Chapter 26
Chapter 26:
Hakuna Miran's Point of View.
Lahat kami ay nakatayo sa harap ng bagong dean, mukhang mas istrikto at nakakatakot siya kumpara sa dati na may pinapanigan. "I am very fair, I don't care if you have to explain about what you did or who started first." Pinalo nito ang mesa niya at dahil doon ay pasimple kong siniko si Janella na nakanguso.
"I'll use the CCTV footages to check and give you fair punishments. Lalo ka na Ms.Romero, scholar ka dapat ay iniingatan mo ang demerits points mo sa school na 'to." Ngumuso ako at nahihiyang yumuko.
"But I am not blaming you to be clear, I am telling you to be careful. A big demerits can make your scholarship inactive." Tumango akong muli.
"Yes sir."
"I'll call for all of you again, for punishments." Lumabas kami ng opisina niya at masama kaming tinignan ng babae na mahaba ang buhok.
"I'm not yet done with the three of you." Banta niya.
"Nyeh nyeh, sinong may pake. Pakalbo ka na." Sumbat ni Crizel kaya kagat labi ako.
"Fuck you." Singhal no'n.
"Likewise, panget." Ganti ni Janella at namakyu ngunit ginamit ang ring finger niya kaya siniko ko siya muli, ngumuso siya at sinamaan ng tingin 'yon.
"Ayan! Late na tayo sa klase! Dali!" Mabilis na sigaw ni Janella at nagmamadaling tumakbo kaya ganoon rin kami ni Crizel, nang makapasok sa room ay nagulat pa yung prof at ang buong klase.
"Ano't tila nakipag-gerahan kayo sa mga ayos niyo?" Gulat na tanong ng prof.
"G-Good morning sir, pasensya na po. Naging trip po ako ng ibang students eh." I explained, nangunot ang noo nito at wala ng nagawa kundi sumenyas na maupo kami.
Nang makaupo ay nahiwalay si Crizel dahil napuno ang seats, naupo naman ako sa tabi ni Laze. "You're in trouble again," bulong niya kaya ngumuso ako.
"As usual, daga ba ako para maging paborito ng pusa." Pabulong ko rin na sagot at inilabas ang libro ko.
"Butiki." Sa sagot niya ay pasimple kong sinipa patagilid ang binti niya dahilan para lingunin niya ako at pagpagin ang slacks na suot niya.
"I hate dirts." Mahinang sabi niya at kinuha ang libro ko kaya inagaw ko 'yon pero ayaw niyang ibigay pero parehas kaming natigilan ng magsalita yung prof.
"Mr.Garcia and Ms.Romero, mamaya na kayo maglambingan pagkatapos ng klase ko. Please lang, single pa rin ako." Nanlaki ang mata ko at agad na napalayo kay Laze tapos alanganin na nagsorry sa prof.
Pagkatapos ng klase ay lumapit sa akin si Crizel may dala-dala na bandage at ointment. "Halika," nilinis niya ang sugat ko tapos ay nilagyan rin ng ointment habang si Laze ay nanonood lang.
"Tulungan mo 'ko. 'To naman." Utos ni Crizel pero agad siyang napabawi dahil sa tingin ni Laze.
"Ero naman hindi ma-joke hehehehehe."
Matapos no'n ay na-announce na ang architectural trip at nalaman ko na 3500 lahat ng babayaran, per person. Natulala ako ngunit lahat sila ay masaya, "Don't be so down about it, you'll get 75% off." Nakanguso kong pinanood si Laze na isuot ang bag niya.
"Naghihirap na akoooo."
Tinitigan niya ako at tsaka niya itinaas sa mesa ang bag ko. "Let's go. Work for it. Come on." He stated and by that isinuot ko na ang bag ko pero sandali pa akong natulala sa presyo.
"Let's go." Hinawakan niya ang likuran ng bag ko at hinila kaya para akong batang napasunod, humabol naman si Crizel.
"Kain muna lunch bago trabaho. Tara!" Natigilan ako ng wala si Janella.
"Si Janella nasaan?" Tanong ko.
"Napagalitan ng papa niya, hayaan mo susunod 'yon pagkatapos makausap yung papa niya. Ganoon talaga si tito, medyo strict kay Janella. Naglayas kasi si Janella noon." Mahinang sabi ni Crizel kaya napatango ako sa chinika niya.
Kumain naman kami sa cafeteria ng school, kasama na ni Laze si Bullet ngayon na nakasunod lang kahit walang tali. Natutuwa ako dahil para siyang tao, alam niya ang ginagawa niya.
"Bata ka pa lang kasama mo na si Bullet 'no?" Tanong ni Crizel sinusulyapan ang aso.
"Hmm." Tugon lang ni Laze.
"Noon maliit pa si Laze malaki na si Bullet." Natatawang kwento ni Crizel kaya napangiti ako.
"Nakapunta ka na ba sa isla nila mare?" Tanong pa niya.
"Hayaan mo magbabakasyon tayo doon, pero may discount Laze ha." Hindi sumagot si Laze at kumakain lang, sungit talaga.
Pagkatapos kumain ay pumasok na kaagad ako sa cafe. Ginawa ko ang araw araw kong ginagawa at tulad ng nakasanayan gabi na ako nakauwi ulit, ngunit ganoon na naman ang pagtataka ko ng makita ang panibagong kahon sa gilid ng kwarto ko.
Huminga ako ng malalim at binuksan ang condo ko tapos ipinasok 'yon sa loob dahil sa akin na naman nakapangalan. Inilagay ko 'yon sa harap at tinitigan, kinuha ko rin ang cutter upang malaman kung anong laman no'n.
Pagkabukas ay nakita ko kaagad ang kahon ng sapatos kaya inilabas ko 'yon at nalaman ko na hike shoes siya, ngunit nagtaka ako sa note.
Have fun at your trip!
Nanlaki ang mata ko, a-alam niya rin ang tungkol sa trip?!
Sunod kong tinignan ang nandoon at nakita ko ang nakabalot pa na jogging pants at ang nakakapagtaka ay may snacks pa. Nasapo ko ang noo at napatitig, napapagod na akong mag-isip kung sino ang sender ng mga parcels na 'to. Ano't alam niya ang lahat ng ganap sa buhay ko?!
Inayos ko na ang mga 'yon at tsaka ko sinimulang gawin ang plates na kailangan ipasa bukas, mamaya na ako kakain.
Makalipas ang ilang araw ay sunod sunod akong nakatanggap ng parcels na hindi ko alam kung sino ang nagpapadala ngunit lahat ng 'yon ay napapakinabangan. Minsan ay may nagpadala na rin ng pagkain, habang may sermon pa na unahin kong kumain kesa sa school works.
Pagkapasok sa school ay dumeretso ako sa registration para magbayad ngunit nakasabay ko si Laze na nagmumukhang masungit kasi sa blangko niyang tingin at ayon para kang may makaking ginawa na kasalanan kung tignan.
Patalon ko siyang ginulat pero nilingon niya lang ako na parang wala at dahil doon ay wala nga talaga siyang emosyon. "Parang robot naman 'to, hindi man lang magulat." Reklamo ko pero deretso lang siyang naglakad.
"Oh sandale, ladies first." Pumunta ako sa unahan niya at binati yung nasa loob. "Magbabayad po, for architectural trip." Ipinakita ko rin ang ID ko at dahil doon ay napatango ito.
"875 pesos." Ibinigay ko 'yon ng sakto para hindi na mahirapan magbigay ng sukli, binigyan ako ng resibo at ticket kaya naman ng makuha 'yon ay itinago ko na kaagad sa wallet ko para hindi ko mawala.
"Thank you po."
Gumilid naman ako para si Laze na ang magbayad, gwapo gwapo niya sa uniform niya pero parati niyang pinapatungan ng kung anong mahahaba tulad na lang jacket, hoodie 'di ba.
He paid it full and left with the receipt and ticket, sumunod naman ako sa kaniya. "Kumusta kayo ni Janella?" Kwestyon ko.
"We're good." Tumango tango ako.
"Hindi ba kasama ang engineering sa architectural trip?" Natigilan siya at tinignan ako na para bang nagtatanong kung seryoso ako sa tanong.
"Hakuna, Architectural trip. Now you're asking me if engineers are involve?" Nangunot ang noo ko at tinitigan rin siya, malalim na nag-iisip.
"What's the name of the trip?" Magkalapat ang labi niya at parang handa akong batukan oras na magkamali ako.
"Architectural.."
"You get it?" Umawang ang labi ko at umiling.
"Damn it. Don't talk to me." Derederetso siyang naglakad kaya humabol ako.
"Luh, ba't galet?" Kwestyon ko at pilit sinasabayan ang malalaki niyang hakbang.
Hindi niya na ako kinausap kaya ngumuso ako, nang nasa classroom na ay nalaman ko na walang klase at tanging orientation lang for architectural trip. "Since kasama niyo rin ang ibang section, at halos 1000 students ngayong taon. We're the batch 1 since section 1 tayo, hindi pwedeng sabay sabay dahil mababaliw kami sa pag-handle sa inyo." Tumango tango kami sa sinasabi ng teacher.
"Ang batch 1 ay section 1 at section 2, totals of 125 students. 2 bus, sa iisang bus ang section 1 please lang huwag kayong pumuslit upang kitain ang mga kalandian niyo sa section 2." Natawa ang lahat sa explanations ni sir.
"Dalawang teacher lang ang makakasama, isa sa section 1 at 2. Sa bus natin 57 students. Sa section 2 hindi ko alam dahil hindi ko sila hawak," naiinip na ako. Mabuti at hinayaan kaming kumain habang nakikinig sa kanya.
"To add up, the 57 students will split up for a project making while staying in that trip. Into 3, it means we will have 19 teams. To cut the crap, the three members in one team will stay at one room. I am not allowing you to have 1 girl and two boys, it'll be better if 1 boy and 2 girls for your own protection since it's a province." Nagkatinginan kami ni Crizel at bago pa man makuha si Laze ng ibang grupo ay hinawakan na namin siya sa braso.
"Sa amin ka na," mabilis na sabi ko.
"Sorry guys! Sorry nauna kami." Paalala ni Crizel dahilan para mainis ang ibang student.
"Huwag mag-agawan! Aba!" Paalala ni sir.
"Any questions?" Kwestyon ni sir, natigilan kami ng mag-taas ng kamay ni Laze.
Ayaw ba niya kami kasama?
"Yes Mr.Garcia?"
"Can I bring my dog?" Napalunok si sir at alanganin na napahawak sa sintido niya.
"Well trained?" Our professor added.
"Yes, know's when to use his litter." Tumango si sir dahil mukhang wala naman na siyang magagawa dahil apo ng may-ari ang nagtanong.
Pagkatapos no'n ay sumandal ako sa kinauupuan at huminga ng malalim. "Kinakabahan ako." Bulong ko.
"'Wag gaga, tiwala lang kasama si Laze. Paniguradong valedictorian ng taon." Natatawang sabi ni Crizel.
"Sayang hindi kasama si Janella," bulong ko.
"Oo nga eh," nanlumo kami ni Crizel at tumulala sa harap. Maraming excited na kasama at dahil doon ay kinakabahan ako kasi first time!
"Bukas na 'di ba?" Pabulong na tanong ko dahil hindi kami magkatabi ni Crizel nasa kabilang gilid siya ni Laze, para walang makakuha ineexpect namin na may groupings eh.
"Ano?" Tanong ni Crizel kaya mas inilapit ko ang ulo.
"Bukas na?" Pabulong kong tanong.
"Gaga ang ingay ng iba huwag ka bumulong." Natawa ako at mas lumapit.
"Bukas na?" Tumango siya at natawa.
"Why didn't you guys just stick together?" Napatingin ako sa mukha ni Laze at napansin ko na nasa harapan na ako ng dibdib niya kaya mabilis akong umayos.
"Sungit." Bulong ko at napairap.
"Better fix your—"
"Kay Miran na tayo matulog Laze!" Suhestyon ni Crizel.
"What?" Kwestyon ni Laze.
"Kasi maaga tayo bukas, 4:30 AM waiting time tapos aalis tayo 4:40 AM." Explain ni Crizel habang tinuturo ang magkaibang daliri niya.
"Para mag-umagahan na tayo, makapaghanda at hindi ma-late." Tumango na rin ako bilang pagsangayon.
"I agree."
"Whatever." Laze stated and held his book, put it on his lap and then opened his bag to keep it.
"May snacks ka na? Wala raw store doon sa trip. Kahit tindahan wala, malayo rin ang bayan at higit sa lahat magluluto tayo ng pagkain hindi order." Nakinig lang kami kay Crizel at maya-maya ay binigyan kami ng oras para kumuha at maghanda ng pangangailangan namin.
"Mare marunong ka magluto?" Nahihiyang tanong ni Crizel kaya tumango ako.
"Nice, ako hinde." Natawa kaming dal'wa, nakahawak siya sa braso ko habang si Laze at tahimik lang na naglalakad.
Pero sa hindi kalayuan ay nakita namin si Janella kaharap ang isang lalake na may katandaan na rin siguro, nasa age of 40-50? Natigilan kaming tatlo. "Dad, hindi na ako bata. Huwag niyong sabihin kung ano ang dapat kong gawin kasi pagod na pagod na akong pinaghihigpitan, pinababantayan." Bigla ay naawa ako kay Janella.
"Pinoprotektahan lamang kita sa masasamang mga tao, nakalimutan ko na ba ang nangyari sa'yo noong nilayasan mo ako?" Napalunok ako at napabuntong hininga.
Mabuti nga siya ay pinoprotektahan ng sarili niyang tatay, samantalang yung tatay ko walang ideya kung ano ng nangyayari sa akin sa kamay ng step father ko. "Janella." Pagtawag ng tatay niya sa kanya ng mag-walk out siya pero kami ang nakaharap niya.
Maluha luha ang mata niya na pilit niyang pinasigla ng makaharap kami. Napatingin naman ako sa tatay niya na nakatingin rin sa amin, bahagya akong yumuko upang magbigay bati. "Gusto mo sumama sa amin?" Tanong ko sa kaniya ng makalapit siya.
"H-Hindi na mare." Mahinang sagot niya.
"Sumama ka na." Ngumiti ako at hinawakan siya sa kamay.
"M-May klase pa kasi ako mare, sa susunod na lang ha? Mag-ready na kayo sa trip niyo. Mag-iingat kayo, pasensya na busy talaga." Napilitan akong ngumiti at tumango.
"Mag-iingat ka." Sagot ko rin.
"Ingat couz."
Natigilan si Janella ng mahina siyang tapikin ni Laze sa braso. "It'll be fine." Ngumiti si Janella at tumango sa sinabi ni Laze.
Umalis na si Janella kaya nanlumo ako, ang lungkot niya pero pinakikita niya sa amin na masaya at ayos lang siya. Umalis naman na ang papa niya kaya wala kaming nagawa kundi pumunta muna sa condo ko, inayos ko rin ang pwedeng tulugan ng dalawa.
"Tabi na tayo sa kama malaki naman yung kama." Pagsasabi ko kay Crizel.
"I'll occupy the sofa." Laze stated and sat on it.
"Si Bullet?" Tanong ko.
"Beside me." Sagot ni Laze.
"Okay." Matipid kong sagot, nagtaka naman ako ng may mag-bell kaya sumilip muna ako sa peep hole at agad akong napalingon dahil delivery man na naman.
Binuksan ko yung pinto. "Ma'am pa-received po ng parcel." Nakangiting sabi nito kaya kinuha ko ang ballpen niya at pumirma.
"Wala po bang pangalan?"
"Wala pa rin ma'am, baka po secret admirer niyo." Mahina akong natawa at napailing.
"Salamat kuya," kinuha ko na 'yon at tsaka ako pumasok sa loob. Inilapag ko 'yon sa harapan ni Laze at dahil doon napatayo si Crizel makiki-chismis.
"Wow, umorder ka mare?"
"Hindi, sabi ni kuya baka raw secret admirer ko." Nakangusong sabi ko at binuksan 'yon ngunit napalunok ako ng makita ang iba pang snacks na mukhang imported.
"Oh Korean brand?" Turo ni Crizel.
"'Di ba Laze?"
"Hmm." Tugon lang ni Laze.
"Masarap 'yang ramen mare, busog ka na diyan gabihan pa lang dalhin mo sa trip." Suhestyon ni Crizel kaya tumango ako, sunod ko namang tinignan ang separate box pero nasa loob rin.
Natigilan ako at hinawakan 'yon dahil isa itong magandang relos at may kasama pang pera. May note rin kaya binasa ko 'yon.
Your allowance for trip, keep safe.
"Wow! Hindi lang yata admirer 'yan 'teh. Sugar daddy na rin!" Natatawang biro ni Crizel, ngumuso ako.
"Baka yung nakahalikan mo sa ball?" Tanong niya kaya nanlaki ang mata ko.
"Tsk." Nalingon ko naman si Laze na tinignan ang relos.
"Sell this for thirty thousand, you'll live for a month without working." Suhestyon niya agad naman akong natawa.
"Ang regalo dapat pinahahalagahan." Paalala ko.
"Whatever." Bulong niya sa sarili at tsaka ko lang napansin na suot niya ang bracelet na niregalo ko, baka kaya siya parating naka-long sleeves?!
Woah, this guy is incredible. Nag-bracelet pa, tinatago rin naman.
///
@/n: Any thoughts? Syempre update pa rin kahit may klase 😂 keep safe!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro