Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 13

Hakuna Miran's Point of View.

Matapos tulungan si mama ay hindi na kami muling nakapag-usap pa, kinaumagahan ay pumasok na ako sa eskwelahan pero hindi na kami gaano nakakapagsama ni Laze. Nakakausap ko lang siya sa tuwing kinukuha ko ang order niya.

Habang naglalakad sa hallway ay natigilan kong tinignan si Laze na naglalakad rin kasama ang aso niyang si Bullet, papasok rin si Bullet? Ngunit natigilan rin si Laze ng lingunin ako ni Bullet at pilit lapitan.

Dahil doon ay walang nagawa si Laze kundi lapitan rin ako, nang magkaharap kami ay dama ko pa rin ang hiya na dulot ng nangyari nakaraan. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit niya ginawa 'yon.

Pinantayan ko ang tangkad ni Bullet at tsaka ko siya hinawakan, muntik ng dilaan nito ang mukha ko pero umiwas ako dahil hindi ako makakahugas kaagad. Matapos no'n ay nagtaka ako ng nanatili lang nakatayo si Laze.

Hindi ko tuloy ma-open up yung nangyari last time..

Ngunit mas natigilan ako ng ibigay niya ang tali ni Bullet sa akin. "Stay with her Bullet." Nagtaka ako ng lumapit sa akin lalo si Bullet at umalis na si Laze.

"S-Sandali!" Paghabol ko, sinabayan naman ako ni Bullet.

Mabilis kong pinigil ang braso niya at hinarap siya. "Bakit? Bakit mo siya iiwan sa akin?" Tanong ko at sinulyapan si Bullet.

"Just because..." Nangunot lalo ang noo ko.

"Huh?"

"Laze, sandali bakit nga?" Tanong ko.

Huminga siya ng malalim at natuod ako nang sandaling gamitin niya ang hintuturo at ituro ang bandang pisngi ko dahilan para hawakan ko 'yon at awtomatiko akong mahapdian.

Sugat ko nga pala.

"Ano?" Tanong ko.

"Geunyang." Mahinang sabi niya at tinalikuran na ako.

Habang mas tumatagal hindi na siya robot, alien na hindi ko siya maintindihan eh.

Dahil doon ay ako ang kasama ni Bullet, mabuti at kahit hindi siya sabihan ay tahimik lamang siya, nakaupo at sila nakikinig rin sa klase. "Okay class, you'll need to present a new model and a floor plan of 100 square meters lot." Lumunok ako at nasapo ang noo matapos niyang mag-announce.

Mamamatay na yata akoooo.

Pagkatapos ng klase ay na-mroblema kaagad ako sa materials, hawak hawak ko si Bullet habang nag-iisip. May part time job pa ako, yung model pa at yung mga plates na nasira.

"Pinapaampon ka na ba ng amo mo sa akin?" Bulong kong tanong kay Bullet ngunit hindi ito sumagot at patuloy lang na naglakad.

"Baka hindi ka na niya mahal Bullet?" Nang sabihin ko 'yon ay tumahol si Bullet kaya mahina akong natawa at isinama siya sa cafe dahil panigurado nandoon naman si Laze at isasama ko na si Bullet para ibalik sa kaniya.

Pagkapasok sa cafe ay mabilisan akong nagbihis at hinanap na si Laze at mabuti na lang marunong si Bullet pumunta sa sarili niyang amo kung kaya't hindi na ako nahirapan. Chichikahin natin si Laze pag may time tayo.

"Take care of your dog okay?" Tinignan niya ako ng blangko kaya naman tinitigan ko rin siya at pasimpleng kinindatan.

Ngunit wala pa rin talagang pagbabago. "Disgusting." Nanlaki ang mata ko at napangiti sa sinabi niya, inilahad ko ang palad ko sa harapan niya.

"Bati na tayo?" Kwestyon ko, tinignan niya ang kamay ko na nakalahad at muli niyang tinignan ang mukha ko umiwas tingin siya at halos matawa ako ng isarado niya ang palad at pagtamain ang parehas naming kamao.

"So, good day sir. What can I get you?" Tinitigan niya lang ako at tsaka siya sumandal sa kinauupuan.

"Something sweet and salty combination. No rice." Tumango ako.

"Ako na bahala sir?" Ngising sabi ko.

"Sure." Tinalikuran ko na siya at nagmamadaling inilagay ang pagkain na ihahanda sa kaniya pero may tumawag sa akin kaya bumalik ako sa isang table at natigilan ako ng makita muli ang med student na masasabi kong mas matanda sa akin.

"Good day sir, what can I get you?" Ngumiti ako dahil obligasyon naming ngumiti sa mga costumer masungit man sila o mabait.

Ngumiti siya sa akin at itinuro ang order niya. "Our best seller solo is on ten percent discount sir, would you like to try it?" I suggested since may katulad na putahe ang inorder niyang solo.

"Really? Then what's my total if you'll compute the percentage I will get?" Napalunok ako.

"If you answered me right then I'll give it a try." Napakurap akong muli at alanganin na tumawa, but then I tried computing it on my head.

10% of 370.

"Your discount will be 37 pesos sir, if you'll avail our solo best seller. It would be 333 pesos total." Bahagyang tumaas ang kilay niya at ngumiti.

"I'll get it, thank you." Ngumiti ako at sinulat ang order niya, lumapit ako sa counter at ibinigay ang order nila.

At dahil kilala ko na si Laze ay kinuha ko na rin ang bill niya kasabay ng food, nang mailapag 'yon ay nagtaka ako ng isenyas niyang maupo ako sa harap niya. "Bakit?" Pabulong na tanong ko.

"Eat this." Nangunot ang noo ko ng i-abot niya ang black forest cake na inorder ko para sa kaniya.

"Bakit?" Nagtaka ako lalo ng pati dessert fork ay inabot niya sa akin.

"Ayoko niyan." Reklamo niya kaya natawa ako.

"Bakit ayaw mo? Masarap 'yan kaya nga 'yan pinili ko para sa'yo." Sagot ko.

Pinaghawak niya ang dalawang palad at tinitigan 'yon. "The cherry flavor is making me sick, making me remember how sick I was." Nanlaki ang mata ko at tinitigan ang magandang cake.

"I-Ibalik na lang natin?" Pabulong na tanong ko.

"Eat it." Sumbat niya at itinuro 'yon.

"Laze nakakahiya kasi, ang mahal rin ng cake na 'yan." Pabulong na sabi ko.

"Palitan na lang natin?" Suhestyon ko.

"You'll never offer what you dislike to someone, so it means you like that cake." Deretsong sabi niya, walang ano-ano at itinuro pa 'yon.

"B-Baka pagalitan ako ng manager ko Laze." Bulong na sabi ko, huminga siya ng malalim at pinagkrus ang braso dahilan para mapangiti ako, wala man siyang reaksyon pero sa mga galaw niya ay parang nauunawaan ko ang nararamdaman niya.

"I'll take it out then." Nakaiwas ang tingin niyang sabi kaya ngumiti ako at tumayo tapos ay kinuha 'yon.

"Dine out, I'll fix it sir." Paalam ko at pumunta sa counter.

"Dine out raw ni Sir Laze." Habilin ko at inilagay 'yon sa triangular box.

Pagkatapos no'n ay kasabay ng order ng med student ay inilapag ko muna sa harapan niya ang food. "May I know your name miss?" Magalang naman siyang nagtanong kaya matipid akong ngumiti.

"I am Miran sir, you can call me if you need anything or you'll add something to your order." Ngumiti siya at tumango na.

"Thank you." Sagot niya.

Pumunta na ako kay Laze at inilapag 'yon. "Babayaran na kita ulit next week, tuloy tuloy na." Balita ko ngunit tango lang ang isinagot niya.

Nagtrabaho ako sa loob ng anim na oras kaya ng alas syete ay umuwi na rin ako, habang naglalakad sa kanto namin ay nagtaka ako ng maramdaman ang sumusunod sa akin pero hindi ko ito nagawang lingunin.

Kumabog ng sobrang malakas ang dibdib ko dahil doon, hindi ko alam kung kakaripas ba ako ng takbo o sisigaw para humingi ng tulong. Bahagya ay binilisan ko ang paglalakad pero halos napasigaw sigaw ako ng may humawak sa pulsuhan ko.

"Waaaaaaaah! Tulong!"

"Tulongg—"

"The heck?" Nang makita ang mukha ni Laze ay natakpan ko kaagad ang bibig.

"L-Laze naman!" Singhal ko at maluha-luhang nasapo ang dibdib ko.

"Why are you yelling for help?" Ngumuso ako at gigil na gigil siyang hinampas sa braso.

"Nakakainis ka, nakakainis ka! Alam mong eskinita 'to malay ko ba kung masama kang tao!" Kumurap lang siya at sinabayan ako sa paglalakad.

"Bakit ka pala nandito?" Kwestyon ko.

"Bakit may dala kang eco bag? Laze ano na naman 'yan ha?" Tukoy ko at pinaningkitan siya ng mata.

"Wala." Sagot niya.

"Sus, ikaw ha. Crush mo yata ako eh?" Asar ko ngunit hindi niya ako pinansin, abala siyang nagmasid sa buong daan.

Paano ko kaya siya gugulatin? Hindi naman nagbabago ang emosyon at ekspresyon niya? Kikilitiin ko ba siya? "Laze may kiliti ka ba?" Kwestyon ko, bahagya siyang yumuko para sulyapan ang mukha ko dahil hanggang balikat niya lang ako.

Oo na, maliit na at least cute at masipag..

"Wala." Sagot niya.

"Weh? Impossible!" Maarteng sagot ko at pasimpleng sinundot ang tagiliran niya pero wala siyang reklamo.

"Totoo ba yung sinabi ng kaklase natin Laze? Nagka-girlfriend ka na ba noon?" Pabulong na tanong ko.

"Why?" Sagot niya lang.

Binagalan ko naman ang lakad. "Nagka-girlfriend ka na pero?" Tanong ko, nakangisi syempre chismis eh hindi ko naman ipagkakalat.

"Why?"

"Laze oo at hindi lang ang sagot, why ka ng why." Nakangiwing sabi ko.

"Why are you so invested in my love life?" Tumigil siya at hinarap ako.

"Wala, curious lang ako." Pagsasabi ko ng totoo.

"Don't be so invested, unless you want to become one." Umawang ang labi ko sa sinabi niya, bigla ay hindi ko alam kung saan ako titingin, sa mata ba niya, sa noo o sa ilong.

"A-Ayan, a-ang bata b-bata pa a-ang h-harot harot na!" Pilit kong tinatagan ang boses at nagmadaling pumasok sa loob ng bahay.

"Mama! Nandito po si Laze!" Malakas na anunsyo ko ng makapasok sa bahay.

"Totoo bang nobyo mo 'yan anak?" Mabilis na lumapit si mama sa akin at pabulong na itinanong 'yon.

"P-Po?" Pakiramdam ko ay nag-init ang buong mukha ko.

"Ang gwapo." Bulong ni mama.

"Tulad ng daddy niya," halos masiko ko si mama ng parang kiligin pa sa daddy ni Laze kaya naman parehas kaming natawa.

"Pasok ka hijo, upo ka muna. Kumain ka na ba? Sabayan mo na kami." Nanlaki ang mata ko at napakamot sa ulo dahil sa hiya.

"I'm good ma'am, thank you for the offer." Sagot ni Laze.

"Pogi pogi mo naman hijo, girlfrien—"

"Anong oras na, nandito pa rin ang nobyo mo Miran." Nalingon ko kaagad si Tito Jubal.

"I won't stay for long, sir. Can I have a word with you Miran?" Tumango ako at sumunod sa kaniya sa labas ng bahay namin.

"Bakit? Ano ba 'yon?" Tanong ko.

"Take care of Bullet for me, in exchange I'll treat you food." Hindi ko siya makapaniwalang tinignan.

"B-Bakit?" Tanong ko.

"I can't tell you the exact reason, but can you? He doesn't like anyone else but you and your brother." Mahinang sabi niya kaya naman tinitigan ko si Bullet.

"Just for a week, help me." Hindi ko naman tatanggihan si Laze lalo na't kailangan niya ako.

"Sige, parati ko siyang isasama kahit saan ako pumunta hindi ko siya pwedeng iwan sa bahay ng mag-isa. Bawal siya sa chocolate," pag-alala ko sa mga dapat.

"I'll tell you everything," inaya niya ako pumasok kaya naman ng buksan niya ang eco bag ay isa-isa niyang inilabas ang pinamili.

"This meat will be given with his dog food. He drinks this milk specially for pets only, every night and every morning. Just tell him where to sit when he needed to use the toilet." Tumango ako at tinignan ang mga 'yon, dalawang eco bag kasi ang dala niya.

"His clothes when cold." Itinuro niya ang paper bag kaya napangiti ako.

"And this is for you," inabot niya sa akin ang isang eco bag kaya mas nagtaka ako, bahagya pang tumaas ang kilay ko ng makita yung cake kaya napangiti ako at ang ibang snacks na nandidito.

"Noted." Sagot ko.

"Thank you."

"Thank you, just tell me if you need anything, or you need to ask anything about him." Senyas niya sa aso kaya tumango tango ako.

"Noted boss." Sagot ko.

"He'll also keep you safe." Napatitig ako sa kaniya ng titigan at hawakan niya si Bullet ng punong puno ng pagmamahal, hindi man mababasa sa kaniya 'yon ay alam ng puso ko kung gaano kaimportante ang aso niyang si Bullet para sa kaniya.

"You can visit him every time." Paalala ko.

"Thank you, I'll leave." Paalam niya kaya tumayo ako at hinarap siya.

Ngunit napakurap ako ng ipatong niya ang palad niya sa tuktok ng ulo ko bago siya mag-paalam kay mama at kay Tito Jubal. Hindi ako nakapagsalita dahil nabigla ako sa ginawa niya, pinanood ko siyang lumabas ng bahay namin.

Napakurap akong muli. "Mama, i-aakyat ko po muna si Bullet." Paalam ko at dala-dala ang gamit niya ay umakyat kami.

Binuksan ko ang malaking fan sa maliit kong kwarto at inalis ang tali niya. "Dito ka lang ha?" Tumahol ang aso sa akin kaya hinaplos ko siya, umayos ako at nagpalit muna.

Pagkatapos no'n ay bumaba na ako sumama naman si Bullet sa akin kaya chinika ko muna si mama dahil bumili raw si Tito Jubal ng maiinom sa convenience store sa kanto.

"Mama, nagsama ba kayo ni papa ng mabuntis ka niya?" Tanong ko bigla habang nasa kusina siya.

"Ha? Oo anak, pero tulad ko ay itinakwil rin siya ng sarili niyang magulang." Matipid na ngumiti si mama sa pagsagot niya.

"Gaano kayo katagal nagsama mama?" Tanong ko.

"Dalawang taon rin 'nak, 'yon yung masasayang panahon ko na nakasama ko ang papa niyo." Napangiti ako.

"Mama, mahal niyo po ba si Tito Jubal kaya niyo po siya binalikan?" Pabulong na tanong ko, huminga ng malalim si mama.

"Siya kasi yung nandiyan mula ng maghiwalay kami ng papa mo anak, kahit na ginawan namin siya ng masama hindi niya ako pinabayaan habang pinalalaki ko kayo ng kapatid mo. Nagtrabaho siya sa ibang bansa upang buhayin tayo." Napakurap ako ng mapansin ko na malungkot si mama habang nagkekwento.

"Mama, kung may pagkakataon po ba na mapipili niyo kung sino ang makakasama. Si Tito Jubal po ba pipiliin niyo?" Huminga ng malalim si mama at tinitigan ako.

"Never akong sinaktan ng papa niyo, o minura man lang. Hindi naman sa pinagkukumpara ko sila pero iba pa rin yung pagmamahal ng papa mo sa Tito Jubal mo." Sagot ni mama kaya tumango ako at huminga ng malalim.

"Naiintindihan ko po." Sagot ko.

Lumipas ang oras at alas tres na ng madaling araw ng natapos ko ang isang plates, bumaba ako dahil kinailangan kong gumamit ng banyo. Ngunit napaatras ako pabalik sa hagdan ng marinig kong nag-aaway si mama at si Tito Jubal.

"Nakalimutan mo na ba ang ginawa niyo sa akin?! D-Dahil sa inyo nasira ang buhay ko tapos ngayong ikukumpara mo ako doon sa lalakeng 'yon?!" Sigaw ni Tito Jubal kaya natakpan ko ang bibig.

"Buong buhay ko na kasama ka parati kong iniisip kung mahal mo ba talaga ako o minahal mo ba talaga ako! Dahil kahit anong gawin ko! Kahit ibigay ko pa ang buong mundo sa'yo hindi mo ako pipiliin!" Nakita kong umiiyak si mama sa harapan niya.

"Ginago niyo ako, pero wala akong magawa kasi mahal kita! Hinayaan ko kayong magsama kasi may anak kayo! Tapos yung gago na 'yon lalapit sa akin ng iiwan na kayo? Bantayan ko kayo tangina niyong dal'wa!" Nakagat ko ang ibabang labi.

"Iniwan ka niya, iniwan niya kayo kapalit ng kayamanan! Tapos hanggang ngayon mahal na mahal mo pa rin yung gago na 'yon?!" Ramdam ko ang hinanakit niya sa bawat sigaw ngunit hindi binago no'n ang pagtingin ko sa kaniya.

"Hindi niya kami iniwan." Mariing sabi ni mama kaya nanlaki ang mata ko.

"Hindi niya kami iniwan! Iniwan ko siya kasi gusto kong umayos ang buhay niyang sinira ko!" Balik sigaw ni mama kaya nagmamadali akong bumalik sa taas at nag-ingat.

S-Si mama ang nang-iwan kay papa? Bakit? Bakit niya gagawin 'yon?

///

@/n: Any thoughts?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro