Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 31

Chapter 31:

Hakuna Miran's Point of View.

Marahan kong iminulat ang mata dahil medyo masakit 'yon at mahapdi sa gilid, bahagyang umawang ang labi ko nang sandaling maramdaman ang pagkirot ng braso ko. Sugat.

"Hakuna," hinanap ko kaagad ang may-ari ng boses at ng magtama ang mata namin ay napapikit ako ulit.

Siya na naman ba ang humanap at nagligtas sa akin?

"Call a doctor." May inutusan si Laze kaya pinilit kong bumangon kahit may kasakitan ang ibang parte ng katawan ko at mula sa hospital gown na suot ko ay nakita ko ang jacket ni Laze.

Mabilis niyang pinigil ang paghulog no'n mula sa dibdib ko, ang dalawang palad niya ay nasa balikat ko. "Y-You can't," nangunot ang noo ko ng pilit niya akong isandal.

"Bakit ba?" Kwestyon ko.

"You're not wearing anything under that hospital gown, Hakuna. I am a guy, there is a man in every corner of the room." Napalunok ako at sumandal kaagad, mas itinaas niya ang jacket niya at napaiwas tingin matapos lumayo.

Nakakahiya.

"B-Bakit ikaw lang ang nandito?" Tanong ko.

"The police doesn't allow any visitor other than me who took you here, nasa labas ang mommy mo pati na ang kapatid mo." Napalunok ako at dahan dahan na tumango, hindi ko gaano maimulat ang isang mata ko baka may sugat.

"What happened at the rooftop? There is no CCTV footages." Bumuntong hininga ako at pinaghawak ang kamay ko.

"May nabanggit siya tungkol sa tatay ko, galit siya. Wala naman talagang makakaalam kung bibitiwan niya ang kamay ko sa pinakataas. A-Akala ko mamamatay na ako." Nakagat ko ang ibabang labi ng maalala ang malamig na hangin at paglutang ko mula sa ganoon kataas na building.

"Kahit papaano siguro ay hindi pa rin niya kayang patayin ako." Mahinang bulong ko.

"Hmm. Still what he did to you is unforgivable. It's attempted murder." Hindi na ako nagsalita at tumulala na lang.

"Natatakot ako," pabulong na sabi ko at sa hindi inaasahan ay pagpikit ko may luha ng tumulo sa mga mata ako. Gusto kong sapuin ang mukha ko, takpan 'yon, pahidin ang luha ngunit masyadong masakit ang dalawang braso ko.

"I can't do anything, until you ask me for help Hakuna." Matipid lang ang sinabi niya ngunit malakas na ang dating sa puso ko, gusto kong umiyak, gusto kong magsumbong sa kaniya ngunit hindi ko gagawing sandalan siya lalo na't alam kong panandalian lang niya 'yon magagawa.

"Hindi na, kahit magsampa ako ng kaso, kahit sino pang abogado ang kunin ko mauubos lang ang pera ko hindi pa rin maikukulong si Tito Jubal." Mahinang sabi ko.

"Lahat ng police kaya niyang manipulahin dahil kung hindi matagal na sana akong hindi nahihirapan." Pumikit ako at hinayaang sumandal ang likuran at ulo ko sa nakataas na kama.

"You're so stubborn and won't ask for help." He seem disappointed at me but it doesn't matter, getting him involve in my mess will just put him in danger. His parents treasure him and I can't ruin his life.

"I won't ask for help." Paninigurado ko.

"I just can't ask for help because asking for help means making other person responsible of you." I explained, ngumiwi siya at tinitigan ako.

"You're just scared to have high expectations from someone and in the end they won't meet your expectations." Umiwas tingin ako.

"Whatever it is, it's just the same." Mariing sabi ko, huminga siya ng malalim at nanatiling nakatitig sa akin. "What?" Kwestyon ko.

"Nasaan si Janella?" Kwestyon ko.

"Outside."

"Thank you for saving me." Hindi na siya umimik sa pagpapasalamat ko, nanatili lang siya hanggang sa dumating na ang doctor at i-check ako.

"As of now, okay ka naman na pero kailangan mo munang mag-stay rito for a day for your open wounds to heal." Ngumiti ako at tumango.

"Bibigyan kita ng pain reliever para sa mga natahi mong sugat." Dahan dahan lang akong tumango, nilingon niya naman si Laze.

"Mr.Garcia pakilagyan na lang ng ointment yung mga sugat niya sa mukha okay?" Natigilan si Laze ngunit tumango lang.

"Make sure to disinfect your hands." Tumango muli si Laze at matapos no'n ay umalis na yung doctor sunod ay pumasok yung nurse na may dalang paper bag at may reseta rin kaya ng lapitan 'yon ni Laze ay na-curious ako.

"For your wounds," isinenyas pa niya ang mukha lumapit siya sa akin at naupo sa gilid ko para lang mailagay yung gamot, binuksan niya muna 'yon.

"Masakit 'yan?" Kwestyon ko.

"I don't know." Mahinang sabi niya at nilagyan ang nasa gilid ng mata ko.

Naipikit ko ang isang mata ng medyo humapdi ngunit mabilis rin na nawala 'yon, nang sa pisngi na ay dahan dahan akong napaatras.

"Hakuna." Nagbabanta niyang sabi kaya mariin akong napapikit dahil medyo malapit rin siya, nang malagyan ang sa gilid ng labi ko ay napangiwi ako kaagad.

"A-Aw.."

Nagulat ako ng bumukas yung pinto at ganoon na lang ang paglayo ko ng makita si Janella, baka iba ang isipin niya.

Natigilan rin siya ngunit matapos tignan si Laze ay lumapit siya sa akin. "Kumusta yung nararamdaman mo?" mahinang tanong niya sa akin.

"Okay ako syempre." Ngumiti pa ako ngunit sumakit yung sugat ko sa labi.

"Ang sama talaga ng step father mo, dapat sa kaniya makulong habang buhay niya sa kulungan." Nababahiran man ng galit ang pananalita niya ngunit ang hitsura niya ay nanatiling kalmado. Matipid akong ngumiti.

"Anong oras na?" Mahinang tanong ko ng maramdaman kong nagugutom ako.

"5 AM." Sa sagot ni Laze ay nanlaki ang mata ko.

"A-Alasingko? Bakit nandito pa kayo. Matulog na kayo." Gitil ko umiling naman si Janella.

"Kasalanan ko kung bakit nangyari 'yan sa'yo. Kung hindi siguro ako nagpasundo—"

"Ano ka ba, ba't mo naging kasalanan? Ikaw ba gumawa nito sa akin?" Sumbat ko.

"H-Hindi pero hindi ka nila nabantayan dahil sa akin, malapit na yung birthday mo pero napahamak ka pa." Ngumiti ako at umiling.

"Hindi mo kailan man naging kasalanan ang nangyari sa akin," paglilinaw ko.

"Pagaling ka na okay? Ipapakulong natin yung pangit na 'yon." Gitil ni Janella at masamang tumitig sa kung saan kaya napangiti ako.

"Hindi natin kayang ipakulong 'yon, gagamitin niya lang ang kapangyarihan niya para hindi makulong. Pamilya siya ng mga pulis." Pinagkrus ni Janella ang braso.

"Mayaman rin ang pamilya ko, baka gusto nilang magsampalan na lang kami ng kayamanan mapakulong ko lang yung gagong tito mo. Pinaglihi sa masamang damo." Ngumisi ako ar umiling iling.

"Nakalimutan mo na rin ba na magkaibigan lang tayo? Hindi gagana dahil hindi naman tayo magkadugo. Baka magalit lang sa'yo ang daddy mo." Mahinahon kong sabi.

Ngumuso siya. "Kahit na," pamimilit niya at naupo sa tabi ko.

"Kailan ko pwedeng makita sila mama?" Kwestyon ko.

"Matapos kang kausapin ng mga pulis." Tumango tango ako, matapos no'n ay pinagpahinga muna nila ako ngunit nalaman ko na si Laze lang ang pupwedeng mag-stay rito dahil siya ang unang nakakita sa akin.

Pinilit kong matulog, naupo naman sa mahabang sofa si Laze kaya bago ko ipikit ang mata ay nagtama muna ang mga mata namin. Ngayon lang yata ako matatahimik ng walang inaalala.

"Hakuna Miran."

"Hakuna!" Hinihingal akong napamulat at awtomatikong napaupo matapos kong mapanaginipan ang sariling nahulog sa taas ng condo, maluha luha kong tinitigan si Laze.

"S-Si Tito Jubal.." Natatakot kong sambit at lumingon sa bawat paligid, ang sakit sa puso parang napagod ako at nahirapang huminga.

"Wala," napatitig ako sa mukha ni Laze ng sapuin niya ang dalawang pisngi ko. Pilit kinukuha ang atensyon ko habang nanlalabo ang mata ko.

"Miran, wala." Dagdag niya at dahil doon ay humagulgol ako ng humagulgol sa takot, wala akong nagawa kundi manginig sa takot. Nanlalamig ang buong pangangatawan ko.

"Tumahan ka na." Malamig man ang tinig niya ngunit sa paghawak niya sa likod ng ulunan ko at isandal ang noo ko sa pagitan ng balikat at dibdib niya ay naramdaman ko ang init ng balat niya na tumatagos sa suot niya.

"I'm here." Unti unti na humina ang hikbi ko habang nanatili sa puwesto, ang pag habol ko sa hininga ay unti unti ring nabago dahil sa pagpapakalma niya sa akin.

"Go back to sleep," inalalayan niya akong mahiga at hinila niya ang monoblock at inilapit sa kama ko. Nakatingin lang ako sa kanya habang nakahiga at mamasa masa pa ang mata ko.

"I'll stay here." Napatitig ako sa kamay niya ng hawakan niya ang kamay ko at ayusin ang kumot ko, dahil dama ko ang antok ay hinayaan ko siyang hawakan ang kamay ko.

Kinaumagahan ay nagising akong nararamdaman ang malamig na buga ng aircon sa mismong balat ko ngunit mas naramdaman ko ang mainit na palad na nakahawak pa rin sa kamay ko habang ang araw ay tumatama na sa mukha ko ngunit ganoon ko kabilis nabawi ang kamay ng makita si Janella na nakaupo sa sofa habang pinanonood ako.

Nagising naman si Laze sa pagkabigla. Kumabog ng malakas ang dibdib ko, habang pinanonood si Janella na nakatitig at nakatingin lang sa amin. "K-Kumain na kayo, nagdala na ako ng umagahan." Napalunok ako at napatitig ng mangatal pa ang labi niya habang sinasabi 'yon.

Bigla ay nalungkot ako dahil hindi niya man aminin ay alam kong marami ng tumatakbo sa isip niya sa nakita ngunit hindi niya man lang kami nagawang gisingin o paghiwalayin ang mga kamay namin.

Ang tanga ko.

"J-Janella." Kinakabahan na tawag ko ngunit ang mga mata niya ay kumislap na nagsasabing maluluha na siya ngunit ngumiti siya at tumayo.

"Susunduin ko muna s-sila Yamato sa ibaba," paalam niya at iniiwas ang tingin sa akin bago lumabas ng hospital room dahilan para masapo ko ang sariling noo.

"May masakit sa'yo?" Sa tanong ni Laze ay napailing ako.

"Maupo ka na do'n." Walang ganang sabi ko at hindi maalis sa isip ko ang nararamdaman ni Janella, panigurado ay nasaktan ko siya, nasaktan namin siya dahil sa nakita niya.

Sino bang matutuwa na makita at mapanood mong may ibang kahawak kamay yung lalakeng gusto mo? Worst kamay pa ng kaibigan mo ang hawak. Tinitigan ko lang ang pagkain at kahit mahirap ay kinain ko 'yon dahil dinala niya.

Nang makabalik sila ay natapos na rin kaming kumain at si Laze ay nakagamit na ng banyo, wala akong masabi, hindi ko alam kung papaano ako magpapaliwanag sa kaniya gayung hindi niya binabanggit 'yon.

W-Wala naman talaga akong gusto sa kaniya ng una, h-hindi ko lang maintindihan bakit nagkaganoon bigla.

Hindi 'to pwede, h-hahanapin ko na lang yung lalake sa college ball sa kaniya ko na lang itutuon ang buong atensyon ko para walang masaktan. Mabilis na nagdaan ang araw at pinayagan na akong makauwi habang iniinom pa rin ang gamot ko.

Sinisimulan ko na ring iwasan si Laze tulad ng desisyon ko, kasama ko si Janella at Crizel ngayon sa condo ko at punong puno yung refrigerator, kumpleto ang stocks dahil sa kanila. Nakaupo ako sa sofa ngayon sa harapan ng mesa habang inilalabas sa puting envelope sweldo ko kasi 'to mula nang nakaraang linggo.

"Ano meron mare?" Sumilip si Crizel mula sa kama kaya natawa ako para siyang bata.

"Inaayos ko lang yung pera mare, para pag may babayaran nahati ko na." Tumayo siya at tumabi sa akin, "Magkano ba yung monthly mo dito sa condo?" Tanong ni Crizel.

"4,600 mare, kasi kasama na yung mga ibang gamit." Napatango siya.

"Ang baba naman pero? Mostly kasi 10,000 to 15,000 ang range. Hindi na bumababa lalo na pag may gamit. For how many months?" Kwestyon niya pa kaya naman napa-isip ako.

"60 months." Umawang ang labi niya at napaisip ng malalim.

"5 years." She stated, nangunot ang noo niya.

"Not enough pa rin for a condo price, specially in this building. Mukhang pabor sa'yo yung may-ari kung ganoon." Ngumiti ako at tumango.

"Mukhang ganoon na nga mare."

"Sige, sagot ko na yung dalawang buwan." Umawang ang labi ko sa sinabi niya.

"K-Kayo na nga may sagot sa pagkain, hindi na." Ngumiti si Crizel at tumayo tapos ay inabot ang bag niya kaya nagulat ako ng magbilang siyq ng pera at ilagay 'yon sa bayaran ng pera.

"Mahirap humanap ng titirahan mare, pero dahil sa'yo chill lang kami. Kumpleto pa sa gamit, kay Janella na yung kuryente tapos sa'yo na lang yung tubig." Umawang lalo ang labi ko.

"H-Hindi na—"

"Ay tse! Tatanggi ka na naman parang hindi kaibigan ha. Tubig na lang bayaran mo mare." Pamimilit niya, sinulyapan niya si Janella na nasa banyo naliligo.

"Janella!" Malakas na tawag ni Crizel sa pinsan.

"Ikaw na sa kuryente ha!"

"Oo! Matatapos na wait!" Balik sigaw nila dahilan para mapangiti ako at makahinga ng maluwag.

"Pero yung tubig hindi pa lumalampas ng 300." Paalala ko sa kanila.

"Edi mas maganda, sige na huwag ka ng ma-stress gawin mo na yung naiwan mong plates. Pagalitan ka pa ni sir." Ngumiti ako at tumango bilang sagot.

Focus na focus ako sa activities na kailangan kong gawin hanggang sa hindi ko namalayan na inabot na pala ako ng madaling araw, nakatulog na yung mga kasama ko sa harapan ng assignments nila kaya tumayo ako at umunat.

Ginising ko ang dalawa upang lumipat sa kama, para naman silang mga wala sa sarili na sumalampak sa kama kaya inayos ko ang kumot nila, napahikab ako ngunit hindi pa ako pwedeng matulog kung kaya't kinuha ko ang pera ko at tsaka ako sandaling lumabas ng condo.

Kahit pa naka-pajamas lang ako at V-neck shirt na oversized ay pwede namang lumabas, bibili lang ako sa convenience store. Nang makarating sa convenience store ay kumuha ako ng ice cream pero ganoon na lang ako nagulat ng may nakasagi sa akin dahilan para malaglag ko ang hawak.

"I apologize— Hakuna." Parehas kaming nagulat ng makita ang isa't isa.

"A-Anong ginagawa mo rito?" Gulat na tanong ko kay Laze na nakasuot ng hoodie at shorts na may kaiklian pinakikita ang maputi niyang binti.

"How about you? Lumalabas ka na naman ng madaling araw." Lumunok ako at  kinuha ang pinulot niyang ice cream na nabitiwan ko.

"Hindi pa ako tapos sa activities pero inaantok na ako kaya kailangan ko nito."  Blangko niya akong tinignan at dahil doon ay nagtataka kong tinignan ang hawak niya.

"Ayan sadya mo rito?" Kwestyon ko.

"Yeah, obviously." Huminga ako ng malalim at kumuha ng isa pang ice cream na Melona. Pinanood ko naman siyang bayaran ang mga mint candy, tapos yung fever patches sa noo. May lagnat ba siya?

"I'll drop you off," nalingon ko siya ng sabihin 'yon habang binabayaran ko yung ice cream.

Matapos i-plastic 'yon ay sinimulan ko ng kainin ang ice cream habang kasabay siyang naglalakad sa malamig na side walk, ang mga orange na ilaw ay mas pinaganda ang daan pati na ang mga maliliit na puno ay halaman. "May lagnat ka?" Tanong ko bigla at sinulyapan siya.

"Wala." Mahinahon niyang sagot at itinaas ang buhok tapos ay itinaklob ang hood ng hoodie niya sa ulo niya.

"Pero bakit ka nandito ngayong oras?" Kwestyon ko ulit.

"Galing ako sa cafe, sa office ni lola. Nandoon yung plates ko." Napatango tango ako sa sagot niya.

"Bakit hindi sa bahay niyo?"

"Walang tao." Matipid niyang sagot.

"Takot ka?" Bulong ko.

"No." Matipid niyang sagot kaya natawa ako.

"Pero para saan 'yan?" Itinuro ko yung hawak niyang plastic na naglalaman ng mga mint candies at bubble gum pati na rin yung para sa lagnat yung gel patches.

"Ang dami eh."

"Wala ka namang lagnat." Dagdga ko pa.

"You'll know later, I'm tired talking." Umawang ang labi ko, napaka-tamad naman nito.

Sino bang napapagod magsalita? Si Laze lang.

Nang makarating sa tapat ng condo ko ay napalunok ako ng bigyan niya ako ng isang pack ng gel patches at dalawang mints at isang bubble gum. "Ano gagawin ko?" Tanong ko.

"To refresh you while doing that work, lagay mo sa malaki mong noo." Nanlaki ang mata ko.

"A-Anong malaki! Hindi malaki noo ko ah!" Gulat na sabi ko.

"Kidding, put it on your forehead and eat the mints to make you feel better." Tumango tango ako.

"Salamat."

"Hmm, I'll go now." Paalam niya, matagal rin kaming hindi nagkita at ngayon lang ulit. Pinanood ko siyang umalis pero lumingon siya.

"Ano?"

"Say it already," tila nauubusan pasensya niyang sabi kaya nangunot ang noo ko.

"Ang alin?"

"Yung madalas sinasabi ng tao pag umaalis yung iba," nangunot lalo ang noo ko kakaisip.

"Babye?" Ngumiwi siya at umiling.

"Ano?" Tanong ko naguguluhan, "Sabihin mo na ano ba 'yon?"

"Tsk. Say take care, you're so kind." Sarkastiko niyang sinabi 'yon kaya natawa ako.

"Pag hindi ako safe na nakabalik, it's your fault." Tila masama pa ang loob niya kaya natawa ako lalo, "Ingat ka." Ngumiwi siya at parang galit pa na tinalikuran ako kaya napangiti ako habang pinanonood siyang maglakad papaalis.

Anong kaartehan 'yan Laze?

///

@/n: Any thoughts? Malapit na hehehehehe 😈

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro