#5 Young Love by Jedward
Nakakakilig 'tong kanta na 'to. Haha... ewan... baka ako lang? XD
--
"Uy si Christine oh! Ayeee!"
"Ano na Edward? Ligawan mo na kase! Panay ka ligaw-tingin eh!"
"Tol ang ganda talaga oh!"
Automatically, biglang nag-increase ang heart rate ko. As in bigla na para bang nag-spike up ng marinig ko yung tuksuhan ng barkada ni Edward.
Sino si Edward? Sya lang naman yung bali-balitang may gusto daw sa 'kin pero hindi makalapit dahil torpe. Hindi ko alam kung gusto ko din ba sya o ano. Pero kase... ganito palagi yung nararamdaman ko sa tuwing napapalapit ako sa kanya.
Kagaya ngayong kakalampas pa lang namin ng kaklase ko mula sa pwesto nina Edward sa tabi ng daan.
Yung tipong... kinakabahan ako na naeexcite na kinikilabutan na ewan? Hindi ko sigurado pero feeling ko gusto ko rin sya.
Feeling ko lang naman.
Transferee lang ako sa school nila. Second year high school na ako. Sina Edward, ka-batch ko sila pero ibang section. Tahimik lang sya... pansin ko.
Hindi sya yung tipong pinaglalakasan ang boses sa tuwing mapapadaan ako sa kanila. Hindi sya yung hayagan kung tumingin sa 'kin. Torpe nga talaga sya. Minsan, matatanaw ko silang nagkikwentuhan ng barkada nya tapos kapag may makakakita sa 'king padaan, isang kuhit lang sa kanya, mananahimik na sya. Tutungo... minsan magba-blush pa nga.
Cute naman sya eh. Sa totoo nga nyan, crush sya ng ilan sa mga kaklase ko. Ang cool at mysterious daw nya kaseng tingnan. Naeengganyo din akong tumingin sa kanya mula sa malayo. Minsan, kapag wala pa yung mga barkada nya at naaabutan ko sya na maagang pumasok sa school, nakikita ko syang nananahimik sa ilalim ng punong mangga.
Nakahiga sya dun sa sementong nakaikot sa puno tapos naka-headset sya at nakikinig ng music.
Minsan, gusto ko syang lapitan at kausapin pero... nahihiya ako. Babae kase ako. Dikta na ng lipunan na maging conservative ako at antaying ang lalaki ang unang lumapit. Ayos lang sana kung hindi ko alam na gusto nya ako pero alam ko eh.
Saka baka lalo syang mahiya sa 'kin...
Siguro dahil sa kabagalan nyang kumilos... kaya inunahan na sya ng best friend nya.
Isang araw, lumapit na lang sa 'kin si Carlo at bigla na lang akong hinila. Tanong ako ng tanong kung ano bang kailangan nya pero hindi nya ako sinasagot. Hila-hila lang nya ako hanggang sa makarating kami sa may CR ng girls.
Itinulak nya ako papasok saka niya inilock ang pinto—ng nasa labas sya.
Kinilabutan ako dahil sa CR daw na yun... may nagmumultong bata.
Sigaw ako ng sigaw... I was even pounding at the door. Mangiyak-ngiyak na ako pero hindi nya ako pinagbubuksan.
Defeated, sinubukan kong tawagan ang mga classmate ko na pauwi pa lang. Nagriring naman pero hindi nila sinasagot.
Maya-maya, may narinig akong kaliskisan na nagmumula sa labas. Then the door swung open. Papasok ang bukas ng pinto kaya napaurong ako agad para hindi tamaan.
Pero imbes na makalabas, biglang may sumalubong sa 'kin na isang tao. Itinulak sya papasok. Dahil nasa tapat mismo ako ng pintuan, nabunggo nya ako. Muntik pa kaming...
"S-sorry Miss—"
Tumingala ako sa nagsalita.
"C-Christine?!"
>///<
Shemas. Ang gwapo pala nya sa malapitan!
"E-Edward!"
Bigla nya akong binitawan. "Sorry." Nakatungo nyang sabi. Ang cute nya lang kapag nagbablush... Hala! Kinakabahan na naman ako. My heart won't be still... bakit ba ganito?
Tumalikod sya sa 'kin at nagsimula katukin ang pinto.
"Carlo! Pabukas na!"
"Potek Ed! Chance mo na nga eh!" Narinig kong sagot ni Carlo mula sa labas. Napabuntong-hininga na lang si Ed.
"Sorry ah." Sabi nya ng nakatalikod pa rin.
"Ano ba kaseng pakulo 'to? Hindi ba pwedeng manligaw ka na lang ng maayos? May paganto-ganto pa kayong nalalaman... seriously, does this even work?" Pagmamataray ko. Pero sa totoo lang, ang lapad ng ngiti ko ng mga sandaling yun. Buti hindi nya nakikita dahil nakatalikod sya.
At tuluyan na syang hindi nakapagsalita.
"Ed?"
Bigla syang nagkamot ng ulo saka lumingon sa 'kin... nakatungo pa rin.
"Pano kase... nakakahiya kase eh..."
Pinigil ko ang sarili kong ngumiti. Baka mahalata nya kaseng kinikilig ako... XD
"Bakit ka naman mahihiya?"
"Ewan ko." Nakatungo pa rin sya.
"Tapatin mo nga ako... may gusto ka ba talaga sa 'kin?"
"Oo meron yan!" Narinig kong sagot ni Carlo.
"Ano Ed?"
"Nasagot na nya." Mahina nyang sabi.
I sighed. "Gusto ko sa 'yo manggaling... gusto mo ba 'ko?"
"Oo nga!"
Tsk. Ang kulit lang ni Carlo...
Bumagsak yung kamay ni Ed sa tagiliran nya saka unti-unting nag-angat ng tingin. Feeling ko nag-spike up na naman ang pintig ng puso ko ng magtama yung mga mata namin... first time.
"Oo."
Dalawang letra. Isang salita. Yun lang pero... napasaya noon ang buong araw ko.
"Kung sasabihin ko bang gusto rin kita, liligawan mo ba ako?"
"H-Ha?"
"OO NA LANG KASE ED!"
Haha... ang kulit talaga eh.
Sinimangutan ko si Ed. "Wala. Torpe ka talaga." Halos pabulong kong sabi.
"AYAN KASE!"
"Christine..."
"Ano?" Pairap kong tanong.
"Kung liligawan ba kita... sasagutin mo ba 'ko?"
Natigilan ako sa sagot nya. Ang bilis naman ata? Di ba dapat manligaw muna sya para malaman nya?
"Ano Christine?"
"Kung OO ba ang sagot, ngayon mo na ako liligawan?"
"Kung ngayon ba kita liligawan, papayag ka ba?"
"Kung OO ba, gagawin mo talaga?"
"Oo." Hindi ko mapigilang ngumiti sa sagot nya.
"Eh di OO din."
Then finally... he smiled... at me.
Biglang bumukas ang pintuan ng CR. Sinalubong kami ng nakangiting si Carlo... kasama si Mam Esther, yung mga classmate kong girls na sinubukan kong tawagan kanina saka yung barkada nila Ed.
Hala... documented?
"Oh yan ha! Narinig nyo naman siguro!"
"Yeee! Oo! Rinig na rinig namin!"
"Naka-record pa nga eh!"
HALA! O////O
Pati si Ma'am nakangiti!
"Siya! Umuwi na kayong mga bata kayo..." Nakangiting sabi ni Ma'am.
"Uy Ed ingatan mo yan ha!"
"Sus! Si Ed pa!"
"Una na po kami ma'am." Paalam ni Ed saka ako inakay palayo. Ang sarap lang ng feeling... inaalalayan nya ako.
Bumalik kami sa classroom para kunin ang bag ko tapos lumabas na kami ng school. May isang ruler din ang layo namin sa isa't isa and I was able to glance at him from time to time.
He looks so adorable when he was trying to hide his smile.
Shemas.
"Christine..."
"Hmm?" Medyo nagulat ako ng tawagin nya ako. Nakatingin pa rin sya sa unahan. I guess nahihiya pa rin syang tumingin sa 'kin.
"Alam kong mga bata pa tayo pero... sana maniwala ka... seryoso ako sa 'yo."
<3
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro