Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

#9 Prettiest Friend by Jason Mraz

Mae, here's your request. I hope you'll like it. ^^

--

"Justin! Wala ka man lang bang balak na isayaw ako? Aba matatapos na ang Prom! Ano pa bang inaantay mo?"

"Wag ka ngang atat dyan! Wala pa yung ni-request kong kanta eh."

She pouted her red lips at me. "Kapag lumipas ang Prom na hindi mo ako naiisayaw, magtatampo talaga ako sa 'yo!"

I smiled at her impatience. Yan si Mae, best friend ko. Sa lahat ng bagay, gusto nyang natatapos sya agad. Lahat ng bagay na gusto nya, gusto nyang nakukuha agad.

She hates surprises.

Gusto nya alam nya agad ang mangyayari. If she could somehow predict the future, she would.

Gusto nya lahat ng sikreto ng ibang tao alam nya. Not to spread it out but just to know. Gusto nya kasing marami syang nalalaman na bagay-bagay sa paligid.

Ayaw nyang may inililihim sa kanya.

Kwela syang kasama at masayang kakwentuhan. Hindi kagaya ko na may pagka-loner at aloof. Anti-social ako saka awkward sa mga tao. Sa kanya lang talaga gumaan yung loob ko. Kaya naging magkaibigan kami agad.

Prom din noong una kaming nagkakilala. Last year lang. I was sulking on one corner habang sya naman, masayang nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan nya sa malapit na table.

Tanda ko pa noon... pinagtinginan nila ako saka sila nagbulungan. Umiwas na lang ako ng tingin. Hindi ko alam kung ano'ng sinasabi nila tungkol sa 'kin ng mga oras na yun. Basta makalipas ang isang mahigit isang minuto, nakita ko syang nakatayo sa harapan ko, her hands akimbo.

Nakangiti sya sa akin noon. She looked friendly but I didn't know what to say to her.

Mga ilang segundo din kaming nagkatinginan noon bago nya ako hinila at dinala sa gitna. Saktong ang kanta pa noon ay Teach Me How To Dougie. Nandun kami sa tabi ng stage saka sya nagsimulang sumayaw.

Madami namang nagsasayaw pero nahihiya pa rin ako. Hindi ko naman kase ugaling sumayaw.

"Uy sayaw ka!"

 

"Ayoko."

"Tss. Di naman mahirap eh. Ganto lang oh..." She showed me the steps of the dance. Nakakatawa lang syang tingnan. Hindi naman kase sya kagalingang sumayaw eh. Pero aaminin ko, naaaliw ako sa kapapanuod sa kanya.

Kaya ginaya ko sya.

Nakakahiya sa una pero dahil sa kanya, first time kong na-enjoy na gumawa ng bagay na normally ay ikakahiya ko. Para lang kaming tangang nagsasayaw dun sa tabi hanggang sa may makapansin sa 'min tapos isa-isa silang gumaya.

Muntik na ngang maging ala flash mob kaso natapos yung kanta.

We were laughing our hearts out hanggang sa nakaupo kami sa table. Ni hindi ko na nga natanong sa sarili ko kung bakit hindi na sya bumalik sa mga kaibigan nya. Basta buong gabi na lang kaming nagkwentuhan.

"Last dance na po ito. Kaya kayo dyan na may gustong isayaw, isayaw nyo na." Announce ng emcee. Nagkatinginan kami ni Mae.

"Gusto mong sumayaw?" Tanong ko sa kanya.

"Ng ano? Dougie ulit?" Natatawa nyang tanong. "Tinatamad ako eh. Sensya na."

 

"Ayos lang."

 

"Alam mo, ang astig mo pala." Nakangiti nyang sabi. Natuwa ako. Kase unang beses akong masabihang astig. Wala lang. Palakpak lang ang tenga ko nun.

"Salamat. Ikaw rin... astig."

 

Simula nung gabing yun, naging close kaming dalawa.

Hanggang fourth year, magkaibigan pa rin kami ni Mae. Actually, parang ako na nga lang ata ang kaibigan nya. Yung mga kaibigan nya kase dati, iniwasan na sya.

When I asked her that, ang sabi nya sa 'kin nagalit daw sa kanya yung isa nyang kabarkada. Tapos nagsikampihan sila lahat dun at iniwan sya.

Tuwing tinatanong ko naman kung ano'ng ikinagalit nila sa kanya, hindi nya sinasagot.

"Last song na po ito. Yung mga gusto pong magsayaw dyan, magsayaw na." Announce ng emcee.

"Uy Justin! Last song na daw oh!"

Tsk. Impatient talaga kahit kelan.

This is what I look like today

And I'm tryin' not to pull out my hair

 

Ayos. Pang-huli pala yung request ko.

Hinatak ko si Mae papunta sa gitna.

I'm trying not to show it

'Cause I'm far too shy to grow it back there

That's probably why I like wearing hats

 

Hinawakan ko yung malalambot nyang mga kamay at ikinawit ko sa batok ko. Saka ko iniikot sa bewang nya yung mga kamay ko.

 

There's no denying, I'm deferring the facts

Avoiding confrontation

"Mae... happy anniversary."

 

Lacks tact in a situation

Behind every line is a lesson yet to learn

"Happy anniversary din Justin." Nakangiti nyang sagot. "Akalain mo, tumagal tayo ng one year? Natagalan ko yang pagiging lalaki sa banga mo!"

But if you ask me

The feeling that I'm feeling is overwhelming

And oh, it goes to show

I've so much to know

"Wag ka namang tumawa. Sinisira mo yung moment eh."

"Sus! Moment ka dyan!"

"Oo kaya! Kanta ko yan para sa 'yo."

I wrote this for my prettiest friend

Who while trying not to prove that I care

Trying not to make

All my moves in one motion and scare her away

Bahagyang namula yung mga pisngi nya. "Prettiest friend?"

 

"Yeah. Ikaw lang kase ang friend ko."

Tinapakan nya yung paa ko. "Okay na eh!"

Yan si Mae. Nahihiya kapag pinupuri pero nagagalit naman kapag binabawi mo yung papuri mo sa kanya.

Well, she can't see she's making me crazy now

I don't believe she knows she's amazing how

She has me holding my breathe

So I'd never guess that I'm a none such unsuitable, suited for her

"Mae, happy birthday din."

"Salamat."

"Saka happy Valentine's."

Tinapik nya ako sa balikat. "Wagas ka namang maka-greet pre. Package talaga?"

"Kasalanan ko bang sabay-sabay lahat yan? Yung kalendaryo ang sisihin mo, wag ako."

"Tss."

But if you ask me

The feeling that I'm feeling is complimentary

And oh, it goes to show

The moral of the story is boy loves girl

And so, on the way that it unfolds is yet to be told

"Mae."

"Ano?"

"Mahal kita."

I know that I should be brave

Even pretty can be seen by the blind

I know that I cannot wait

Until the day we finally learn how to find each other

Redefining open minds

Ngumiti sya sa 'kin. "Mahal din kita."

"Hindi bilang best friend."

 

And if you ask me

The feeling that I'm feeling is overjoyed

And it's golden, it goes to show then

The ending of this song should be left alone

And so on, 'cause the way it unfolds is yet to be told

"Alam ko."

Natigilan ako sa sinabi nya.

"A-Alam mo?"

She leaned closer at halos nakayakap na sya sa akin. Tapos saka sya bumulong. "Alam kong mahal kita. Pero ngayon ko lang nalaman na pareho lang tayo ng nararamdaman. Remember that time last year nung hinatak na lang kita sa gitna para magsayaw ng dougie?"

Tumango ako.

"Ang totoo nyan, nung gabing yun, umamin sa 'min si Mina na may crush sya sa 'yo. We encouraged her na lapitan ka at makipag-kaibigan sa 'yo pero nahihiya sya. Kaya sabi ko sa kanila, ako na lang ang gagawa ng paraan. I'll befriend you tapos ipapakilala kita sa kanya."

"Teka... tapos na pala yung kanta. Upo na tayo?"

"Sige." Bumalik kami sa pwesto namin. May ilan pang announcements at closing remarks na magaganap bago matapos yung Prom kaya in the meantime, nagkwentuhan na lang muna kami ni Mae. Nakakatuwa nga, magka-holding hands kami.

I mean, palagi naman kaming nag-ho-hold hands pero dati as friends... ngayon iba na.

"Tuloy mo na yung kwento mo." I said to her habang nilalaro ko yung kamay naming dalawa.

"Tapos ayun nga, naging magkaibigan tayo. Kaya lang... lately kase... parang... nagugustuhan na kita. And I felt like I don't want her to get to know you better kase nakakapagselos. Kaya kapag nagtatanong sya sa 'kin ng tungkol sa 'yo... hindi ko sya sinasagot. Dun sya nagsimulang mainis sa 'kin. Tapos nalaman ko na lang na pinag-uusapan pala nila ako behind my back. They were even saying bad things about me na hindi naman totoo."

"So that's why sa 'kin ka na lagi sumasama?"

She shrugged. "Partly. Pero gusto talaga kitang kasama." She leaned on my shoulder.

I smiled to myself. Our story wasn't as thrilling as the others pero nakakatuwa pa ring isipin na natural lang syang na-develop from friendship to love.

"Paano na tayo bukas? Will you be my girlfriend or will we stay as just friends?"

"Parang ayoko ng may label tayo na girlfriend-boyfriend. Kase hindi lang naman tayo ganun. Yes, we love each other... pero alam mo yun, unang-una friends tayo. And I don't want that to change."

"So... are we something in between?"

"Ewan ko. Ano sa tingin mo." She looked up at me, sa sobrang lapit ng mukha nya, all I have to do is lean a bit more to be able to kiss her. Haaaay... ang sarap lang gawin.

"Partners in crime?"

She smiled. "Uy gusto ko yun! Sige... partners tayo!"

I smiled too. "Partners for life?"

"We'll see."

"Partner."

"Yes partner?"

"Pwedeng makahingi ng kiss?"

Tinapik nya ang pinsgi ko with her free hand. "Gusto mong masuspend tayo?"

"Wala namang nakatingin eh."

"Baliw ka talaga!"

I grinned. "Sige mamaya na lang pag-uwi."

Mae didn't become my girlfriend. She stayed as my friend. We stayed as friends for almost fifteen years now. Tama nga yung sinabi ni Alphonso sa movie na Valentine's day...

 

Question: How did you and your wife get it so right?

Answer: Easy... I married my best friend.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro