#23 Buko by Jireh Lim
Kung inaakala mo ang pag-ibig ko'y magbabago, itaga mo sa bato... dumaan man ang maraming Pasko. Kahit na kumulubot ang balat. Kahit na hirap ka ng dumilat. Kahit na di mo na abot ang sahig. Kahit na hindi mo na ako marinig... ikaw pa rin ang buhay ko.
"Ang mga kabataan ngayon, isang linggo lamang ligawan, sinasagot na kaagad," reklamo ni Lolo Enteng sa mga apo. "Alam ba ninyo na mas masarap makuha ang isang bagay na pinaghihirapan?" tanong nito sa mga bata.
The kids looked at him questioningly. Mahilig mangaral ang matanda lalo na sa mga apo nito na trese anyos pa lamang pero pagala-gala kung saan.
"Haynako Enteng... ganyan na talaga ang mga kabataan ngayon. Wala ka nang magagawa," sabi sa kanya ni Lola Serafina. "Bihis ka na ba? Tatanghaliin tayo. Mainit pa naman sa daan."
"Oo bihis na. Lalarga na ba?" tanong nito sa matandang babae.
"Ay halika na!"
Lumabas ang dalawang matanda. May dalang isang bayong si lola Serafina. Wala iyong ibang laman kundi pagkain na kakainin nila sa daan papunta sa palayanan. Kinuha ni lolo Enteng ang bayong mula sa kamay ni lola Serafina.
"Ako na,"
"Kuu... akala mo nama'y kay bigat ng dala ko," nangingiting sabi ni lola.
"Paypayan mo ako. Dali!" utos ni lolo Enteng.
"Dyaskeng matanda are! Magpapapaypay pala!"
Tumawa si lolo Enteng. "Bilisan mo at mainit!"
Mabagal na naglakad ang dalawang matanda papunta sa bukirin. Medyo malayo rin ang lalakarin nila papunta doon but they took their time, enjoying each other's company on the way.
"Pina... naaalala mo pa ba?" tanong ni lolo Enteng kay lola.
"Ang alin?" pabalik naman na tanong ng matandang babae.
Pasimpleng ngumiti si lolo Enteng habang naaalala nya ang nakaraan. Noong mga panahong bata pa lamang sila.
Naaalala niya noong una niyang nakita si lola Serafina. Sampung taon ito nang lumipat ito sa lugar nila. Sikat ka na sa kanila kapag bagong dayo ka. At hindi lamang basta dayo si lola Serafina... maganda ito.
Tatlo sa lalaking kapatid ni lolo Enteng ang nagkagusto kay lola. Pito kase silang magkakapatid. Dalawang babae at limang lalaki. Pangatlo sa bunso si lolo Enteng. Labing-limang taong gulang na sya noon.
Unang beses niyang magkagusto sa isang babae... pero hindi niya iyon maamin kay Pina. He feels like he's not worthy. Payatot siya noon at maitim na mahahaba ang biyas. Sa kanila nga raw magkakapatid na lalaki ay sya ang pinakapangit.
Nahihiya sya noon kay Pina kaya sa tuwing nakakasalubong nila ito sa daan ay ipinagtatabihan niya ang sinasakyang kabayo dahil sa hiya.
Unang beses nilang magkausap ay noong napatubog ang tsinelas ni Pina sa palayan. Nakikipaglaro ito noon ng habulan nang biglang madulas ito at mapa-shoot ang paa sa putikan. The wet mud was like glue and she was helpless.
Agad na lumapit si Enteng noon na nasa malapit lang at sinubukang kunin ang tsinelas nito. In the end, hindi nila nakuha ang tsinelas. Kaya ang ginawa ni Enteng ay ibinigay niya ang tsinelas niya kay Pina. Simula noon ay nawala na ang pagkailang ni Enteng kay Pina.
Nasundan pa iyon ng maraming beses na pag-uusap. Days passed and they found themselves sharing their dreams with each other. Pangarap ni Enteng na maging piloto. Si Pina naman ay gustong maging guro...
Pero nahinto si Enteng sa pag-aaral ng high school. Kailangan kase ng katulong sa pagkokopra ng mga magulang niya. Si Pina naman ay nakatapos ng high school at hindi kalaunan ay lumuwas ng Maynila para mag-kolehiyo.
Sa loob ng apat na taon ay naging malungkutin si Enteng. Wala na syang kausap. Wala na syang inspirasyon. Tanging ang kalabaw at kabayo na lamang nila ang nasasabihan nya ng mga bagay-bagay. Kaya naman napagpasyahan nyang dumalaw kay Pina sa Maynila.
Minura pa sya ng tatay noon. Sabi nito ay aksaya lamang daw ng pera ang pagluwas-luwas nito. Aksaya na rin sa panahon. Yung itatrabaho na sana niya sa bukid o kaya sa koprahan ay nilustay niya sa babae. Pero hindi nagpapigil si Enteng. Lumuwas siya ng Maynila.
Kaso nadurog lang ang puso nya. Paano ba naman kase, nakita niya si Pina na may kahawak-kamay sa labas ng eskwelahan nito.
Dali-dali syang umuwi noon at simula noon ay pinilit na nyang kalimutan ang dalaga.
Pero hindi siguro plano ng Diyos na pasukuin si Enteng. Right when he was about to forget his first love... saka naman ito nagbalik. Broken-hearted daw ang dalaga dahil niloko ito ng boyfriend na Manileño. Una siya nitong hinanap at siya ang napaglabasan nito ng sama ng loob.
Pagkatapos noon ay bumalik na sila sa dati. Magkaibigan. Magkababata. Magkasangga.
Wala pa ring lakas ng loob si Enteng na magtapat kahit halos sampung taon na niyang minamahal ang dalaga.
Lumipas ang bakasyon. Malapit na namang magpasukan ng magpaalam na muli sa kanya ang dalaga. Luluwas kase ulit ito ng Maynila para magtrabaho naman.
"Wag," pigil niya dito.
Ngumiti ito sa kanya. Nakaupo sila noon sa paragos na hila-hila ng kalabaw tuwing nag-aararo siya sa bukid. Gabi noon at bilog ang buwan.
"Hindi ka kase nagtatapat. Iiwanan na kita't lahat, ayaw mo pa ring umamin," sabi nito sa kanya.
Nanlaki ang mga mata ni Enteng sa tinuran nito.
"A-Alam mo?"
"Sinabi sa 'kin nina Kuya Paeng. Torpe ka nga raw."
Nahihiya siyang yumuko.
"Enteng... hindi naman sa pinapangunahan kita ano? Pero kung hindi mo ako liligawan, aalis na lang ako dito at maghahanap ng mapapangasawa sa Maynila. Nakakapagod kang antayin."
--
Tumawa ang dalawang matanda.
"Naaalala mo pa bang dali-dali kang namanhikan sa amin noong mismong linggong iyon?" tanong ni lola Pina sa kanya. "Sabi ko manliligaw lang, namanhikan ka naman agad. Nagulat si inay sa 'yo."
"Hinabol pa nga ako ng itak ng tatay mo. Galit na galit sa akin at akala'y nabuntis kita," sagot niya dito.
Naiiling na tumawa ang matandang babae. "Nagtago ka pa nga noon sa likuran ko. Hinayupak ka!"
Hinawakan niya ang kamay ni lola na ipinanghampas sa braso niya.
"Hindi ko talaga akalaing papayag silang magpakasal tayo Pina. Akala ko talaga papatayin ako ng tatay mo."
"Kilala ka naman nila. Ang sa kanila lamang siguro... bakit biglaan? Sabi pa naman ni itay ay pahirapan daw muna kita."
"Bakit mo pa ako papahirapan eh mahal mo rin naman ako?" natatawang tanong ni lolo.
Hinampas siya ni lola Pina ng pamaypay na kanina pa nito ipinapaypay sa kanya. "Tigilan mo ako Enteng!"
Pinisil ni lolo Enteng ang nangungulubot ng pisngi ni lola Pina.
"Alam mo Pina... mahal na mahal pa rin kita."
Umuna ito sa paglalakad... nahihiya. Sinundan niya ito at sinunggaban ng halik sa pisngi. Pinagkukurot naman siya nito sa tagiliran.
Maya-maya pa'y nakarating na rin sila sa dampa na malapit sa palayan. Agad na nagdikit ng apoy sa kalan na de-uling si lola Pina habang si lolo naman ay nagbiyak ng buko.
Nang magningas ang uling ay agad na nagsaklang si lola ng sinaing. Mamaya kase ay kakain na rin sila at tanghali na.
--
Pagkaluto ng mga pagkain ay nag-ayos na ng lamesa si lola Pina. Masayang kumain ang mag-asawa. Halos 60 years na rin silang kasal... ngayon lang ulit sila naging ganito ka-sweet sa isa't isa. There were times na parang nagkakalabuan na sila but they pushed through...
More than 60 years... yan ang bagay na gusto nilang maranasan ng mga apo nila. Ang magmahal ng iisang tao sa mahabang panahon. Nalulungkot ang dalawang matanda kapag nababalitaan nilang nagbo-boyfriend kaagad ang mga apo at ang ilan ay nabubuntis pa.
Ibang-iba na nga yata ang panahon.
Masayang nagkikwentuhan ang dalawang matanda. Lolo Enteng was happier today than most days. Mas sweet din sya kay lola Pina. Sinusubuan pa nya ng pagkain ang matanda.
Later that night, nang patulog na sila, yumakap si lolo Enteng kay lola Pina. Humalik siya sa asawa at binulungan ito. "Mahal kita Pina."
Isang mahinang hampas sa braso ang naisagot ng matandang babae at saka ito natulog ng may ngiti sa labi.
--
Naalimpungatan si lola Pina bandang alas dos ng madaling araw. Babangon sana ang matanda para magbanyo pero nakayakap pa rin ang asawa sa kanya. Tinapik-tapik nya ito.
"Enteng... iihi ako," sabi niya rito. Inantay niyang gumalaw ang matanda para makabangon siya pero wala itong kibo.
"Enteng..." untag niyang muli. Hindi pa rin ito gumagalaw. Tulog mantika, naisip ni lola Pina. Iniangat niya ang braso ng asawa at inilapat iyon sa kabilang gilid nito. Saka siya bumangon at tiningnan ang asawa.
"Enteng.... patay ka na ba at hindi ka na gumagalaw dyan?" natatawa nyang tanong. They take death lightly but seriously. They joke about it a lot because they know for a fact na malapit na sila sa huling hantungan.
But still... it would hurt so much if one of them leaves this world without the other.
"Enteng!" niyugyog niya ang asawa. Wala pa rin. She touched him pero hindi naman ito malamig. "Enteng, wag kang magbiro ng ganyan!"
Hindi pa rin gumising ang matandang lalaki. Inilapit ni lola Pina ang mukha niya sa mukha ng asawa. Walang hanging lumalabas sa ilong nito. Mukhang hindi na ito humihinga.
Nanlumo ang matanda at nag-iiyak. Niyakap-yakap niya ang asawa.
"Akala ko ba sabay tayo? Bakit umuna ka?" tanong niya sa asawa. "Ni hindi mo man lang ako nabigyan ng pagkakataong sagutin ko yung sinabi mo...."
Buong higpit niyang niyakap ang asawa.
"Mahal na mahal din kita Enteng..."
Kung inaakala mo... ang pag-ibig ko'y magbabago... kahit na hirap ka nang dumilat... kahit na di mo na ako marinig.... ikaw pa rin... ng buhay ko.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro