#28 Endlessly by The Cab
"Restraining order?!" paasik nyang tanong sa dalaga.
She stared at him coldly. "Yes. I forbid you to go near me Alex that's why I'm putting the law between us."
"But why?" he asked, crestfallen. Sa pagkakatanda niya ay wala naman siyang ginagawang masama sa dalaga. Hindi naman siya nangha-harass. Nanliligaw lang. Labag na ba sa batas ang manligaw?
Her lips formed a tight line. "I told you, di ba? Basted ka na yet you kept on tailing me! Nakakairita na!"
"Of course I'd be tailing you! I just want to make sure that you're safe! And saying no to me doesn't mean that I'll stop. Be sensible naman Hera. I didn't ask you to reciprocate the feeling. I just want you to allow me to show you how much I care about you. Tapos ngayon bibigyan mo 'ko ng restraining order dahil lang dun? Don't you think that's a bit too much?!" iritado niyang tanong dito.
"Eh ayoko nga sa 'yo di ba?! Mahirap bang intindihin na ayoko sa 'yo?!"
"Ano pa ba'ng aayawan mo sa 'kin ha? I've got it all!" He opened his arms in a gesture na parang pag-aari nya ang lahat. "I've got the looks, I've got the money and I've got the brains... ano pa ba ang kulang ha?"
"For one, humility," she spit out.
"I can be humble," he said, as if considering her reply.
She rolled her eyes and grunted. "Basta. Ayoko sa 'yo." And with that, she walked away, leaving him with his mouth gaping.
So it's true. She didn't want him. Akala niya ay nagpapakipot lang ito sa kanya. Challenge kumbaga. Kahit nga nakakailang basted na ito sa kanya ay patuloy pa rin siya sa panunuyo. But to go to such extent na bibigyan sya ng TRO just because she didn't like him was too much.
Hindi lang nito nasaling ang ego nya. Tinapak-tapakan pa nito iyon.
He sighed as he took a sip of his coffee. Maybe it's time to stop. He's Nic Alexander for crying out loud. Women of all ages drool and swoon at the mere mention of his name. Bakit niya ipagsisiksikan ang sarili niya sa isang babaeng ayaw naman sa kanya?
Well... he could think of one reason. He's in love with her. Crazily, obsessively in love with her—Hera. Even her name makes his heartbeat go wild. Schoolmate nya ito noong college and he had been in love with her ever since.
Wala syang lakas ng loob noon na magsabi ng nararamdaman dito kaya hanggang sa magtapos sila ng college ay hanggang tingin na lamang siya rito. Ibang klaseng babae si Hera para sa kanya. Para bang nakakahiya itong lapitan. Intimidating kumbaga.
Alam naman niyang hindi sya kasing-confident dati. He just recreated himself because he knows that the world will eat him alive if he stayed as weak and insecure. Pero sa dami ng nabago niya sa sarili, isa lang ang nanatili at iyon ay ang pagkagusto niya kay Hera.
She's the only girl he can't get out of his system, kahit gaano na katagal at kahit gaano na ka-evident na ayaw nito sa kanya (which he can't understand dahil tingin naman niya'y perpekto na siya para rito).
"Good morning ma'am! Welcome to Angel's Cafe!" narinig niyang bati ng isang staff sa bagong pasok. Tumingin siya sa may pintuan at saka napataas ang kilay nang makitang si Hera ang pumasok. Sinundan niya ito ng tingin nang pumunta ito sa counter para umorder.
After ordering, she sat on one chair, sa table na katapat niya. Hera took out a book from her bag and started reading while waiting for her order.
"One coffee macchiato and one slice of Angel's special chocolate cake for Ms. Hera?" inquired the staff on the counter.
He saw her get up and walk to the counter. Kinuha nito ang order nito at saka bumalik sa upuan nito. Nakangiti itong kumuha ng kapirasong slice ng cake at saka isinubo iyon. He smiled as she closed her eyes, savoring the cake on her mouth. It was an enchanting sight. He was so tempted to take a picture.
He was about to when she finally opened her eyes and met his gaze. Napamaang ito at nabitawan ang hawak na tinidor.
"What are you doing here?!" tanong nito sa matinis at iritadong boses.
"I'm taking a bath," he answered sarcastically. He raised his cup of coffee. "I'm here for coffee, in case you missed that one out."
"Are you following me?" she asked with a glare.
He raised one eyebrow at her. "From what I can remember, ako ang nauna rito. So if we're to apply the law of firsts, I'd say you're the one who's following me," kalmado niyang sagot.
She stomped her foot. "Stay away from me!" paasik nitong sabi. She put her book back inside her bag and stood up. Napasimangot ito nang makita ang cake na kakaunti pa lamang ang bawas.
"Come on Hera. Aren't we being childish here? I'm not gonna do anything to you. Finish your food, for crying out loud."
"I already lost my appetite," she replied.
Sighing, he stood up. "Fine. I'll go ahead." And without further ado, he left the cafe.
--
"Come on Alex, let's go out! It's Friday!" pamimilit sa kanya ng barkadang si Naye. Bihis na bihis na ito nang pumunta sa office niya, ready to party. He originally planned on spending his night at the office, burying himself at work pero mapilit ang kaibigan niya.
With a sigh, he finally said yes.
It was past ten already when they arrived at the bar. Nakipag-meet na rin sila sa iba nilang kabarkada along the way. Mahaba ang pila sa labas but they managed to get in dahil kilalang-kilala silang magbabarkada doon. Regular sila sa lugar at sikat sa mga staffs dahil bukod sa ang gaganda at ang gagwapo ay malaki rin silang magbigay ng tip.
They all ordered the regular and noisily settled themselves on the largest table they could find. Maya-maya'y nagka-ayaan ng magsayaw. Siya agad ang hinila ng mga kaibigang babae papunta sa dance floor.
"No, not tonight girls," tanggi niya sa mga ito.
Sinimangutan siya ng mga kaibigan. "Oh come on Alex!" pamimilit ng mga ito sa kanya.
Nakangiti siyang umiling.
"Ako na lang!" pagpi-presinta ng isa niyang kaibigang lalaki. "Alex here still needs to mourn for his broken heart," dagdag pa nito sabay tapik sa balikat niya. He punched his friend lightly on the shoulder saka niya inubos ang isang shot ng tequila.
He winced as the liquor raked his throat with fiery heat.
"Pre, si Hera ba 'yun o namamali lang ako ng tingin?" tanong sa kanya ng isa pa niyang kasama. Kunot-noo niyang sinundan ang turo nito and true enough, it was Hera. Hindi sya pwedeng magkamali. Sa ilang taon ba naman ng pagkabaliw niya rito'y kahit silhouette lang nito ay kilala nya na.
After drinking two shots more of tequila, he stood up and made his way to her. Screw the TRO, he said to himself.
She was wearing a very short black pencil skirt na medyo natatakpan ng maluwang nitong pantaas. Her high boots made her a bit taller than her actual height. He can't help but stare at her legs which seemed to illuminate sa tuwing tatamaan ang mga ito ng malamlam na ilaw ng bar.
"Hera! Fancy seeing you here!" bati niya rito na ikinagulat naman nito.
"Ikaw na naman?!" matinis nitong tanong. Kahit malakas ang sounds sa bar ay nangibabaw pa rin ang boses nito. Halatang napikon agad ito nang makita siya.
He held up his hands in a defensive manner. "Hey, I didn't know you were here. I came here with my friends. If you have a problem with that, you're free to leave."
Hindi ito nakasagot sa tinuran niya.
"Look, it's my birthday today. At least let me enjoy this day," dagdag niya.
She squinted her eyes at him. "You're lying. Tapos na kaya ang birthday mo!"
"You remembered. I'm quite flattered Hera. For someone who doesn't like me, you surely kept track of a very important day of my life," he said in amusement.
"Hindi lang ikaw ang stalker Alex," sabat ng kaibigan ni Hera. Siniko iyon ng dalaga. Tumawa naman ito at saka umalis para pumunta sa dance floor. Naiwan silang dalawa. Hera seemed to not know what she'll do next. Siya naman ay nakangiti lamang sa harapan nito.
"H-Hey! Get your hand off me!" singhal nito habang sinusuntok-suntok siya sa braso. Hinila niya ang dalaga palabas ng bar kaya naman napumiglas ito.
"I just want us to talk," mariin niyang sabi rito.
"Ayoko!" tanggi naman nito.
"I'm not asking for your permission. Now, shut up or I'll carry you out!" banta niya. That worked. She clamped her mouth shut.
He dragged her all the way to the parking lot na nasa katapat ng building na pinanggalingan nila. It was deserted. Sila lamang dalawa ang tao. She sat on the cold stone circling a tree as she felt her knees slowly giving up.
Naupos siya sa tabi nito. She flinched as their shoulders touched. Napabuntong-hininga siya.
"Why?" he asked.
Hindi ito sumagot.
"Why can't you like me, Hera? Do you really despise me this much?"
"Hindi pa ba obvious Alex? Are you that dense? Masyado ka bang bilib sa sarili mo para hindi mo makitang hindi kita gusto?"
"Pero bakit nga? Ano ba'ng mali sa mga ginagawa ko? Tell me so I can change," halos pagmamakaawa niyang sabi.
Humugot ng malalim na hininga ang dalaga bago ito tumingin sa kanya and for the first time, walang halong inis o galit ang tingin nito.
"You scare me, Alex," sagot nito.
His face softened. "I scare you? How? Do I come off as scary?" nalilito nitong tanong.
To his surprise, tumawa ito. "It's silly actually, the reason why I'm scared. I just can't get over this fear that's why I taught myself to hate you. To abhor the very fact that you exists. Alex, can't you see? You're too good for me. Sasaktan mo lang ako. I've been broken enough. Ayoko na." She smiled at him. "Go and find someone equal to you. Don't waste your time on me. I'm too scared to risk my heart.
"Alam mo bang parang sasabog ang puso ko ngayon? Being this near to you, parang sasabog ang puso ko sa tuwa. Having our shoulders touch, para akong kinukuryente ng libo-libong boltahe. I can't be this happy Alex. I just can't."
Hinawakan niya ang kamay nito pero inilayo nito iyon.
"We accept the love we think we deserve and I don't think I deserve your love so I don't accept it. You're a good guy Alex but you're too good for me. Natatakot akong baka kapag tinanggap kita, mauntog ka na lang isang araw at bigla mo 'kong iwan. Baka hindi ko kayanin 'yun kaya ngayon pa lang, layuan mo na 'ko please."
"Your logic is bullshit, you know that?" naiirita niyang sabi. "You're robbing yourself off the chance to be happy just because you're scared. And what you're afraid of might not even happen but you're not risking it. Gusto mo rin pala ako pero bakit mo ako pinagmumukhang tanga? I don't get you Hera."
Yumuko ang dalaga.
"I'm sorry. I know it's stupid of me to think like that."
Hinawakan niyang muli ang kamay ng dalaga and this time, he didn't let go kahit pa magpumiglas ito.
"Let go of me Alex, please!" pagsusumamo nito.
"Hindi ako tanga para pakawalan pa kita ngayong alam ko nang gusto mo rin ako."
"I-I'm calling 911!" banta nito sa kanya. She has the police's number on speed dial kaya naman pumindot lang ito ng isang numero at saka nito itinapat ang cellphone sa tenga nito. That did it for him. After all the things he did and said ay parang hindi pa rin nito nakukuha ang punto niya.
Nagagalit siya dahil sa kabila ng lahat ng ginawa niya para rito ay ganito pa rin ang trato nito sa kanya. Stalker... gusto niyang matawa. She even made up stories of him harassing her para lamang ma-grant dito ang TRO na hinihingi nito.
He finally let go of her na ikinagulat naman nito. "Fine. Have it your way then," malamya niyang sabi bago siya umalis.
--
"Hello? Okay lang po ba kayo? Ma'am?"
Pinahid ni Hera ang luha na pumatak sa kaliwa niyang pisngi. "A-Ah yes," sagot niya sa nanginginig na boses saka niya tinapos ang tawag. She dialed another number. Ang number ng kaibigan niyang si Jace, her personal attorney.
--
Walang kagana-ganang kinuha ni Hera ang clear folders na iniaabot sa kanya ng katrabaho. Tapos ay bumalik siya sa pangangalumbaba. Did she make the right decision last week? Hindi nya masabi. Mukhang huli na ang lahat. Finally ay sinukuan na rin sya ni Alex. She knew this would hurt. She just didn't expect that it would hurt this much.
Hindi bale na. Lilipas din 'to, pangungumbinsi niya sa sarili.
Sa kawalan niya ng gana ay hindi na niya pinansin ang iritan ng mga katrabaho. This day seemed to be droning already and it just started. Gusto na niyang umuwi ng bahay at magmukmok. Ni hindi niya napansin ang isang lalaki who leaned on the side of her table. Napapitlag pa nga siya ng bigla itong tumikhim.
"My attorney called. Sabi nya binawi mo na raw 'yung TRO."
She didn't look him in the eye. Nanatiling sa sapatos nito siya nakatingin. Kilalang-kilala niya ang boses na iyon. Hindi siya pwedeng magkamali. Nevertheless, she was still afraid to meet his gaze. Natatakot siya sa baka lumakas na naman ang kabog ng puso niya. Natatakot siya na baka pangilabutan na naman siya. Natatakot siyang kiligin. Natatakot siyang makaramdam ng sobrang tuwa.
So she refrained herself from looking. But he was persistent. Ito ang mapilit. He tilted her chin up so her gaze could level to him. She felt her insides turn to mush.
Haggard-looking si Alex. Magulo ang buhok nito na parang hindi pa nadadaanan ng suklay. His chin was sporting quite a few stubbles. His clothes were wrinkly na parang hindi pa nadadaanan ng plantsa. But apparently, hindi iyon nakabawas sa charm nito.
Ganito si Alex in his worst state—ruggedly handsome.
"A-Alex..."
"I thought you knew better Hera. Don't push me away then give me reason to come back. Seriously, you're hurting my feelings," sabi nito sa kanya.
"Sorry—"
"Yeah, you should be. I wasn't able to sleep last night and it's all thanks to you."
"What's going on h—oh for crying out loud! Not you again?" Maang na napatingin kay Alex ang boss niya. Witness ito sa pagpabalik-balik ni Alex sa office nila para manuyo sa kanya. Madalas pa nga siyang mapagalitan dahil dito kahit alam niyang kinikilig din ang boss nya sa kanila.
Naiinis lang ito dahil naaabala sila sa trabaho dahil kay Alex.
"Hey Jean!" bati nito sa boss niya. "Can I borrow Hera for a while?"
"No! Month end namin ngayon Alex! I need my best accountant here to finish all the pending jobs!" tanggi nito sa binata.
Sinimangutan ni Alex ang boss niya. "Come on. I'll lend you two of mine."
Mariing umiling ang boss nya. "If you want Hera, you can have her by midnight. Umuwi ka muna sa bahay mo at matulog," her boss said with finality.
Alex sighed. "I'll come back by midnight then." Hinalikan siya nito sa noo saka ito umalis.
--
True to his promise, he did return at midnight. Nasa labas ito ng office nila, naghihintay sa tabi ni Manong Guard. Hera still has some things to finish nang lapitan siya ng boss niya at pinatigil sa pagtatrabaho.
"It's already midnight Hera," paalala nito sa kanya.
"Ma'am, matatapos na po ako—"
"No." Umiling ito. "He's already outside."
"I'm sure he can wait for a while longer ma'am," pagpipilit niya.
"Hera, just because you know he'd wait for you doesn't mean that you'll keep him waiting. Nagsasawa rin ang tao. Gusto mo bang magsawa sya kakahintay sa 'yo?" tanong nito na may halong concern. "Look at me. Hanggang ngayon dalaga pa rin ako dahil pinakawalan ko 'yung taong akala ko'y hindi magsasawa sa pagmamahal sa 'kin. Don't make the same mistake Hera. Hindi masamang suklian ang pagmamahal na ibinibigay sa 'yo ng isang tao. And for God's sake, sagutin mo na sya, pwede? Aba'y isang taon ka na ring kinukulit nyan! Saan ka pa makakahanap ng lalaking ganyan ka-ideal na habol ng habol sa 'yo?"
"Ma'am naman eh. Tinatakot nyo naman po ako."
"Tao ka lang. May karapatan kang matakot. Pero 'wag mong gawing dahilan ang takot na 'yun para iwasan ang mga bagay na magpapasaya sa 'yo. Halata namang masaya ka sa kanya. Halata namang gusto mo sya. Ano ba naman ang magagawa ng kaunting takot mo, di ba? It's like you're inside a well-lit room at ang tanging ikinakatakot mo ay ang kaunting dilim na dulot ng anino mo. Wake up Hera. You'll never find a guy like that again even if you search all your life."
"Eto na nga ma'am, pupunta na!" taranta niyang sabi sa boss niya. Nagmamadali niyang inilagay ang mga personal na gamit sa bag saka siya tumakbo palabas ng office para maglog-out. Nasa may pintuan na siya nang lingunin niya ang boss niya. "Thank you ma'am!"
Her boss just waved in response.
Nang makalabas siya ng office ay si Manong Guard na lamang ang naabutan niya.
"Kuya! Si Alex nasan?!" she asked in frantic.
"Kakaalis lang ma'am," sagot nito.
Bigla siyang nanlumo sa narinig. "Ha? Sure ka kuya?"
Tumango si Manong Guard. "Opo ma'am. Ah—ma'am, may iniwan nga pala syang note. Eto po." Ibinigay sa kanya ni Manong Guard ang isang papel na nakatiklop.
Hindi nya malaman kung matatawa ba sya o maiiyak nang mabasa ang sulat nito.
Mahal kong Hera,
I know that by the time you read this note, I'm already gone. Nagutom kase ako bigla kaya sumaglit lang ako sa 7-11 para bumili ng pagkain. 'Wag kang masyadong kabahan. Mahal kita kaya hindi kita lalayasan. Dyan ka lang sa may pwesto ni Manong Guard. Babalikan kita.
Love,
Alex
"Sira-ulo ka talaga," she muttered.
"Ma'am? Ako po sira-ulo?" kunot-noong tanong ni Manong Guard.
"Hindi ikaw kuya. Si Alex!"
Tinawanan siya ni Manong Guard. "Sira-ulo talaga 'yun ma'am. Pero alam nyo? Wagas magmahal 'yung si Sir Alex. Kung ako sa kanya at isang taon na akong nanliligaw eh wala pa rin? Naku. Baka matagal na akong sumuko."
Napangiti naman siya sa sinabi nito. Sa panahon nga naman ngayon, may tao pa kayang kasing-tiyaga ni Alex? Siguro meron pero bibihira. At hindi lahat ay maghahabol at maghihintay sa kanya.
She waited for Alex to come back. Bilang pampalipas oras ay nakipagkwentuhan muna sya sa guard. Marami itong nakwento sa kanya. Kasama na doon ang mga bagay na ginawa ni Alex ng hindi niya alam.
Dito lang niya nalaman na ito pala ang lookout ni Alex kaya kapag may lakad silang magkaka-opisina ay nandoon din ito. Kaya pala nabibigla na lamang siya na kahit alas tres o alas singko ng madaling-araw ay may Alex na sumusundo sa kanya.
Now that she'd come to realize all that he's done for her ay medyo nahiya siya rito. Sobrang laki na nga ng effort na iniukol nito sa panliligaw sa kanya. Kung susumahin lahat ng mga simpleng bagay na ginagawa nito para sa kanya ay hindi sapat ang simpleng pagsagot niya ng oo rito.
Naalala pa niya na dati ay tuwing umaga siyang inaabutan ng kape ni Manong Guard. Pinapabigay daw ni Alex. May kasama pa iyong bulaklak. Araw-araw iyon. Walang palya.
And to think na madalas nya itong ipagtabuyan.
"Ayan na pala si Sir Alex!"
Her heart skipped a beat at the mention of his name. Hindi pa man niya ito nalillingon ay naramdaman na niya ang braso nito nang umakbay ito sa kanya.
"Missed me?" nakangiti nitong tanong sa kanya.
She just punched him lightly on the rib, unable to answer his question.
"Ihatid mo na 'ko. Inaantok na 'ko," mahina niyang sabi rito.
"Yes ma'am." Sumaludo ito kay Manong Guard. "Salamat kuya!" paalam nito.
They were both quiet during the ride home. And to ease the awkwardness, nagpatugtog na lang si Alex. After ng twenty minutes na byahe, huminto sila sa tapat ng bahay niya kung saan madalas niya itong pinaghihintay sa labas, habang umuulan at wala itong dalang payong.
Bigla syang na-guilty nang maalala niya iyon.
"Uh Alex... thank you sa paghatid."
"Don't mention it," nakangiti nitong tugon.
She unbuckled her seatbealt habang ito naman ay pinatay ang makina at lumabas para pagbuksan siya ng pintuan. He walked her towards the gate.
"I can still see you tomorrow, right?" nag-aalangan nitong tanong sa kanya.
"Oo naman."
"Okay. Good night," paalam nito sa kanya. Naglakad na ito patungo sa sasakyan nito when she felt the urge to do something. Really, really bad urge.
"Alex!" she called out before she could even try to stop herself.
Napatigil ito sa paglalakad at lumingon sa kanya. "Hmm?"
"A-Ah... ano—g-good night rin."
"Oh." He sounded disappointed. "Okay."
"A-Alex!" she called out again.
She heard him sigh. "Hera, if you want to kiss me, just kiss me. If you don't want to initiate, then ask me. I'd be happy to do so," he said.
Namula siya sa sinabi nito. "Nahihiya kase ako, okay?"
"Kung palagi kang mahihiya o matatakot, walang mangyayari sa buhay mo. Halika nga rito." Lumapit naman siya. Hinawakan nito ang tigkabila niyang kamay saka nito iyon parehong hinalikan. "I know that I might seem thick-faced pero takot din ako. Pero kahit takot akong mareject mo, araw-araw pa rin kitang sinusuyo dahil alam mo ba... wala akong kadala-dala. Gusto kita so I don't succumb to my fears. Kase alam kong kung palagi akong matatakot, hinding-hindi kita makukuha.
"I want you to do the same Hera. Face your fears. Walang mangyayari kung magtatago ka lang. And besides—"
Hindi na nito naituloy ang sasabihin nang bigla niya itong hilahin at halikan. She wanted to kiss him ever since. And it frustrates her for a long time na sa tuwing tinatanong siya ng mga officemates niya kung paano raw ba ito humalik ay wala siyang maisagot dahil hindi niya alam ang isasagot.
Nang maghiwalay sila'y pakiramdam niya'y sasabog ang dibdib niya sa sobrang kaba. Medyo nahilo pa nga siya sa sobrang excitement kaya hindi niya tinanggal ang pagkakakapit sa batok nito.
"Sorry. I felt like kissing you," she said, breathless.
Ngumiti lang ito sa kanya. "I've been waiting for that for a long time. Things are indeed sweeter when you've waited long enough." Kinintalan siyang muli nito ng halik sa labi which made her head swirl. "You need to get inside your house," bulong nito sa kanya.
She blushed as he took her arms off his nape.
"Good night Alex."
"Good night Hera. Sleep tight."
She ran after him nang akmang bubuksan na nito ang pintuan ng kotse nito.
"What now?" natatawa nitong tanong sa kanya.
"I forgot to say something."
"Bukas na lang," sabi nito sa kanya.
Umiling siya. "No. This is a matter of urgency."
He raised an eyebrow. "Oh? What could it be?"
She tiptoed to be able to whisper in his ear. "I love you too." Saka sya kumaripas ng takbo papasok ng bahay.
xxxx
AN: Sorry medyo waley. Natuwa lang ako sa expanded topic ng restraining order sa TMR. Hahaha...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro