#30 Saving All My Love For You by Whitney Houston
I was saving myself for you.
I was saving my heart for you.
I was saving my love for you.
--
Tinanong mo ako minsan kung bakit wala pa rin akong boyfriend. Ang sabi ko sa 'yo, bata pa kasi ako. Kaka-sixteen ko pa lang. Magagalit si mama kapag nag-nobyo ako agad. Tumawa ka. Ang sabi mo, "Tama 'yan! Mag-aral ka muna."
Hindi ko lang masabi sa 'yo na ikaw ang gusto ko. Sa murang edad ko, ikaw ang kauna-unahang lalaking nagustuhan ko. Mabait ka kasi. Maalaga. Palagi mo akong inaasikaso. Sabi ko sa sarili ko, kung magkakaroon ako ng nobyo, gusto ko ikaw.
Mahal ka ng pamilya ko. Mahal din kita. Ako kaya, mahal mo?
--
Second year college ako nang umuwi ka. Tuwang-tuwa ako noon. May exams kami kinabukasan pero nasa inyo lang ako, nakikigulo. Ang layo mo kasi at minsan ka lang umuwi. Kaya sa tuwing dumarating ka, ako agad ang unang sumasalubong. Magtatapos ka na ng kolehiyo. Konting panahon na lang, kakailanganin mo ng magtrabaho.
Kapag nangyari iyon, mas madalang na tayong magkikita.
Niyakap mo ako at hinalikan sa tuktok.
"Ang laki mo na a!" gulat mong sabi sa akin. Dati ay hanggang dibdib mo lang ako. Ngayon, hanggang balikat mo na.
"Hindi. Lumiit ka lang!" biro ko.
Tumawa ka at kinurot ako sa pisngi, kagaya ng palagi mong ginagawa tuwing natutuwa ka sa 'kin.
"Ano, may boyfriend ka na?" tanong mo.
Mabilis akong umiling. "Wala pa."
"Bakit?"
Nagkibit-balikat ako. "Wala pa kasing nanliligaw sa 'kin e."
Tumaas ang kilay mo. "Wala? Sa ganda mong 'yan, wala?"
Gustong tumalon ng puso ko dahil sinabihan mo akong maganda. Gusto kong sabihin sa 'yo na meron. Sa katunayan nga nyan, marami. Pero ayaw ko sa kanila. Dahil ikaw pa rin ang gusto ko.
Gusto kong ligawan mo ako. Kailan mo ba ako liligawan?
--
Ilang buwan ang lumipas, umuwi ka para mag-celebrate ng graduation mo. Dalawang baboy ang kinatay para sa handaan mo. Tuwang-tuwa akong makikita ulit kita. Bumili pa nga ako ng regalo ko para sa 'yo. Binilhan kita ng mamahaling necktie. Narinig ko kasing sa isang bigating kumpanya ka magtatrabaho.
Nagpaganda ako ng husto nang araw na 'yon. Gusto kong ako ang kauna-unahan mong mapapansin pagkarating mo sa bahay ninyo.
Pero... nagulat ako nang pagbaba mo ng sasakyan, may kahawak ka ng kamay. Nagulat ako nang makita ko ang isang babaeng posturang-postura na kasunod mong bumaba.
Sinalubong ka ng yakap ng mga kamag-anak mo habang ako, nanatiling nakapako sa kinatatayuan ko. Nagpalinga-linga ka, na para bang may hinahanap. Tapos, agad kang ngumiti ng tumama ang paningin mo sa 'kin.
At ako namang si tanga, biglang sumaya. Binigyan kita ng matamis na ngiti habang papalapit ka sa 'kin.
Niyakap mo ako ng mahigpit.
"Congratulations," magiyak-ngiyak kong bati sa 'yo.
"Salamat."
Binitiwan mo ako at saka mo sya hinila palapit sa ating dalawa.
"Siya 'yong sinasabi ko sa 'yo," sabi mo sa kanya habang nakaturo ka sa akin.
Pilit syang ngumiti sa akin. "Hi."
"Hello," pabalik kong bati.
"Girlfriend ko nga pala," pakilala mo sa kanya.
Parang may kung anong bumikig sa lalamunan ko nang marinig ko 'yon. Alam mo ba, ilang taon kong pinangarap na ipakilala mo ako sa iba ng ganyan. Bilang girlfriend mo. Pero hindi ko ba alam kung manhid ka o talagang umaasa lang ako.
Iniabot ko sa 'yo ang regalo ko at nagpaalam akong uuwi na. Ayaw mo akong paalisin. Gusto mong magkumustahan muna tayo. Pero ano pa ba ang sasabihin ko sa 'yo? Wala na.
Nawalan na kasi ako ng pag-asa.
Sinabi ko sa 'yong marami pa akong gagawin kahit alam nating pareho na nagsisinungaling lang ako. Sanay ka kasing iniiwan ko ang lahat para sa 'yo. Kahit may kailangan akong tapusin, isang tawag mo lang at iiwanan ko ang lahat.
Pero hindi na ngayon. Simula ngayon, uunahin ko na ang mga bagay na para sa ikabubuti ko. Yung mga bagay na may mapapala ako, na may kahihinatnan.
--
Simula noon ay naging malayo na ako sa 'yo. Hindi ko sinasagot ang mga tawag mo. Hindi na kita kinukumusta. Hindi na rin ako sumasalubong sa tuwing darating ka. Sinikap kong maghanap ng iba pero kahit ano'ng gawin ko, sa 'yo pa rin ako bumabalik. Siguro dahil ako na mismo ang kumukumbinsi sa sarili kong tayo pa rin sa huli.
Nakakatawa pero, kahit ilang taon na ang lumipas, umaasa pa rin ako.
Sabi ko sa sarili ko, magsasawa ka rin sa kanila. Mare-realize mo rin na tayo talagang dalawa. Nang maka-graduate ako, dumalaw ka sa bahay. May dala kang regalo saka bulaklak. Akala nga ni mama, nanliligaw ka.
Muntik na akong matuwa kasi ganoon din ang akala ko. Pero hindi e. Hindi 'yon ang lagay. Napilitan akong makipagkwentuhan sa 'yo. Sampung tanong mo, isang sagot ko. Sa huli, sinukuan mo rin ako. Gusto kitang habulin nang umuwi ka. Gusto kong makipag-ayos sa 'yo. Pero naisip ko, para saan pa?
Kaya hinayaan kitang umalis. At simula noon, mas naging malayo ang loob natin sa isa't isa.
--
Makalipas ang isang taon, nabalitaan kong naghiwalay na kayo ng girlfriend mo. Alam mo ba, akala ko wala na talaga. Akala ko nakakalimutan na kita. Hindi ko nagustuhan yung tuwang naramdaman ko nang marinig ko yung balita.
Kahit ilang beses kong pagsabihan ang sarili ko, wala pa rin akong nagawa kundi sundin kung ano yung gusto ng puso ko. Umuwi ako para makita ka. Dinamayan kita. Ipinaramdam ko sa 'yong nandito lang ako.
Pero nasaktan ako nang iyakan mo 'ko. Ni minsan, hindi kita nakitang umiyak. Palagi kang nakangiti. Pero dahil sa kanya, nagawa mong mag-aksaya ng luha. Kita ko kung gaano ka nasasaktan at kahit ano'ng gawin ko, alam kong hindi mawawala ang sakit na nararamdaman mo.
Na-realize ko na hindi pala pagmamahal ko ang kailangan mo. Siguro nga kailangan ko nang sumuko. Sa una pa lang, alam ko namang hindi na ako mananalo. Inalo kita at nangako akong magiging maayos din ang lahat kahit pa hindi ako sigurado.
Sabi ko sa 'yo, tibayan mo ang loob mo. Kung mahal mo talaga sya, ipaglaban mo. Nakakatawa dahil parang sarili ko ang kinakausap ko noon. Mahal kita kaya gusto kitang ipaglaban. Pero kung hindi naman ako ang gusto mo, may patutunguhan ba ang gagawin kong sakripisyo?
Hinayaan kitang mapunta sa kanya dahil sya naman ang mahal mo.
Makalipas ang ilang linggo, nalaman kong nagkabalikan kayo. Walang mapaglagyan ang saya mo. Habang ako, lumalaklak ng pait, ikaw, nagpapakasaya.
Hindi nagtagal, inaya mo na rin syang magpakasal. Baka nga naman makawala pa sya. Hindi mo na kakayanin.
Nang pumayag syang magpakasal, sa akin mo unang ibinalita. Alam mo ba kung gaano kahirap magpigil ng luha? Alam mo ba kung gaano kasakit ang ngumiti ng pilit? Pero kinaya ko para sa kaligayahan mo.
Sa sobrang saya mo noon, inaya mo akong maging maid of honor. Dahil wala kang kapatid na babae at ako ang pinakamalapit mong kaibigan, natural lang na ako ang aayain mo.
Ang sabi mo pa, "Parang kapatid na kita." Kaya ako ang napili mo. Kaya sana kamo ay pumayag ako. Punong-puno ng lambing ang boses mo. Paano ako makakatanggi?
--
I was saving myself for you. I don't want to be ruined by any guy. I want to be whole for you. But you broke my heart in several pieces. Some larger than the others. Some breaks are more painful.
I was saving my heart for you. I didn't allow it to love anyone else but you. Minahal mo rin naman ako, in a way. But it's not the kind of love that I was expecting to get.
I was saving my love for you. But you were saving your love for someone else. And now, you got her. At the same time, I lost you.
Konting-konti na lang sana, maaabot na kita. Nasa altar ka habang ako, naglalakad papunta sa 'yo. May hawak din akong bulaklak. Maganda rin ang bihis ko. Sa akin ka rin nakatingin.
Pero mas importante yung nasa likuran ko, di ba?
Mas hinihintay mo sya.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro