#6 I'd Lie by Taylor Swift
Hindi kita gusto.
--
Minsan ganito...
"May gusto ka ba sa 'kin Elise Magdayo?"
"Wala James Navarro."
Minsan naman ganito...
"Yeeee... crush mo 'ko noh?"
"Ha! Asa!"
Palagi nya akong hinuhuli... pero palagi akong tumatanggi.
Si James Navarro ang isa sa mga classmate ko since kinder. Nung grade 1, palagi kaming nag-aaway nyan kase tuwing naglalaro sila ng sipa-bola, hindi ako isinasali kase babae daw ako. Dapat daw sa 'kin eh mag-Chinese garter na lang o piko.
Grade 3, halos naging magbestfriends kami dahil parehas kaming nahilig sa jackstone kaya palagi kaming magkalaro.
Grade 4, hindi kami magkaklase... napalipat sya sa lower section dahil bumaba yung grades nya sa Hekasi at EPP.
Naging magkaklase lang ulit kami nung grade 6. Ang dugyot lang nya... ang itim nya kase noon. Palagi syang nasa ilalim ng araw, nakikipaglaro ng sepak.
First year... naging mas matangkad na sya sa akin. Parehas kaming nag-enroll sa isang catholic school at sabay pa kaming nag-take ng advanced class nung summer before first year.
Second year ng kumalat ang balitang may gusto daw ako sa kanya. Hindi ko alam kung san nanggaling ang balitang yun. All I could remember was that time, palagi kaming sabay umuwi kase naging magkapitbahay na kami nung high school.
Madalas kaming magkasama kase nagpapatulong sya sa subjects nya.
Yun lang. Maybe that's what sparked the rumors. Hindi ko na lang naman inintindi kase para sa 'kin... wala lang yun. Ang nakakairita nga lang, eversince that time, hindi na nya ako tinigilan sa kakatanong.
"Ee! Tatanggi pa! umamin ka na kase! Gusto mo 'ko noh?"
I rolled my eyes at him. "Hindi nga kita gusto! Bat ba ang kulit mo?"
"Wala. Denial queen ka talaga."
"Asus! Baka ikaw ang may gusto sa 'kin?" Nakangiti kong tanong.
"Asa!" Sabi nya na may kasamang hila sa pisngi ko sabay takbo nya.
Ganun palagi ang eksena naming dalawa...
Tatanungin nya ako... tatanggi ako..
Third year. PROM. Pilian daw ng date. In all fairness to me, walang nag-aya ni isa! Nakakainis! Halos humagulhol ako kakaisip kung bakit ni isa man lang walang nagtangkang mag-aya sa 'kin sa Prom... samantalang yung ibang mas hindi kagandahan...
"Hoy Elise!"
"Tse!"
"Umiiyak ka?" Umiwas ako ng tingin sa kanya. Umiiyak daw? Kanina naman napipigil ko pa ah? Eh pano naman kase... sino'ng hindi malulungkot? Highlight ng high school life ang PROM. I thought it would be as magical just like in the movies pero mukhang kahit yata pag-attend ko sa prom hindi matutuloy.
"Ah kawawa! Wala kang date noh?"
"Heh! Lubayan mo nga ako kahit ngayon lang!"
Pero wala sa nature nya ang sumunod sa utos o pakiusap. So instead na lubayan ako... pumunta pa sya sa harap ko at pilit na inaalis yung kamay ko na nakatakip sa mukha ko.
"Ano ba James!"
"Arte nito... may paiyak-iyak pa!"
"Pakialam mo ba?!"
"Tumahan ka na nga... napangit ka lalo. Sya sige, ako na lang ang date mo. Kawawa ka naman eh."
"Ayoko nga!"
"Eh di wag!"
"Tamo to!" Padabog kong sabi. "Hindi mo man lang ipipilit?"
"Tsk. Arte eh! Ano? Ayaw mo ba o gusto?"
"Hmmm sige na nga. Tutal wala naman akong choice." Sagot ko.
At yun nga, naging mag-date kami sa Prom.
"Uy sayaw tayo." Aya nya.
"Tinatamad ako." Sagot ko.
"Anakng—so ano yun? Dyan ka lang? KJ mo naman!"
"Tss. Kase naman—sige na nga!"
Hinatak nya ako papunta sa gitna. Take note: HATAK. Nangangatalapid na nga ako sa heels ko eh... nung nasa gitna na kami, sakto namang biglang nagpalit ng tugtog from Whistle to Be Your Everything. Whoa. Slow dance. Patay.
"Elise, may tatanong ako."
"Mmm—ano?"
"May gusto ka sa 'kin?" Nagulat ako sa pagkaseryoso nya. Pero syempre hindi mababago ng pagka-solemn nya KUNO ang sagot ko.
"Wala."
"Di mo 'ko crush?"
"Hindi."
Bigla nya akong binitiwan... saka na lang basta bastang iniwan sa gitna ng hall. Napayuko na lang ako, napabuntong-hininga... at napabulong.
"Mali naman kase ang tanong mo eh... di kita gusto—mahal kita."
"Narinig ko yun..."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro