Chapter Two
🌹🌹🌹
"Buhay pa ba iyan?"
Napangiti si Chelsea sa pabirong tanong ng pasyenteng katabi ng kamang kinaroroonan ni Mr. X. Napahinto siya sandali sa ginagawang pagpupunas sa braso ng lalaki at tumingin dito.
"Humihinga pa naman kaya tiyak na buhay pa" pabirong sagot niya
"Ikaw talaga, Arazo..." sinaway niya ito.
"Baka magkasakit iyan kapag malinis na. Hala, baka hindi iyan sanay ng nililinisan" sabi rito na parang kinakabahan sa magiging resulta.
"Bakit naman?" tanong niya.
"Alam mo ang taong grasa, nagkakasakit kapag naglilinis ng katawan. Bahala ka, kapag nilagnat iyan, kasalanan mo pa" pinagdiinan ni Arazo ang mga sinasabi nito.
"Ito talagang si Arazo" tumatawang sabi ng nanay ng isang pasyenteng teenager doon.
"Giginhawa nga ang pakiramdam niyan kapag nalinisan" ninguso ng isang nanay doon sa lalaki.
"Bahala kayo, nagpapaalala lang naman ako" umismid na lang si Arazo. Pinapanindigan ang mga sinasabi.
Nakangiting ipinagpatuloy niya ang ginagawang pagpupunas sa braso ni Mr. X. Inuna niya ang katawan nito bago ang mukha. May naka-reserve na siyang isa pang bimpo para doon. Narinig niya ang sinabi kanina ni Aling Josefa, na kung malilinisan ang lalaki ay guwapo siguro ito.
Na-curious tuloy siya. Tumitig siya sa mukha nito at napansin niyang oo nga, matangos ang ilong nito at brown ang mga matang may mahahabang pilik-mata.
Nanlalagkit ang buhok nito sa dumi maging ang balbas at bigote na nagiging hadlang para malinaw na mapagmasdan ang anyo nito.
"Hello, Mister X" sabi niya nang mapansing tila nangingilala ang mga tingin nito sa kanya.
Paminsan-minsan niyang nakikita sa mga mata nito ang recognition na kagyat ding nawawala.
"Pinupunasan kita kasi ang dumi-dumi mo" malumanay niyang sinasabi kay Mr. X.
Wala siyang narinig na sagot mula rito.
Nang mapunasan niya ang mga braso at dibdib nito ay binanlawan na muna niya sa CR ang nanlilimahid na bimpo. Nang magbalik siya ay isinunod niya ang ibabang katawan nito, ang mga hita, binti at paa.
Naging tampulan siya ng tukso nang sabihin ni Arazo na linisin niya pati putotoy nito. Tawanan ang lahat ng naroon.
"Ikaw bata ka! Tinutokso mo talaga si nurse chelsea" sinaway si Arazo ng isang nagbabantay na nanay.
"Ikaw na lang kaya ang magpunas niyan" dugtong pa nito.
"Eh! Ayuko nga. Baka bigla na lang akong suntokin ng lalaki 'yan at tsaka..." itinaas niya ang kaliwang kamay na may dextrose.
"Hindi puwedeng ma-sagi itong kamay ko" sabi nito.
"Aysos! Palusot ka pa dyan" umiiling ang nanay na waring hindi ito naniniwala.
Bagaman nahihiya pa rin siya pagdating sa mga bagay na ganoon ay inisip na lang niyang trabaho lang iyon. At ang isang nurse na kagaya niya ay hindi na nagkakaroon ng malisya. Marami na siyang nakitang ganoon noong nag-aaral pa lang siya. Pinag-aralan na niya ang human anatomy.
Nang malinisan niya ang katawan ni Mr. X ay lumabas ang mapusyaw na kulay nito. Hindi naman pala ito kaitiman kagaya ng inaakala niya. Sa tingin niya ay maputi ito dati at umitim na lang dahil sa matagal na pagkakabilad ng katawan sa init ng araw at mga elemento.
Habang nililinis niya ang mukha ni Mr. X ay hindi niya maiwasan ang tumitig sa mga mata nito. Nang mga sandaling iyon ay nakatingin ito sa kisame. He seemed caught up in his own world.
"Natatandaan mo ba kung sino ka?" tanong niya kay Mr. X habang pinupunasan niya ang mukha nito.
"Ano'ng nangyari sa iyo?" tanong niya ulit.
Wala siyang nakuhang reaksiyon maliban sa pagtiim ng mga bagang nito. Gayunman ay nanatili itong nakatitig lang sa kisame at ayaw tumingin sa kanya.
"Hayan, malinis ka na!" bulalas niya nang malipat na ang lahat ng dumi sa bimpo na ipinupunas niya sa mukha nito.
"Mas okay na ang pakiramdam mo ngayon, ano?" nakangiting sabi niya.
"Baka sumagot iyan, magulat ka pa" sabi muli ni Arazo, nang-aasar.
Nilingon niya si Arazo, na nang-aasar ang tingin. "Mabuti nga kapag sumagot siya, malalaman natin na hindi siya pipi" sabi niya rito.
Nagtawanan ang lahat sa sinabi niya.
Kung sakaling makakapagsalita na si Mr. X ay malalaman na niya kung sino ba siya talaga at saan nakatira.
*****
"Mano po, 'Nay" kinuha niya ang isang kamay para mag-mano sa kanyang ina.
"Kaawaan ka ng Diyos, anak" sagot nito.
Nasa balkonahe ang nanay ni Chelsea na si Aling Guada nang dumating siya. Kagaya ng dati ay ginugugol nito ang oras sa pananahi ng mga kurtina.
Alas-kuwatro ng hapon nang mag-out siya sa ospital. Kulang isang oras at kalahati din ang layo ng Sta. Lucia mula sa East Avenue kapag maluwag ang daloy ng traffic sa Commonwealth.
Inilapag niya ang kanyang dalang bag sa sofa nila bago umupo at naghuhubad ng sapatos.
"Gutom ka na ba, anak? Nagluto ako ng paborito mong laing at pritong galunggong" alok ng ina sa kanya.
Matapos ang ginagawa sa sala ay pinuntahan niya ang kusina. Natatakam siya sa sinabi ng kanyang ina.
"Wow, sarap!" bulalas niya nang makita ang niluto sa mesa.
"Dumating na ba si Kuya?" tanong niya sa kanyang ina, habang dahan-dahan niyang kinakain ang ulam.
"Wala pa. Nag-text siya kanina na baka gabihin siya ngayon. May operation daw sila ng mga kasamahan niya sa Laguna" sagot nito.
"Dalawang araw na siyang hindi umuuwi, ah" bigla siyang nakaramdam ng kalungkutan dahil hindi pa rin niya nakita ang kanyang kuya. Na miss rin niya ito.
"Alam mo naman ang buhay ng NBI agent" wika ng ina.
"Naku, baka nambababae lang iyon" pa-iling-iling sambit. Kahit miss niya ang kuya nito ay hindi rin makaligtaan na isipin ang mga kalokohan na gagawin ng kuya niya.
Tumawa siya. Pinansin niya ang picture frame nilang magkapatid na nakapatong sa mesita.
"Alam mo naman si Kuya, guwapung-guwapo katulad ni Tatay" nakangiting tiningnan ang litrato.
Tinawanan ng nanay niya ang kanyang sinabi.
"Naku, ikaw talagang bata ka.... Ipaghahain na kita" wika nito.
"Ako na po, 'Nay. Pagod na iyang kamay ninyo sa pananahi"
"Kauumpisa ko lang naman"
Bago pa niya napigilan ang ina ay ipinaghain na siya nito. Naupo ito na kaharap niya at pinanood siya sa pagkain.
"Kumusta ang trabaho mo?" mayamaya tanong nito.
"Okay lang po. Kahit yata nakapikit ako ay kaya ko nang kumuha ng vital signs. Hanggang sa panaginip ay kumukuha pa rin ako ng blood pressure at temperature" pinagmalaki niya kanyang sarili na may kasamang biro niya rito sa kanyang ina.
Natawa tuloy ang kanyang ina "Asus! Alam ko na 'yon, anak"
"Dalawang linggo na lang at matatapos na ang duty mo sa East Avenue Medical Center. May lilipatan ka na ba?" tanong ulit ng ina
Naisip niya rin 'yon. "Wala po, eh. Balak kong magpahinga muna" anas niya rito.
"Okay iyon. Umuwi kaya tayo sa probinsiya para dalawin ang lolo at lola mo?" suwestyon ng kanyang ina.
Bigla siyang nabuhayan, ilang taon na rin siyang hindi nakapunta roon.
"That's a good idea, 'Nay! Sige, tutal matagal na rin naman tayong hindi nakakauwi sa Tanay,Rizal" na-excited niyang sambit nito. Miss na rin niya ang kaniyang lolo't lola.
"Sige, sasabihin ko na rin sa kuya mo"
Nagpatuloy ang kuwentuhan nilang mag-ina habang nilalantakan niya ang laing at pritong galunggong. Pagkatapos kumain ay lumipat sila sa balkonahe. Hindi na muna siya nagpalit ng bihisan.
"Alam mo, 'Nay, may bagong dating na pasyente sa fourth floor. 'Mister X' lang ang nakalagay na pangalan dahil walang identification. Ang sabi nila, taong grasa iyon na nasagasaan. Nakakaawa kaya nilinisan ko kaninang bago ako umuwi. 'Nay, ano kaya ang mga dahilan at nagkakaganoon ang ibang tao? Wala kayang kapamilya ang mga taong grasa?" nalungkot siya inaalala ang kalagayan ng kanilang bagong pasyente. Naawa siya sa nangyari kay Mr. X.
"Mayroon naman siguro. Kaya lang, dahil nga wala na sila sa katinuan, hindi na sila nagkikita ng kanilang mga kapamilya. Kung saan-saan na sila nakakarating"
Siguro nga ganoon ang nangyari kay Mr. X, kaawa-awa ang kanyang kalagayan. Para naman walang mga konsensya kung hindi nila maalagaan ang isang tao. Napabuntong hininga siya.
"Ano kaya ang nasa isip ng mga iyon, ano?" natanong niya tuloy sa sarili.
"Hindi natin alam.....unless maging taong grasa tayo" sagot nitong nakangiti sa kanya.
Narinig pala ng kanyang ina. Akala niya na sambit niya sa kanyang isip.
"Ang Inay naman, nagpapatawa" sabi niya at ginantihan ang ngiti nito.
"Ano kaya, 'Nay, kung iyon palang taong grasa na nasa ospital ngayon ay isang dating artista o kilalang tao? Wow, malalagay sa headline ang East Avenue!" bulalas niya.
Pero sa sarili niya, mukhang imposible naman na ganoon ang mangyari. Isang taong grasa na sikat. Napaka-imposible ang mga binabangit niya.
"Bakit hindi mo kausapin? Baka sabihin niya sa iyong kung sino talaga siya" wika ng ina.
Napasimangot siya "Hindi nga nagsasalita, eh. Baliw na yata iyon..."
Iiling-iling siyang inaalala si Mr. X.
🌹🌹🌹
ABANGAN.....
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro