hindi ko na alam ang sasabihin, ang bagsak niyang buhok ay itinulak niya patalikod dahilan para makita ng bahagya ang noo niya. "Do you still live here?" Kwestyon niya kaya tumango ako.

"In that subdivision," turo ko pa.

"Ah nice." Matipid niyang sagot, ngunit ang ipinagtataka ko ay ang emosyon niya. Nakikita ko na ito ngayon ngunit nakakalito kung anong pinakikita no'n.

Hindi ko alam kung masaya ba siya, interisado, malungkot, sarkastiko o ano pa man.

"B-Baka mauna na rin ako, hinihintay pa ako for breakfast." Napatitig siya sa mukha ko kaya bahagya akong nailang.

"N-Nice seeing you again," dagdag ko at hindi ko alam kung hahakbang na ba ako ngunit bago pa man siya magsalita ay natigilan ako ng malakas siyang tawagin ni Yamato na patakbo pang lumapit.

"Kuya naman, nakakatamad maglakad mula dito hanggang doon sa bahay. Kasama mo naman na pala si ate," nangunot ang noo ko.

"Huy, anong sinasabi mo?" Senyas ko kay Yamato.

"Luh ate, you are so bastos. Oo 'yon, pag nakita mo ang dating kaibigan at mag-uumagahan na yayain mo. Hays, ampon ka yata talaga— aray!" Singhal niya ng sipain ko siya sa bandang binti.

"Wala ako sa mood kaya huwag mo 'kong inaasar asar, uuwi na ako." Inis na sabi ko at naglakad na ngunit halos matigil ako ng sumunod si Bullet sa akin.

Kaya naman hinayaan ko na, nang makarating sa bahay ay alam kong kasunod sila Laze. "Kain na anak," anyaya ni mama.

"Shower lang ma," paalam ko at mabilis na umakyat sa kwarto ko.

Bago pa man makarating sa kwarto ko ay nakasalubong ko si Jem. "Ano ganap at salubong kilay mo?" Kwestyon ni Jem.

"Si Laze nasa baba," nakangusong sabi ko.

"Gusto mo rin makita eh, shy ka lang." Umirap ako at pumasok na sa kwarto, mabilis akong nag-bihis matapos maligo.

Nang makababa ay halatang ako lang ang naiilang kay Laze, dahil kahit si Ate Janella ay kayang kausapin si Laze na para bang wala na lang sa kaniya ang lahat.

Pero ako? I'm stuck.

"Maupo ka na anak," nahihiya akong naupo sa harap ni Laze at dahil sa tingin niya ay naiilang ako.

"Gagi Kuya Laze may tattoo ka sa batok?" Halos ma-curious ako sa sinabi ni Yamato, ano kaya yung tattoo niya doon?

"Ah yeah, little one." Sagot ni Laze.

"Ano 'to butterfly?" Tanong ni Yamato.

"Flaming butterfly," sagot ni Laze.

"Ano ibig sabihin kuya?"

"Just that," nakagat ko ang ibabang labi sa usapan nila.

Gusto ko rin makita.

///

@/n: Any thoughts?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro