Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

#12 Jenny by The Click Five

Kambal! Natapos ko din! Haha... hopia like it ^^

--

Magulo ang utak ng mga babae. Pabago-bago sila ng isip. Una, gusto tapos aayawan. Una, ayaw tapos gusto pala... hindi mo maintindihan!

--

Sabi lang nila yan... sa totoo lang... marami ring lalaki ang magulo ang utak.

Tulad na lang ni Jeremiah.

Minsan maingay. Minsan tahimik. Minsan friendly. Minsan suplado. Minsan feeling ko gusto nya ako. Minsan naman parang hindi.

May mga araw na sobra syang makadikit. May mga araw naman na parang ang hirap hirap mapalapit sa kanya.

May mga araw na parang sobrang close kami at may mga araw din na parang ang layo-layo ng loob nya.

Hindi ko sya maintindihan at minsan, nakakaasar na. Parang palagi nya akong pinanghuhula sa mga kilos nya.

"Oy Lucille! Pahingi naman ng papel. Sasagutan ko lang yung assignment natin sa psycho."

Tiningnan ko yung papel na nasa desk ko. Last piece of paper ko na yun eh. Nag-aanticipate kase ako ng quiz sa Humanities.

"Last one na kase 'to eh." Sabi ko sa kanya habang nakaturo ako sa papel ko.

"Ah ganun ba? Okay." Bigla syang umalis sa harap ko at nilapitan yung isa kong classmate—si Venice. Yung babaeng patay na patay RIN sa kanya KAGAYA KO. Asar.

Nakipagngitian pa sya. Samantalang sa 'kin poker face? Tapos ayun, binigyan sya ng papel.

Sana pala ibinigay ko na lang yung papel ko sa kanya in exchange for that smile of his.

--

Uwian. Umuulan ng pagkalakas-lakas. At kaswerte ko lang... wala akong payong. Ayos.

"LUCILLE!"

"Ay kabayo!—JERRY! 'Wag ka namang nanggugulat!" Nasa pathway ako noon. Nakatayo sa malapit kay manong guard ng bigla akong gulatin ni Jeremiah. Medyo basa na yung polo nya saka puyog na sya.

Uy... wet look! Haha...

"May payong ka?"

"Eh di sana nakauwi na 'ko kung meron."

"Malay ko ba kung inaantay mo lang ako." Pabulong nyang sabi... pero narinig ko.

"Ano'ng sabi mo?"

"Wala. Asar naman! Lakas ng ulan!"

Napabuntong-hininga ako. Ang lakas ng ulan... pamihadong gagabihin na naman ako ng uwi nito. Tsk. Next time nga magdadala na ako ng payong.

"Halika na."

"Ha?"

"Sukob."

O.O

Hinubad nya yung polo nya tapos ipinandong nya sa ulo nya. May konti pang space sa kalapit. Inaantay nya 'ko. Humaygad....

Ang cool na ang hot nyang tingnan! Whahaha... ang sarap lang nyang picture-an.

"Huy! Ano na? Bat nakatanga ka pa?"

Ay oo nga naman Lucille! Bat nakatanga ka pa? Ayan na ang chance o!

"Oo teka—"

"Jerry! Pasukob naman!"

Potek. Nandyan na naman yung malanding si Venice. Sarap lang lunurin sa tubig baha!

Humalukipkip sya kay Jerry. Si Jerry naman tumingin sa 'kin.

"Lucille ikaw?" Tanong nya. Umirap lang sa 'kin si Venice.

"Hindi sige. Una na kayo. Pupunta pa nga pala ako sa library."

"Okay."

Ouch. Umalis na sila habang ako naiwan na nakatayo dun... para akong tanga. Naiiyak ako. Haha... Yung ulan kase eh.. nakakadala.

--

Thirty minutes later... and I'm still standing there, waiting for the rain to stop.

"Lucille?"

"Uy Marco."

"Nandito ka pa?"

"Hindi hindi. Apparition lang ako." Sarkastiko kong sagot. Duh—di obvious? Tumawa sya.

"Sukob ka na."

Inilahad nya yung payong nya na kakabukas lang.

"Salamat." Mabuti na lang talaga may mabait na naawa sa 'kin. Haaay...

--

One week after that... alam nyo kung ano'ng nabalitaan ko?

Nililigawan na daw ni Jeremiah si Venice. Punyeta. Kung makaiyak ako akala mo namatayan lang! Nakakainis. Nakakaimbyerna. Ahhhh! Ayoko ng mabuhay!

"Uy Lucille, pahingi naman ng papel." Ewan ko sa 'yo.

"Huy! Suplada nito..." Tseh! Dun ka sa Venice mo!

"Lucille..." Sinipa-sipa nya yung upuan ko. Asar lang. "Galit ka ba?" Malamang. Hindi ba halata?

Naramdaman kong lumipat sya sa harapan ko tapo itinuon nya yung kaliwa nyang kamay sa desk ko.

"Uy..."

Di ko sya pinansin. Sulat lang ako ng sulat sa notebook ko. Kaasar. Konti pa lang kase kami sa classroom. Ang aga pa eh. Wala pa yung Venice nya.

Bigla nyang hinablot yung notebook ko saka nya itinapon.

"Ano ba!" Di ko na napigil. Nagsalita rin ako.

"Galit ka?"

"Eh ano ngayon sa 'yo?!"

"Bakit galit ka?" Tanong nya.

"Wala. Masamang magalit?"

"Sa 'kin?"

"Hindi!"

Nagsukatan kami ng tingin...

.

.

.

Okay. I give up. Tumayo ako para kunin yung notebook kong ibinato nya. Pero humarang sya. Muntik na tuloy—

Bigla syang ngumiti. At bakit naman sya ngumingiti? Masaya lang?

"Bakit parang feeling ko-- nagseselos ka ba?"

"Huh? Asa ka." Kumakabog ang dibdib ko dahil sa kasinungalingang sinabi ko. Baka ako ang ASA. Matagal na...

"Jerry!" Weee... nandyan na yung nililigawan nyang mukhang mangkukulam -.-

Biglang lumayo si Jeremiah sa 'kin para salubungin si Venice. Ang sakit lang... Naupo sila dun sa isang sulok sa may tabi ng bintana saka nagkwentuhan. Mukhang ang saya-saya nila. Bakit ganun?

Minsan ganun din sya sa 'kin eh...

Hindi ba talaga ako espesyal sa kanya kagaya ng inaakala ko?

--

Isang gabi, tahimik akong nag-aaral sa bahay namin ng may biglang bumato sa 'kin mula sa labas. Sakto pa sa ilong ko. Ang tuyag lang. Nang sumilip ako sa ibaba... si Jerry, nakatayo dun.

Kumaway sya ng makitang nakatingin ako sa kanya.

"Ano naman kayang ginagawa nito dito?" Tanong ko sa sarili ko. Tulog na sina nanay sa kabilang kwarto. Alas onse na kase.

Bumaba ako at pinagbuksan sya ng pinto.

"Bakit?"

"May ibibigay lang ako sa 'yo."

Kinabahan ako bigla na na-eexcite. Eee kase... may ibibigay daw sya... siguro naman yun na yun noh—kung ano man yun?

"Di ba pwedeng bukas na?"

"Hindi."

"Okay. Asan na?"

"Pikit ka muna. Surprise eh." Bakas sa boses nya yung kaba.

Pumikit naman ako.

Maya-maya, naramdaman ko na lang na nakayakap na sya sa 'kin.  Naiiyak ako na parang gusto kong magtatalon sa tuwa na kinakabahan na kinikilig.

Finally!

"Gusto kong itanim mo sa kokote mo... mahal kita Lucille. Kung ano man ang mangyayare bukas... o sa isang linggo.. o sa isang buwan, hindi mababago yun. Basta—sana 'wag mong kalimutan."

"J-Jerry..."

"Sige, aalis na 'ko ah." Pinakawalan nya 'ko. Nakita ko syang nakangiti. Punyemas... kung nananaginip man ako ngayon, sasakalin ko talaga ang sarili ko pagkagising ko...

O kung panaginip man 'to... sana 'wag na 'kong magising.

Hinalikan nya 'ko sa noo tapos niyakap ulit. Tapos umalis na sya. Nakalikyaw lang ako sa kilig ng tuluyan na syang nakaalis. Haha... ang adik ko lang.

--

Kinabukasan...

 

 

 

 

Sila na.

Hindi rin ako makapaniwala. Sila na ni Venice. Tangina lang. Ginagago ata ako ng Jeremiah na yun. Ang sakit! Napaglaruan na naman nya ako. Hindi na kase ako nagtanda! Feeling ko kase gusto nya 'ko. Napakasinungaling nya talaga!

Ayoko na!

Pagkatapos ng huling klase... dali-dali akong tumayo sa upuan ko at lumabas ng classroom. Nauna pa 'ko sa teacher. Di ko na kase kaya... talagang papatak na sila... konting-konti na lang.

"Lucille!"

Hindi ko na nilingon yung tumawag. Sumakay na ako ng jeep at doon umiyak. Dyahe... pinagtitinginan ako ng mga pasahero.

Pagka-uwi ko sa bahay, nagkulong ako sa kwarto at doon umiyak pa ng umiyak. Ang sakit sakit lang...

Jerry, bat ang gulo ng utak mo?

Nakakatuwa ba akong paglaruan? Sasabihan ng mahal nya ako tapos sasaktan kinabukasan? Baka nga nananaginip lang ako kagabi? Baka nga hindi naman talaga nya sinabi yun at nag-iimagine na naman ako?

Natawa na lang ako sa sarili ko... siguro nga panaginip lang yun...

--

"Anak?"

Nakita kong awang-awa na si mama sa kalagayan ko. Tatlong araw na akong absent. Ayoko ng pumasok. Baka hindi ko kayanin kapag nakita ko sya ulit...

"Po?"

"May nagpapabigay sa 'yo." Iniabot ni mama ang isang sulat sa 'kin. Reluctantly, I took the letter from her hand. Pagkabigay nya ng sulat, iniwanan nya na ako. Hindi na sya nagtanong dahil hindi rin naman ako sumasagot.

Ordinaryong bond paper lang yun na nakatiklop sa tatlo. Tapos may pangalang LUCILLE sa labas.

Binuklat ko yun.

Lucille,

Sabi ko naman sa 'yo mahal kita di ba? Maniwala ka sana. Lahat ng ginagawa ko may dahilan. May dahilan kung bakit kinukulit kita. May dahilan kung bakit minsan ay nababara kita. May dahilan lahat ng pagpapapansin at pang-iirap ko sa'yo.

May dahilan kung bakit kahit mahal kita, si Venice pa rin ang niligawan ko. Hindi ko alam kung maniniwala ka pa ba sa sasabihin ko pero... nasasaktan din ako sa ginagawa ko.

Pero kailangan ko 'tong gawin eh...

Mahal kita pero... mahal ka rin ng kapatid ko.

Sana maunawaan mo Lucille. Kung tayo talaga... siguro sa paglipas ng panahon, magiging tayo rin.


Jerry

                                                                                                                                                                                             




Hindi ko alam kung iintindihin ko ba yung dahilan nya o magagalit sa kanya dahil ipinamimigay nya ako sa iba. Bakit ba kase ako pa ang nagustuhan ni Marco?

Bakit ako pa?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro