Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6

Aside from ruining someone's self esteem and triggering girl's insecurities, the reason why the Date with the Noble is important, is because the gifts that they are giving us will serve as our individual budget. That's where we get our groceries and some things that we want. 

'Yon bale ang bumubuhay sa'min. So meaning, kung maraming ang suitor, mas marami ang maiibak na pang araw araw pati na rin mga extra luho. Ang mga Noble kasi ang gagastos no'n at hindi ang eskwelahan. 

Yung mga groceries, ibibigay nila sa Main Officers, at yung mga extra luho naman ay diretsong binibigay sa mga nililigawan nila.

Kaya kung medyo kaunti ang suitors, sakto lang din pang tawid sa buong linggo. At yung mga babaeng walang pumiling makipag date, wala din silang groceries at makakain sa supper area. Kasi kahit na sine-serve sa'min yung foods, isa-scan naman ang high tech bracelet namin para ma-monitor yung mga pinagkukuha namin.

Fuck up, I know. 

Because the prettier you are, the more you're going to live prettily. Buti nalang talaga ay mababait naman 'yung ibang mga matataas ang ranggo sa Visual Ranking. May palihim na nagbibigay ng snacks, ng mga naipuslit na pagkain pati ng ibang mga gamit na kailangan 'din ng iba. 

At kung minamalas nga naman, dahil mayroong punishment ang buong Spade Club, one month ding hindi gagana ang bracelet namin sa mga scanner.  Kami ngayon ang manghihingi ng pagkain sa iba naming mga schoolmates. 

"Aaaaaaaah!" 

Nabalik ako sa reyalidad dahil sa panggawang ‘yon ni Val. Kita mo, nakapagbihis na kaming lahat at kasalukuyang nililinis ang supper area, pero heto parin siya at reklamo ng reklamo. 

Talagang naisipan niya pang mag low pigtails tapos magmamaktol kasi sobrang init.

“Val, huwag ka ngang gan'yan. Dali na tumayo ka at tumulong para mas madali tayong matapos.” Tinapik ko ang binti niya gamit ang walis tambo na hawak. 

Humandusay ba naman kasi sa long table at paguutusan ‘yong mga first year. Ni hindi ko nga alam kung bakit ang hilig niya mahiga sa kung saan saan na parang pusang gala. 

“No, I'm hungry.” Gumulong ito sa kabilang dako patalikod sa ‘’kin. And excuse me? Why does his waist look slimmer than mine?

Suminghal ako. “Pakakainin talaga kita ng tsinelas kapag hindi ka tumulong dito, isa!” 

Nakanguso siyang bumangon at hinablot yung feather duster sa sahig. Naririnig ko parin mga mahihina niyang ngawa pero bago pa man ako makapagsalita ay biglang may sumitsit sa gilid namin. 

Dahil malapit kami sa pinto palabas sa quadrangle, sinubukan kong sumilip at doon nadatnan ‘yong mga kaibigan ni Val na kumakaway. Sina Artemis at Noelle. 

“Val tawag ka ng mga kaibigan mo,” agad kong saad at magpapatuloy na sana sa ginagawa pero bigla din akong hinila ni Noelle. 

“Kasama ka, sira. Tawagin niyo rin iba niyo pang mga kasama, may mga dala kaming pagkain at tubig.” 

Pakiramdam ko ay kumislap ang mga mata ko dahil sa narinig at maging si Val ay agad na ring nagsisigaw at nagtatakbo para tawagin ang lahat. 

“Super thank you sa pagkain mga sissy! Huhu!” bulalas ni Aces nang nakapabilog naming pinagsaluhan ang mga pagkain. 

“No problem, alam kasi naming habang buhay na magdadrama ‘tong si Val kapag hindi siya pinakain,” natatatawang saad ni Noelle at sinulyapan si Val na tahimik nang kumakain ng tinapay doon sa isang sulok. 

Maliban kila Artemis, meron ding iba pang mga kaibigan ang iba naming club members na nagbigay rin ng mga pagkain. Sabi nila hindi naman daw sila pinagbawalan ng Main Officers na magbigay. Desisyon daw nila ang masusunod kung papakainin ba daw nila ang mga prankster na tulad namin. 

“Buti nalang talaga at nakumbinsi nila Sage ang Main Officers na harmless prank lang ang ginagawa natin at hindi pagaalsa,” bulong ni Aces kaya napatango ako. 

“Oo nga, at buti kako nasabi sa'tin agad ni Chris ang image natin para sa lahat. Muntik ko nang maaway yung isa nating kaklase kahapon at i-explain na para naman sa kalayaan ang ginagawa natin. Edi mas nabuking tayo.” 

Natatawa akong siniko ni Aces. I was about to do the same, but I noticed a familiar figure from my peripheral vision.

It's a woman with mature yet elegant demure. Her long silky hair contemplate her red lipstick, just like how her body con dress sealed the deal of her dark feminine look. Straight face and a model walk, her black boots lead her towards the school's mini-museum.

“Ang ganda niya talaga.”  / “Oh gosh, that's our primary suspect.” 

Halos sabay naming saad ni Aces, kaya agad niya akong sinamaan ng tingin. “Girl focus, she might me the mastermind behind our misery and the first thing you'll say about her is that she's beautiful?” 

Napakurap kurap ako. 

“Bading.” 

Tinapunan ko siya ng tingin ngunit natawa lang ang loka. “Basta, sinabi na sa inyo ni Chris ag gagawin ‘di ba? Sundan at imbestigahan ang President ng Main Officers. Dior Lovewell.”

•••

When Chris told me that I'll have a special mission yesterday and it's about Dior. I didn't expect it to be this risky, not solely because of the mission itself but also because of Val who happen to be my partner. Like seriously, bakit hindi nalang si Aces, si Luna o kahit si Chris ang kasama ko ngayon?

 Sa bunganga ng Val na ‘to, hindi pa kami nakakapasok sa loob ng museum mahuhuli na kami ‘e. 

“Just act natural, mas mag hihinala sila kung pagmumukhain mong secret agent ang sarili mo,” kampanteng saad ni Val at pasimple lang na naglakad papasok. Sumunod naman ako at nagpanggap na nagtitingin tingin ulit sa mga artworks at artifacts na andidito. 

Hindi katulad ng dati kong punta rito, parang biglang lumawak ang lugar at umaliwalas. At hindi ko alam kung bakit ang weird ng bagay na ‘yon. 

“Sa tingin mo, ano kayang ginagawa ni Dior dito?” bulong ko pero nagkibit balikat lang siya at sinundot ang mga miniature sa lapag.  

“Luring us, I guess.” 

Palihim kong sinilip si Dior na mag isang naglalakad sa hallway at parang nagwiwindow shopping lang sa napaka tahimik na lugar. Talagang lumiko pa siya sa book section na hindi na abot ng pangingin namin dahil natatabunan na siya ng mga bookshelf e. Ni hindi ko nga alam kung dapat ba kaming sumunod agad, o magtanga tangahan muna kasi baka tinatawag niya nga kami papunta sa direksyon na ’yon. 

“Ganito,” seryosong saad ni Val na nakita rin pala ang ginawa ni Dior. 

“Mauuna akong pupunta sa book section, at 3 minutes later sumunod ka at magkunwaring hinahanap mo ako.” Akamang hahakbang na siya pasulong pero agad akong napakapit sa manggas ng puti niyang sweater. 

“Sandali, okay lang ba na maghiwalay tayo? Paano kapag nagpakita sa isa sa'tin ang Maledictus Eris?” 

Bahagya siyang natigilan dahil doon. Sa isang iglap ay hinatak nalang din niya ako sa kamay at sabay nang nagtungo sa book section ng lugar. 

“You don't have to hold my hand like that.” giit ko.

“Eh paano kung bigla kang hinatak ng kung sino. Tanga tanga ka pa naman.”

Umirap ako at nagpagpanggap nalang na naghahanap ng kung anong libro pagkarating. Ngunit halos mapatalon naman ako sa gulat nang mapalingon sa kanan at makita ang sa 'di kalayuan ang isang libro na may mukha ni Maledictus Eris. Hayop talaga. 

“Ni hindi manlang binalik ng tama sa bookshelf. Talagang binalandra pa sa harap e,” bulong ko sa sarili at nagfocus na ulit sa mga libro sa kaliwang dako, para masilip din kung ano nang ginagawa ni Dior. 

Ang kaso ay tumitingin lang naman siya ng mga year book compilation at umalis na rin. Wala kaming nakuha sa pagsunod sakanya kaya maya maya pa ay naglakad nalang din kami pabalik sa entrance.

Ngunit sa pagkakataong ‘yon ay agad akong natigilan. 

“Val, napansin mo rin ba ‘to kanina,” bulong ko at hinila ulit ang manggas niya. Ni hindi ko na siya nilingon dahil napako lang ang tingin ko sa pamilyar na espasyong 'yon. 

“Oo nga noh? Ngayon ko lang ‘din napansin, anong ginagawa ng year book ng Spade Club dito?” kunot noo niyang tanong at pinulot ito sa tabi ng artwork ni Charlemagne.

Sinipat sipat niya pa ito na parang wala lang. Samantalang tahimik akong nanatili sa kinatatayuan at inalala 'yong nakita kong book cover ng mukha ni Maledictus Eris sa ‘di kalayuan kanina.  

Hindi ‘yon book cover ng libro. Siya mismo ang nilalang na ‘yon at pinagmamasdan kami! Kasi bakit wala na ang estatwa niya dito sa entrance!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro