Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

#7 Dark side by Kelly Clarkson

Click on EXTERNAL LINK dahil nalagyan ko na! *u*

Kung mahilig ka sa tula... dyan madami. puro English nga lang. XD

Sige na... read well :>

--

Every one of us has a dark side... some just hides it better.

 

I was running for Magna Cum Laude. I was the dean's lister for four years in a row... walang palya. I was the role model of every college student who aspires to make a change in this world.

I was pretty and simple; intelligent and humble; down to earth and caring... and most of all... I am loved by everyone—teachers and students alike.

Lahat ng ito ay binabayaran ko ng taimtimang pagsisikap sa pag-aaral. Mahirap lang kami. Scholar ako ng school. Full scholarship.

Ayos na sana kaso... may tatlo pa akong kapatid na tinutulungan kong patapusin ng pag-aaral. Dalawang high school at isang elementary.

Gagraduate na si Eula sa elementary habang si Jairus naman ay gagraduate na ng high school. Doble kayod kami ni mama dahil kami lang ang inaasahan ng mga kapatid ko. Wala na kase si papa, matagal ng patay.

So anyway, I'll tell you a story. It is about me... and the guy who broke my heart into millions of pieces. The shattered glass formed a bloody mosaic on my chest.

It was so painful that I thought I'd never live again.

Dejoke lang.

Ang totoo nyan, may isang lalaking ang tagal na akong pinupursue but I just can't say yes to him. Maganda ako pero never pa akong nagka-boyfriend. It's not just because I have a family to take care of. It's not just because I have to prioritize my studies. It's not just because I'm scared of relationships.

May isa pa akong dahilan... and I was so ashamed of it that I chose to bury this secret to the very depths of hell where I'm at right now.

Natatakot ako na kapag nalaman nya, ayawan na lang nya ako. Masasaktan ako ng sobra kapag nagkataon kase mahal ko na sya.

He wasn't a hard person to love. He was always there. He was always beside me. He was always supporting me.

Sya yung tao na alam kong hindi ako iiwan even in the darkest days of my life...

Pero... hindi ko alam kung pano sya magre-react kapag nalaman nya ang sikreto ko.

At eto nga, nandito na naman sya sa school namin... nangungulit. Ewan ko nga ba kung pano pa nya ako naisisingit sa sked nya eh napaka-workaholic nya. Nagtatrabaho na kase sya. He was 25 and I was 20.

"Uuwi ka na Reese? Tamang-tama pala ang dating ko. Hatid na kita?"

"Wag na Jude. Umuwi ka na lang at magpahinga. Di ba puyat ka pa kagabi?" Nag-aalala kong tanong sa kanya. Magkatext kasi kami kagabi hanggang 10pm tapos nasa office pa sya nun.

He smiled and replied, "Okay lang. I'll rest after na maihatid kita."

Ginantihan ko sya ng ngiti. He was the perfect guy. The kind that you could take home to the family and proudly announce that he's your boyfriend. Botong boto nga sa kanya ang buong angkan namin eh. Kase kapag dumadalaw sya sa bahay, palagi syang may dalang pagkain.

Tapos kapag natutunugan ng mga pinsan ko, nagsisipuntahan sila sa bahay para makikain.

Nakakahiya na nga sa kanya kaya hindi ko sya pinapadalaw ng madalas.

Marami nga sa mga pinsan ko ang may crush sa kanya. Mula kay Aina na limang taon hanggang kay Ate Precy na mag-po-forty na. Palagi nga nila akong tinatanong kung bakit hindi ko pa daw sinasagot si Jude eh halos walong buwan na syang nanliligaw.

Palagi ko lang sinasabi na hindi pa ako handa. Pero ang totoo... hindi ko sya sinasagot dahil may isang parte ng pagkatao ko na alam kong kamumuhian nya. At ayokong kamuhian nya ako.

Ayokong kamuhian ako ng taong mahal ko.

"Hindi na Jude. May pupuntahan pa kase ako." Pagtanggi ko sa alok nyang paghahatid.

"Eh di sasamahan na kita."

"Wag na..."

Kumunot ng bahagya ang noo nya. "Bakit naman ayaw mong ihatid kita? Palagi ka na lang ganyan. San ka ba pumupunta gabi-gabi at hindi ako pwedeng sumama?"

Yumuko ako. "Ano—nagtatrabaho kase ako."

"O anong masama dun?"

"Nakakahiya eh."

"Ano ka ba! Hindi nakakahiya ang magtrabaho! Hanga nga ako sa 'yo eh. Honor student ka na tapos nagagawa mo pang magtrabaho." He said patting my shoulder.

"Saka mo na lang ako ihatid. Sige ah! Mali-late na ako."

Binilisan ko ang lakad para makasakay na ng jeep. Wala na syang nagawa kundi sundan ako ng tingin habang unti-unting umandar yung jeep na sinasakyan ko.

Maybe it was so cowardly and selfish of me to hide this from him but it's the only way I could think of para hindi nya ako iwanan.

I will carry this secret to my grave if possible...

--

"Wooo!!! LOWER!!! BEND LOWER!!"

"Potangina pre, sarap nga!"

"Miss, take off your underwear!!"

I smiled as I swayed my hips to the erotic sound. I see lust in their eyes. Nakakatakot. Nakakadiri. Nandidiri ako sa ginagawa ko.

Why did I end up like this anyway?

Who would have thought that the sweet and smart Reese would stoop this low?

I rubbed the pole up and down as I bit my lower lip. I heard men groaned and whistled.

This is me... a stripper.

Kada kendeng at kembot, nakakapagpaaral ako ng kapatid.

Kada hubad ng damit, nakakabayad kami sa kuryente.

Kada pahipo sa mga lalaking nandito, napapanatili kong busog ang aking pamilya.

What a sad fate. Sa tuwing naiisip ko si Jude, all I could think of is that I can never be the right girl for him. This is hell and he wasn't meant to be here. Ako... lubog na ako sa putik. Mahirap makaahon...

I swayed my hips and lunged lower as I playfully unhook my bra and tossed it somewhere. Nag-agawan ang mga lalaki sa pagsalo.

That's when I saw him. Mula sa padilim na parte ng club, nakita ko syang nakatayo. His jaw clenched and his eyes are burning a hole in me. Nakita ko yung contempt and disgust sa mga mata nya.

Funny how it seemed like for a split second, parang kami lang dalawa ang tao sa club. Ganun na siguro kapag sobrang importante sa 'yo ng isang tao... ni hindi pa man sya nakakalapit sa 'kin, ramdam ko nang galit na galit sya.

I don't know how in hell he recognized me beneath all these fakeness. I was wearing fake lashes and a cake of makeup... pero yung titig nya, tumagos sa lahat ng yun.

Bigla akong tinamaan ng hiya at guilt. Parang gusto ko ng bumuka ang lupa at lamunin ako ng buo. I ran out of the stage. Away from the booing of the crowd. Away from his stare...

Kinabukasan... hindi ko na sya nakita. Hindi na sya nagtetext. Hindi na sya tumatawag. Nagtataka ang lahat but I have to put on a fake smile and say that it just didn't work out.

Nakakapanghinayang... pero at least I knew... hindi nya nga ako matatanggap. Imagine if he found out ng kami na? Mukhang mas masakit yun... kaya I am thankful in a way na sa ganung paraan nya nalaman ang lihim ko...

--

"Labas muna ako ha?" Paalam ko sa kaibigan kong si Chocnat. He's a trannie at isa sa pinakamabenta sa club. Sa bahay nya ako nakikituloy o nakikibihis bago ako umuwi sa 'min. Hindi rin kase alam nina nanay ang ginagawa ko.

Siguradong malulungkot si nanay kapag nalaman nya at ang mga kapatid ko... they will never look at me the same way again...

I grabbed a cigarette stick mula sa kaha na nakapatong sa lamesa at lumabas ng club... sa medyo likod... in my stripper outfit.

I lit up the cigarette... humithit at bumuga.

Sana sa bawat pagbuga ko, kasama ng nag-eevaporate ang problema.

"Hanep... naninigarilyo ka rin pala? Ano pang hindi ko alam sa 'yo?"

Nagulat ako ng may magsalita. I looked to my right and saw a silhouette of a man na nakasandal sa pader at nakapamulsa. He was looking at me, I know—because even if I cannot see his eyes... they managed to burn a hole through my soul.

"Jude?"

Umalis sya sa pagkakasandal sa pader at naglakad palapit sa akin. Ng magkatapat na kami, he took the cigarette from my hand and dropped it on the sidewalk. He stepped on it ad crushed it so intensely na para bang ang laki ng kasalanan ng sigarilyo sa kanya.

He then stared at me intently. Hindi sya nagsasalita ang I felt awkward after the first five minutes.

"Ano'ng ginagawa mo dito?" I managed to ask.

Nagpakawala sya ng malalim na buntong-hininga.

"You were not who I thought you were. Hindi ka malinis. And I wouldn't dare introduce you to my family for they might resent me for loving you." Sa bawat salitang binitiwan nya, pakiramdam ko'y unti-unti akong lumubog sa sementong kinatatayuan ko.

"Pero mahal kita. I was disgusted by what I saw. I wanted to be angry at you... so much... to the point of contempt pero... mahal kita. And no matter how much I despise this—you—" He exhaled sharply. Parang gusto ko ng balutan ng kumot ang sarili ko...

He was disgusted.

"Reese... the point is... I couldn't stay away from you. Siguro nga nanggagalaiti ako sa galit noong nakita kitang—but after a week of not seeing you and not hearing anything from you... lalo kitang inaalala. Lalo akong nag-aalala sa mga pinag-gagagawa mo. Lalo kung naramdamang gusto kitang protektahan. Mahal kita... I guess I love you this much to accept everything about you."

"T-Tanggap mo?"

"Slight. Aaminin kong hindi ako natutuwa sa pinag-gagagawa mo but I know you wouldn't do this for no reason at all. At alam kong hindi mo tatanggapin ang tulong ko... if ever I offer it to you. Mas gusto mong tumayo sa sarili mong mga paa and I commend you for that... but this—easy money is not the answer Reese."

"K-Kase..." Dalawang buwang utang sa kuryente. Mapuputulan na kami ng tubig. Graduation fees ni Jairus at Eula tapos panng-PROM pa ni James... tapos nagkasakit pa si nanay. Yung utang naman ni Tita hindi pa binabayaran. San na lang ako kukuha ng pambayad sa lahat ng yun?

Kapag naaalala ko yung mga problema ko na yun, hindi ko magawang hindi umiyak. Bakit ba kase sa dinami-dami ng tao sa mundo, hindi man lang naisip na i-distribute ang problema ko? Bakit ako lang ang kelangan mag-shoulder ng lahat ng yun?

Jude touched my shoulder and he tilted my chin up with his other hand.

"'Wag kang mag-alala. Hinding hindi kita iiwananan. If you have to dance, then dance. Strip if you have to. They can look... They can stare all they want but they can never have you. You are mine now. Inaangkinin na kita." He smirked at the last sentence.

"Jude—"

Bigla nya akong niyakap. "Mahal mo rin naman ako di ba... Reese?"

I smiled in spite of the tears and hugged him back. "Oo naman."

"Good." He let go of me. "Isang kondisyon lang..."

"Ano?"

"Don't take off everything." He smiled and kissed my forehead. Saka sya umalis. Feeling revived, I went back inside the bar with a happy heart.

Tonight will be my best dance ever... for this is the night when the guy I love finally accepted who I was... along with my dark side.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro