#18 Sana by Up Dharma Down
Dedicated sa 'yo... kase... wala lang. Umaasa pa rin ako sa lovestory nyo. Whahaha...
--
They say that trying to forget someone you've known so well is like trying to remember someone you never really knew.
Alam kong wala na tayo. Alam kong hindi na magiging tayong muli. Alam kong ilang beses ko ng sinubukang umusad at mabigo. Alam kong ilang beses ko ng sinabi sa sarili ko na... tama na.
Pero...
Isang tingin lang mula sa 'yo... kahit pa hindi sinasadya... nahuhulog ako.
Muli.
Paulit-ulit.
Nung minsang magkasalubong tayo sa hallway, pigil pigil ko ang mga luhang gustong pumatak ng makita kang may kahawak ng kamay. Yung ipinalit mo sa 'kin. Yung nagnakaw ng puso mo.
Nang makita kang ngumiti, ramdam ko ang kirot. Ang sakit sa pagkakaalam na hindi na ako ang dahilan ng kaligayahan mo.
Hindi man tayo nagtagal ng ilang taon, sa ilang buwan na naging tayo, doon ko naramdamang maging masaya. Sa tabi mo, natuto akong makuntento.
Ikaw yung kumumpleto sa kulang kong mundo.
Ikaw yung missing piece.
At yung kaligayahan na dinulot mo... hinding-hindi ko mabitawan.
Sa tuwing maririnig ko ang pangalan mo, nararamdaman ko yung pagtalon ng puso ko. Yung kuryenteng bigla na lamang dadaloy at babalot sa akin.
Sa tuwing may maririnig akong kwento tungkol sa iyo, sumasaya ako... at nalulungkot na rin dahil hindi na ako bahagi ng buhay mo.
Nag-shift ka na ng course. Finally, nasunod mo na rin yung gusto mo. Nakuha mo na rin yung kursong Fine Arts.
Naaalala mo pa ba noong araw na sinubukan kitang iguhit? You laughed at my failed attempt and kissed my nose—saying that I looked so cute.
Sa di malamang kadahilanan, you found me cute because of that.
Kilig na kilig ako sa 'yo. Lalo na noong hinawakan mo ang kanan kong kamay and guided my hands to draw. You were whispering sweet words of encouragement to my ear habang nakahawak naman sa bewang ko yung kaliwa mong kamay.
Tapos nilingon kita... at hinalikan mo ako.
Naaalala mo rin ba noong araw na natagusan ako? Yung halos mabaliw ka na sa kaiisip kung paano masusulusyunan yung pulang marka sa puti kong palda. Tinawanan kita noon dahil sa reaksyon mo, para naman akong naagasan imbes na natagusan lang.
Noong birthday ko, bigla akong nagkasakit kaya hindi ako nakapunta sa date natin. Pinagkagastusan mo yun ng malaki at narinig kong nag-aral ka pa raw magluto para maipaghain ako ng masarap na pagkain. Pero dahil sa nagkasakit ako, nasayang lahat ng pinaghirapan mo.
Pero hindi ka man lang nagalit.
Pinuntahan mo pa ako sa bahay para alagaan... at hindi ka umalis sa tabi ko hanggat hindi ako gumagaling. Maalaga ka at maalalahanin.
Sa dinami-dami ng lalaki sa mundo, maswerte ako at napunta ako sa 'yo.
Pero hindi ko alam kung anong katangahan ang pumasok sa kokote ko at pinakawalan kita. Hindi ko alam kung bakit nasabi kong nasasakal na ako sa relasyon natin.
Oo, seloso ka. Kaunting lapit lang ng ibang tao sa 'kin, mabaling lang ng kaunti ang atensiyon ko, nagtatampo ka na at nagseselos. Nagagalit ka kapag may tumatabi sa 'king lalaki... kahit kaibigan pa natin.
Maalalahanin ka masyado... to the point na inoorasan mo ang bawat oras na nasa labas ako ng bahay. Kailangan pagpatak ng alas-nwebe, nakahiga na ako sa kama at nagpapahinga. Kailangang dapat nasa tamang oras lagi ang pagkain ko. Kailangang hindi ako masyadong nagpupuyat.
Palagi mo tinitingnan ang mga emails ko. Palagi mo chinicheck ang cellphone ko. Kapag may unknown number na nagtetext, tinatawagan mo kaagad para pagalitan.
Dati, naisip ko na sumusobra ka na masyado. Masyado kang posessive na feeling ko hindi ako makahinga sa 'yo.
Sa ilang buwan na tiniis ko, dumating din yung time na bumigay ako. Hindi ko na kinaya. Feeling ko minamanipula mo na ang buhay ko.
Kaya naman... nakipag-hiwalay ako sa 'yo.
For the first few months after that, I started to regain control of my life. Akala ko tama ang naging desisyon ko.
Pero...
Alam mo bang sa tuwing pumapatak ng alas-dose ang orasan, kusa akong napapatingin sa cellphone ko? Subconsciously, I was waiting for a message from you saying that it is time to eat.
Kapag pumapatak ang alas nwebe ng gabi, kahit ano'ng ginagawa ko... itinitigil ko at nahihiga ako agad. Minsan, nakatunganga lang ako sa orasan... tinitingnan ang bawat paggalaw ng segundo. Inaantay dalawin ng antok.
At alam mo ba? Masakit malaman na yung mga ginagawa mo para sa akin noon, ginagawa mo rin sa kanya... at higit pa.
At parang sinasadya mo pa talagang ipakita sa 'kin. Oo na, nasasaktan na ako.
Oo na, nakakapagsisi.
Oo na... ako na ang may kasalanan.
Sana pala naisip kong gawin yung sinabi mo sa akin dati. Eh di sana tayo pa rin ngayon. Sana kamay ko pa rin yung hinahawakan mo. Sana labi ko pa rin yung hinahalikan mo.
Sana magkasama pa rin tayong nangangarap.
Sana sabay pa rin nating kinakalaban ang lahat ng problema.
Sana ay hindi ako nangungulila... kung sana lang ay ginawa ko yung bagay na sinabi mo sa akin noon.
"Sana sinabi mo."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro