Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

#16 Hey Juliet by LMNT

Para kay Rizza na matyagang naghintay ^^

Ito po ay napanaginipan ko kaninang umaga lang. Masungit yung girl tapos may lalaki sa bakuran nila. Eh nagising na ako nung nilapitan sya nung guy... eh natutuwa ako kaya ginawan ko ng kwento. whahaha...

Sana magustuhan nyo!

--


"ANO BA! ANG INGAY-INGAY NYO! MAGSIUWI NA NGA KAYO!"

Sungit.

Yan si Julie. Tawag sa kanya ng mga tao dito ay matandang dalaga kase para daw matandang dalagang pinagkaitan ng pag-ibig kung makapagsungit. Minsan naman, bakulaw o matandang hukluban ang tawag sa kanya ng mga bata.

Minsan ampalaya kase bitter daw sya. Hindi mo nga aakalaing 21 lang sya kase kung makasimangot akala mo pasan ang lahat ng problema ng mundo.

Kahit yung pamilya nya takot sa kasungitan nya. Hindi sya inaayang mag-ninang sa binyag o kahit sumali sa mga Mayuhan kahit ang ganda-ganda nya. Nakakaturn off daw kase yung pagkamasungit nya.

Kaya nga walang nanliligaw dyan eh. NBSB at NBTD daw—No Boyfriend Till Death.

But I want to prove them wrong. Kase ako ang magiging una nyang boyfriend—una at huli. Di ko pa nga lang alam kung kelan ako magkakalakas ng loob na sabihin sa kanya.

Sino nga ba ako? In case you were wondering, ako si Rommel. Yung kapitbahay nila since grade one kami. Ako lang naman yung natitipuhang manugangin ng mga magulang ni Julie. Anak na nga ang tawag nila sa 'kin eh. Si Ate Rhea, yung nag-iisa nyang ate, bayaw ang tawag sa 'kin.

Sa kanila ako madalas kumain at tumambay. Minsan dun din ako nakikituog kapag pinagsasarhan ako ng pintuan sa 'min. Madalas din akong makainuman ng tatay niya. Dalawa lang kase silang magkapatid. Pareho pang babae. Eh sabik sa anak na lalaki ang parents nya.

Swerte ko ako yung malapit.

Kaka-graduate nga lang pala namin ng college kaya nagbakasyon muna ako dito sa probinsya namin. Tuwing bakasyon ko lang nakikita si Julie kase sa Laguna sya nag-aral. Ako sa Manila. At tuwing bakasyon, dito ako matatagpuan sa bakuran nila, kalaro yung mga kapitbahay naming chikiting na araw-araw nandito.

Karaniwan silang nagbubungkal ng lupa, naghahakot ng mga kalat at naghahabulan. Kaya araw-araw ding mainit ang dugo ni Julie.

Ayaw kase nun ng maingay. Marinig lang nun ang paghinga mo, panlilisikan ka na ng mata eh. Totoo yun. First hand experience ko yun.

"Alis na daw tayo sabi ng bakulaw!"

Naitaklab ni Julie pasara yung librong binabasa nya at pinanlisikan si Junjun.

"Hoy narinig ko yun Junjun! Ano'ng bakulaw ha? Gusto mong ipakagat kita kay Brownie?!" Pananakot ni Julie.

"Hindi naman nangangagat yan! Bleeeeh!" Si Brownie yung aso nilang sa sobrang bangis eh kahit magnanakaw, hindi tatahulan.

"Aba't—sumasagot ka pa ha! Teka nga—" Pumulot si Julie ng isang malapad na Ramboo at akmang papaluin si Junjun. Tumakbo naman ang bata palabas ng bakuran nila.

"Bakulaw! Ampalaya! Pangit! Pangit!"

"HEH!"

Nakakatawa lang talaga 'tong mahal ko... pati bata pinapatulan. She snapped her head to me ng mapansing tumatawa ako. Ayan, sira na ang camouflage. Nakita na ulit ako.

"At ikaw! Nandito ka na naman? Lumayas-layas ka nga!"

"Ayoko bleeeeh—ARAY!" Nyemas. Nang-hahagay na naman. Tsk. Biktima kadalasan ng tsinelas nya yung macho kong balikat eh.

"Kaya laging sira ang araw ko eh! Palagi kang nandito!"

"Yaan mo, simula bukas gabi na ako pupunta." Pamimilosopo ko.

Hinampas na naman nya ako. "Namimilosopo ka pa ha!"

"Isa pang hampas, hahalikan na kita!" Pananakot ko. Nakkarami na kase sya eh. Di naman porket mahina lang yung hampas nya eh hindi na ako nasasaktan kapag hindi paulit-ulit.

Pero wala pa rin sa kanya. Hinampas na naman ako.

"Aba! Gusto mo talagang magpahalik? Ayeeee..."

"HEH!"

Hampas.

"Isa! Isang hampas pa talaga!" Seryoso na ako. Last na talaga.

"Kala mo takot ako sa 'yo?!"

Hampas.

Sabi ko last na di ba? Nauubos din ang pasensya ko.

Kaya sinunggaban ko sya ng halik.

Whahahaha! TAGUMPAY!

"Sa wakas!" Narinig kong mahinang sigaw ng tatay nya. Adik eh. Nanunuod talaga sa kissing scene namin?

Itinulak ako bigla ni Julie saka sinampal... ng sobrang lakas. Akala ko nga tatalbog ang panga ko eh. Hehe... Saka sya tumakbo papasok ng bahay nila. Agad naman akong humabol.

"Pwede pong pumasok?" Tanong ko sa pamilya nya na nakaharang sa pintuan.

"Sige lang." Tumabi sila para papasukin ako. Nagderetso ako sa kwarto ni Julie. Pinihit ko yung knob pero naka-lock. "Yung susi po?"

"Rhea, yung susi daw."

Tumakbo agad si Ate Rhea para kunin yung susi. Tapos ibinigay nya agad sa 'kin yun at bumalik na sya sa audience's seat. Nakaupo sila dun sa sofa sa sala na katapat lang ng kwarto ni Julie.

"HOY JULIE! LUMABAS KA DYAN! MAGBABAYAD KA SA PANANAMPAL MO SA 'KIN."

"HEH!"

Sinubukan kong buksan yung pinto gamit yung susi, pero pagkabukas ko, may harang. Lamesa yata. Hanep.

Ayaw magpapasok?

Itinulak ko ng malakas yung pinto. Ng magkasiwang, pumasok agad ako... muntik pang matamaan ang gwapo kong mukha ng baseball bat na iwinawasiwas ni Julie.

Buti na lang talaga malamya sya kaya nasalag ko agad ng kaliwa kong kamay. Ng mahawakan ko yung dulo, hinila ko yun... syempre nahila din sya.

"Ano ba! Ang kapal ng mukha mong yumakap!"

Tulak.

Kurot.

Hampas.

Hinigpitan ko nga lalo.

"Huli na kita. Wag na ng magpumiglas."

"Tae ka!"

Hampas.

Kurot.

Tulak.

"Wagas kang makatulak ah. Kala mo naman walang gusto sa 'kin."

"Wala talaga!"

"Weh... meron kaya." Hinalikan ko yung bumbunan nya.

"Kapal mo!"

"Asus. Magsusungit pa eh. Huli na kita. No need to pretend."

"TATAY! BAKA GUSTO NYONG TUMULONG? HINAHALAY NA 'KO DITO!"

"Rommel, kailangan mo ba ng tulong?" Ang adik na tanong ng tatay nya.

"Hindi po! Kaya ko na po manghalay mag-isa!" Sagot ko naman.

"TADO KA TAY!" Asar na asar nyang sigaw. Nakarinig ako ng tawanan mula sa labas.

"Nagpapatulong ka pa kase eh... kaya naman kitang halaying mag-isa." Biro ko sa kanya. Kinurot nya lang ako sa tagiliran.

"Ewan ko sa 'yo."

"Hmmm... pakiss nga!" Hinalikan ko sya sa pisngi. Ayun, nasampal na naman ako... pero ayos lang. Hindi naman masakeeeeet.

"Wag ka nga!"

"Bat ba ang sungit mo? Nung grade 3 naman tayo mabait ka pa ah?" Pinakawalan ko sya at hinawakan sa tigkabilang balikat.

Sinalubong nya ako ng nakakatakot nyang titig.

"Kasalanan mo kaya."

"Kasalanan ko? Bakit? Ano'ng ginawa ko?"

"Naaalala mo nung mag-isa ka noon sa swing? Yung iyak ka ng iyak? Pinapatahan kita nun pero sinigawan mo lang ako at ipinagtabuyan palayo. Ang sakit lang kaya nung ginawa mo."

Naaalala ko yun. Nung araw na yun, namatay yung paborito kong aso. Naglalaro kase kami nun sa kalsada ng ibinato ko yung bola sa gitna ng daan. Hinabol ni Barney (yung aso ko) tapos nasagasaan sya ng rumaragasang sasakyan.

Patay.

Iyak ako ng iyak nun. Eh si Julie, makulit sya masyado nung bata pa sya. Hindi ka nya titigilan hanggat ayaw ka pa nyang tigilan.

Eh napuno ako sa pangungulit nya.

"So hindi ka na naka-get over sa nangyari?"

Nag-iwas sya ng tingin. "Di pa."

"OA mo ah. Tagal na nun."

"Eh bakit ba!"

"Tss. Kaya naloloko kang matandang hukluban eh."

"Di kita sasagutin kala mo ka!" Pananakot nya.

"Di naman kita tinatanong." Sagot ko.

Hinampas nya ako ulit.

"So hindi ka manliligaw?!"

Ngumiti ako. "Bakit? Gusto mo bang ligawan kita?"

"Tae ka." Ang sagot nya.

"Di ako tae. Gwapo ako."

"Yabang!"

Hinawakan ko yung tigkabilang pisngi nya. Saka ko pinisot.

"Ang cute cute cute mo talagang ampalaya ka. Pakiss nga!"

Hahalikan ko sana sya kaso hinarang nya yung mukha ko ng kamay nya.

"Ano ba! Halik ka ng halik!"

"Masama bang halikan ang girlfriend ko?"

Pinandilatan nya ako. "Girlfriend?! Kapal!"

"Bakit? Anong gusto mo? Asawa agad? Wag ganun!"

Hinampas nya ulit ako.

"Ikaw—sagad talaga sa kakapalan yang mukha mo!"

"Kailangang kapalan ang mukha para makatagal sa kasungitan mo."

"Di ako masungit."

"Masungit ka. Bitter!"

"Tae ka!"

"Mahal kita."

"UUUUUY!"

"Hapit ka Rommel!"

"Go bayaw!"

"HEH! ANG INGAY NYO!" Sigaw nya sa kanila.

"AYEEEE!" Chorus nung tatlo. Mga adik. Haha.

"Rommel! Labas na kayo. Ayaw kong ikasal si Julie ng hindi na virgin!" Panunukso ng tatay nya. Nakita kong namula si Julie ng sobra.

"TATAY!!!! HUMANDA KA SA 'KIN PAGLABAS KO!"

"Umalis na! Tumakbo sa labas!" Natatawang sabi ng nanay nya.

Ngumuso si Julie. "Kainis!" Sabi nya saka nagdabog.

"So ano? Girlfriend na kita?"

"Ayoko nga!"

"NAY! PWEDE BANG PIKUTIN NA 'TONG DALAGA NYO?" Tanong ko sa nanay nya. Julie glared at me.

"Sige anak! Basta siguraduhin mong hindi na yan masungit paglabas ha?"

Tiningnan ko si Julie at nginitian. "Pano ba yan?"

Hinampas nya na naman ako. "Tado ka!"

I laughed menacingly and advanced towards her. Tapos itinulak ko sya pahiga sa kama saka dinag-anan.

"Ano? Hahalayin na ba kita?"

"Rommel!" Takot na takot na sya. Di ko na napigil, napahagalpak ako ng tawa.

"You should have seen your face!"

"Tadyakan kita dyan eh!"

I stopped laughing saka ko ipinatong sa tigkabila nya yung kamay ko.

"Seryoso Julie... hahalayin talaga kita kapag hindi mo 'ko sinagot."

"Ididemanda kita!"

"Wala kang kakampi."

"Arrrgh! Asar!"

Inilapit ko yung mukha ko sa kanya.

"Ano na? OO na kase." May lambing kong sabi.

"AYAW!"

Hinalikan ko sya sa labi.

"Ano ulit?"

"I HATE YOU!"

Hinalikan ko sya ulit.

"Ano ulit?"

Natahimik sya.

"Kapag umoo ako, titigil ka na?"

Tumango ako sa kanya.

Ngumiti sya. Wow... first time yata since grade 3.

"AYAW!"

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro