Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 30

Chapter 30:

Hakuna Miran's Point of View.

Gising na gising ang diwa ko habang nakaupo ako sa waiting area sa katapat ng mga bus, hinihintay namin na pasakayin na kami. Hindi ko rin alam kung paano haharapin si Laze dahil kahit na ganoon siya ay alam kong alam niya kung bakit naganap 'yon.

Hindi ako lasing kung kaya't wala akong mairarason.

"Please sit in your perspective seats, kung saan kayo naupo noon dahil kabisado ko ang pagkaka-ayos niyo." Announce ni sir bago ipinalagay ang gamit namin sa loob sa ilalim ng bus sa storage.

This time kasama ko na yung earphone ko dahil hindi ko alam kung papaano tatabi sa kanya kaya kailangan kong mauna, nang pasakayin kami ay hawak ko ang cellphone ko tapos hinanap ang seat namin noon. Pagkaupo doon ay sinuot ko kaagad ang earphones ko dahil expected ay anong oras na kami makakauwi.

6 hours ang byahe at alas kwatro na ng hapon, nang maupo siya sa tabi ko ay hindi ko siya malingon dahil sa nangyari sa ilog kanina, masyadong nadala ng damdamin— akala ko ba adore lang Hakuna Miran?

Adoring someone won't push you to the point that you're wanting them to kiss you or kiss them, it's always a different story.

I sighed, what a shame.

Umandar ang bus at nagpanggap akong matutulog ngunit buong oras yata ay gising na gising ang diwa ko, ganoon na lang ang pagtataka ko ng hilain ni Laze ang isang earphone at dahil doon ay nalaman niyang wala akong pinakikinggan.

Nahihiya ko siyang tinignan. "A-Ano ba," naiilang kong sabi at agad na napaiwas tingin ng tignan niya rin ako.

"What are you plotting?" Mahina lamang ang tanong niya ngunit kanina pa ako kinakabahan sa kinauupuan ko, presensya niya'y masyadong malakas ang dating sa akin.

Janella, I won't do it again.

"W-Wala." Mahinang sagot ko rin.

"M-Mamaya na lang tayo mag-usap, tutulog muna ako." Pagdadahilan ko at tsaka ako pumikit, nangunot ang kanyang noo bago ako pumikit at humarap sa side ng bintana.

Hindi naman na siya nagsalita, makalipas ang ilang oras ay tumigil kami sa isang kainan. "Bumaba muna kayo, dinner time." Anunsyo ni sir kaya itinago ko ang earphones ko at tumayo na.

"I'm giving you 45 minutes to 1 hour, since it's dinner I don't want to rush your stomach on processing what you eat." Ngumiti ako ng sumangayon ang lahat, sunod sunod naman kami na nag-babaan at nakasabay ko si Crizel habang nasa likuran namin si Laze.

"Ano balita mare?" Bulong ni Crizel kaya napalunok ako.

"Wala."

"Anak ng tupa, don't tell me mare wala kang balak umamin? Kahit na may gusto si Janella sa kaniya patas lang 'yon." Bulong niya at halos kurutin ako pero ngumuso ako.

"Hindi ko kayang saktan si Janella," wika ko at dahil doon ay napa-aww ako dahil sa kurot niya.

"Gaga ka ba? Edi ikaw ang masasaktan. Sabihin mo, mag-usap kayo." Gitil niya parang nanay.

"Hindi ko naman pipiliin yung kasiyahan ko lang kung masasaktan si Janella, at isa pa m-matagal na silang magkakilala." Mahinang sabi ko.

"A-Alam mo naman siguro?" Pabulong ko pang tanong.

"P-Pero hindi sapat na dahilan—"

"What are you guys mumbling about, are you buzzing? Like a bee." Nanlaki ang mata namin ni Crizel ng unahan kami ni Laze, at naglakad na papunta sa restaurant.

Nang makaupo ay nakaharap ko si Laze dahil naupo si Crizel sa gilid alangan namang tumabi ako kay Laze, hindi pwede. "Order for me." Nangunot ang noo ko ng sabihin 'yon ni Laze habang nakatingin sa akin.

"Ako?" Gulat kong sabi.

"Hmm." Pasimple akong nasiko ni Crizel na hindi alam kung ngingisi dahil baka mahuli siya ni Laze.

"B-Bakit ako?" Kwestyon ko pa.

"Because you know what I want," wika niya ay sumandal sa kinauupuan. Wala naman akong nagawa kundi sundin siya, kaya naman kung ano yung pinili ko para sa kanya ay 'yon na rin ang sa akin.

Matapos umorder ay napapalunok ako sa presyo ng napili. Sweldo ko na 'to sa dalawang araw na full time sa cafe ah.

"Ang mahal." Pabulong na sabi ko sa katabi dahilan para mahina siyang matawa.

"'Yon lang problema mare, restaurant kasi napili ni sir." Balik bulong niya at binuksan ang cellphone upang tignan kung may signal na kaya tinignan ko rin ang cellphone ko.

Natatawa kong binasa ang message ni Yamato sa akin.

From Yamato-kudasai:

   Ate, huwag ka lalandi diyan ha. Isusumbong kita kay mama, pinabantayan kita kay Kuya Laze hehehehe. Pasalubong ingat ate.

Napakurap na lang ako ng maraming beses bago umiling. "Bakit?" tanong ni Crizel.

"Si Yamato, nag-text panay kalokohan." Ihinarap ko pa sa kanya 'yon at ng basahin niya ay natawa siya.

"Yung pinagbantay nga niya tumarget sa ate niya eh hahahaha!" pagtawa pa ni Crizel kaya siniko ko siya.

Kaingay na dalaga.

Nang dumating ang order ay usok pa lang nito nakakabusog na sa bango. Sobrang kaunti ng serving ng karne at nahati na ito. May gulay pa na asparagus at may side dishes pa siya.

May kasama ring salad na panay gulay, sa drinks naman ay maganda ang baso at mabango ang inumin.

"Eat." Anyaya ni Laze kaya kumain na rin ako, maingat akong ngumuya at nalasahan ko kaagad na may butter ang karne na kinakain ko para kasi siyang steak.

Matapos naming kumain ay pinanood ko si Laze na itaas ang kamay at sumenyas parang isinenyas niya ang shape na square.

Lumapit ang waiter at hawak niya ang okay alam ko na bill namin, tinignan 'yon ni Laze at inilabas na namin ang wallet.

"Magkano?" Umalis na yung waiter kaya nagtanong ako.

"It's on me." Matipid niyang sagot at inilagay ang pera niya doon hindi pa niya pinakita sa amin tapos ay tumayo na kami at lumabas dahil mukhang sakto ang ibinayad niya.

Nang makalabas ay magkakahiwalay kaming naglakad at naunang sumakay sa bus, habang wala pa yung ibang may ari ng upuan ay naki-upo si Crizel sa katapat.

Tahimik lang kami hanggang sa biglang may tumawag kay Laze at dahil doon ay napalingon kami. Nakita ko naman ang pangalan nu Janella kaya tumanaw ako sa bintana.

"Hmm?" Sa tugon ni Laze ay napangiwi na lang ako.

"You're crying, what's wrong?" bigla ay nag-alala ako dahil nalaman ko na umiiyak si Janella.

"Why did you do it then?" Kwestyon ni Laze kaya nangunot ang noo ko. Ano nangyari?

Tinitigan namin si Laze na halatang nakikinig, bahagya niya pa akong sinulyapan at tumingin sa kaharap na upuan. "Your dad did what?" Nakagat ko ang ibabang labi dahil concern talaga ako.

"Because you did something?" Tanong ulit ni Laze.

Ang tagal, gusto ko na malaman kung anong nangyari.

"Your dad did something to your condo, and now you can't comeback and can't go home?" Nanlaki ang mata ko at dahil doon ay nagkatinginan kami ni Crizel.

Hala..

"We're still on the bus, go inside our cafe. I'll fetch you after we reach the school." Matapos no'n ay pinatay na ni Laze ang tawag.

"What happened?" Kwestyon ko kaagad.

"Nag-away sila ng dad niya, her card we're all cancelled. She doesn't have a place to—"

"Edi ibig sabihin no'n wala rin akong uuwian?!" Gulat na sabi ni Crizel.

"You can go home since the house is open for you, Janella can't since— just ask her later." Iritableng sagot ni Laze kaya ngumuso ako.

"Sa condo ko muna kayong dalawa." Paglilinaw ko.

"Huh? Papaano 'yon?" Tanong ni Crizel.

"Malaki yung bed ko." Paglilinaw ko.

"Kasya tayo doon." I added.

"Pero—"

"Walang problema sa akin." Dagdag ko pa.

"Kaloka, ano na naman kayang katigasan ng ulo ang ginawa ni Janella at pati ako ay madadamay nararamdaman ko na." Nalolokang sabi ni Crizel kaya napangiti ako.

"Ganyan talaga minsan," pabulong na sabi ko na lang.

"Mabuti nga't may tatay kayo na nagagalit sa inyo," huminga ako ng malalim upang hindi mahalata na nalulungkot at naiinggit ako.

"Wala naman siyang nanay na nag-aalaga sa kanya, noon sabi ni tito patay na raw yung mommy ni Janella eh." Napalabi ako at bumuntong hininga.

Hindi naman na nagtagal at mabilis naming narating ang school at 11 PM mahigit na, "Sunduin niyo na si Janella, uuwi na ako. Para maayos ko pa yung condo." Paalam ko sa kanila at kinawayan.

"Sakto, sama na ako Laze ha. Withdraw lang baka mawalan rin ako ng access sa cards ko." Napangiti ako at tinanguan sila.

"Ingat sa daan, huwag manehong kamote." Natawa si Crizel at naupo na sa likod ngunit agaran na nagsalita si Laze kaya lumipat sa harap si Crizel ng nakangiwi.

Umakyat na ako sa condo ko dala-dala ang bag ko, nang nasa hallway na ng floor ko ay halos mabitiwan ko ang lahat ng hawak ng may tumulak sa akin paderetso sa pader, tumama rin ang likod ng ulo ko dahilan para maramdaman ko ang sakit no'n.

Nahirapan pa akong magmulat ngunit ganoon na lang ang gulat ko ng makita si Tito Jubal. "Masyado ka na yatang natutuwa?" Amoy na amoy ko ang alak ngayon at parang katatapos niya lang sumabak sa gulo dahil may sugat ang kamao niya.

"Tito," natatakot na tawag ko sa kaniya.

"Sumunod ka sa akin!" Halos umawang ang labi ko ng hablutin niya ako at dalhin pabalik sa elevator, ang mga gamit ko ay naiwan at halos matakot ako ng dalhin niya ako sa pinakataas ng condo.

15th floor.

Kinakabahan kong pinanood ang pagtaas ng numero sa led, hawak niya ang likuran ng buhok ko at nang nasa roof top na ay pabato niyang hinila ang buhok ko dahilan para masugat ang siko ko dahil may kagaspangan ang sahig ng rooftop.

"B-Bakit po?" Kabadong tanong ko.

"Salot kayo, salot kayo ng tatay mo!" Nasapo ko kaagad ang mukha ng malakas niya akong sampalin.

"I-Iniwan niya yung nanay mo sa akin, nang ganoon kadali tapos ganoon kadali rin kung bawiin!? Ako yung nandiyan ng wala siya! Ako yung naging tatay sa inyomg dalawa kahit na sukang suka ako sa inyo!" Umiiyak ko siyang pinanood sa takot, wala akong masabi.

"Hanggang gatas, diaper pati na gamot at pampa-ospital, tapos gaganituhin niya ako?!" Pinahid ko ang luha ko at bahagyang umatras.

"Ang kapal ng mukha ng tatay mong traydor, akala mo hindi ako naging kaibigan kung gaguhin!" Tinakpan ko ang ulo ko ng paulit ulit niya akong sampalin sa galit.

Sinipa, at hindi lang 'yon pumutok na ang gilid ng labi ko sa pagsampal niya at pakiramdam ko ay nabibingi na ako. "W-Wala po akong kasalanan tito, wala po akong ginawang masama sa inyo!" Malakas na sigaw ko at nanghihinang gumapang paatras.

"Pero isa ka sa mahalaga sa kanila at ito ang paraan ko para saktan yang mga magulang mong walang ibang ginawa kundi gaguhin ako!" Napasigaw ako ng mapunit ang suot kong damit ng hilain niya 'yon at halos manlaki ang mata ko ng hilain niya ako papalapit sa dulo ng rooftop.

"T-Tito.." Nangatal ang labi ko ng matanaw ang parking lot ng condo, ang mga building at ang maliwanag na kalsada. Nanghina ang tuhod ko sa takot.

"A-Ayoko pa po mamatay. Tito, huwag po please." Kumapit ako ng todo sa kamay niya, parang batang itinataboy ng kanyang ama.

Lumuluha na rin ang mata niya ngunit galit na galit akong tinignan. "W-Walang makakaalam kung ihuhulog kita rito, w-walang makakaalam!" Sigaw niya at ganoon na lang ang pagyakap ko sa kamay niya ng dumulas ang paa ko at ang isang paa ko ay nakalutang na sa ere.

"T-Tito h-huwag po.." Nakikiusap kong sabi.

"Tito!" Sigaw ko ng pati isa kong paa ay malaglag na, nakalutang ako sa ere at pakiramdam ko ay mahihimatay ako.

"Parang awa mo na po tito!" Galit na galit ang mga mata niyang pinanonood ako, ngunit wala akong magawa kundi umiyak at magmakaawa na magbago ang isip niya.

"Ah! Tangina!" Napapikit ako ng hilain niya muli ako pataas at isalampak sa sahig dahilan para mapahiga ako doon at akapin ang sarili ko sa takot, muli pa siyang sumigaw bago ako iniwan ngunit sa sunod kong pagsubok na bumangon ay nahilo ako.

Bahagyang nandilim ang paningin ko at dahil doon ay hindi na ako nagsubok pang tumayo, sobrang sakit rin ng katawan ko.

Third Person's Point of View.

Matapos sunduin nila Laze at Crizel si Janella ay tinulungan nila si Janella na buhatin ang mga hawak nito at isakay sa likod ng sasakyan, matapos no'n ay bumalik na kaagad sila sa condo building ni Miran upang doon tumuloy ngunit ganoon na lang ang pagtataka at gulat nila ng makita ang kagamitan ni Miran na nasa sahig at nakakalat pati na ang cellphone nito.

Agad silang naalarma. "Anong nangyari dito?" Kwestyon ni Crizel.

"Si Miran?" Tanong naman ni Janella.

Binuksan nila ang condo gamit ang key card ni Miran at ganoon sila lalo naguluhan ng walang bakas ni Miran. "Nasaan na si Miran? Akala ko ba—"

"Did he do this again?" Sa bulong ni Laze ay nalingon siya ng dalawang babae.

"Ano? Sino?" Kwestyon ni Crizel.

"Yung step father niya!" Mabilis na sabi ni Janella at agaran na lumabas ng condo, sumunod si Laze at Crizel.

"Saan natin sila hahanapin?" Tanong ni Crizel.

"Ano ba nangyayari?" Dagdag pa niya.

"Laze si Miran, hanapin mo si Miran!" Napatitig si Laze sa mukha ni Janella at tumango, tumakbo sila papunta sa pinaka-ibaba sa lobby ngunit paglabas nila sa elevator ay nagtaka sila ng makita ang step father ni Miran na tumatakbo na papaalis.

"That asshole." Gitil ni Laze at lumapit sa receptionist.

"I need to see your CCTV footages." Nang sabihin 'yon ni Laze ay hindi naging madali ngunit kalaunan ay hinayaan rin nila at ng makita ay mabilis na tumawag ng pulis ang guard.

Tumakbo naman papunta sa rooftop si Laze, habang nakasunod ang dalawa sa kanya. Nang makarating sa rooftop ay nakita nilang walang malay si Miran, may sugat at may dugo rin ang balat at mukha nito. Magulo ang buhok at parang kinawawa dahil sa suot nitong damit na napunit.

"Hakuna Miran," mahinang inalog ni Laze ang balikat ng dalaga ngunit wala itong tugon. Pinulsuhan niya ito at meron naman, hindi niya batid ang mararamdaman, binuhat niya ito at saktong pagkabuhat ay kakasunod pa lang nila Crizel at Janella.

Nagulat at napaluha sila sa nakita. "We'll take her to the hospital." Anunsyo ni Laze at nagmamadaling tumakbo papunta sa elevator upang makababa na sila.

Nang makarating sa emergency room ay hindi sila mapakaling tatlo. "Tawagan mo yung guardian niya," utos ni Crizel.

"H-Hindi ko alam number." Natatarantang sabi ni Janella dahilan para sila mismo ay mataranta.

"Anong nangyari sa pasyente sir?" Tanong ng doctor at chineck ang katawan ni Miran na nakalatay sa kama ng ospital.

"I don't know, but as I can see she's beaten." Hindi alam ni Laze kung saan ilalagay ang kamay, paghahawakin ba niya ang palad niya, titignan ang kalagayan ni Miran o hindi kaya ay ibubulsa.

"We'll do a medical test, for certification that you can use against the person who did this." Anunsyo ng doctor at tinawag ang nurse.

Nakikita at lumalabas na ang balikat at bandang tyan ni Miran at napansin 'yon ni Laze dahilan para alisin niya ang suot na jacket at ipatong sa dibdib ng dalaga. "Sinong guardian niya?" Tanong ng doctor.

"Call her guardian," tumango si Laze at si Yamato ang tinawagan.

"Kuya naman, alas dose na." Nagmamaktol na pagsagot ni Yamato.

"Your sister is in the hospital, tell your mom to come." Mabilis na sabi ni Laze.

"Huh? O-Ospital kuya? Teka wait, hindi ko maintindihan." Naguguluhan na tanong ni Yamato na kagigising lamang.

"Your step father did something." Mariing sabi ni Laze.

"Sige kuya, p-pupunta na po kami!" Pinatay na ni Yamato ang tawag na mukhang nagmadali upang sabihan ang mama nila.

"K-Kumusta si Miran? M-Malala ba ang lagay niya ha?" Nag-aalalang tanong ni Janella, bumuntong hininga si Laze at napisil ang tulay ng kanyang ilong.

"I don't know yet," he stated.

"B-Bakit ganoon? H-Hindi niyo ba siya hinatid sa condo niya mismo?" Naluluha na si Janella sa pag-aalala ngunit wala siyang magawa kundi tumanaw sa may kurtinang harang.

"H-Hindi, hindi namin alam na ganito ang mangyayari." Pagsasabi ng totoo ni Crizel.

"P-Paano na?" Natatarantang sabi ni Janella.

"A-Ang sama talaga ng Jubal na 'yon." Kumuyom ang kamao ni Janella at galit na galit na tumingin sa kung saan, hindi rin mawari kung paano niya ipapakitang galit siya dahil sa nangyari.

Ngunit wala silang magawa dahil umalis na si Jubal at tumakas. "That man, won't even bat an eye after doing something bad." Galit na sabi ni Laze at ito ang unang beses na nakita nila si Laze na magpakita ng galit na emosyon.

Pero hindi lang siya galit, nag-aalala rin siya ngayon bagay na ngayon ko lang natuklasan..

Sabi ni Janella sa kanyang isip habang nakatitig sa mukha ng binatang nakatingin sa kung saan..

///

@/n: Any thoughts? Keep safe ❤️

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro