Chapter 27
Chapter 27:
Hakuna Miran's Point of View.
Halos magising ang buong diwa ko ng pagmulat ko ay mukha kaagad ni Laze ang nasa harapan ko at dahil sa gulat ay napabangon ako kaagad dahilan para mauntog ang noo ko sa noo niya. "Aw." Rinig kong daing niya.
"S-Sorry!" Mabilis na sabi ko at dahil doon ay nagising din si Crizel.
"Ano? May magnanakaw?!" Gulat niyang tanong.
"Whatever." Blangkong sagot ni Laze at tinalikuran kami, mukhang nakaligo at nakabihis na siya. Simpleng navy green na shirt ang suot niya, malaki sa kanya 'yon pero may parang design na bilog sa gilid ng shirt na brand yata o quotes?
"Get ready, It's already 4 AM." He added and sat on the sofa, napatitig ako kay Laze kaya ng itulak ako ni Crizel ay nakipag-unahan ako sa kanya sa banyo dahilan para sumigaw siya patawa-tawa akong naligo.
Sampung minuto na ligo dahil naligo ako bago matulog, pagkatapos no'n ay hinayaan kong nakabalot ng twalya ang buhok ko habang inaayos ang dulo ng jogging pants na pinadala sa akin.
"Umagahan Laze?" Kwestyon ko, naalala ko naman ang cereal na paborito niya kaya kinuha ko 'yon at kinuha rin ang gatas sa ref.
"Kumain ka na muna." Suhestyon ko, naupo naman siya sa 4 seater na dining table ko. Halatang nagtaka siya kung bakit may ganoon, "Join me." He insisted.
"Hindi ako mahilig sa cereal." Nahihiyang sabi ko, at dahil doon ay natigilan siya lalo at makahulugan akong tinignan.
"Po?"
"Then why do you have a cereal in your condo?" He looked so invested, napansin ko rin na may suot siyang kwintas. Medyo basa pa ang buhok niya kaya madali na nagtagal 'yon sa pagkakataas.
Napansin ko rin ang piraso na ear pods sa tenga niya. Mukhang wala pa namang music 'yon dahil naiintindihan niya pa ang mahinang boses ko. "Hakuna," sa pagtawag niya ay alanganin akong tumawa.
"S-Si Yamato, g-gusto niya raw 'yan." Pagsisinungaling ko.
"Okay, this one is my favorite too." Tumango ako, napansin ko rin na suot niya ang bracelet na niregalo ko at ngayon ay naka-ripped jeans siya. "O-Okay." Sangayon ko, nag-prito naman ako ng hotdog upang may kainin kami ni Crizel na kumakanta pa sa banyo.
Pagkatapos ay kumain na kami, tapos umalis na rin. Isang travel bag lang naman ang dala ko na kasama sa package na dumadating, nilakad na lang namin ang papunta sa school dahil yung sasakyan ni Laze ay nasa parking lot ng condo.
Nang nasa parking lot na ng school ay ipinalagay namin ni Crizel ang isang bag na dala namin na naglalaman ng mabibigat na bagay at yung mga 'de lutong pagkain.
"Excuse me, the three of you." Nalingon namin yung bus driver. Mukhang may lahi ito dahil sa blonde niyang buhok at green na mata, maputi rin.
"Yes sir?" Crizel asked.
"No bags are allowed inside the bus, just the snack bags." Natigilan kami at tsaka alanganin na tumawa at iniwan doon ang bag namin kahit si Laze.
Umakyat na kami sa loob ng bus pero halos manlaki ang mata namin ng puno na ang loob, i-inagahan naman namin pumunta ah?! "S-Sir saan kami uupo?" Nahihiyang tanong ko.
Napalingon naman si sir sa likod at nakita ko na may apat na espasyo pa at magkakahiwalay ngunit nauna na si Laze sa pinaka-likod at dahil doon ay nagkatinginan kami ni Crizel dahil yung sa lalakeng binastos ako ang natira at sa nakaaway kong isang babae tapos ang pwesto ni Laze.
"Doon ka na sa tabi ni Laze, baka pagtripan ka pa ng mga 'to. Ako hindi nila ako kaya, ilaglag ko sila sa bintana." Natawa kami ni Crizel kaya naglakad na ako, naupo naman si Crizel sa tabi ng babae na tumulak sa akin sa pool.
"Ano papalag ka? Ayusin mo buhay mo. Hindi kita sa pool ihuhulog kundi sa bintana." Banta ni Crizel kaya pasimple ko siyang tinapik sa balikat, habang si Laze at tahimik ng nakatanaw sa bintana dahil yung 5 seater sa pinakalikod ay puno ng mga school suplies na hindi na kasya sa ibaba.
Kinalabit ko naman si Laze, lumingon siya at nagtataka. "What?"
"Ako sa window side," nakangiting sabi ko. Napalingon siya muli sa bintana na para bang hirap na hirap siyang iwan ang bintana bago siya umusod sa kabila kaya nakangiti akong naupo doon.
"Thank you."
"Whatever." Mahinang sagot niya, naka-suot siya ng mamahalin na earphones yung Bluetooth at mamahalin na brand. Bigla ay nakaramdam ulit ako ng gutom kaya ngumuso ako at tumanaw sa bintana ng sandaling makalabas na kami sa malaking gate ng school may nakasunod naman na bus baka yung section 2.
Ngunit nahawakan ko kaagad ang tyan ko ng tumunog 'yon, mabuti na lang naka-ear pods si Laze. Ipinatong ko ang bag ko sa lap ko at hinanap ko ang hotdog na pinrito ko na nakalagay sa tumbler. Tinusok ko ito using the disposable fork tapos kumagat.
Nalingon ko si Laze, "Gusto mo?" Sinenyas ko pa ang kamay na may hawak na fork. Huminga siya ng malalim at natigilan ako ng hawakan niya ang kamay ko at kumagat sa kabilang dulo ng hotdog.
Napalunok ako at tsaka ko ibinalik sa lagayan 'yon at hinati ng tuluyan yung hotdog syempre nakagat namin ang bawat dulo, nang mahati 'yon ay kinain ko na ang side ko at tsaka ko tinusok ang another half at tinapat sa bibig niya.
Natigilan siya at blangko akong tinignan bago tinanggap 'yon. Tinakpan ko na at tsaka muling itinago, uminom naman ako ng tubig ngunit habang ngumunguya yung katabi ko ay nabulunan yata.
Hindi ko alam ang gagawin pero inabot ko ang tubig ko sa kaniya. Kinuha niya 'yon at mabilis na uminom, tinitigan ko lang siya. "Buhay ka pa?" Kwestyon ko at dahil doon ay matalim niya akong tinignan kaya alanganin akong natawa.
Ngunit hindi ko inaasahan na pupunasan niya ang nguso ng water bottle ko using a handkerchief. Bago ibinalik 'yon, huminga ako ng malalim at tsaka tumanaw sa madilim dilim pang kalangitan dahil pasikat pa lang ang araw. "Anong oras sumisikat ang araw?" Tanong ko.
"It depends, sometimes it will be earlier than expected." He answered, glancing at the window beside me.
"But now, it will be around 6 AM I guess." Paglilinaw niya kaya tumango ako.
"Arrival time, will be 11 AM." Announce ni sir at tsaka siya bumalik sa pagkakaupo.
Ang layo rin pala ha, 4:50 AM na umalis kami ng 4:40 AM tapos 11 ang arrival? "Layo." Bulong ko.
"We'll have stop over for 30 minutes to eat a brunch." Nangunot ang noo ko sa sinabi ni Laze.
"Ba't mo alam?"
"I just know it," he stated.
Medyo gininaw ako ng tumagal tagal, na-boring rin ako dahil wala akong earphone kasama sa mga damit ko, nalingon ko si Laze na tahimik na nakasandal sa upuan niya mukhang nag-eenjoy sa music na medyo naririnig ko pa.
"What do you call a cow without legs?" Gulat kong nalingon si Laze sa kanyang tanong.
"Huh? Edi amputated cow?" Gulat kong sabi.
"Wrong."
"Injured cow?" Kwestyon ko pa ngunit umiling siya ulit.
"Edi ano?"
"In born cow without legs?" Umiling siya muli.
"May ganoon bang cow?" Inis na sabi ko.
"Hmm." Tumango pa siya.
"Ano nga?" Pabulong kong tanong.
"Ground beef." Napakurap ako sa naging sagot niya.
"G-Ground beef?" Bahagya pang nanlaki ang mata ko, ngunit tumango lang siya.
"J-Joke ba 'yan?" Kinakabahan kong tanong, "D-Dapat ba ako tumawa?" Napatitig siya sa mukha ko na para bawang sawang sawa na siyang mag-explain hanggang sa umiwas tingin siya at napatingin ako sa cellphone niya na mas nilakasan ang volume.
"Don't talk to me." Matipid niyang sabi kaya nakagat ko ang ibabang labi.
Sumandal ako sa kinauupuan at pumikit, matutulog muna ako.
Ngunit agad na nagising ang diwa ko sa biglaang preno ng bus namin at dahil doon ay sumubsob ang mukha ko sa kaharap na upuan pero may palad sa noo ko, dahan dahan niyang ibinalik ang ulo ko sa pagkakasandal dahil aatakihin yata ako sa puso sa gulat.
Nalingon ko si Laze na ibinaba ang palad niya habang nakatingin sa akin.
Thanks for his fast reflex, may bukol na sana ako ngayon.
"Thank you." Mahinang sabi ko.
"Ano oras na?" Tanong ko, binuksan niya naman ang cellphone niya at nakita ko na alas diyes na pala ng umaga, isang oras na lang. Ngunit bago pa man lumagpas sa 10:05 AM ay tumigil kami sa isang malawak na field pero may mga stores and fast food restaurants.
"Be back at 10:35 AM, ang mahuli na team automatic minus 5." Ngumuso kaming lahat at sabay sabay na bumaba, kami rin naman kaagad nila Crizel at Laze ang magkasama.
Sunod naman ng sunod si Bullet ngunit ngayon ay may tali siyang nakalagay sa collar niya at hawak ni Laze ngunit sumasayad pa ang tali sa sahig. "I'll just walk Bullet, buy me some." Natigilan kami ni Crizel.
"Ano ba 'yan guys, ako na lang yung bibili. Miran please lang mare, diyan ka sumuka ha." Ngumuso ako at nagpahangin na lang kasama si Bullet at Laze.
"You're nauseous?" He asked.
"A bit." Mahinang sagot ko.
"It's a trip, the bus is full airconditioned you're supposed to have a jacket or a long sleeves." Nanenermon niya na namang sabi kaya humaba lalo ang nguso ko, siya na kaya maging tatay ko? Nakakahiya naman eh.
Wala pang kinse minutos ay nakabalik na si Crizel may dala ring gamot para hindi ako mahilo sa byahe, bumili lang siya ng pancakes and hot chocolate. "Magtae na kung magtae." Bulong niya pa sa akin kaya nasapo niya kaagad ang braso sa hampas ko.
"Bigat ha mare." Ngumisi ako, gumamit rin kami ng banyo upang hindi maihi. Bumalik kami sa bus para doon kumain.
Nang makarating na kami sa lugar ay tiyak kaming namangha dahil ang mga bahay bahay na nakatayo rito ay kalumaan na at kaunti na lamang ang mga nakatira. Bato bato ang bawat pagkakatayo ng mga bahay rito, at may isa sa gitna ang pinakamalaki.
Hindi kami kaagad nakapasok dahil hinintay namin ang magbubukas ng naglalakihang gate bago ka makapasok ng tuluyan sa loob, pinababa naman kaming lahat kasama ang mga gamit namin. Halos lahat ng nandidito ay may katandaan na at kaunti lamang ang mga bata.
Ngunit ganoon ako nagulat ng may humawak sa kamay ko, napatitig ako sa batang bungi pa at may bangs kasama ang maiksi niyang buhok. "Hi po ate," nakangiting bati niya kaya napangiti ako.
"Hello." Ngunit nang agaran siyang mapagalitan ng nanay niya ay tumakbo siya papalayo sa amin.
"Mga bawal gawin sa loob," binuklat ni sir ang papel na hawak niya. "No vandalism, please lang hindi na kayo mga bata para hindi maintindihan ang sinasabi ko. Pangalawa, hindi niyo maaring hawakan ang lahat ng nakikita niyo ng walang paalam sa mga tao rito."
"Yes sir!"
"Malinaw sir!"
"Pangatlo, bawasan ang pagiging magaslaw, maarte, at higit sa lahat hindi ko kayo pinapayagan na mag-ingay ng mag-ingay. Lalo na pag nasa labas kayo," huminga ito ng malalim at binaliktad ang papel. "Bawal rin ang public display of affection, specially sa mga mahilig maglandian sa public, pakitago. PDA is not good."
"Opo seeer!"
"Grabe naman si sir, single kasi."
"Holding hands ser pwede?!"
"Oh yung mga may kalaplapan diyan sa public, magkaka-alipunga sa bibig."
"Tahimik! Kakasabi ko lang!" Natahimik ang lahat sa paalala ni sir at pagkatapos ng limang minuto na 'yon ay nakapasok na kami.
"Huwag mag-unahan sa mga kwarto dahil lahat kayo mabibigyan, lumapit kayo sa key distributor at magpasalamat matapos makuha ang susi at ang room number." Sinunod namin si sir ngunit walang kahirap hirap dahil si Laze ang pumila at dahil doon ay nalaman kaagad namin ang room number, kaya sinimulan naming maghanap.
Habang naglalakad ay nangunguna si Bullet at ang buntot niya ay humahampas ng mga 90 degrees kasama ang bewang niya, mukhang excited rin siya. "Eto yata 'yon," turo ni Crizel at isinalpak ang susi namin sa door knob at gumana nga.
"Tourist spot ang lugar na 'to kaya malaki ang bayad, madalas na bumibisira rito yung mga mahilig sa ancient history. Teachers from out of the country, photographers, models, to have peace of mind and to capture how old life works." Napangiti ako sa mahabang explanation ni Crizel bago kami pumasok.
"Wala kasing signal rito, pero before going here dapat magpa-book ka and you know have their permission." Nakangiting sabi niya pa at kinuha ang kama na nasa dulo.
Tapos si Laze naman ay ang kama sa kabilang dulo kaya yung gitna ang napili ko. "Dito rin pumupunta ang mga nasawi sa pag-ibig," ngising sabi niya at tinaas-taasan pa ako ng kilay kaya napailing iling ako.
"Sawi ba puso mo?"
"Of course not," sagot niya kaagad at nahiga.
"Ay gago!" Napabangon siya kaagad kaya nagulat ako at napatayo.
"Ano? Ano meron?"
"Ang ganda mare!" Itinuro niya ang itaas ng kisame kaya napatingin ako at halos umawang ang labi ko ng makita ang magagandang pagkakaguhit at doon ko na-realize kung sa sobrang laki ng lupa na 'to ay walang mapa na binibigay.
Dahil nasa kisame na 'yon, makikita mo kung nasaan naka-pwesto ang kwarto niyo at mabibilang mo rin kung ilang bahay ang nakatayo na buong kwarto lang walang kusina, walang sala, kwarto at banyo lang.
Matapos mag-ayos ng mga gamit namin ay sandali pa kaming nagpahinga dahil binigyan naman kami ng isang oras upang magpahinga bago simulan ang unang activity. "Picture taking ang unang activity 'di ba? Kailangan nating kuhanan ang structures ng bawat lugar hanggang batong bahay sa pinakamalaki sa gitna?" Kwestyon ko.
"Hmm." Tugon ni Laze at napansin ko na inaayos niya ang hawak na camera, hindi ko alam na may dala pala siyang professional camera.
Nalingon ko rin si Crizel na hawak ang maliit niyang camera, "Pwede naman cellphone ang pangkuha 'di ba?" Tanong ko, nahihiya.
"Pwedeng pwede mare, teka lang ha maki-chismis lang ako sa kaibigan ko sa section two." Paalam ni Crizel dala ang camera niya kaya tumango ako.
"Give me your phone," mahinang sabi ni Laze ng makalabas si Crizel kaya inabot ko sa kanya 'yon ng may pag-aalangan.
"Bakit?"
"Let's make it into professional cam." Nakita ko naman na may inayos siya sa settings na cellphone ko at tsaka niya sinubukang kuhanan ang kisame at napansin ko kaagad ang pinagbago no'n.
"Thank you," nakangiting sabi ko.
Tumango lang siya at bumalik na sa camera niya, "Pwede patingin ng pictures diyan sa camera mo?" Nakangiting sabi ko, natigilan siya bago inabot sa akin 'yon.
"Tap this to view the next photo." Tumango ako at napansin ko na panay buildings, natures, broken bridges, abandoned houses and buildings ang nandito.
"B-Bakit walang tao?" Kwestyon ko.
"I don't take photos of them, I only took beautiful sceneries, beautiful things." He explained.
"Wow, so pangit yung mga tao?" Nanlalaki ang mata kong tanong, ngunit nagbibiro.
"Obviously." Nanlaki ang mata ko ng sumagot siya, seryoso ba?! Nagbibiro lang ako ah!
"Let's go, kumuha tayo mg litrato mamaya marami ng tao." Tumango ako at dinala ang cellphone ko, they also allow us to wear our ID every time na lalabas kami for verification na may pahintulot kaming nakapasok.
Binuksan ko ang camera ko at basta-basta lang na kumuha ng picture, nasa isang sulok kami ng daan sa bandang kanan ng tinutuluyan namin, may mga halaman rin at ang batong bakod ay ginagapangan ng mga halaman na nakasabit sa pader.
Nalingon ko si Laze at nagtaka ako ng nakaharap sa akin ang camera niya pero dahan dahan na lumihis 'yon, kaya mabilis akong gumilid baka hindi niya makuhanan ang gusto kasi harang harang ako.
Kinuhanan ko rin ang bahay na bato ang gawa at ang mismong gitina ng daan pero nagtaka ako ng mula sa kinatatayuan ko ay makikita ko ang isang puno sa gitna, sobrang laki no'n at maganda sa mata ang kulay ng mga dahon niya. Namangha ako ng sobra, kinuhanan ko 'yon mg litrato.
Umatras ako upang makuhanan ng buo ang puno ngunit mahina akong napasigaw ng madulas pero ganoon na lang ang pagpapasalamat ko ng hawakan ako kaagad ni Laze sa siko. "Don't be so clumsy." Mahinang sabi niya at itinayo ako ng maayos bago binitiwan ang siko ko.
Naglakad siya at sumunod naman si Bullet. "Bullet stay," utos niya sa aso niya at dahil doon ay sa akin sumama si Bullet.
Matapos kong kumuha ng litrato ay sinubukan ko namang kumuha ng video, hinanap namin ni Bullet si Laze at ng makita ay ihinarap ko sa akin ang camera ay humarap ako upang makuhanan si Laze sa likod.
"Laze!" Pagtawag ko at saktong pagtingin niya ay nakuhanan ko na sa akin siya kaagad nakatingin bago mapunta sa camera ang mata niya ngunit lumapit siya at nang makalapit ay halos manlaki ang mata ko ng bahagya niyang pantayan ang tangkad ko at itabi ang mukha niya sa gilid ng mukha ko sa balikat ko.
"Why are you taking a video?" Nang makita ko sa mismong camera kung papaano mamula ang mukha ko ay napaayos ako ng tayo at napalayo sa kaniya.
"W-Wala, m-memories." Mabilis na sabi ko at alanganin na tumawa.
"Hmm, okay." Tumango siya at napakurap ako lalo ng ipatong niya ang malaking kamay sa tuktok ng ulo ko.
Huh?
Hindi ko maalis ang tingin sa kaniya kahit na inalis niya na ang palad, mabilis na tumibok ang puso ko at agad ko siyang natalikuran upang pakalmahin ang sarili.
H-Hindi naman tama ang nasa isip ko hindi ba? B-Bawal 'to eh, may gusto ang kaibigan ko sa kanya parehas silang may gusto sa isa't isa hindi ako puwedeng umepal!
Ah basta, hindi 'to pwede.
///
@/n: Any thoughts? Keep safe! Late update sorry 😅❤️
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro