Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 33

Chapter 33:

Hakuna Miran's Point of View.

Hindi pwede, ma-coconfirm ko lang kung sino siya kapag nakita ko siyang suot muli ang maskara. Habang bumibili ng pagkain ay nakaupo lang ako habang naghihintay. Nang makuha 'yon ay binuhat niya lahat habang ako ay sinasabayan lang siya maglakad.

"We've met at the ball," mahinang sabi niya.

"I can confirm it now," nang ngumiti siya ay hindi ako nakasagot.

Sheeeeesh!

"I ask you to stop messing with me," mahinahon kong wika at hinarap siya.

"You don't believe me?" Napakurap ako ng mag-snap siya using his fingers sa harapan ko. "Whom do you like? She or the he?" Nang banggitin niya 'yon ay biglang nag-flashback sa ala-ala ko ang mga panahon na magkaharap kaming dalawa.

Napakurap ako. "N-Nonsense." Gitil ko at mas binilisan ang paglalakad.

Nang nasa condo na ay maingat kaming nagbukas ng pinto, pero nang kaunti ko pa lang na nabuksan 'yon at nakasilip pa lang ay awtomatiko kong naisarado ng maingat ang pinto ng makita si Janella at Laze na nasa sofa.

Nakagat ko ang ibabang labi ko ng bahagyang kumirot ang puso ko, napakurap ako ngunit mahinang tumawa si Yuno. "If it pains you, tell them." Matipid siyang ngumiti sa akin at inunahan ako sa pinto.

"Coming." Malakas niya pang sabi kaya sumunod ako sa likuran niya.

Nang makapasok ay napansin ko na wala na si Laze sa sofa kaya huminga ako ng malalim, natapos ang gabi na 'yon na wala ako sa timpla at alam kong may ideya si Yuno kung bakit dahil mukhang may alam siya at siya nga yung lalake na nasa ball.

Mabilis na lumipas ang ilang linggo at hindi ko magawang pansinin si Laze dahil sumasama ng todo ang loob ko ngunit hindi ko naman maamin dahil masaya sila ni Janella. Mahinahon kong sinuot ang sapatos ko dahil balak kong samahan si Crizel sa pamimili ng grocery.

Muli ay natapos ang araw na 'yon na hindi ko nakausap si Janella o si Laze, tahimik lang ako at panigurado akong naninibago si Crizel sa akin. "May nangyari ba?" Biglang tanong niya habang isinasalpak ang frozen goods sa ref namin.

"Wala." Matipid na sagot ko.

"Hindi ba kayo maayos ni Janella? Nasabi mo na ba?" Naitikom ko ang bibig at umiling.

"Wala akong plano, at ayokong makagulo sa dalawa. Let them be, iiwasan ko si Laze mawawala rin 'to." Nakangiting sabi ko at tsaka inilagay na lang sa cabinet ang cereal.

"Hmm.." Natigilan ako ng bumuntong hininga si Crizel at sapuin ang mukha ko gamit ang dalawang palad niya.

"Huwag mo piliting ngumiti pag gusto mo umiyak, mas malulungkot ka lang lalo." Nang sambitin niya 'yon sa harapan ko ay awtomatikong namasa yung mata ko at tsaka unti unting napalitan ng pag-hikbi yung ngiti ko.

"Hays." Niyakap niya ako at tinapik tapik ang likuran ko.

"Ayos lang 'yan, ganyan talaga." Buong magdamag ay hinayaan niya akong maging malungkot upang mapagod raw ako, kasi pag naiipon mas napapasama.

Makalipas ang ilang araw ay tahimik akong nakaupo sa library dahil na-partner na naman ako ng prof namin sa kaniya dahil natutuwa siya sa outcome ng project namin kapag kami ang pagkasama.

Pero ayoko, kaya nag-solo na lang ako sa library. "Ms.Romero, architecture right?" Kwestyon ng librarian kaya napatayo ako at bumati.

"Yes ma'am."

"You can use the model room, malapit lang sa building 'yon." Nahihiya akong tumango at sinunod siya. Inayos ko ang gamit ko at dinala sa model room. Habang iniikot ko ang mata sa model room ay namangha ako.

Pwedeng gamitin 'to ng mga architecture students, as long as you have your ID that shows na architecture ka. Humanap naman ako ng pwedeng pwestuhan at inilapag doon ang mga gamit ko.

Sa labas ng model room ay may play ground for adults such as swings, and workout bar or the pull up bar. Ngunit bago pa man ako maaliw ay sinimulan ko ng gawin ang project na dalawa dapat ang gagawa.

Matapos ng layout ay nakaramdam ako ng antok kaya humikab muna ako at yumuko sa malaking desk, iidlip lang gigising rin ako after 10 minutes.

Ngunit naalimpungatan ako ng marinig ang tunog ng stapler na malaki kaua napamulat ako ngunit napalunok ako ng makita na kaharap si Laze pero sa ibang desk.

Nang mapansin niya na nagising ako ay tinignan niya ako ngunit ibinalik rin kaagad yung tingin sa ginagawa, inilalagay niya na yung para sa lawn. Tinignan ko naman kung anong oras na at doon ko nalaman na ala singko na pala ng hapon.

"A-Anong ginagawa mo rito?" Naiilang kong tanong, hindi niya muna ako sinagot at nang matapos niyang i-stapler yung lawn ay doon niya lang ako tinignan. "You're my partner in this project," wika niya blangko ang tingin.

"A-Ano naman? A-Ako na nga gagawa lahat.." Pagdadahilan ko.

"Really? We'll get the same grade on things I didn't even do?" Walang emosyon niyang tanong sa akin, he gently put the stapler above his desk.

"Okay lang." Mahinang sabi ko.

"Not for me, I always work hard for what I got." He stated and looked away kaya naman bumuntong hininga ako.

"Edi ikaw ng gumawa ng lahat?" Pabalang na sabi ko dahilan para matigilan siya.

"Then why does this called a group?" Napairap ako at mahinang tumawa.

"Edi kalahatiin natin yung gagawin, sa condo na ako gagawa." Wala sa mood kong sabi pero hindi niya ako pinansin.

"Why are you avoiding me?" Biglang tanong niya habang nakatingin sa layout, napalunok ako at pilit nag-maangan.

"Avoiding? Hindi ah."

"Gawin mo na, bilisan mo para makauwi na ako." Mahinang sabi ko ng hindi siya sumagot.

"Sit." Sinenyas niya ang upuan kaya bumuntong hininga ako at naupo.

Tinulungan ko naman na siyang gawin ang iba, nang lumipas ang dalawang oras ay nakaramdam ako ng gutom. "Let's go, unwind and eat." Yaya niya kaya bumuntong hininga ako at sumama na lang.

He's wearing a gray track suit, the collar has zipper that he can fully close or open. Nang makarating sa malapit lang na kainan ay pumasok na siya. "Choose for me," dahil sa sinabi niya ay natigilan ako. Seryoso ko siyang tinitigan.

"Choose your own food," mariing sabi ko na ikinatigil niya.

"Okay." Matipid niyang sagot kaya nang maka-order ay sinabi ko na ang order ko at ganoon rin siya. Hindi naman sa nag-iinarte ako pero pag mas hahayaan ko pa na maging close kami baka makalimot ako.

Pagkarating ng order ay hindi ako nagsalita at kumain na lang, tumikhim lang ang ginagawa ko at dahil doon ay mas mabilis kaming natapos na kumain para makabalik na kaagad sa model room.

Pagkapasok sa model room ay dumeretso ako sa kinauupuan. "Stop yawning, you're making me feel sleepy too." Natakpan ko ang bibig at hindi makapaniwalang tinignan si Laze.

"Huwag mo kaya akong tignan." Sumbat ko.

Umiling lang siya at nang matapos namin ang model ay pagod na pagod akong yumuko sa mesa, "Uwi na 'ko." Inaantok kong paalam at naglakad na habang dala-dala ang bag ko.

"I'll drop you off," wika ni Laze at sinabayan ako.

Nang nasa harapan na ng condo ay hindi na ako nagpahatid hanggang sa itaas, nagulat naman ako ng makitang magkakrus ang braso ni Crizel at si Janella ay panay pindot sa cellphone niya.

"Oh ba't ngayon ka lang? 'Di ba hindi ka na pinapayagan abutin ng alas dies sa labas? Alas onse na oy." Sermon ni Crizel.

"Tinapos ko yung project na model." Mahinang sabi ko.

"Pwede mo naman ditong gawin, hindi ka pa nagsabi kung saan ka nagsususuot hindi mo sinasagot yung tawag." Napahikab akong muli habang pinakikinggan si Crizel.

"Empty batt," wika ko at ibinaba sa harapan niya ang cellphone.

"Kasama ko naman si Laze," dagdag ko pa at inalis ang sapatos tsaka ako dumeretso sa kama at pumwesto na sa dulo dahil sa antok.

"Maghilamos ka muna kaya?" Suhestyon ni Crizel.

"Bukas na, inaantok na talaga ako." Pagmamaktol ko, bumuntong hininga naman siya. "Mamaya madikitan ka ng germs galing ka sa labas." Dagdga sermon niya kaya nakanguso kong niyakap ang unan.

"Mare," napamulat ako at natigilan ako ng may hawak na towel si Janella at ternong pajama.

"Magbihis ka na diyan, pupunasan na lang kita." Napalunok ako at biglang na-konsensya.

Pumunta muna siya sa banyo kaya mabilis akong nagbihis. "Mare ang liit," nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Crizel.

"Joke lang!" Mabilis na sabi niya kaya natawa ako at nagbihis na lang, ang presko naman ng pajama na 'to.

Nang makapagbihis ay lumapit si Janella kaya ngumiti ako at kinuha ang towel. "Ako na mare, salamat." Nakangiting sabi ko dahilan para mahina siyang matawa.

"Ikaw nga ang pinaka-baby," natatawang sabi niya kaya natawa kaming tatlo, matapos ko punasan ang sarili ay napreskuhan pa ako at bumango.

Makalipas ang ilang araw ay nagpaalam si Janella at Crizel na pupunta sa family party nila, isinasama ako pero marami pa talaga akong aaralin kaya naman pinili ko na lang magpaiwan dahil nitong mga nakaraang araw ay pakiramdam ko parati akong pagod.

Nakasandal ako sa sofa habang tinititigan ang ipapasa kong plates na hindi ko mawari kung maayos ba, may mali o ano pa bang dapat kong ayusin sa kaniya. Ala sais na ng gabi at may nag-bell kaya naman sumilip muna ako sa peephole pero nagtaka ako ng makita ko si Yuno na may dalang kahon.

Binuksan ko naman yung pinto at sinilip siya. Ngumiti siya kaagad showing his right dimple that made me gulp, "B-Bakit?" Kwestyon ko.

"Oh I can't come in?" Kwestyon niya kaya huminga ako ng malalim at binuksan ang pinto ko ng mas malaki upang makapasok siya.

"Can I sit?" Wala na akong nagawa kundi tumango, ibinaba naman niya ang kahon sa harapan ng mesa ko kaya nangunot ang noo ko.

"Anong pakay mo rito?" Maayos kong tanong at naupo sa single sofa.

"Ikaw sino pa ba, ikaw lang naman nandito." Lumunok ako muli sa sagot niya pero ngumiti siya at tumawa, "Biro lang, pero ikaw talaga ang pakay ko rito." Paglilinaw niya kaya mas lalo akong naguluhan.

"Open this," inabot niya sa akin ang kahon kaya nangunot ang noo ko at sinunod naman siya, pagkabukas ay natigilan ako ng makita ang puting blusa at may ternong flat sandals na kulay puti na may bahid na ginto.

"A-Ano 'to?" Nagtatakang sabi ko.

"Let's go out, dinner date. I wanted to see something," umawang ang labi ko at malakas na hinampas ang mesa.

"See something?!" Bulyaw ko.

"Lol, not that thing. I wanted to discover something, let's go out." Nakagat ko ang ibabang labi.

"Ano bang sinasabi mo?" Naguguluhan na sabi ko, tinitigan niya ako at halos mapaatras ako ng mag-lean over siya.

"Let's eat outside, have fun outside, let's make you happy even if it's just temporary." Tinitigan ko siya dahil hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa, siya ba talaga yung lalake sa ball?

"You want to forget him right?" Nalingon ko siya kaagad sa tanong.

"Yuno ano ba?"

"You want to forget the guy your best friend likes, I doubt you can do that without me?" Sa sinabi niya ay nakagat ko ang ibabang labi, si Crizel at yung guy lang sa ball ang nakakaalam no'n..

Hindi kaya siya talaga?

"Admit or deny, doesn't change my mind. Let's hangout." Nakangising anyaya niya, "I'll wait you. 10 minutes, you're already beautiful so no need to put a lot of effort." Napakurap ako ng ipatong niya ang palad sa ulo ko ay bahagyang guluhin ang buhok ko dahilan para iiwas ko 'yon.

"Sa labas ka mag-hintay," seryosong sabi ko at tsaka itinikom ang bibig.

"Okay, copy that." Sagot niya at lumabas na kaya nasapo ko ang noo ko at tinitigan ang binigay niya.

Siya rin kaya yung sender ng packages?

Inayos ko ang sarili tulad ng sinabi niya, nagbihis ako at sinuot ang sandals na para sa puting blusa na bestida. Tinignan ko ang sarili sa salamin bago ko inabot ang bag ko at lumabas na ng condo, nakasandal naman siya sa gilid ng pinto kaya hindi ako nahirapang hanapin siya.

[@/n: Idea purposes]

Tinignan niya ako mula paa hanggang ulo bago siya ngumiti. "You look beautiful, genes don't lie. What do you think?" Nangunot ang noo ko sa sinabi niya, pero ngumisi siya that made me shy.

"Tara na nga," anyaya ko. Hindi ako makapaniwalang gagamitin ko siya upang kalimutan yung lalakeng hindi ko inakalang magugustuhan ko.

Dahil wala naman siyang expression, wala naman siyang alam sa nararamdaman niya, bakit niya ako napunta sa sitwasyon na kailangan kong mamili.

"Kumapit ka naman," utos niya at kinuha ang kamay ko tapos ay ipinunta sa braso niya kaya wala akong nagawa kundi sundin na lang siya.

"Why do you have to get me these things?" Kwestyon ko, punong puno ng pagtataka. Napatitig siya sa akin bago ako pinagbuksan ng sasakyan, ngunit bago 'yon ay may sinulyapan siya at ngumiti.

"I asked you out, why can't I get you those things? Para hindi ka mahirapan mamili ng susuotin for me. I'll get those for you," he explained that shut my mouth.

May point Hakunq Miran.

Tumigil kami sa isang restaurant na hindi ko mawari ngunit mukhang mamahalin, pinagbuksan niya rin ako ng pinto at inalalayan kahit na hindi kailangan ay hinayaan ko siya.

Nang makaupo ay napalunok ako ng inilagay na lang sa harapan namin yunh mga umuusok pa na food. "I don't allow you to drink, you're still a minor." Umirap ako at kumain na lang.

"Thank you."

"My pleasure." Matipid niyang sagot at tsaka sinabayan na akong kumain, pagkatapos kumain ay natuwa ako ng dalhin niya ako sa amusement park.

Tuwang tuwa ang puso ko dahil hanggang peryahan lang kami noon at matagal na ng huli akong umapak sa ganitong klase. "Let's ride everything," anyaya niya.

"Why are you doing this?" Nagtatakang kwestyon ko pero ngumisi siya at nagkibit balikat.

"Just to make you happy and to find out something, I guess." Nakangiting sagot niya lang, sumakay kami at halos maiwan ang kaluluwa ko ay tawang tawa naman siya sa akin.

"Akala ko ba matutuwa ka HAHAHAHAHA ako yung natawa," napanguso ako ng panay halakhak siya.

"Gwapo ka nga gago ka naman," inis na sabi ko na mas ikinatawa niya.

"Genes, Hakuna Miran." Sagot niya na hindi ko naunawaan minsan man.

Baka sa gwapo na word.

Inabot na kami ng alas nuebe at doon niya lang ako naisipang ibalik sa condo. "Thanks for today, got to bond with you." Ngumiti siya habang nasa tapat na ng condo ko.

Hinarap ko siya tsaka ako huminga ng malalim. "You're confusing me, but thank you for making things not to hectic for me." Hindi niya inalis ang ngiti sa labi, kakawayan ko na sana siya pero inabot niya ang siko ko at nagtaka ako ng yakapin niya.

"I will do my best to keep you safe, I'm sorry for being late." Umawang ang labi ko at napuno ng pagtataka.

"Huh?" Gulat na sabi ko.

"Wala, yumakap ka na lang." Napalunok ako at nahihiyang tinapik ang likod niya.

"Tama na," bulong ko bahagyang nahihiya.

"Get inside, goodnight." Paalam niya, ngunit nanlaki ang mata ko ng yumuko siya at halos mawala ako sa balanse ngunit hinawakan niya ang balikat ko. Sa inakala kong hahalikan niya ako ay mahina siyang natawa sa tenga ko.

"Assuming," bulong niya.

"Keep this as a secret, I'll tell you a secret soon." Nang lumayo siya ay nanlaki ang mata kong tinitigan siya.

Secret? Anong secret?

Nang makaalis siya ay pumasok na ako sa loob ng condo at tsaka huminga ng malalim. He's playing with me, that Yuno Marshall..

I was about to remove my sandals but then someone bell, inis kong tinitigan ang pinto at binuksan. "Yuno nama— L-Laze." Gulat na sabi ko ng blangkong tingin niya ang sumalubong at bumati sa akin.

"A-Anong ginagawa mo rito?" Nagtataka kong tanong pero ni hindi man lang naalis ang tingin niya sa mata ko.

"Laze," pagtawag ko ngunit nanlaki ang mata ko ng hawakan niya ang kamay ko at hilain ako papalapit sa kaniya. Natuod ako sa pwesto ng akapin niya ako at itago ang mukha ko sa dibdib niya.

Napatitig ako sa kung saan ng marinig ang malakas na tibok ng puso niya, ngunit mas natigilan ako ng maramdaman ko ang palad niya na nakahawak sa likuran ng ulo ko at maingat na hinaplos 'yon dahilan para mag-wala ang sariling puso ko.

A-Anong ginagawa niya?

///

@/n: Any thoughts?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro