Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

#4 Fix A Heart by Demi Lovato

They say that it is better to leave a broken heart as it is... because you might get yourself hurt trying to fix its broken pieces.

--

Sinubukan kong ayusin ang nasira nyang pagkatao.

Sinubukan kong buuin ang nabasag nyang puso.

Sinubukan kong ibalik ang nawala nyang ngiti.

Pero...

Hindi pala talaga ako ang makakahilom sa mga sugat nya.

--

"Ihahatid na kita Grace."

"Hindi na." Sagot nya.

"Hindi naman ako humihingi ng permiso mo eh. Sinasabi ko lang para alam mo." Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Okay." Kinuha ko yung mga libro mula sa kamay nya. Tapos sumakay na kami ng jeep. All the while na nagbibyahe kami, nakatingin sya sa labas. Napabuntong-hininga na lang ako. Halos isang buwan na pero ganyan pa rin sya.

Palaging malayo ang tingin.

Palaging iba ang hinahanap ng mata.

Masakit isipin na makailang beses ko ng pinilit na ako naman ang paglaanan nya ng atensiyon. Pero... ang hirap makipagkumpitensya sa taong minsang nagmay-ari ng puso nya...

Si Jared.

Naging sila nung first year college kami. HRM student si Jared na mas matanda sa 'min ng isang taon. Lumipat sya sa department namin nung first year kami at supposedly ay second year na sya. Irregular sya noon pero sikat agad sa klase dahil gwapo at may-pagka-bad boy ang dating.

Lahat halos ng babae sa klase namin ay may gusto sa kanya... pwera kay Grace.

Si Grace tahimik lang at parang walang pakialam sa kanya. She doesn't swoon over him. Ni hindi nya ito tinitingnan.

Aaminin ko na noon ay wala pa akong gusto kay Grace. Magkaklase lang kami at magkaibigan.

Bago matapos ang second sem ng first year... niligawan ni Jared si Grace.

At nung mag-second year na kami, nalaman na lang namin na naging sila nung bakasyon.

Noong una wala lang sa 'kin pero ewan ko ba... hindi nga yata namimili ang pag-ibig. Kahit anong pigil ko dahil bawal, hindi ko pa rin napigilang mahulog sa kanya.

Unti-unti... hanggang sa lumalim... at nasasaktan ako ng patago. Palihim ko syang minamahal... nakikita ko namang masaya sya kay Jared. Nasasaktan ako pero nagpapasalamat na rin... dahil at least masaya sya.

Kalagitnaan ng second sem ng second year ng mag-break sila. I rejoiced for a bit. Akala ko may pag-asa na... tapos... naging sila ulit. Umabot yun hanggang ngayong fourth year first sem.

Akala ko talaga hindi na sila maghihiwalay. Sabi kase, yung mga taong nakilala mo sa college are the ones who'd be more likely to be present in your adult life. So I assumed na pagkatapos nilang mag-aral, a few years later, they'll get married.

Pero sa kalagitnaan ng pagti-thesis namin, nakipag-break na naman sa kanya si Jared. Awang-awa ako kay Grace noon and I wanted so badly to comfort her... but she won't let me.

She won't let anyone.

Ilang araw syang wala sa sarili. Ilang araw na nakatulala. Pati mga teachers naiiling na rin pero walang magawa.

At parang sa araw-araw na lang na ginawa ng Diyos, tripleng sakit ang nararamdaman ko.

Mas masakit pa rin talagang makita ko syang nasasaktan kesa makita ko syang masaya sa piling ng iba. But I know I have to do something.

And so after our thesis defense... hinila ko sya sa mini-library para kausapin.

"Grace mahal kita." Sabi ko, walang prologue, walang palligoy-ligoy... yun lang naman talaga ang gusto kong sabihin kaya bakit hindi ko pa dederetsuhin?

"Ha?" Parang wala sa sarili nyang tanong.

"Sabi ko mahal kita."

She crossed her arms saka tumingin sa may bintana. "Ganyan naman kayong mga lalaki eh. Sa una lang yan... mawawala din yan."

"Grace halos tatlong taon na 'to."

"Bakit? Kami rin naman ah... halos tatlong taon na rin. Ano na kami ngayon? Di ba wala na?" Sagot nya sa mapait na tono.

"Iba naman ako kay Jared, Grace."

"Honestly Aaron, wala akong pakialam."

Nasaktan ako sa sinabi nya. Pero naisip ko, kung titigilan ko na sya after that, eh di mas lalong hindi sya maniwala sa akin?

That's why I started courting her. But then a rumor sparked. Ako daw siguro ang dahilan ng breakup nila ni Jared. Usap-usapan yun sa buong department at kumalat pa na tinu-time daw ni Grace si Jared with me kaya nakipaghiwalay ito sa kanya.

Nagalit sa 'kin si Grace dahil dun. She asked me not to talk to her. Iniwasan nya ako. But I was persistent. Kumalat na rin naman eh, bakit di pa panindigan? Rumors will die... but not my love for her. Papatunayan ko sa kanya na hindi si Jared ang lalaking para sa kanya kundi ako.

Pero... isang buwan na ang nakakalipas, wala pa ring pagbabago. Lampasan pa rin ang tingin nya sa 'kin. Tuwing makikita namin si Jared, nandun pa rin yung anticipation at hope sa mukha nya.

Umaasa pa rin syang babalikan sya ng lalaking yun.

Isang buwan na... pero hindi pa rin sya tumitigil sa pag-asa. Minsan nga iniisip ko kung may kabuluhan pa ba ang paghihintay ko?

Maraming beses ko ng gustong sumuko pero... mahal ko sya at hindi ko makayanan na nakikita syang malungkot. Ginawa ko na lahat: alalay, kuya, bodyguard, tutor... clown.

"Grace... si Jared pa rin ba?"

"Oo." Mabilis nyang sagot. Nung gabing yun na hinatid ko sya, parang gusto kong maiyak. Ganito yung pakiramdam ng nagmamahal ka ng taong hindi ka naman mahal. Pero asa pa ako, tanga ako pagdating sa kanya.

Kaya pinalampas ko pa ang isang buwan.

At dalawang buwan na mula nung maghiwalay sila... wala pa ring pagbabago.

Tatlong araw bago ang kaarawan ni Grace, kinausap ko sya ulit.

"Grace may pag-asa ba ako sa 'yo? Kahit konti lang?"

"Sorry Aaron." Ang sagot nya.

Sorry Aaron. Hindi YES. Hindi NO. Malayo sa tamang sagot pero nakuha ko. Kuha ko na... wala na talaga akong pag-asa.

Kaya tatlong araw akong hindi nagpakita sa kanya.

I guess she needs more time to heal. Siguro makalipas ang ilang taon, makaka-move on din sya.

Pumunta ako nung birthday nya para bigyan sya ng regalo... at ng pangakong maghihintay pa rin ako sa kanya kahit anong mangyari.

Pero ang nadatnan ko?

Nasa may pintuan sila ni Jared. Magkayakap. Hawak-hawak ni Grace yung isang pumpon ng bulaklak na kagaya ng hawak ko ng mga oras na yun.

Napansin kong ang laki ng ngiti nya. Hindi ako makagalaw mula sa kinatatayuan ko. Tanging yung nangangatal ko na lang na mga labi at tumutulong luha ang gumagalaw sa 'kin.

Unti-unti kong nabitawan ang hawak kong bulaklak at regalo... kasabay ng paghulog ng puso ko sa kalsada sa tapat ng bahay nila.

Kaya pala... kaya pala parang ayaw kong pumunta.

Kaya pala parang nagdadalawang isip ako kanina.

Pupunta lang pala ako dito para masaktan sa makikita ko.

Ang masaklap na balita?

Sila na ulit.

I guess I should at least be happy for her dahil nakikita kong masaya na sya ulit. Maybe we aren't just meant to be. Siguro nga nakatakda syang magpakatanga para sa lalaking yun.

Pero ang saklap...

Sa kagustuhan kong ayusin ang nabasag nyang puso... sarili ko lang ang nasugatan ko...

Nang paulit-ulit.

<///3

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro