Chapter 21
Chapter 21:
Hakuna Miran's Point of View.
Tahimik akong gumuguhit sa dorm na tinitirahan ko ngayon na nahanap ni Laze malapit sa school at sa cafe, uhm actually condominium siya pero for rent dahil nasa ibang bansa yung owner.
May gamit na, may kama at maliit lang naman siya. May sariling banyo, may sariling dining, maliit na kitchen at maliit na sala tapos ang tanging divider ng room ay ang isang book shelf na pinuno ko naman ng mga plates, mga gamit sa school at models.
May maliit na flat screen at may aircon rin na mababa ang kain ng kuryente, maganda na siya para sa akin. Sobrang ganda na nga kung tutuosin, may study table rin ako malapit sa kama sa kung saan makakagawa ako ng plates ng malaya.
May fan rin kaya kung minsan para mas tipid ay mabawasan ko ang bayarin 'di ba. Hindi naman ako nahirapan hanapin siya dahil nasa 6th floor yung condo na tinutuluyan ko at maganda naman ang elevator nila parating nagagamit.
Wala pa akong bisita dahil kahapon lang ako nakalipat dito. Ang ganda pa ng sofa sobrang lambot, habang naka-focus ako sa plates dahil alas syete na rin ng gabi ay day off ko naman.
Hindi pa ako kumakain dahil kailangan ko 'tong tapusin ngayong araw. Pero kukulayan ko pa lang sana ay may nag-ring na ng bell kaya naman nangunot ang noo ko, dahan dahan kong binuksan ang pinto at sumilip pero nanlaki ang mata ko ng makita si Yamato at Laze.
Binuksan ko ang pinto. "P-Pasok." Pumasok sila at sumunod naman si Bullet, napanood ko kung papaano tinulungan ni Laze si Bullet na alisin ang sapatos na suot ng aso niya habang si Yamato ay naupo agad sa sala at bago isindi ang tv ay dumeretso siya sa ref.
"Ate gusto ko na rin tumira sa ganito," wika ni Yamato kaya natawa ako.
"Ikaw Laze, buti napadaan ka dito?" Kwestyon ko.
"Your brother asked me," turo niya pa kay Yamato tapos ay inalis ang suot na jacket kaya naka-shirt na lang siya ngayon at slacks.
Naupo rin siya sa sofa at sinindi pa ang tv kaya napalunok ako. "Nagtitipid ako ng kuryente," paalala ko sa dalawa dahilan para magulat si Laze ay dahan dahan na pinatay ang tv.
"Why is it so hot here?" Tanong niya tinatanaw ang aircon.
"Nagtitipid ako ng kuryente—"
"I swear to your step father, mas malakas pa kumain 'yang fan mo ng kuryente kesa sa aircon." He pointed it that made me frown, tapos sinindi ko yung aircon using the remote.
"Good." Laze stated.
"Duh." Inis na reklamo ko.
"Nagawa mo na plates mo?" Tanong ko kay Laze, nangunot ang noo niya at lumapit sa study table ko sa kung saan nakalapag yung plates ko.
"I'm always early than the deadline, so yes." Tumango ako at pinagpatuloy ng magsulat.
"Nagugutom ako ate," sinamaan ko ng tingin si Yamato.
"Nag-aaral ako." Napalunok siya kaya tinignan ko si Laze na nag-aalangan ibaba ang dala niyang eco bag, habang nakatingin sa akin.
"Si Ate naman, sandali ako na bibili ng gabihan." Reklamo ni Yamato at halos tumaas ang kilay ko ng ilahad niya ang palad sa harapan ni Laze. Pinanood ko naman si Laze ilabas ang wallet niy—
"Hoy ano 'yan? Ba't diyan ka humihingi?" Kwestyon ko para matigilan si Laze sa pagbigay ng pera.
"Ate, may work na po ako. Siya yung boss ko," turo ni Yamato kay Laze.
"Ha?" Nagtatakang sabi ko, "Anong work? Paanong boss? Saan? Illegal ba 'yan?" Nagsalubong ang kilay ni Yamato at ngumiwi sa akin.
"Ate, remember gumuguhit po ako ng comics? Yung kapatid niya po mahilig kaya ayon author na po ako. Nilang dalawa." Turo pa niya kay Laze kaya napairap ako at hindi na sila pinansin.
Habang gumuguhit ay natigilan ako ng maramdaman ang presensya sa likod ko kaya mabilis akong lumingon ngunit nanlaki ang mata ko at agaran niyang nahawakan ang pisnging nadampian ng labi ko, nakasilip pala siya sa ginagawa ko.
Napaatras siya at hindi ako makapaniwalang tinitigan. "L-Laze, sorry! B-Bakit ka ba kasi sumisilip? H-Hindi ko sinasadya." Mabilis kong sabi at tumayo tapos pinaghawak ang kamay ko, nakatingin lang siya sa akin parang nagulat.
Dahil sa nangyari ay napagmasdan ko ang kabuohan niya, simpleng trousers at oversized shirt lang na kulay navy green. "S-Sorry?" Nahihiyang sabi ko, sana ay huwag mamula ang mukha ko. Pakiramdam ko tuloy ay may kasalanan ako sa kanila ni Janella.
Nakahawak pa rin siya sa pisngi niya at parang hindi makapaniwala, huminga ako ng malalim. "H-Hindi ka kasi nagsasalita, hindi ko tuloy alam na g-ganoon ka kalapit." Nanatili lang siyang nakatingin sa akin bago niya ibinaba ang kamay na nakahawak sa pisngi at tumingin pa sa kabilang gilid bago niya dinampot ang libro ng architecture na meron ako at bumalik sa sofa.
Galit na naman ba siya?
Maya maya ay bumalik si Yamato na may dalang pagkain na halatang take out, tinawag nila ako doon kaya sinamahan ko na silang kumain habang nanonood ng tv.
"Ate, pwede makiligo? Ang ganda ng cr mo eh, ang laki ng shower." Ngumisi ako kay Yamato at tumango, habang nakaupo sa single sofa dito ay natigilan ako at tinignan si Laze.
"What?" Kwestyon niya.
"Anong gagawin mo pag bumalik yung first love mo?" Kwestyon ko, natigilan siya at tinitigan ako ng blangko niyang mata. Magkalapat ang labi at hindi ko alam kung galit ba siya o seryoso lang.
"First love?" He stated.
"Yung babaeng pinag-usapan natin, yung engot na bibigyan ka ng responsibilidad ka-bata mo pa." Hindi niya ako makapaniwalang tinignan.
"Ah." Tugon niya at tumango.
"What if she came back? Sa akin ba ang balik?" Napairap ako sa tanong niya.
"Malay mo 'di ba? Minahal mo naman 'yon panigurado." Ngumisi pa ako.
"Paano na ang kaibigan ko niyan pag bumalik 'yon?" Tanong ko, bigla ay nag-alala ako kay Janella.
Paano kung nagkagusto na rin ang kaibigan ko kay Laze tapos biglang babalik 'yon? Nagka-gulo na.
"Whatever Hakuna," sagot niya kaya mahina kong sinipa ang paa niya.
"Ano nga? Syempre papaano kung makawawa yung bff ko! Aawayin rin kita pag sinaktan mo 'yon. Ang bait bait niya eh," nakangusong sabi ko ngunit tumitig lang sa akin si Laze.
"You're joking?" Kwestyon ni Laze.
"Ano bang sinasabi mo, nagtatanong ako. Tatanungin mo rin ako, kaganda mong kausap ha." Iritableng sabi ko.
"Paano ka pag bumalik siya?" Sa sinabi niya ay umawang ang labi ko, "Laze anong ako! Si Janella! Paano si Janella, 'di ba may namamagitan na sa inyo?" Panchichika ko.
"Oo." Sagot niya kaya deep inside ay gusto kong umirap.
"Ano ng label niyo? Nauna pa kiss kesa label ha. Nakakahiya, sabi ng label NAKAKAHIYA NAMAN." Natatawang sabi ko pero seryoso niya lang akong tinignan.
"You love kisses huh?" Nanlaki ang mata ko, maraming beses lumalaki ang mata ko sa pagkabigla sa mga sinasabi niya.
"A-Anong ako? Kayo yung sinasabi ko." Mahinang sabi ko at bahagyang nahiya.
"You're always talking about kiss, I'm sick of it." Sumandal siya sa sofa at sandaling pumikit.
Hindi na ako nagsalita at kinuha na lang ang reviewer since may recitation next week. Natapos si Yamato ay nangunot ang noo ko at naningkit. "Saan lakad mo gabi na?" Tanong ko dahilan para matigilan siya.
"I'll meet a friend ate, kuya wait me here po ah. Babalik ako around 9 PM." Napairap ako at hindi na nakinig sa usapan nila, parehas silang lalake baka maintindihan nila ang isa't isa.
Makalipas ang trenta minuto ay naiinip kong tinignan si Laze. "Help me find him," mahinang sabi ko. It's the only way to divert my attention to that man, siya lang rin ang nakakaalam no'n.
"Who?" Natigilang tanong ni Laze at bahagyang isinarado ang libro na hawak niya pero nasa loob pa ang palad niya.
"The man on the ball, nakita mo siya 'di ba? Malakas ka naman makiramdam at makakilala." Pagbabakasakali ko.
"I won't help you," pabulong na sagot niya kaya ngumiwi ako.
"Dali na, favor lang naman eh." Nagmamaktol na sabi ko.
"You won't let me find your dad, and you'll find that man? You're crazy." Tila napipikon niyang sabi kaya napanguso ako.
"Because he's goo—"
"At what? At kissing?" Sa ganong niya ay nanlaki ang mata ko.
"G-Gago ka ba?!" Nagulat siya na nasabi ko pero tumayo at sinamaan siya ng tingin.
"It's not just about the kiss okay? I also like his smile. His dimples, I want to met him." Masama ang loob kong sabi pero tinitigan niya lang ako at tsaka sumandal upang muling buksan ang libro.
Binasa niya na naman na para bang wala siyang narinig. "He's your first kiss?" Kwestyon niya.
"Yes."
"You thought.." Pabulong na sabi niya kaya nangunot ang noo ko.
"Ano? Ano?" Nanghahamon kong tanong.
"Adik." Sa sinabi niya ay halos tumayo ako at awayin siya pero biglang nag-ring yung bell kaya naningkit ang mata ko. "Ano na naman nakalimutan ng ulyanin na batang 'yon." Sambit ko at lumapit sa pinto.
"Wait lang.." Pagsabi ko at binuksan ang pinto pero nanlaki ang mata ko ng makita kung sino ang bisita ko at may hawak pa silang plastic, pati si Crizel ay may dalang wine.
"J-Janella, Crizel.." Sambit ko, papaano kung iba ang isipin nila kung bakit nandito si Laze sa condo ko alone?
"Hi mare! Tara celebrate natin pagkalipat mo," nakangiting sabi ni Janella at itinaas ang foods na dala niya.
"P-Pasok kayo." Naiilang na sabi ko, ngunit parehas silang natigilan ng makita si Laze na tahimik na nagbabasa ng libro.
"Laze, nandito ka rin pala." Sambit ni Crizel at inilapag ang dala sa maliit na mesa, natigilan si Laze at nalingon ang dalawa.
Nagkatinginan pa sila ni Janella dahilan para matigilan ako, nakakahiya. "Laze." Sambit ni Janella sa pangalan niya kaya naman nakagat ko ang ibabang labi.
"Maupo kayo." Anyaya ko.
"Ang suspicious mare ha." Bulong ni Crizel sa akin pero nakangiti at tsaka niya binuksan ang wine.
"Iinom kayo? Paano kayo uuwi?" Kwestyon ko.
"Malapit lang condo ni Crizel dito sa condo mo mare." Sagot naman ni Janella at naupo sa tabi ko, tumikhim ako dahil napansin kong naibaba ni Laze ang libro.
"Hindi naman ganoon katapang 'to, and our guardian allowed us to drink. Kaya lezzgooo!" Masayang sabi ni Crizel at binuksan rin ang box ng pizza at lagayan ng chicken wings.
"Sama ka na Laze," anyaya naman ni Crizel dito.
Tango lang ang isinagot ni Laze at nagtama ang mata namin kaya mabilis akong nag-iwas tingin, pakiramdam ko tuloy ay may kasalanan ako o hindi kaya ay nabigyan ko ng problema si Janella.
"Kulang tayo fruits." Nakangusong sabi ni Crizel.
"Ako na bibili, nakakahiya naman gumastos pa kayo—"
"Gaga, magkaibigan tayo huwag ka nga. Kahit gastusan pa kita ng bahay pwede!" Napangiti ako at natawa naman sila Janella at Crizel kaya tumayo na ako at kinuha ang wallet ko.
"Samahan na kita Mareng Kuna." Humawak si Janella sa kamay ko at tumayo kaya naman tumango ako, sabay kaming naglakad sa hallway.
"Okay ka lang Mareng Kuna?" Tanong ni Janella na nakakapit sa braso ko kaya ngumiti ako at tumango.
"Naman Mareng Nella." Ngumiti siya at tumingin sa ilaw.
"Mareng Kuna may sasabihin sana ako sa'yo," natigilan ako at hinarap siya ng makasakay kami sa elevator.
"Ano ba 'yon?" Tanong ko, aaminin niya na kaya na sila na? O hindi kaya na may gusto siya kay Laze? Papalayuin niya kaya ako kay Laze?
"Kasi Mareng Kuna bawal akong magkagusto sa kung sino ngayon, pero gusto ko siya. Hindi ko alam yung gagawin ko, baka magalit si dad sa akin. Tapos yung lalakeng gusto ko ang komplikado," mahinang sabi niya kaya napalunok ako ng hard dahil sa kaba.
"Anong ibig mong sabihin?" Nagtataka kong sabi.
"M-Matagal na kayong magkaibigan ni Laze hindi ba? Wala ba talagang namamagitan sa inyo?" Nanlaki ang mata ko at umiling iling.
"Wala ah! Ito naman wala talaga, kahit ano wala. Friends lang kami for real Mare!" Mabilis na sabi ko, ngumiti naman siya at natigilan ako ng hawakan niya yung pisngi ko.
"Mare, yung totoo. Kahit kaunti wala kang gusto sa kaniya? Kasi kung meron mas pipiliin naman kita," pabulong niyang sabi at ngumiti. Hindi ako makapaniwalang tinitigan siya.
"Anong ibig mong sabihin?" Kwestyon ko.
"Na pag gusto mo siya kahit gusto ko siya mag-aadjust ako. I'll choose our friendship over a man." Paniniguro niya kaya ngumiti ako at umiling.
Gusto ka ni Laze.
"Mareng Nella, wala talaga. As in zero, zero as in itlog." Ishinape ko pa sa bilog ang kamay ko dahilan para matawa siya at akbayan ako dahil hamak na mas matangkad siya sa akin.
"Ang sungit sungit niya paano ko siya magugustuhan, mas gusto ko yung lalake na cute ngumiti at may dimples parang yung sa ball." Mabilis na sabi ko at dahil doon ay parehas kaming ngumiti.
"Tinanong ko rin si Crizel kasi ayokong masaktan siya kung sakali na may gusto rin siya kay Laze. Ayokong masaktan kayo," bumuntong hininga siya at parang ang lalim ng iniisip.
"Lalo ka na.." Pabulong niyang sabi kaya nangunot ang noo ko.
"Bakit ako?" Kwestyon ko.
"Ha?" Tugon niya tapos ay biglang umiling, "Wala, Wala." Ngumiti na siya at dahil doon ay bumili na kami ng prutas yung bagay sa wine kaya apple at grapes ang napili namin.
Mas pipiliin ko rin ang kaibigan ko kesa sa lalake.
Kung gusto ni Janella si Laze at gusto ni Laze si Janella bakit hindi ko sila susuportahan kung sasaya sila sa isa't isa? Hindi naman ako ganoong klase ng tao. Mas mahalaga sa akin ang friendship kasi hindi nawawala at kung magulo man maayos pero ang relasyon hindi na pwedeng maging magkaibigan ulit.
Bumalik kami sa condo at naupo naman ako sa tabi ni Crizel tapos si Janella ay sa single sofa, binigyan nila ako ng kaunti at masasabi kong masarap naman dahil lasang plum yung wine.
Hindi rin mapait, matamis siya. Nasulyapan ko naman si Laze na pinaiikot ang wine sa glass niya at tsaka aamuyin 'yon bago inumin, nang mapansin niya ako at umiwas tingin ako kaagad at kumuha ng mojos na kasama sa pizza.
"May pasok tayo bukas, huwag niyo gaano damihan." Paalala ko sa kanila.
"Sure marecakes." Ngumisi ako sa tugon ni Crizel hanggang sa mag-play sila ng movie ay natigilan ako ng bumulong si Crizel.
"Naguguluhan ako mare, kayo ba ni ano?" Bulong niya sobrang hina kaya natawa ako at umiling.
"He came here with my lil' brother." Bulong ko rin at tsaka kumain ng prutas, bumuntong hininga ako at pumikit ng makaramdam ng antok. "Drunk?" Napamulat ako ng maramdaman ang likod ng palad sa pisngi ko at ang boses ni Laze kaya hinawi ko agad ang palad niya.
Manhid talaga nito. "Hindi, inaantok lang." Sagot ko at umiwas tingin.
"What's the level between you two na?" Crizel asked, and then sipped on her glass.
"Level?" Tanong ni Janella.
"Like label? Friends? Mutual? Lovers? Complicated?" Ngumisi ako at kumuha ng cheese para mawala ang umay ko sa kinakain.
"Wala pa 'no." Mabilis na sagot ni Janella.
"Nakailang kiss na kayo wala pa, ang hihina niyo." Hindi pa naman siguro lasing si Crizel 'no? Kulang na lang mahiga na siya sa kinauupuan namin.
Nahiya naman si Janella kaya tumawa ako at tumayo upang abutin ang cellphone ko na nasa kabilang dulo ng mesa, ngunit nawala ako sa balanse at halos mamula ang mga pisngi ko nang sandaling ma-realize ko na hawak ako ni Laze sa bandang kili-kili ko.
Agad akong napatayo ng tuwid at nahihiyang tinignan siya. "Drunk asf." Bulong niya tapos inabot ang cellphone ko at ibinigay sa akin, naningkit ang mata kong tinignan siya pero tinitigan niya lang ako.
"If you denied it, it means you're really drunk. Because drunk person always denies that she's drunk." He explained that made me rolled my eyes and sat on my seat.
"So what," bulong ko naiirita.
Tumunog naman ang cellphone ko kaya sinagot ko 'yon dahil si Yamato. "Ate, pasundo." Nangunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Saan ka ba? Hindi ka makauwi?"
"Ayaw ako papasukin ng guard ate, wala raw akong pass at hindi daw nila ako kilala." Umawang ang labi ko.
"Oo na, susunduin ka na sandali. Nahihilo na ako eh." Reklamo ko at tumayo.
"Guys, sunduin ko lang kapatid ko." Ngumiti sila at tumango.
"Let's go." Natignan ko si Laze kaya pinanlakihan ko siya ng mata.
"Dito ka na," singhal ko.
"You're already tipsy, this condo have a lot of guys who force gir—"
"Sabi ko nga tara na eh, dalian mo." Sinenyasan ko siya tsaka ako nagpaunang maglakad, nang makalabas ng hallway ay nakapamulsa na naman siyang naglalakad at akala mo ay buhat niya ang buong problema ng mundo.
"Learn to smile para magustuhan ka lalo ni Janella, kaya natatakot sa'yo para kang monster." Natatawang sabi ko pero ng mapansin ko na natigilan siya ay nalingon ko siya pero nagtaka ako ng makita ko siyang nakatitig lang sa akin.
"Hoy." Tawag ko.
Ngunit agaran akong kinabahan ng may luhang tumulo sa mata niya, kinabahan ako at agad na lumapit. "H-Hoy b-bakit ka umiiyak?" Hindi ako mapakali at nataranta ako ng sunod sunod na tumulo ang luha sa mata niya.
"L-Laze b-bakit?" Sinubukan kong pahidin ang luha niya ngunit nakatitig lang siya sa mata ko.
Bakit? Bakit siya umiiyak? May nasabi ba akong mali?
///
@/n: Bakit kaya? Any thoughts? 🙄😂
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro