Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

#1 Nothing by The Script

I love this song... as in super. :)

--

Minsan, napadpad ako sa isang bar. Magkaaway kami ng girlfriend ko noon and I left her to let off some steam. Gusto kong mapag-isa. I was really hating her that time because she was making me choose between her and my friends.

She said that I am losing time with her because I was always with my friends. Well, that is true. Pero minsan kase mas masayang kasama ang barkada kesa sa kanya. My friends are never jealous. They are not demanding—unlike her.

So I was at the bar, drinking scotch, when this group of five males barged in the bar at pinaligiran ang isang lalaking sa tingin ko ay langong-lango na sa alak. Kanina pa sya nandun sa sulok, nag-iinom mag-isa.

Actually nauna pa nga yata sya sa akin.

"Pre, tama na yan." Narinig kong sabi ng isa dun sa limang lalaki.

"Pota pare! Akala ko ba nakakamanhid ang alak? Bakit nakailang bote na ako pero nararamdaman ko pa rin yung sakit?" Sagot ng lalaki sa kanya, garalgal ang boses nya at halatang lasing na lasing na. Kanina pa sya pasuray-suray.

Naupo ang lima. Yung dalawa, iniimpis yung mga boteng nakakalat sa table. Yung isa ay tumawag ng waiter. Yung dalawa ay inaalo ang lalaki.

"Danny, ayos lang yan. Babae lang yan pre." Sabi naman ng isa.

"Tangina pare! Kung ordinaryong babae lang sya eh di sana hindi ako nagkakaganito!"

I swirved to my right para matingnan sila ng maayos. They are beginning to attract attention of the other customers at the bar.

Danny started to cry. "Bakit ganun sya pre? Ginawa ko naman ang lahat ah! Binigay ko lahat sa kanya! Kulang pa ba?"

Hindi sumagot ang lima.

"Ano pa bang mali sa 'kin? Bakit nya ako iniwan? Hindi pa ba ako sapat sa kanya?"

"Pre tama na."

Pinilit agawin ng isa ang bote ng alak na tutunggain sana ni Danny. Pinalis ni Danny ang kamay ng kaibigan.

"Tangina pare! Ang sakit sakit! Apat na taon! Apat na taon ko syang inalagaan tapos iiwanan nya lang ako ng ganun na lang? Tangina!"

Naiiling na tumayo ang isa at pumunta sa may pwesto ko. Naupo sya sa mismong tabi ko at umorder ng beer.

"Ano'ng nangyari dun?" Tanong ng bartender.

The guy beside me sighed. "Iniwan ng fiancée."

Aww... poor guy.

"Bakit naman?" Hindi ko napigilang itanong.

The guy shrugged. "Ewan dun sa tanginang babaeng yun. Walang puso! Lahat naman ginawa ni Danny para sa kanya pero... tsk. Di ko maintindihan."

"Baka naman nagsawa?"

"Pre, nakakasawa ba yung mahalin ka ng lubos ng isang tao? Hindi lang sya marunong makuntento tangina nya! Ang lakas ng loob mang-iwan! Samantalang yung kaibigan namin, halos mamatay sa ginawa nya!"

The guy's jaw clenched as he gripped the bottle tighter.

Umiiling na nagsalita ang bartender. "Minsan talaga hindi nakukontento ang tao sa pagmamahal lang."

"Tangina lang talaga." Sagot ng katabi ko.

"Kailan dapat ang kasal nila?" Tanong ko.

"Bukas sana. Yang kawawang kaibigan ko, inubos lahat ng ipon sa kasal dapat nila. His parents even went home from the U.S. para lang sa kasal nila. Matatanda na yung parents nya! He even asked her na sa Amerika na lang sila ikasal para hindi na kailangang umuwi ng mga magulang nya pero hindi pumayag yung babae. Tangina pre! Muntik pang atakihin sa puso ang nanay nya!"

I glanced at Danny again. Kawawang lalaki naman oo... nakasubsob na sya sa balikat ng isang kaibigan nya. His shoulders are shaking—a sign that he was crying so hard.

I've heard of guys that cry over girls... but not like this. Not in public and not this hard.

Parang kahit ako mismo nasasaktan.

"He even attempted to commit suicide several times. Kaya hindi namin sya maiwan-iwan." Sabi pa nung lalaki sa tabi ko.

"Mahal na mahal nya talaga yung babae ano?" Tanong ng bartender.

"Talaga! That bitch was his first love and would have been his last kung hindi lang sya iniwan ng babae na yun."

I heaved a sigh, patted the friend's back and headed to the door.

"Aalis ka na sir?" Takang-tanong ng bartender.

"Oo, may kailangan pa akong gawin eh."

I went outside and inhaled the somewhat fresh night air. Then I fished out my phone and called my girlfriend.

"Hello?" Her voice is croaky and I know that she had been crying.

"Nasan ka?"

"Bakit?" I thought I heard a slight hint of contempt on her voice.

"Pupuntahan kita."

"Sa bahay."

"Okay. Stay there. Mag-uusap tayo."

"Fine."

"One more thing..."

"What?"

"I love you."

Silence. My heart pounded so hard. Para kasing—ah ewan. Parang nanikip bigla ang dibdib ko.

"Cath?"

"I love you too."

*tut tut tut*

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro