#22 Tadhana by Up Dharma Down
Sabi nila, ang pag-ibig daw ay natatagpuan sa iba't ibang lugar. Naibibigay ito sa iba't ibang pagkakataon. Nakukuha sa iba't ibang paraan. Dumarating sa iba't ibang panahon.
May mga bagay sa mundo na sadyang nakakamangha. Isa na rito ay ang sinasabi nilang may isang tao sa mundo na nakatadhana lamang para sa 'yo. Pero paano mo malalaman kung sino? Sa dinami-rami ng tao sa mundo, kahit buong buhay mong hanapin ang taong para sa 'yo... parang mahirap. Di ba?
Pero ang tanong... bakit mo sya hahanapin kung kusa na syang lalapit sa 'yo?
--
I have this habit of folding the bus tickets of every bus that I ride upon going home. Nakasanayan ko nang tiklupin ang mga bus tickets into fan-shaped origami.
Wala naman akong partikular na rason kaya ko iyon ginagawa. I just find it... stress-relieving. Pagkakatiklop ko sa bus tickets ay inaayos ko sila sa tabi ng bintana. O kaya naman ay isisiksik ko sila sa upuan.
After 6 months of doing that, kahit unconsciously ay natitiklop ko ang bus tickets. Kahit siksikan o nakatayo, ginagawa ko pa rin iyon.
There are times that I'd forget. Pero ayun nga... sanay na ako sa ganoong routine.
I don't take the bus going to work. Naka-FX kase ako. Mas sanay ako sa ganun eh. And then I'd ride a bus naman going home. Para medyo tipid sa pamasahe.
I'll tell you a funny secret though. I always fantasize na dahil sa pagtiklop-tiklop ko ng bus tickets na yun ay matatagpuan ko yung taong para sa 'kin. Weird, I know. But being the hopeless romantic that I am, I always think na kung gagawin man ng Diyos ang love story ko, gagawin nya iyon sa paraang hindi ko inaakala.
And who knows? My folded bus tickets might be my ticket for that.
Little did I know that a guy have been collecting my folded bus tickets. Nalaman ko iyon dahil sinabi nya. Sinabi nya nang magkita kami.... nang magkakilala kami. But I'll save our meetup story for later. Ikikwento ko lang muna kung paano nya ako nahanap.
Apparently, he had been riding the bus that I rode going home. Bumababa ako sa Guadalupe. Sya naman ay doon sumasakay papuntang Cubao. Siguro ay nagkita na kami dati. Minsan pa nga yata ay nagkakasalubong kami sa pintuan ng bus.
Akalain mo nga naman ano?
He said that he got intrigued dahil palagi syang nakakakita ng bus ticket na nakatiklop, either sa bintana o sa upuan.
Minsan ay sa sahig.
May mga araw na hindi nya iyon nakikita. Siguro yun yung mga araw na nakatayo ako, nasa hulihan o hindi ko natitiklop yung bus tickets. Palagi kase akong sa bandang una pumipwesto.
Ganoon din daw sya.
He got intrigued with the bus tickets so he ventured out to find me.
Ang ginawa nya, naglalakad sya papuntang Estrella tapos ay doon sya sumasakay. Ang problema, minsan ay nalalampasan sya ng bus ko. Hindi naman kase nya alam kung aling bus ang sinasakyan ko eh. Madalas lang sa hindi na nagkakatugma kami dahil bandang 7pm ako nakakarating ng Guada. Nandun na sya by 7pm.
Kaso dahil naglalakad pa sya, it's either too early sya... or too late.
One time though, when he rode a bus one night, may nakita syang isang babae na may hawak ng origami. Magkatapatan lang sila. He smiled to himself as he thought that finally... he found her.
He approached her and talked to her. He said that the girl was amiable and easy to talk to and he liked her right away.
He said that they conversed to their heart's content that the girl forgot to stop at Guada. Napababa ito sa Megamall and he had to walk her to the other side para isakay ulit sya ng bus pabalik. Pabor naman daw sa kanya because by that, he'd be able to talk to her more.
He asked her for her number and things went smoothly from there.
He'd wait for her at Guadalupe. She'd arrive from Ayala. They'd talk for a bit and would then go their separate ways.
They talked a lot over the phone and it was very evident that she likes him as much as he likes her.
They'd find time to go on dates every Saturday and would go to church together every Sunday. He's a call center agent so palaging hapon sila ng Sabado nagkikita.
After 4 months, naging sila.
He decided to quit his job and look for a new one. Yung mas malapit sa oras ng babae. She helped him land a job on the company on the building next to her. And things went easier.
Sabay na silang umuwi palagi and both would fold the bus tickets on their way home.
One night, he said that he saw another girl folding a bus ticket into fan-shaped origami. Kumunot ang noo nya. And then he looked at his girlfriend.
Could it be that he got the wrong girl? He couldn't quite understand it. Kung maling babae ang nakita nya, why is the feeling so right?
Dazed and confused, he stood up and walked to the girl's seat. He tapped her on the shoulder and that's when we first met.
Strange... I felt something familiar. And then I saw his necklace.
I took mine out from beneath my shirt. Both have little lockets attached to them. We opened them... almost at the same time. He showed me his. It was a picture of a little girl on the right and a man on the left. Mine has a picture of a little boy on the right and a woman on the left.
"A-Ate?"
Naitakip ko sa bibig ko ang dalawa kong kamay para pigilin ang hagulhol na gustong kumawala. Sya nga... sya nga yung kapatid kong nawawala ng fifteen years. My father and I kept on looking for him for 2 years. Nang mauwi sa wala ang paghahanap namin... sapilitan naming tinanggap sa mga sarili namin na wala na sya.
And yet here he is... still alive.
--
Noong mga bata pa kami, nagkaroon ng matinding pagtatalo sina mama at papa. Mahilig magsugal si mama at minsan ay nahuli pa sya ni papa na kinabit ang kumpare niyang si Ninong Aldo.
Nag-away sila sa harap namin kahit ayaw ni papa. Pinilit nyang pakalmahin si mama pero nagwala ito. Pinagbabato si papa ng pinggan, baso at mga kutsara.
They took the fight outside the house.
Tanda ko pa noon na iyak kami ng iyak ng kapatid ko. Sumunod kami sa kanila sa labas. My mom looked disgusted by our crying faces.
Niyakap sya ni papa noon... begging her to don't do that. I didn't know what that meant... until mom stormed inside the house, to their room... Madalian nitong inimpake ang mga gamit nito at saka nya kami nilayasan.
Nagmakaawa si papa sa kanya pero hindi sya nakinig.
Yun ang huling beses na nakita ko si mama.
Papa went on living. He worked harder for us. Naaawa na nga ako sa kanya eh. Sobrang bait nyang ama. Wala kang maiipintas. Siguro isa lang. Sobra-sobra sya kung magmahal. To the point na pati pagmamahal niya sa sarili ay ibibigay nya sa iba makita lamang silang masaya.
Tiniis ni papa lahat ng sakit na dulot ng pang-iiwan ni mama. Minsan nahuhuli ko syang umiiyak sa gabi. I tried comforting him pero niyayakap lang nya ako at saka sya umiiyak muli.
I reminded him so much of mama... that's what he always said to me. At ramdam ko na mas lalo syang nasasaktan dahil sa 'kin. I became the constant reminder of a relationship he tried saving but failed a thousand times.
Isang araw, kinailangan nyang magpunta sa Laguna para sa trabaho nya. Isang araw syang mawawala noon kaya inihabilin niya kami sa kapitbahay namin. Ayaw pa sana niyang umalis noon pero sabi ko sa kanya ay kaya ko na'ng alagaan ang kapatid ko.
He smiled and patted my head... saying that he would buy us pasalubong upon his return.
Later that day, inatake ng kalungkutan ang kapatid ko. Namimiss na naman nya si mama. Nagwawala sya sa 'kin. Gusto daw nyang makita si mama. Naawa ako dahil ayaw nyang tumigil sa pag-iyak. Sabi ko, sige... hahanapin natin si mama.
Kumupit pa ako noon sa pitaka nung nagbabantay sa 'min. Isasauli ko naman eh. Isasakay ko lang ng bus ang kapatid ko tapos mag-iikot lang kami. Tapos ay uuwi na rin.
Gusto ko lang makita nya na hindi ko binabalewala yung hinaing nya. Gusto kong iparamdam sa kanya na may karamay sya sa pagkamiss kay mama.
Yun pa pala ang makakapagpalala ng lahat...
We rode a bus. Tanda ko noon na tig-sampung piso kami ng kapatid ko. Binigyan kami ni manong ng ticket. Mainit noon at nanlalagkit na ang kapatid ko. Pero nakangiti sya sa akin... masayang-masaya.
Naalala ko noon, pinahid ko pa ng kwelyo ng damit nya yung sipon nya. Sabi ko sa kanya, Hindi magugustuhan ni mama na makita kang tumutulo ang sipon.
Wala kaming panyo noon kaya yung manggas ng damit nya ang ipinangpapahid niya ng pawis. Sa awa ko sa kapatid ko, I folded the bus tickets into fans at saka ko ipinaypay sa kanya.
I know it's not much at hindi nga yata sya nahanginan pero alam mo yun... dahil bata sya, ang dali nyang pasayahin.
Bumaba kami sa isang bus station. Maraming tao. Magulo. Makalat. Nanabi kami dahil binabangga kami ng mga tao.
"Ate, nauuhaw ako."
Tiningnan ko ang kapatid ko noon na nakakapit sa palda ko. Dumukot ako sa bulsa ko. Dalawang piso. Yun lang ang meron ako. Hindi ko rin naman kase naisip na kukulangin kami sa pera. Akala ko kase ay mura lang ang pamasahe sa bus.
"Dito ka lang, bibili ako ng ice tubig."
Siguro nga dahil bata ako, hindi ko man lang naisip noon na baka mainip sya kahihintay at sundan ako. Naghanap pa kase ako ng mabibilhan ng ice tubig.
Karamihan ay palamig ang tinitinda at hindi sasakto ang pera ko.
Nang sa wakas ay makahanap ako ng tubig na tigpi-piso, binalikan ko sya kung saan ko sya iniwan. Sobrang natakot ako ng hindi ko sya nakita doon. Nagtanong-tanong ako sa mga tao pero wala raw silang napansing bata.
Iyak ako ng iyak. Natakot ako. Baka mapatay ako ni papa sa kapabayaan ko.
Isang ale ang nagdala sa 'kin sa police station. Mabuti na lamang at memorized ko ang number namin sa bahay. Yun nga lang ay walang tao dahil wala si papa. Sinabi ko sa kanila ang address ko at inihatid nila ako doon.
Agad na tumawag yung nagbabantay sa 'min kay papa.
Umuwi si papa. Bagsak na napaluhod sya sa harap ko... looking pale and lifeless. Naramdaman ko ulit yung sakin na naramdaman nya nang iwan sya ni mama.
Ngayon... kasalanan ko naman kung bakit nawala ang kapatid ko.
I said sorry to him and he forgave me pero simula noon ay ramdam ko na ang paglayo ng loob nya sa akin.
We tried searching for my brother but our efforts were wasted.
--
Ngayon after 15 years... nakita ko sya ulit.
Akala mo'y may shooting ng MMK nang magsimula kaming mag-iyakan sa bus. Nang mahimasmasan kami pareho ay ipinakilala nya sa akin ang girlfriend nya. Then pumara kami sa Guadalupe at tumuloy sa bago nyang bahay.
Sabi nya ay sinundan daw nya ako noon pero hindi nya ako makita. Iyak sya ng iyak. Isang tindera sa Guada ang nakapansin sa kanya at dahil naawa ito sa kanya ay inampon sya nito hanggang sa may maghanap sa kanya.
Ibang palengke yung napuntahan namin. Taga-Guada lang yung kumupkop sa kanya kaya sa Guada sya nakatira ngayon.
Kami naman ni papa ay lumipat sa C5 five years ago.
Nang makilala ko ang umampon sa kanya ay halos dalawang oras na walang lumabas sa bibig ko kundi salamat.
After that ay dinala ko naman sila sa bahay. Halos mag-aalas dyes na rin. Siguradong nakauwi na si papa. Hinawakan ng kapatid ko ang kamay ko bago kami pumasok sa bahay.
"Pa?" Binuksan ko ang nakaawang na pintuan.
"Sa kusina!" narinig kong sagot ni papa. Pumasok kami at tumuloy sa kusina.
"Bakit ngayon ka lang? Alas dyes na ah. May ulam akong dala. Kumain ka na?" tuloy-tuloy nyang tanong habang naghuhugas sya ng pinggan.
"Pa... may surprise ako sa 'yo."
Tumigil si papa sa paghuhugas ng pinggan at saka tumawa. "Surprise? Bakit anak? Birthday ko ba?"
My voice cracked before I could even stop it. "Papa... nakita ko na si Anton."
Dumulas ang pinggan sa kamay ni papa at nabasag iyon. Dahan-dahan nya kaming nilingon at nanlaki ang mata niya sa gulat ng makita ang kasama ko.
"P-Papa..."
Halos madurog ang puso ko nang makita kong muling umiyak si papa. After more than 10 years, ngayon ko lang sya ulit nakitang umiyak ng todo. Patakbo siyang lumapit sa kapatid ko at niyakap ito ng mahigpit.
Naiyak ako lalo. Dalawang lalaking mahal ko ang umiiyak. Pero masaya sila. Naitama ko na ang mali ko.
Nagkwentuhan sina papa hanggang alas dose. Masayang masaya sila. Masaya rin si papa na makilala ang girlfriend ni Anton... na kanina rin ay iyak ng iyak.
--
Sabi nila, ang pag-ibig daw ay natatagpuan sa iba't ibang lugar. Naibibigay ito sa iba't ibang pagkakataon. Nakukuha sa iba't ibang paraan. Dumarating sa iba't ibang panahon.
May mga pag-ibig din na bumabalik, natatagpuang muli at naaalala. Hindi ko man nakita ang lalaking nakatadhana para sa akin... Nakita ko naman yung lalaking matagal ko ng hinahanap.
Love moves in mysterious ways ika nga.
I found my long-lost love... my brother.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro