#17 Written At A Reststop by Ronnie Day
Unang kita ko pa lang sa ANG BENCH... itong story na 'to agad ang naglaro sa utak ko. Laking pasasalamat ko na hindi yun yung content ng story nya. Haha...
She somehow inspired me to write something so this is dedicated to her. <3
Sorry in advance if this isn't the all out kilig guys... nasasagwaan ako sa kilig eh. Whahaha... sana magustuhan nyo. ^^
--
"Dear Mr. Right... kailan ka nga ba darating?"
May mga taong sa di inaasahang pagkakataon... when we least expect it, ay saka naman dumarating. Sometimes, we try so hard to chase for that person we like na hindi naman pala talaga para sa atin. Ang palagi nating dahilan... bakit natin iaasa sa tadhana ang lahat?
Paano kung torpe sya? At hindi ako magsasalita? Ano'ng mangyayari sa 'min? Antayan? Parehas NGANGA?
Pero yan ang kinalakihan kong logic. Nung unang beses kong magkagusto sa isang lalaki, nangarap ako ng nangarap. I willed for the universe to conspire our fates. Inantay ko syang mahulog sa 'kin... pero hindi nangyari.
Ang ending? Eh ano pa nga ba... nahulog sya sa iba. Nahulog sya sa isang babae na hindi nakuntento sa pangangarap. Nahulog sya sa isang taong hindi nakuntento sa pagtingin ng palihim.
Sinubukan kong gayahin ang babaeng yun at tinapangan ko ang loob ko.
Sa ikalawang beses kong pagkahulog... nagtapat ako agad. Ako ang nanligaw. Ako ang nanuyo.
Ang lagay?
Ayaw nya ng agresibo. Leche lang.
Hindi ko alam kung ano bang mali sa ginawa ko. Masama na palang maging outright? Kailangan palaging kyeme? Pero kapag tumahimik lang ako... meron namang nauuna?
Haaay...
Dear Mr. Right... kailan ka nga ba darating?
Gamit ang bolpen na hawak ko, isinulat ko ng mariin ang mga salitang iyon sa gilid ng bench na kinauupuan ko. Kailan nga ba darating ang Mr. Right ko? At paano ko malalaman na sya yun? Sana kase may sign sya sa noo na nagsasabing sya na yun.
Para hindi na ako mahihirapan pa.
Sana ganun na lang kadali yun noh?
Tumayo ako at naglakad. Makulimlim na naman. Maya-maya, siguradong uulan na kaya kailangan ko ng umuwi. Masaya lang minsang magliwaliw dito sa mini park sa subdi namin. Marami kaseng puno saka mahangin.
Tamang-tama pang makulimlim kaya hindi mainit.
Nakapag-relax ako saglit.
Kanina pa kase ako review ng review. Oo alam kong kakatapos lang ng finals at parang katangahan lang na kung kelan tapos na eh saka ako sinipag magbasa. Pero... minsan kailangang punuin ang utak ng mga walang kwentang bagay para mawala man lang kahit saglit sa isipan ko yung mga bagay na nakakapagpalungkot sa 'kin.
"Ay! Ano ba yan! Di man lang ako inantay makauwi?" Padabog akong nagreklamo sa langit. Nagsimula na kasing pumatak ang ulan. Kamamalas ko nga naman oo. Dala ko pa naman yung libro kong tigpa-500 saka yung mamahalin kong notebook. Tss.
Basa na.
"Miss? Gusto mong sumukob?"
Nilingon ko ang nagtanong. Isang lalaki na naka-t-shirt na black at shorts na checkered ang nabungaran ko. May hawak syang isang malaking pink na payong. Magulo yung itim nyang buhok na naka-side sweep. Matangkad din sya... saka cute.
"Wag na kuya. Basa na rin naman ako eh. Padala na lang ng gamit ko... pwede?"
"Sigurado ka? Baka magkasakit ka nyan?" Medyo kumunot yung noo nya dahilan ng bahagyang pagsasalungat ng mga kilay nya.
Ngumiti ako sa kanya.
"Ayos lang. Sembreak naman eh."
Wala namang magawa. Kapag nasa bahay, dakilang utusan ako. Mabuti pa kung may sakit... buhay prinsesa.
Nilapitan nya ako at pinandungan.
"Saan ka ba nakatira? Ihahatid na kita." Nakangiti nyang sabi.
"Dulo pa ako eh." Sagot ko sa kanya.
"Saang street?"
"Hasmin."
"Ah... sige okay lang. Kanto lang ako ng Hasmin at Sampaguita. Idadaan na kita sa inyo."
"Sige."
"Yuri nga pala." Inilahad nya yung kanang kamay nya sa 'kin.
"Helenise. Sorry marami akong hawak." I smiled sheepishly at him habang bahagya kong itinaas yung dalawang kamay ko. Sa totoo lang, pwede ko namang hawakan ng isang kamay lahat ng dala ko at abutin yung kamay nya nung isa ko pang kamay pero di ko ginawa.
Hindi ko kase naisip yun agad.
"Okay lang. Sembreak nyo?"
"Oo. Kayo rin?"
"Yeah."
"San ka nag-aaral?" Tanong ko sa kanya.
"U.P. Ikaw?"
"AMA. Taga-rito ka ba? Ngayon lang kase kita nakita."
Umiling sya. "Hindi. Nakikibakasyon lang ako sa bahay ng pinsan ko."
"Sino'ng pinsan mo?"
"Si Jacob. Kilala mo?"
Ang sarap lang sabihing hindi. Si Jacob kase yung bumasted sa 'kin. Tahimik sya at matangkad. Parang si Yuri lang. Kalmado sya lagi at suplado.
Akala ko noon natotorpe lang sya na magsabi sa 'kin na gusto nya rin ako kaya ako na yung gumawa ng paraan para magkalapit kami. Inaabangan ko sya sa bukana ng subdi para sabay kami sa tricycle. Kapag umuulan, inaabangan ko sya para maisukob ko sya sa payong ko.
Kapag mainit, nagdadala ako ng extrang panyo o inumin para iabot sa kanya. Pero... ayaw nya pala ng ganun. Gusto nya sya ang nanliligaw.
Ayun... basted ako.
--
Kahapon lang. Inip ka na ba kakahintay? Nandito na 'ko oh. :)
Kumunot ang noo ko ng makitang may nakasulat sa ilalim ng sinulat ko sa bench. Kulay blue na bolpen ang ginamit. Sakin kase black.
Hu u?
Kinabukasan... nakita ko na may bago na namang nakasulat.
Ako yung Mr. Right mo.
On which I replied... Asa.
Pero patuloy syang sumasagot sa mga reply ko. Aaminin ko sa sarili ko na naging interesado ako sa sumasagot ng mga kalokohan ko. It's as if there's a barrier between us. A barrier of anonymity. Dun nabuo yung ideal sa utak ko kung ano at sino yung nagrereply sa 'kin. I made this image of a guy inside my head. Yung tipong gusto kong maging itsura o ugali nya sakaling magkita man kami.
Alam kong nag-eexpect ako. At ayokong madisappoint kung saka-sakali... but I can't help it. Patuloy pa rin akong sumasagot sa kanya... at patuloy pa rin akong umaasa.
Hanggang sa napuno na namin yung kalahati ng upuan. At nagsimula na ang second sem.
Simula noon, natigil na ang kumunikasyon namin. Araw-araw akong dumadaan doon para tingnan kung may sagot na sya dun sa huli kong sinabi pero yung sulat ko pa rin ang pinaka-bago.
Malapit ng mag-Pasko ng magkita kami ulit ni Yuri. Dumalaw daw sya ulit kina Jacob.
Noong araw na yun... may panibagong sulat akong nakita.
Mahal Kita. <3
Saka ko naisip na si Yuri pala ang sumusulat sa 'kin. It all fitted together. Simula nung unang beses kaming nagkakilala... nagsimula ding magkasagot ang mga sulat ko.
Noong nawala sya dahil tapos na ang sembreak, naudlot din ang pagsagot ng misteryosong lalaki sa mga sulat ko.
Tapos bumalik sya... at nakakita ulit ako ng sagot.
Pero hindi ko sya matanong. Ayaw kong magkamali na naman ng isa pang beses. Baka ayaw din nya ng babaeng aggressive. Baka lumabas lang na assuming ako.
Kaya hindi ko sya tinanong.
At naudlot ng muli ang pagsagot nya sa mga sulat ko.
--
Isang araw, naiwanan ko yung ID ko sa bahay. Kasama ng wallet ko.
Pasakay na ako ng tricycle noon. Ugali ko kasing magbayad agad kaya yung wallet ko ang unang-una kong hinalukay sa bag pagkaupo ko pa lang sa loob ng tricycle.
Kaso ayun nga. Hindi ko makita ang wallet ko. Pati cellphone ko nandun. Naiwan ko din. Pati ID ko.
Naiwan ko din kase ang utak ko sa bahay ng magdamag akong nagpuyat sa kakaisip kay Yuri.
Hindi ko kase alam kung ano'ng approach ang gagamitin ko sa kanya. Passive o aggressive?
--
Automatikong napatingin ako sa may bench na nadadaanan ko papunta sa 'min. Para kaseng naging parte na ng consciousness ko ang bench na yun. Parang kada galaw ko malapit dun... parang magnet. Hindi ko maipaliwanag ng maayos eh.
But it's as if the universe is willing me to look.
And then I saw him.
His back was on me. Naka-squat sya sa harap ng upuan at nagsusulat. Dahan-dahan.... nilapitan ko sya...
--
"Yuri?"
He stiffened... Parang ako lang din. Natigilan. Ng mapansin na mas maiksi pala yung buhok ng lalaki kay Yuri. Mas kayumanggi yung kulay nya.
Saka yung uniform nya... uniform ng AMA.
Nung lumingon sya... saka ko nakumpirma.
Si Jacob.
--
Nakaupo kaming pareho sa bench. Nasa tig-kabilang dulo ng upuan. May isang pumpon ng yellow roses sa pagitan naming dalawa.
"Ikaw pala yung kausap ko? Akala ko si Yuri."
"Sorry." Nakayuko nyang sabi.
"Bat ka nagso-sorry?"
"Dahil sa katorpehan ko, nahulog ka na sa kanya."
"Akala ko ba wala kang gusto sa 'kin?"
"Hindi ko naman sinabing hindi kita gusto. Ang sabi ko lang ayokong ako ang nililigawan."
Oo nga naman. Mali na naman ako ng hinala. Haaay...
Bahagya akong humarap sa kanya.
"Pero teka... bakit—sa tuwing nandito lang si Yuri nagkakasagot yung mga sulat ko?"
Napabuntong-hininga sya. "Itinataon ko kase."
"Ganon?" Torpe nga.
"Wala bang girlfriend si Yuri?"
Biglang naging iritado yung boses nya. "Bakit mo tinatanong?"
"Wala. Curious lang. Bakit? Masama?"
He sighed again.
"Wala."
"Para sa 'kin ba yang bulaklak?"
"Sana." Sagot nya. Hindi pa rin nya ako magawang tingnan.
Kinuha ko yung bulaklak. "Salamat."
"Welcome."
"Di ka papasok?" Tanong ko sa kanya maya-maya.
"Nahuli mo 'ko eh."
"So? Di ka na papasok dahil nahuli kita?"
"Hindi lang ako makaka-concentrate sa school." Bahagya syang lumingon pero sa bulaklak sya nakatingin. "Ikaw?"
"Di na rin siguro. Hindi din ako makaka-concentrate nito."
Bahagya syang ngumiti.
"Para tayong tanga."
"Oo nga eh." Pagsang-ayon ko.
"May gusto ka ba sa pinsan ko?"
"Wala."
"Talaga?" Gulat nyang tanong. "Akala ko—"
"Kung magugustuhan ko man sya, yun ay dahil nakikita kita sa kanya. Pero hindi. Di ko sya gusto..."
"A-Ako pa rin ba—"
"HELEN!"
Si nanay. Patay! Nahuli akong hindi pumasok!
"Hala. Lagot ako! Uy sige!"
"Teka—"
Iniabot ko sa kanya yung bulaklak saka ako patakbong lumapit sa nanay ko. Dala-dala nya pala yung mga naiwan kong gamit. Pinagalitan pa ako dahil imbes daw na pumasok ay nakikipag-date ako.
Haha... ang adik ni inay.
Pagbalik kong muli sa bench... wala na si Jacob. Nahiya siguro. Wala na rin yung bouquet pero may iniwan syang isang rose.
Katabi noon yung bago nyang sulat...
Mahal kita Helenise. –Jacob <3
Kinuha ko yung pentelpen ko sa bag at sumulat din ako sa katabi ng sulat nya.
Mahal din kita Jacob –Helenise <3
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro