Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 3

Chapter 3:

Hakuna Miran's Point of View.

Isang buwan mahigit na ang lumipas mula ng magtrabaho ako sa cafe, hindi ako makapaniwala na malaki na ang naiipon ko dahil sa pagtatrabaho hindi ako makapaniwalang may sixteen thousand ako sa bank account ko. "Wait niyo daw sa account niyo yung summer bonus ni Sir Vince." Announce ng manager namin.

Ubos na pala ang laman ng e-load card ko, kailangan ko na ng bago. Dahil shift na ng iba ay maghintay kami ng summer bonus. "Miran, malaki na ba ipon mo?" Nilingon ko si Jem at tinanguan.

"Naks naman, sasama ka ba sa akin? Magpapaload na ako para makatipid sa bus fare." Natawa pa ako kaya naman tumango.

"Ubos na rin ang akin," sagot ko hanggang sa sabay sabay na tumunog ang cellphones namin.

Tinignan kaagad namin ang summer bonus at dahil doon ay napangiti ako. "1500 pesos!" Masayang sabi ng iba.

"Ang swerte talaga natin sa boss natin!"

"Nice one," wika ni Jem.

Sabay na kaming umalis ni Jem papunta sa convenience store para magpa-load sana ngunit naalala ko wala akong cash na hawak. "Ah Jem, mauna ka na pala. Kukuha pa ako ng pera," ngumiti ito.

"Ingat ka sa daan," paalala niya kaya naman ngumiti ako at lumbas na para makapag-withdraw.

Nagwithdraw ako ng 2000 pesos hanggang sa may nangalabit sa akin ng nagbibilang na ako ng pera kaya nilingon ko ito. "Excuse me," napalunok ako ng makita si Sir Laze. Tulad ng parati kong nakikita sa kaniya, walang emosyon at para bang hindi mo mahuhulaan kung galit ba siya, seryoso, o napipikon na.

"Sir," bati ko rito.

"Stop calling me sir, Laze. I am not your costumer," wika niya magkalapat ang labi, kaya alanganin akong ngumiti.

"I don't know how to use this, can you teach me?" Tanong niya kaya naman napalunok ako ng makita ang bagong e-load card na lima hawak hawak niya.

Pinakyaw ba niya lahat?

"A-Ang dami po niyan sir— Laze." Pag-aayos ko, umayos rin ako ng tayo dahil mas nagmumukha akong maliit.

"Then get one in exchange, teach me how to use this." Napalunok ako.

"Nako sir— nako po hindi na, ituturo ko na lang. Ita-tap niyo po yan pag sasakay kayo ng bus, kusa na pong mababawasan yung load niya, ito po mismo yung itatapat mo." Hinawakan ko ang isa at itinuro sa kaniya ang dapat.

"And?" Tanong niya pa.

"Tapos pag nag-green na po yung machine na 'yon okay na po, upo na po kayo." Suhestyon ko.

"How about my dog, can he use this one?" Tanong niya. Hindi niya talaga pwedeng iwan ang nag-iisang aso niya na parang 'yon na lamang ang kaibigan at madalas na nakakaunawa sa kaniya.

"Opo, saan po ba punta niyo?" Tanong ko tinititigan ng mas malapitan ang kaniyang mukha, kakaiba na ang kulay ng mata niya wala pang emosyon dito.

"To before, from where you fell?" Napalunok ako at alanganing tumawa sa pagkapahiya kasi nasigawan ko siya no'n.

"Ah kaya po pala," wika ko.

"Can you do me a favor?" Napalunok ako at tinignan siya.

"Escort me, I'm afraid to fail." Napalunok ako lalo, he's afraid to fail? Like who would criticize him? Ang mapapansin lang nila sa kaniya ay yung pagiging perpekto ng mukha niya, tangkad niya at ang mga damit na suot niya.

"Pero may bibilhin pa po ako sa mall," pahina ng pahina kong sabi.

"Then let's go, I'm sure you'll take the bus." Alanganin akong tumawa dahil ang awkward lang 'di ba? Costumer ko siya, pero bago 'yon nasigawan at tinawag ko pa siyang mannequin, robot.

"Magpapaload lang po ako—"

"How about accept this as my payment? I can't use this all," he said kaya naman nag-alangan ako ngunit pinahawak niya na 'yon sa akin. Yung boses niya talaga ay may kalaliman, para talaga siyang hindi tao.

"Fair right?" Napakamot ako sa sintido at tinanggap na 'yon.

"Let's go then," pinauna niya akong sumakay kaya naman pinakita ko kung papaano ko tinap 'yon tapos ay sinunod niya rin.

Nang makitang mag-green 'yon ay nagtaka ako ng wala talaga siyang emosyon pero natatakot ang magtanong, naupo na kami nasa bandang harapan ko naman sila ng aso niyang si Bullet.

Nang makarating sa mall ay bumili na ako ng pinabibili ni Yamato. "Bullet, calm down." Nilingon ko siya dahil sinisita niya ang aso na tila may nakita.

"Sir— I mean L-Laze, alam mo po ba yung ballpen na pang-art?" Mahinang tanong ko.

"You mean this?" He said and hand me a piece of it, tumango ako.

"Thank you si— Laze."

"Okay." He answered.

Nang mabili 'yon ay binilisan ko ring hanapin pa ang iba, magaling kasi kaming dalawang magkapatid na magdrawing kung kaya't balak ko rin talaga mag-architect. "Wait lang po," kinakabahan kong sabi at nagbayad na ng pinamili.

Yung pera kasi na naipon ni Yamato ay iniutos na lang niyang ibili ko ng gagamitin niya, matapos no'n ay umalis na rin kami ng mall at muling sumakay ng bus. Ginawa ulit ni Sir Laz— Laze ang pag-tap no'n kaya pasimple akong napangiti.

"Ano po pala yung sadya niyo sa papunta sa amin?" Tanong ko.

"Comic bookstore," wika niya kaya napalunok ako.

"Ah madalas po doon yung kapatid ko, sinusubukan niya rin po kasing gumawa ng comic." Nakangiting sabi ko.

"Okay," wika niya dahilan para mapalunok ako at pasimpleng sulyapan siya kung naiirita na ba siya ngunit wala kaya nagpatuloy ako.

"May magaling raw po kasi na gumagawa ng comics doon, kaya madalas siya doon." Kwento ko pa.

"Can I see his drawings?" Napalunok ako at alanganin na tumawa.

"Sasabihan ko po siya, medyo madamot po kasi." Pagsasabi ko ng totoo.

"Every author doesn't want to show their plots, I understand." Napangiti ako at tinitigan ang side ng mukha niya, ang gwapo niya talaga alam niyo yung sculpted?

"Pero subukan po natin, dadaan po kami mamaya sa comic bookstore." Nang tumigil na ang bus ay sabay sabay na nagbabaan ang bababa doon kaya nagpaalam muna ako kay Laze.

"Mauuna na po muna ako, mamaya na lang po ulit." Paalam ko, tinignan lang ako nito ng blangko kaya napalunok ako.

Nang talikuran ay napapikit ako ng maalala ang korte ng mukha niya, manipis lang yung labi niya ngunit mamula mula 'yon. Ang tangos ng ilong niya ay bumagay sa mata niya. "Yamato!" Malakas na tawag ko sa kaniya.

Mabilis naman siyang bumaba galing siguro sa kwarto niya. "Akala ko naman napano ka na ate." Ngiwi niyang sabi at lumapit.

"Bakit?"

"Sabi ng isang costumer ko gusto niya daw makita yung drawings mo, mamaya samahan na lang kita sa comic bookstore." Nagtaka siya at napaisip.

"Hmm.."

"Lalake?" tumango ako bilang sagot sa paninigurado niya.

"Okay! Game." Mabilis siyang umalis kaya hinablot ko siya pabalik at inabot ang paper bag.

"Pinabibili mo," wika ko.

"Ay thank you ate hehehehehe." Tinignan niya 'yon ay pa-cool na naglakad animo'y robot na de'baterya.

Mga bata talaga, sarap batukan minsan eh. Umakyat na ako ng kwarto upang makapag-pahinga sandali ngunit nang may kumatok ay nilingon ko kaagad ito.

Nang makita si Tito Jubal ay kinabahan ako kaagad, nandiyan sila mama ah bakit ang lakas ng loob niya. "B-Bakit po?" kinakabahan kong tanong.

Ngunit agad kong nasapo ang pisngi ng malakas niyang sampalin 'yon dahilan para mabilis na lumuha ang mata ko. "B-Bakit po?"

"Yung nanay mo parehas mong malandi!" Inalis niya ang sinturon matapos akong sigawan kung kaya't napaatras ako.

"T-Tito wala po akong ginagaw— Ah!" napa-daing ako at napaluha ng muli niya akong hampasin ng sinturon sa mismong may buckle.

"Tama na po!" panay ang iyak ko mula sa pagkakasalampak ng dere-deretso niya akong hampasin no'n na tila latigo ang hawak niya.

Lumipas ang limang minutong walang tigil ay nagulat ako kahit na lumuluha ng biglang bumukas ang pinto. Si Yamato.

"Ikaw pumasok ka rin!" sigaw ni Tito Jubal not until Yamato said something unusual.

"Tito Jubal ano pong ginagawa niyo? Ate yung boyfriend mo daw nasa labas ng bahay. Bilisan mo mag-ayos ka!" nangunot ang noo ko ngunit nilapitan ako ni Yamato at itinayo.

Lalabas na sana kami ngunit pinigilan kami ni Tito Jubal. "Magbihis ka ng maayos! Takpan mo ang mga latay!" kumuha ako ng damit at nagbihis ng pajamas at longsleeve.

Nang matapos ay lumabas na ako at dahan dahan na bumaba. "Anong sinasabi mo?" bulong ko kay Yamato na naka-alalay sa akin.

"Sakyan mo na ate, nakiusap lang ako sa kaibigan ko na mas matanda sa akin." Bulong niya kaya naman napalunok ako.

Nang makalabas ay ganoon na lang ang gulat ko at ganoon rin siya. Ngunit bigla ay natigilan ako dahil ito yung unang beses na nakita ko ang reaksyon at emosyon sa kaniya.

"Y-You?" senyas niya.

"Oh ate yung boyfriend mo samahan mo na muna! Susunod na lang ako sa comic book store." Napalunok ako ng dahan dahan akong itulak ni Yamato at dahil sa panghihina ay para akong stick na nawalan ng balanse ngunit dahil kay Laze ay hindi ako natumba.

Nang makita si Tito Jubal na nanonood ay napalunok ako ng akbayan ako ni Laze. "A-Ah." Nakagat ko ang ibabang labi ng masagi niya ang masakit na parte sa balikat ko.

"Hi sir, I'm her boyfriend." Laze mentioned that made me gulp. I can't see his face so I can't read his reaction but his voice we're always cold.

"Hindi ko alam na may nobyo ka pala, kailan pa?" kinakabahan akong lumunok ng kaunting lumapit si Tito Jubal.

"Just a month ago," sagot ni Laze.

"May lahi ka kung ganoon, mukhang hindi ka nakakapagsalita ng Tagalog." Lumunok akong muli.

"Uhm that I actually understand very well, and I can talk very well but I don't adjust to someone who can't understand english." Nang-iinsulto niyang sabi kaya deep inside ay na-praise ko na si Laze.

"Pumasok ka muna." Lumunok ako muli.

"Sure, but I have my dog." Paglilinaw niya.

"Ayos lang pasok," nang makapasok ay naupo si Laze sa kahoy namin na sofa kaya naman napalunok ako.

"Do you know martial arts?" doon ay kinabahan na ako, may alam ba si Laze doon? Papaano pag hinamon siya.

"Sinabi ko kasi sa sarili ko na kung magkakanobyo ang anak ko ay panigurado dapat marunong siyang ipagtanggol ang anak ko." Gusto kong umirap ng sobra sa sinabi ni Tito Jubal.

"Lahat rin ng susubok ay dadaan muna sa akin, bakit hindi ka tumayo rito sa harapan ko at subukin natin yan ng kaunti." Tinignan ko si Laze na wala man lang reaksyon.

"'Wag na kung hindi mo kaya—"

"Sure then, let's try." Laze answered that made me gulp tapos tinignan si Yamato na halatang kinakabahan rin.

Kinakabahan ko silang pinanonood ngunit ng umatake si Tito Jubal ay halos mapalunok ako ng gumilid lang si Laze ng hindi inaasahan ay muntik ng sumubsob si Tito Jubal sa sahig.

"Ah sorry, I stepped a bit." Paglilinaw niya.

"Simula na," wika ni Tito Jubal.

"Why are you a instructor?" tanong ni Laze.

"Taekwondo, all around the Philippines." Pagmamayabang ni Tito Jubal na totoo naman.

"Oh really, good then." Napalunok ako dahil kung hindi ko alam at hindi ako sanay ay maasar ako dahil yung tingin sa'yo ni Laze ay parang I DON'T GIVE A FUCK kaya naman kahit kabado ay nagchi-cheer ako sa isip ko.

Nang sumuntok si Tito Jubal ay halos mapatakip ako sa bibig ng saluhin ni Laze 'yon at ibato ang kamao nito. "Uhm," hindi alam ni Laze ang gagawin dahil napahiya si Tito Jubal.

"I'm sorry sir but maybe next time? Me and Miran have some errands." Napatitig ako sa kaniya ng unang beses niyang tawagin ang pangalan ko.

"Okay, Go." Tito Jubal and his poop accent.

Nang makalabas ay nakahinga ako ng maluwag, "Okay na hindi mo na ako kailangang akbayan." Kinakabahan kong sabi.

"What happened?" tanong niya.

"I didn't know that Yamato is your brother, we often meet at the comic book store." Napalunok ako ngunit kusa akong natigilan ng maramdaman ang hintuturo niya sa pisngi ko.

Ang kaba ko ay mas lumala. "Did he slapped you?" mabilis akong umiling.

"W-Wala medyo t-tanga kasi ako kaya k-kanina nadulas ako." Kinakabahan kong sagot.

"But it's kinda red," pag-uulit ni Laze at tinuro muli 'yon.

"Nagulat ka kanina," wika ko.

"I am?" paninigurado niya kaya naman hinarap ko siya.

"Sorry kasi naabala ka ng kapatid ko, ano bang sinabi niya sa'yo?" tanong ko.

"He said that he needs my help, magpanggap lang daw akong boyfriend ng ate niya it's already a big help." Tumango ako.

"Thank you so much," wika ko.

"I really don't stick my nose to other people, but you look different right now." Napalunok ako sa sinabi niya, he's emotionless but why do I feel this way?

"P-Papaano mo naman po na-differentiate hindi naman po tayo madalas magkit—"

"We just part a while ago, remember?"

"Ahh," tumango tango ako at dumeretso na sa comic book store.

Ngayon lang ako nakapasok rito, tila isang anime world ang loob nito. Air-condition at magagandang upuan. "Is he hurting you?" tanong muli ni Laze habang nakatingin sa pisngi ko.

"Sinabi ko na yung sagot," mahina kong sambit.

"But I'm not convinced," wika niya at tinignan pa 'yon.

Bumuntong hininga ako at umiling. "Hindi, ayos lang." Paninigurado ko at sumandal sa malambot na sofa.

Naramdaman ko ang pagtayo ni Laze kaya naman nanatili na lang akong nakapikit habang nakasandal, nakakapagod. Ang sakit ng buong katawan ko, ang hapdi, makirot.

Awtomatiko akong napamulat ng maramdaman ang malamig na kung ano sa pisngi ko hanggang sa hawakan ko 'yon dahil bibitiwan na ni Laze. "Put that then," malamig niyang tugon at sumandal rin.

"Bullet don't play the books okay? I'll take a nap." Bilin niya kay Bullet kaya napangiti ako at sinenyasan si Bullet na tumabi sa akin.

"Hi Bullet." Hinawakan ko ang ulo ni Bullet ng sumampa siya sa upuan sa tabi ko kaya naman napangiti ako at sumandal na sa sofa.

Pumikit ako habang hawak sa pisngi ko ang ice pack na binigay ni Laze.

Nagising ako ng marinig ang boses ni Yamato ngunit napalunok ako ng nakatitig na deretso sa akin si Laze at doon ko narealize na naka sandal ako sa malambot na— Katawan ni Bullet dahil mas matangkad ang aso sa akin pag nakaupo.

Hindi ba napagod o nabigatan si Bullet sa akin? "Ate okay ka lang?" mahinang tanong ni Yamato kaya tumango ako.

"Sarap ng tulog mo kay Bullet ha," senyas niya.

"Buti close kayo? Ako nga tatlong araw muna bago ako hindi awayin." Ngumiti ako at hinaplos si Bullet.

"Ah nasaan na pala yung sinasabi mo na titignan yung drawings ko ate?" tanong ni Yamato.

"Siya." Nagtaka si Yamato.

"Magkakilala kayo? Ah bago ako nauna na kayong magkakilala?" tanong ni Yamato kaya tumango ako.

"Nadapa ako noon dahil kay Bullet, matagal na may pasok pa no'n." Kwento ko.

"Ah," alanganin na tumawa si Yamato.

"Nakakahiya naman," aniya ni Yamato at inilapag ang folder.

"'Yan yung drawings ko kuya," wika nito.

"Magkaibigan kayo tapos hindi mo pinakikita sa kaniya?" senyas ko kay Yamato.

"Ate naman."

"You're a great artist," pinanood ko si Laze na tignan ang mga 'yon.

"L-Late na hindi ka pa ba uuwi Laze?" tanong ko at tinignan ang orasan.

"It's alright," matipid niyang reply.

"Magpahinga ka na muna ate, sabay na tayo umuwi mamaya. May trabaho ka pa bukas," wika ni Yamato.

"Kuya alam mo bang ang bait ng pinagtatrabahuan ni ate na cafe, binigyan niya rin kami ng scholarships para mag-aral sa malaking school nila." Napangiti ako at sumandal muli.

"You mean you got into that university?" tanong ni Laze, hindi kakikitaan ng interes ang tingin at tinig ng boses niya pero nagtatanong siya, hirap hulaan 'di ba?

"Oo kuya, kaya nagtatrabaho si ate ngayon kasi gusto niya maging architect. Maganda rin kaya yung drawings niya," sinita ko si Yamato sa sobrang daldal.

"Architect?" tumango ako bilang sagot, bigla ay nahiya.

"That's great." Reply niya kaya ngumiti ako at lumingon sa kabilang table na mga kababaihan at tinitignan si Laze.

"Mahal ba talaga ang gamit ng mga architect kuya?" tanong ni Yamato.

"A bit," para sa kaniya a bit kasi nga may pera naman siya ako wala kaya sobrang mahal hehehehe.

"I'll be back here tomorrow, habang wala ka pang school let's meet again." Laze said and pat Yamato's head.

"I'll go ahead," wika niya at tinignan ako.

"Lock doors," napalunok ako ng paalalahanan niya kaya naman ng umalis na sila ni Bullet ay napalunok ako at tumikhim.

"Woah ang astig niya talaga!" Yamato exclaimed.

"Ate maglock ka ng pinto ha, halika na. Gamutin natin yung sugat mo." Suhestyon ni Yamato at kinuha ang gamit niya.

Nang makabalik ay hindi ko na nakasalubong muli si Tito Jubal kaya maganda akong nakatulog at nag-lock rin ako ng pinto dahil sa binilin nila.

√√√

@/n: May extra chapter pa kaya ayan, enjoy!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro