#32 Heartbreak Girl by 5SOS
"Putangina, si Shirley na naman!"
Inihampas ni Pards ang palad sa lamesa namin. Napapitlag si Gary, ang resident Inglisero sa boarding house. Nag-iinuman kasi kami nang tumawag sa 'kin si Shirley. Hindi ko girlfriend si Shirley, ha. Kaibigan ko lang noong high school.
"Saglit lang 'to, p're," sabi ko kay Pards.
Tumayo ako at lumayo sa kanila. Oo, kaibigan lang ako ni Shirley. Wala sanang problema kung ganoon lang din ang tingin ko sa kanya. Ako si Jay, isang tanga.
Crush na crush ko si Shirley noong high school. Muntik ko na ngang ligawan, kaso tangina, naunahan ako! Hindi ko naman ginustong ma-friend zone. E, ang kaso, ganoon lang ang tingin nya sa 'kin. Nag-iisa lang daw kasi akong kaibigan niyang lalaki. Sa akin lang daw siya kumportable. Ayos lang nga raw sa tatay niya na magkasama kaming dalawa buong magdamag dahil alam nitong walang mangyayari sa amin.
Gusto ko nga sana syang barahin noon, e. Sasabihin ko sanang, "Subukan mo. Baka ilang buwan lang, nanay ka na." Kaso, naisip ko na ayos na ring magkaibigan kami. Magkakalapit kami. At kapag malapit na ang loob nya sa 'kin, saka ko sya sosyotain.
Wrong move, dre. Na-trap ako sa friend zone! Nag-college na kami't lahat, hindi pa rin ako nakaaalis. Ayon nga sa matalinghagang salitain ng barubal na si Pards, "Putangina."
"Walang gamot sa taong tanga, Jay," sabi sa akin ni Jojo, ang team leader ng grupo. Apat kaming magkaka- boarding house. Ako ang pinakabata at pinakabago. First year pa lang kasi ako. Si Pards, galing UP. Kaya mahilig syang magmura, e. Dahilan nya, marami raw pinagdadaanan ang mga taga-UP. At kahit hindi niya kinayang maging Isko, proud na proud pa rin syang nakatapak siya ng UP.
Si Gary naman, third year college na. Irreg. Nag-drugs kasi ang gago. Si Jojo, fourth year. Matino at mas diretso pa sa ruler ang buhay. Nag-iisa syang may girlfriend sa aming apat kahit sya ang pinakapangit. Aminado naman sya.
Hindi na rin naman masama. Hindi naman sa pagmamayabang pero may hitsura naman kaming lahat. Mukhang tao, kumbaga. Mr. Pogi si Gary. Panlaban sa mga contest. Si Pards, yung gwapong madungis. Ako, alam kong gwapo ako. Kaso si Shirley, malabo yata ang mata. Mas gwapo raw ang boyfriend nya. Gwapo nga, ulol naman.
Lumabas na ako ng kwarto para hindi maabala. Sakto namang nag-end ang call ni Shirley kaya ako na lang ang tumawag. Alam ko na ang hilatsa nito. Tatawag kahit ano'ng oras. Iiyak. Magrereklamo dahil gago ang syota nya. Tapos papapuntahin ako kung saang lupalop ng Pilipinas sya naroon. Aaluin ko. Magiging okay sya. Aakalain ko ring maghihiwalay sila, tapos babalikan nya yung tanginang hayop na 'yon.
The cycle never ends.
"O? Problema?" bungad ko pagkasagot nya.
"Jay!" atungal niya. "Si Edgar!"
Saka sya ngumawa.
"Asan ka?" kalmado kong tanong.
"Nasa bahay," sagot nya. Umiiyak sya. Umiiyak na naman sya. Palagi na lang. Gawa yata sa semento yung helmet na ibinigay sa kanya ng boyfriend nya. Hindi maalog-alog ang utak kahit ilang beses nang nauntog e.
"Puntahan kita?"
"Okay lang sa 'yo?" tanong nya. "Mag-a-alas dos na."
At may klase pa ako kinabukasan. Magre-review pa ako bukas ng umaga dahil may exam kami sa hapon. Wrong timing, naknam—
Napabuntong-hininga na lamang ako.
"Wala kang kasama? Si Ate Bel?"
"Asa work pa."
Kasama ni Shirley sa boarding house ang ate nya. Call center agent ito. Kapag wala ang ate nya, mag-isa lang sya sa bahay. Pwedeng-pwede akong pumunta, basta may invitation. At kapag inimbitahan ako ni Shirley, alam na. Ginago na naman sya ng boyfriend nya.
Si Gago, boyfriend nya simula fourth year high school. Ito ang nagturo sa kanyang mag-inom at mag-cut class. Ilang beses na rin itong nambabae sa loob ng halos dalawang taon nilang relasyon. Nakipaghiwalay na si Shirley ng tatlong beses. Kaso konting lambing lang ni Gago, bigay agad itong si Tanga.
Tangina, kung hindi ko nga lang sya mahal, ako na mismo ang umuntog sa ulo nya.
"Sige, punta na 'ko dyan."
Tinapos ko na ang tawag bago pa ako may masabing nakakagago. Pumasok akong muli sa boarding house. Kinuha ko ang jacket ko saka yung lalagyanan ko ng barya.
"O, you're going out?" tanong ni Gary. "Dude, enough of this."
"Huwag mo nang pangaralan. Ang tanga, baliktarin mo man ang mundo, tanga pa rin," sabat ni Jojo.
"Tang-inang mga babae 'yan." Humithit si Pards ng sigarilyo at saka ako tiningnan nang matalim. "Kung ako sa 'yo, pre, iiskoran ko na 'yan. Baka mag-iba ang timpla nyan kapag nag-sex na kayo."
"Gago," sabi ko sa kanya. "Nirerespeto ko 'yon."
"Ano na'ng narating ng respeto mo?" panunuya niya.
"Respect is overrated, dude," dagdag ni Gary.
"Di naman," reklamo ni Jojo.
"Alis na 'ko," paalam ko sa kanila.
"Bahala ka. Tanga."
"Ge."
Sumakay ako ng jeep papunta kina Shirley. Bumaba ako sa kanto tapos naglakad papunta sa bahay nila. Ilang katok ko pa lang ay bumukas na ang pintuan ng boarding house nila. Sumalubong sa akin ang mga mata nyang namamaga sa kaiiyak.
"Jay!" Sumimangot siya at saka nagsimula na namang umiyak.
"Teka, papasukin mo muna ako sa loob."
Tumabi siya, pumasok naman ako. Tapos ay isinara niya ang pintuan. Hinila niya ako paakyat sa kwarto nya. Tangina, heto na naman ang tuksong hindi ko pwedeng patulan.
Tinabihan ko sya sa kama. Sumandal naman siya at saka nagpatuloy sa pag-iyak. Inakbayan ko sya at inalo.
"Ano na naman ang ginawa nya?"
"Nahuli ko kasi syang may ka-chat sa Facebook! Nakikipaglandian na naman! Nung tinanong ko sya, sya pa'ng galit! Bakit ko raw pinakikialaman 'yong account nya! Di ba pwede ko namang gawin 'yon?"
"Invasion of privacy kasi 'yon. Kahit kayo na, dapat alam mo pa rin ang limitasyon mo bilang girlfriend."
"E! Tapos sya kapag may mag-text lang sa 'kin, hinihila na 'yong phone ko para i-check! Tama ba 'yon?"
Napabuntong-hininga ako. "Hiwalayan mo na lang kasi kung ganyan lang din kayo nang ganyan."
"Mahal ko e."
"Mahal ka ba? Mahal ka ba talaga? Tingin mo kung mahal ka nya, gagaguhin ka nya nang paulit-ulit? Salutatorian ka sana kung hindi dahil sa kanya. Nasa La Salle ka sana kung hindi dahil sa kanya. May mahal bang gano'n? Kapag nasa baba sya, hihilahin ka na rin pababa para sama kayo?"
Ngumuso siya at kumunot ang noo.
"Bakit ang lalim ng hugot no'n?"
"Hulog na hulog ka kasi. Ang hirap mong iahon."
Sumandal sya sa 'kin. Hinawakan ko 'yong malambot nyang buhok. Hanggang ganitong klase ng pananamantala lang ang kaya kong gawin. Ayaw ko namang humakbang nang malaki. Baka kamuhian nya lang ako.
"Sana kasi natuturuan ang puso, e. This should know when to stop when it's already hurting too much." Itinuro niya ang parte ng dibdib kung saan nandoon ang puso.
"Kaya nga may kokote ka rin." Idiniin ko ang mga daliri ko sa ulo nya. "May mga bagay kasing hindi kayang pagdesisyunan ng puso."
"Dapat kasi utak na lang ang nagmamahal."
"So okay lang sa 'yong ulo ang tumitibok at dibdib ang hinihimas?"
Tumawa sya. "Sira!"
Doon pa lang, alam ko nang medyo okay na sya. Sanay na rin naman siyang masaktan. Kumbaga, namamanhid na rin. Bukas o makalawa, magiging okay na rin sya. Tapos balik na naman kami sa simula. Siguro nga hanggang ganito na lang ako. Sandalan, iyakan, takbuhan. Tatawanan para gumaan ang pakiramdam. Tapos kapag ayos na, iiwanan na ulit.
"Dapat 'yong ginugusto mo, 'yong lalaking magpapangiti sa 'yo, hindi 'yong iniiyakan mo palagi. Kung customer ka lang, luging-lugi ka na."
"So dapat 'yong pinipili ko, e parang ikaw?"
"Bakit may 'parang' pa? Hindi pwedeng basta 'ikaw' na lang?"
Nginitian lang nya ako na parang nagbibiro lang ako.
"Di kasi pwedeng ikaw, e."
Kumunot ang noo ko. Ano na naman kayang dahilan nya? Bakit hindi ako pwede?
"Bakit naman?"
"Kapag ginago mo 'ko, kanino na lang ako tatakbo, di ba?"
"E, di sa 'kin din. Kunwari na lang hindi kita girlfriend."
Lalo syang natawa. "Di nga kasi pwede."
Tangina. Di agad pwede? Di ba pwedeng subukan muna? Malay naman nya, hindi sya umiyak sa 'kin? Kaso mahirap daw ipilit ang sarili sa taong hindi ka naman gusto. Magmumukha lang akong tanga kapag ipipilit ko pa ang sarili ko sa kanya.
"O sya, hindi na."
Nagpahid sya ng luha saka muling ngumiti sa 'kin.
"Swerte ng magiging girlfriend mo sa 'yo," sabi nya.
Gusto ko sanang sabihing sya na lang, kaso... dinaga na naman ako. Nagiging kumportable na yata ako sa friend zone.
Naging okay naman si Shirley nang mag-uumaga na. Siguro dahil inantok na rin sya. Sabi ko sa kanya, mawawala rin yung sakit paggising nya. Ganoon naman kasi. Minsan kailangan lang ng tulog.
Bago ako umalis, inimbitahan ko si Shirley na manuod ng fair sa school na gaganapin sa Sabado. Nagpa-contest kasi sa school. Battle of the Bands. Ang panalo, mag-o-open para sa Parokya ni Edgar. Pagkatapos ng exams, magpi-perform kami ng mga kabanda ko dahil kami ang nanalo sa contest. Wala na nga silang pakialam kung bagsak man sila dahil prelim lang daw naman. Mas mahalaga ang Parokya.
Gustuhin ko mang sumang-ayon, nanay ko pa rin ang masusunod. Ipasa ko raw ang exams ko kundi, ititigil ko ang pagbabanda. Kaya wala akong choice kundi pumasa o pumasa with flying colors.
Bitter pa rin si Pards dahil ginaya na naman daw namin ang UP. May FebFair kaso roon (tuwing Pebrero, malamang). Mas lalong nabwisit si Pards nang malamang inimbitahan ko si Shirley. Naranasan nya na kasing umasa. Kaya medyo naging tagilid ang buhay nya, dahil sa babae. Pinanligaw sya ng tatlong taon tapos hindi naman sinagot. Ayun, nawala ang katinuan ni Pards.
Siguro nakikita nya sa 'kin 'yong sarili nya, yung bersyong tanga.
Dumaan ang mga araw. Pagkatapos ng exams, naukol na agad ang atensyon ng mga estudyante sa gaganaping school fair. Excited na ang lahat para sa Parokya. May mangilan-ngilan din naman kaming fans, kaso syempre, small time school band pa lang kaya di pa gaanong kilala.
Hinintay ko si Shirley. Ang sabi ko kasi sa kanya noong pinuntahan ko sya sa boarding house nila, aalayan ko sya ng kanta.
Hindi naman ako nabigo dahil nakita ko si Shirley. Matalas kasi ang mata ko pagdating sa kanya. Sa may unahan din sya pumwesto para kitang-kita ko.
Kumaway siya sa akin habang nag-aayos kami ng instrumento.
Nakatatlong kanta kami. Iyong panghuli, para sa kanya. Nagpasalamat muna kami sa crowd, tapos ay saka ko sinabi ang mensahe ko.
"Itong kasunod na kanta ay para sa 'yo, tanga."
Naghiyawan ang mga estudyante.
"Putangina, ayan na!" narinig kong sigaw ni Pards.
Ngumiti ako at saka tinipa ang gitara.
"This song is called Heartbreak Girl," anunsyo ko.
You call me up,
It's like a broken record
Saying that your heart hurts
That you never get over him getting over you.
And you end up crying
And I end up lying,
'Cause I'm just a sucker for anything that you do.
Nakita kong ngumiti si Shirley at saka tumango, na para bang tanggap niya ang lyrics ng kantang ibinabato ko sa kanya.
And when the phone call finally ends,
You say, "Thanks for being a friend,"
And we're going in circles again and again
Inihanda ko ang sarili ko para sa chorus.
I dedicate this song to you,
The one who never sees the truth,
That I can take away your hurt, heartbreak girl.
Hold you tight straight through the day light,
I'm right here. When you gonna realize
That I'm your cure, heartbreak girl?
Naghiyawang muli ang mga tao. Nakita kong sumeryoso ang mukha ni Shirley, na para bang nakikiramdam sa nangyayari. Ilang beses na rin akong nagpasakalye. Siguro naman panahon na para diretsuhin ko sya.
Pagkatapos nito, kapag wala pa ring reaksyon, ayoko na talaga. Sabi nga ni Jojo, "May hangganan dapat ang pag-asa."
I bite my tongue but I wanna scream out
You could be with me now
But I end up telling you what you wanna hear,
But you're not ready and it's so frustrating
He treats you so bad and I'm so good to you it's not fair.
Ilang beses ko na bang narinig sa ibang tao na bagay kami? Na sana kami na lang? Kung pwede nga lang ba, e bakit hindi? Hindi naman ako tatanggi.
And when the phone call finally ends
You say, "I'll call you tomorrow at 10,"
And I'm stuck in the friend zone again and again
Nagyuko si Shirley ng ulo nang marinig ang salitang 'friend zone', na para bang ngayon lamang niya nakita kung ano'ng anomalya sa relasyon naming dalawa.
Buong diin, halos ipagsigawan, kong kinanta ang dalawang huling linya ng kasunod na stanza.
I know someday it's gonna happen
And you'll finally forget the day you met him
Sometimes you're so close to your confession,
I gotta get it through your head
That you belong with me instead
At saka ko inulit ng dalawang beses ang kasunod na chorus.
Ipinakilala na namin ang Parokya pagkatapos ng performance. Agad akong bumaba at pinuntahan si Shirley. Sya naman ay lumayo sa maraming tao.
"Shirley!"
Nilingon niya ako. "Salamat sa dedication," sabi nya. Pinilit niyang ngumiti pero halata kong naiilang sya. Ito na siguro yung 'breaking apart' part ng friendship namin.
"Hindi mo man lang ba itatanong kung bakit iyon ang dinedicate ko sa 'yong kanta?"
Umiling siya. "Natatakot akong malaman ang sagot."
"Matagal mo na yatang alam. Ayaw mo lang tanggapin."
"Jay..."
Nagpamulsa ako at saka bumuntong-hininga. Bahala na nga...
"Sabi mo, di ba, na ang swerte ng magiging girlfriend ko?" tanong ko sabay ngiti. "Shirley, sawa ka na ba sa kamalasan?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro