Chapter 10
Hakuna Miran's Point of View.
Sinulyapan kong muli si Laze na nakaupo sa kung saan siya madalas nauupo kaya naman ngumiwi ako at lumapit sa kaniya upang kuhanan siya ng order. "Good day sir, what's your order?" Natigilan siya at tinignan ako.
Tinignan niyang muli ang binabasa bago niya ako hindi muling pinansin kaya bahagyang umawang ang bibig ko. Sungit.
"How about your drinks sir?" Pag-uulit ko.
"Later." Sobrang plain ng sagot niya, wala man lang flavor.
Pairap akong umalis sa harap ng table niya at tsaka ko kinuha ang order ng ibang costumers, after no'n ay lumipas ang oras bago pa niya ako muling tinawag. Umorder siya ng inumin at bread, tapos nagbasa na ulit siya.
Maya-maya ay dumating naman si Yamato kasama ang ibang kaibigan niya, nanatili akong nagtatrabaho hanggang sa tawagin ako ni Yamato kaya naman nakangiti akong lumapit sa kanila. Ngumiti ang mga kaibigan niya sa akin, "Good day sir, what's your order?" Kwestyon ko.
"Ate ko nga pala," nang ipakilala ako ni Yamato ay nginitian ko silang lahat.
"Hi po ate."
"Hello po ate."
Nahihiya sila kaya naman matapos no'n ay ako rin ang nag-serve ng foods nila, natapos ang buong araw ng wala naman gaanong ganap. Pagka-off ko sa trabaho ay sinuot ko na ang bag ko dahil anong oras na rin.
Pagkalabas ko ng cafe ay natigilan ako ng makita si Crizel. "Crizel." Pagtawag ko sa kaniya at nilapitan ko siya pero nang lingunin niya ako ay muli siyang napairap.
"Huwag mo na lang akong pansinin kung ayaw mong ipahiya na naman kita." Mariing sabi niya at hindi ako tinignan, bumuntong hininga ako at tinitigan siya.
"Bakit ka ba nagagalit sa akin Crizel? May nagawa ba akong masama?" Nadidismaya kong tanong pero hindi siya umimik at sumakay na sa sasakyan na kulay puti, mukhang driver niya 'yon.
Panay ang buntong hininga ko kakaisip kung ano bang nangyari, o ano bang mali kong nagawa. "Miran." Nilingon ko ang tumawag at matipid lang na nginitian si Jem.
"Bakit?"
"Kaibigan mo ba 'yon?" Tanong niya sa akin, inayos niya ang buhok at ang hawak na libro.
"Oo," sagot ko.
"Kumalat nga sa school yung ginawa niya sa'yo, tapos ang tingin mo pa rin aa kaniya kaibigan?" Nagtatakang sabi niya at napakamot pa sa sintido, tumabi siya sa pagkakatayo ko dahil may dumaan aa gilid niya.
"Hindi ko nga alam kung bakit siya galit." Pabulong kong sagot.
"Hindi mo ba siya pinagdudahan man lang? Kung bakit ka niya nilapitan kaagad unang klase pa lang?" Nangunot ang noo ko at umiling, tinignan ko si Jem na hindi makapaniwala.
"Masyado kang mabait kaya ka ginaganoon. Hindi mo man lang naisip na kinaibigan ka niya kasi malapit ka kay Sir Laze." Bigla ay natigilan ako sa sinabi niya.
"Huh?"
"Kinaibigan niya ako kasi malapit ako kay Laze?" Hindi ako naniniwala na 'yon ang dahilan, gagawin niya ba 'yon para kay Laze?
"Oo, mula ng kumalat ang rumor na boyfriend mo si Laze nagalit na siya sa'yo 'di ba?" Bigla ay naalala ko ang nangyari, oo nga 'no..
Bakit naman kailangang ganoon?
Habang nakatayo ay nagulat ako ng may dumaan sa gitna namin, nagulat rin si Jem. Nang tignan ko ang likuran nito ay alam ko na kaagad kung sino ito kaya napairap ako. Sa luwag ng daan sa gitna siya dadaan? Lakas amats ah.
"Sige Jem, uuwi na rin ako." Paalam ko sa kaniya, ngumiti siya at kinawayan ako.
"Ingat ka." Tumango ako at naglakad na papunta sa bus stop, pero nauna na doon si Laze kaya naman huminga ako ng malalim bago ako tumabi sa kinatatayuan niya.
He glanced on me, eyes were slightly dilated. "Dimwit." Nanlaki ang mata ko ng sabihin niya 'yon sa akin.
"A-Ano?!" Hindi makapaniwala kong sabi pero nag-iwas tingin siya at tinanaw na ang bus na papalapit, nginiwian ko siya.
"Robot." Pabulong na ganti ko dahilan para sulyapan niya muli ako at umiling iling.
Itong mannequin na 'to makasabing dimwit, sa ganda kong 'to!
Nang dumating ang bus ay inunahan ko siya at tsaka ko tinap ang card bago ako humanap ng mauupuan, naupo ako sa pinakagitna ng bus pero may ibang lalake ang naupo sa tabi ko dahil naunahan niya si Laze kaya naman mas umusod ako sa dulo.
Naupo si Laze sa katapat sa kaliwa ng upuan namin. Tumingin na ako sa bintana bahagya ay naramdaman kong inaantok ako pero agad akong napaayos ng upo at tinignan ang lalakeng nakatabi ko dahil ang kamay niya ay napunta sa legs ko.
Mabilis kong inalis 'yon at sinamaan siya ng tingin. He's around 30 something, hindi niya pero ako tinitignan. Umayos ako ng upo at tumingin na lang muli sa bintana, pero agaran akong napatayo ng maramdaman ko ang pasimpleng panghihipo niya sa gilid ng dibdib ko.
"Kuya bastos ka ah." Galit kong sabi at tumayo sa gitna sa daanan ng bus.
"Huh? Bastos ba 'yon eh nasagi ka lang." Pagmamaangan niya.
"Nakakailan ka na kuya eh, una sa legs ko tapos susunod sa dibdib ko. Wala ka bang kapatid na babae para gawin mo 'yan?" Kumuyom ang kamao ko ng tumawa pa siya.
"Nakailang beses na pala, bakit ngayon ka lang nagreklamo neng? Nagpasarap mun— Gago ka ah!" Nanlaki ang mata ko ng nahirapan pa ang lalake na alisin ang papel na naisalpak sa bibig niya, gulat kong tinignan si Laze na nakatayo na at hirap pa dahil sa tangkad niya.
"How old are you?" Napalunok ako ng itanong 'yon ni Laze out of nowhere.
"Bakit mo tinatanong! Malamang mas matanda ako sa'yo!" Sigaw ng lalake na manyakis.
"How old are you?" Hindi kakikitaan ng emosyon ang mukha niya kahit na ang tinig niya.
"Robot ka ba!"
"How old are you?" Lumunok akong muli.
"32! Bakit ha! Papalag ka! Ang yabang mo ah bakit mo ako sinupalpalan ng papel sa bibig!" Napairap ako at masamang tinignan ang lalake.
"You're at your thirties, aren't you ashamed of not knowing how to respect a woman? Who's obviously a minor?" Lumunok ako at namangha sa sinabi ni Laze.
Sarap naman maging kuya nito, ang swerte ni Jami.
"A-Anong s-sinasabi mo!?" Tumayo na rin ang lalakeng 'yon pero awtomatikong napatili ang ibang babae ng itulak siya ni Laze sa dibdib dahilan para mapaupi ito muli.
"Gago ka ah!" Galit na galit at halatang pikon na pikon na ang lalake na 'yon.
"Push me in my depths, you'll see." Walang emosyon niya iyong sinabi. Nakagat ko ang ibabang labi at pinanood si Laze na bumalik sa kinauupuan niya habang ako ay nanatiling nakatayo at masama ang tingin sa lalakeng manghihipo't manyak.
Bago ko pa man mabugbog sa isip ko yung lalake ay may humawak na sa braso ko at iniupo ako sa katabing upuan niya malapit sa bintana. "Learn how to punch a man." Gulat kong nalingon si Laze sa kaniyang sinabi.
"Ha?"
"Learn how to punch a man." Napairap ako ng ulitin niya lang muli ang sinabi.
"Bakit?"
"So you won't just glare and shout, punch them without saying anything." Napanguso ako at sumandal sa kinauupuan ko, ang sakit na nga ng katawan ko mamanyakin pa ako sa labas ng pamamahay namin.
Kamalasan.
Nang makarating sa kanto namin ay bumaba na kami, tinatamad akong naglakad pero nalingon ko ang kasabay. "Hindi ka ba hinahanap sa bahay niyo?" Tanong ko sa kaniya.
"I left bullet with Yamato." Nanlaki ang mata ko.
"Hindi nga?!"
"Hindi marunong mag-alaga si Yamato ng aso!" Natatarantang sabi ko at kahit masakit ang katawan ay tumakbo ako pauwi sa bahay namin, at nang makapasok ay naririnig ko na ang tawa ni Yamato sa loob ng banyo dahilan para masapo ko ang noo.
"Yari ka diyan, yung aso mo!" Natatarantang sabi ko kay Laze na wala man lang emosyon akong tinignan at sinulyapan ang banyo bago siya lumapit doon ay inunahan ko na siya.
Nakita ko namang sabay naliligo ang dal'wa kaya nasapo ko ang noo. "Yamato." Nagbabantang tawag ko sa pangalan niya.
"Bullet." Tawag ni Laze sa aso niya.
"Kuya naligo kami kasi kanina po nalaglag kami sa kanal." Mabilis na sabi ni Yamato kaya nasapo ko ang noo.
"Pagalitan mo 'yan." Utos ko kay Laze.
"Luh ate naman!" Nagrereklamong sabi ni Yamato.
"Let them," sagot ni Laze at pumunta sa kahoy naming sofa kaya napalunok ako at ibinaba ang bag ko sa tabi ng mesa sa sala. Umakyat na ako sa taas upang makapagbihis.
Pagkatapos ko magbihis ay inaantok akong bumaba at tsaka ako pasalampak na naupo sa solo na kahoy na upuan at tsaka ako kumuha ng librong babasahin ko.
Lumipas ang araw at nag-eexam kami ngayon, magkakalayo ang mga students at katapat ko lang sa gilid si Laze na nagsasagot.
Panay ang sulat niya, kaya naman huminga ako ng malalim at inabot ang water bottle upang uminom kahit papaano.
Medyo sumasakit ang ulo ko sa exams ngunit pilit kong inaalala ang mga inaral upang masagutan lahat ng identification sa exam. "Having hard time?" Laze talked, without glancing that made me gulped.
"Opo." Sagot ko na lang.
"We still got time." Paalala niya kaya tumango ako, ibig sabihin no'n ay huwag akong ma-pressure.
After we finish the one subject, the professor who's in charge gave us a 2 hours break to wind up since he knew that our exam must be hard since it's a first semester exam.
Laze left the room alone, inayos ko naman ang gamit ko pero bigla na lamang may humawak sa braso ko dahilan para lingunin ko siya. "Uhm hi." Bati ko sa lalake kong kaklase na mukhang mabait naman.
"Can you help me analyze this topic?" Sinabayan niya akong maglakad papalabas ng classroom kaya naman hinawakan ko ang reviewer na pinakikita niya.
"Sure," sagot ko at maiging binasa 'yon na animo'y hindi ko pa naaral pero ang totoo ay naaral ko na ito. "Sa playground na lang tayo sa likod, I'll treat you." Nangunot ang noo ko pero hinayaan ko siyang i-lead ang daan sa laki ba naman ng eskwelahan na 'to.
Habang tinuuro ko sa kaniya 'yon ay tumigil kami ng nasa likod na kami sa kung saan meron ding field na masasabi kong soccer field. "Can you give me some relaxation Miran?" Nakangiting sabi niya, kaya naman nangunot ang noo ko at tinignan siya.
"Huh?"
"Anong relaxation?" Nagtatakang tanong ko habang hawak ang reviewer niya.
Walang idea ko siyang tinitigan, ngunit nagtataka kong sinundan ang kamay niyang pumunta sa braso ko. "A-Ano?" Tanong ko at pasimpleng umiwas sa hawak niya dahil medyo masakit ang braso ko sa gawa ni Tito Jubal.
"You're being penetrated by a lot of man right?" Nangunot ang noo ko.
Penetrated?
"W-What do you mean?" Punong puno ako ng pagtataka sa kaniyang sinasabi.
Pero binuksan niya ang wallet niya at nagtaka ako ng may tatlong libo siyang hawak sa kaniyang palad. "Someone told me that guys can buy you for only 500 pesos, but I'll pay for three thousand just give it your all. Mukha ka namang sexy," umawang ang labi ko at bahagyang umatras.
Bigla ay parang narinig ko si Laze na sinasabi ang katagang learn to punch a man. "Maganda ka rin Miran, you're actually giving me a boner." Hindi ko siya makapaniwalang tinignan.
"S-Sinong nagsabi niyan?" Ang totoo ay nasasaktan ako, dahil ganoon ang kumakalat na issue sa akin kahit na mas ahead naman ang achievements ko as a student.
"I told you, a lot of students know that. They even suggested you, magaling ka raw kasing sumubo? Gumiling at higit sa lahat mag-twerk." Sobrang sama ng loob ko pero wala akong magawa kundi titigan siya ng masama at isumpa silang lahat.
"For sure you're making Laze's sex life, heaven? Kaya ka nakakuha ng scholarships?" Kumuyom ang kamao ko sa galit, pero sobra rin ang takot ko sa mga lalakeng katulad niya dahil sa nangyayari sa akin.
Alam kong walang laban ang mahina at maliit kong katawan. Kahit magreklamo sa pulis ay alam kong matatalo ako, pagtatawanan lamang ako ng lahat. "Wala akong ginagawang ganiyan." Sagot ko.
"Wala akong ginagawang kababuyan sa sarili ko at sa lahat ng lalakeng nagsasabi niyan." Gusto kong magalit at sigawan siya, gusto ko siyang sampalin at kasuhan sa ginagawa niya.
"Paano kung galing na sa inaakala mong kaibigan na si Laze? Sa tingin mo ba may pakialam siya sa'yo?" Tanong niya kaya nangunot ang noo ko.
Si Laze?
"Sa tingin mo ba may pakialam siya sa mga tao? Namatay nga yung babaeng gusto niya sa harapan niya, hindi man lang siya umiyak o nasaktan." Napaiwas tingin ako, nalukot ko na ang reviewer niya.
May nangyaring ganoon kay Laze?
"A-Ano naman kung ganoon nga siya? A-Anong pinagkaiba niyo sa ganoong mga tao gayung wala kayong respeto sa kapwa niyo tao?!" Gigil na gigil kong nilukot ang reviewer niya at sinamaan siya ng tingin.
"Bakit? Tao ka ba! Eh nagpapababoy ka lang naman sa mga lalake. Malandi ka, malibog." Tumulo ang luha sa mata ko at nanginginig ang mga kamay sa galit, ngunit kahit anong talim ng tingin ko ay wala itong kapangyarihan.
"Mas baboy ka. Ang sama ng ugali mo, kung pinapunta mo ako rito para lang sabihin 'yang mga 'yan pwede ka ng umalis. Mag-saya ka kasi mukhang tama yung ginawa mo sa kaklase mong tutulungan ka lang naman." Matipid akong ngumiti at pinahid ang luha ko.
Huminga ako ng malalim bago siya talikuran pero pinigil niya ako sa braso ko at iniharap sa kaniya, halos maitulak ko siya ng pilit at pwersa niya akong halikan sa labi. Malakas ko siyang sinampal dahilan para matigilan siya at sapuin ang sariling pisngi.
"You're fucking making it hard for me!" Sigaw niya at tinulak ako dahilan para sumalampak ako sa sahig at tumama pa ang siko ko sa puno. Masakit 'yon, dahil paniguradong magagasgasan ang balat ko.
"You guys are monster." Mariing sabi ko, pero nginisian niya lang ako at tsaka niya itinapon sa harapan ko ang tatlong libo bago siya umalis at iwan ako kasama ang pera at reviewer.
Napatingala ako dahil sa sama ng loob, ganoon ba kadali sa mga mayayaman ang mang-apak ng tao? Nakagat ko ang ibabang labi at napahid ang luha sa mga pisngi ko bago ko pinilit tumayo at pinulot ang pera pati na ang reviewer niya.
Minsan ko ng hiniling sa buong buhay ko na maging makapangyarihan at mayaman para lang hindi ako bastusin at apakan ng mga matapobreng tulad nila.
Sinuot ko ng maayos ang bag ko at tsaka ako naghugas ng kamay sa faucet rito sa field, inayos ko ang suot na uniform at tsaka ako naglakad sa hallway na para bang walang nangyaring kung ano. Habang naglalakad ay napansin ko ang nakatingin sa akin sa second floor kaya tiningala ko 'yon ngunit nakita ko si Crizel na nakatanaw pero ng tignan ko siya ay iniiwas niya ang tingin at umalis na doon kasama ang mga bago niyang kaibigan.
Nanlalata akong pumunta sa cafeteria, yumuko ako sandali sa mesa at huminga ng malalim. Buong dalawang oras ay yumuko lang ako, bago ako muling pumasok sa susunod na exam ay hinanap ng mata ko ang nagmamay-ari ng tatlong libo at reviewer.
Nilampasan ko si Laze at nilapitan ko ang lalake na 'yon. "I won't accept this garbage. I am not worth your three thousand. Ibigay mo na lang sa magulang mo tutal pinaghirapan nila 'yan." Mariing sabi ko at ibinigay ko rin sa kaniya ang new print of reviewer niya.
"Pina-print ko na rin, no need to pay me." Inilapag ko 'yon at tsaka ko siya tinalikuran.
"Ang yabang mo ah!" Sigaw niya at halos napapikit ako ng tumama ang libro sa likod ng ulo ko ngunit nakaharap ko si Laze na nakalingon.
He seemed invested.
Huminga ako ng malalim at nilingon yung lalakeng may lahing demonyo. "Hindi ka ba nahihiya?" Kwestyon ko.
"Ikaw hindi ka ba nahihiya na sa kababae mong tao bayaran ka lang?" Kumuyom ang kamao ko sa gigil.
"Ano sasaktan mo ako? Baka gusto mong mawalan ng scholarship sa oras na magka-record ka sa discipline's office?" Mayabang na sabi niya at ngumiti, nakagat ko ang ibabang labi sa gigil.
Curse you all.
"Isa ka lang bayarang babae, sa tingin mo ba magiging architect ka—"
"How about you? You think you'll be an architect with that tiny money of your parents?" Gulat kong nalingon ang nagsalitang si Laze na hindi mahihimigan ng galit o ano mang emosyon.
"Pwede ba Laze? Huwag kang makialam rito—"
"You should buy a brain with that few penny of yours, maybe you'll be an architect." Napalunok ako ng matigilan ang lalake at wala ng iba pang masabi.
"Stupid college students." Sinulyapan ni Laze ang mga grupo bago niya ako tinignan at tsaka niya ako tinalikuran upang bumalik sa kinauupuan niya.
I was left speechless.
///
@/n: Any thoughts? Eyy eyy eyy HAHAHAHA
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro