Chapter Twelve
🌹🌹🌹
Parang may kung anong nakadagan sa dibdib ni Chelsea nang lumabas siya ng East Avenue Medical Center dakong alas-tres ng madaling araw. Sumakay siya sa taxi na naghatid ng pasahero nito sa ospital at nagpahatid siya sa Sta. Lucia.
Nagulat pa ang inay niya nang dumating siya na namumugto ang mga mata niya. Tinatanong siya nito kung ano ang nangyari at nang sabihin niya ang totoo----na hindi siya nagpunta sa isang birthday party----ay naunawaan na nito ang ipinagkakaganoon niya.
Ipinagpasalamat niyang iginalang nito ang kagustuhan niyang huwag na munang pag-usapan ang nangyari. Pagkatapos niyang tiyakin sa inay niya na walang masamang nangyari sa kanya, at ang diperensiya ay nasa emosyon lang niya, ay iniwan na siya nito.
Magdamag siyang hindi nakatulog kakaisip kay Xerxes. Nag-aalala siya na baka kung ano ang maisipan nitong gawin pagkatapos niyang biguin pero nararamdaman din niyang nasa hustong pag-iisip na ang lalaki. Hindi nito tatangkaing wakasan ang buhay nang dahil lang sa pagtatanggi niya.
She was hoping na iyon sana ang mangyari.
Kinabukasan at wala naman siyang masamang balita na narinig sa radio o napanood sa TV ay nakahinga siya nang maluwag. Tinawagan niya si Lovern at kinumpirma nitong bagaman tahimik ay maayos naman ang kalagayan ni Xerxes. Maski paano ay nakagaan iyon ng loob niya.
Kinahapunan ay umuwi ang Kuya Daniel niya kasama si Kathryn. Naisipan lang daw nitong dumalaw at natuwa naman ang inay niya sa ipinapakitang pakikipaglapit nito sa kanila.
Doon na nila ito pinaghapunan. Nauna siyang matapos kumain kaya iniwan na niya sa komedor ang mga ito.
Pinalipas niya ang oras sa balkonahe habang binabalikan ang mga litratong kuha sa digital camera niya, partikular ang mga litrato ni Xerxes.
Masyado siyang naging abala sa pagtingin sa mga litrato kaya nagulat pa siya nang namalayan ang paglapit nito.
"Hi" anitong nakangiti sa kanya.
"Can I join you here?"
"Sure" ngumiti siya at itinuro dito ang single sofa.
"Ano ang tinitingnan mo?" tanong nito nang maupo sa kaibayo niya
"Mga litratong kuha sa East Avenue Medical Center. Katatapos lang ng duty ko roon. Isang buwan akong nurse volunteer sa East Avenue"
"Yeah, I heard about it from Daniel. Can I see your picture?"
"Sure" iniabot niya kay Kathryn ang digital camera.
Inisa-isa ng dalaga ang mga litrato, nagbibigay ng komento from time to time sa mga kuha niya sa nurse station at sa mga kasamahan niyang volunteers.
Sinabi pa nitong karamihan sa nakikilala nitong nurses ay pawang magaganda. Isa na raw siya roon. Alam niyang hindi siya binobola nito. It was a fact.
"Alam mo bang nagtatalo sina Mark at Joshua kung sino ang mauunang manligaw sa iyo?" sabi pa nito nang sandaling ibalik sa kanya ang atensiyon.
"Ako ang ginugulo nila, kaya ang sabi ko, sabay na lang silang manligaw ang may the best man win. Huwag ka lang nila 'kakong lolokohin dahil ako ang makakalaban nila"
Ngumiti lang siya sa sinabi nito.
Bago sila umalis ng Zambales ay nagpahiwatig na sa kanya ang dalawang pinsan nito.
Pero wala siyang ibinigay na klarong sagot kung okay lang sa kanyang ligawan siya ng mga ito. Wala siyang ibang nasa isip nang mga oras na iyon kundi si Xerxes.
"Mabait naman ang mga pinsan kong iyon. Wala kang itulak-kabigin sa kanila" sabi pa ni Kathryn bago ipinagpatuloy ang pagtingin sa mga litrato.
Mayamaya ay nakita niyang natigilan ito. Kasunod niyon ay napabulalas ito na tila ba may nakitang kung ano sa monitor.
"Oh, my God!"
"Bakit?"
Napatayo siya sa kinauupuan niya nang makita ang reaksiyon nitong animo nakakita ng multo.
"Pasyente ba ito roon?" tanong nito na si Xerxes ang tinutukoy.
"Oo. 'Mister X' nga ang tawag sa kanya noong una dahil wala siyang pagkakakilanlan. It was only later nang malaman namin na 'Xerxes' ang pangalan niya. Other than that, wala na siyang sinabi"
"I know this man!"
Nakita niya ang magkahalong kasiyahan at pananabik sa mukha nito.
"Kinakapatid ko siya, Chelsea! His name is Xerxes Anderson. He had been missing and we've been looking for him for more than a month now!"
"Ganoon? Nasa East Avenue siya ngayon dahil nabiktima siya ng hit-and-run"
"Oh, God!"
Ibinalik nito ang digital camera sa kanya bago nagkukumahog na inilabas mula sa dalang purse ang cell phone nito.
"I have to call my dad!"
Mayamaya pa ay kausap na nito si Atty. Villamonte. Malinaw niyang narinig nang ibalita nito sa papa nito na natagpuan na si Xerxes. Habang nakikipag-usap ang dalaga sa ama ay tulalang nakatitig lang siya rito.
Hindi siya makapaniwalang ang inaakala niyang palaboy ay isang mayamang businessman pala!
*****
"Welcome home, Xerxes!"
Napabuntong hininga si Xerxes habang iginala ang paningin sa mansiyon. Halos tatlong buwan ang nagdaan bago siya muling nakatuntong doon at walang nabago sa ayos niyon sa abot ng natatandaan.
Ang naiba lang ay may nakatakip nang puting tela sa mga paintings at kagamitan doon.
Nasa dibdib pa rin niya ang mapapait na alaala pero hindia na kasinsakit noon.
"Thank you, Richard"
Pinisil niya sa balikat ang magsesetenta anyos na abogado.
"Isa kang mapagkakatiwalaan at mabuting kaibigan sa akin at sa papa. Hindi ako nagkamali nang kunin ko ang serbisyo mo"
"We've been searching all over for you, Xerxes"
"I didn't want to be found..." aniya kasabay ng isang buntong hininga.
That was a fact. Nang maospital siya ay hindi niya agad kinontak si Richard dahil ayaw pa sana niyang bumalik doon.
"Marami ang nagsabing baka patay ka na, pero hindi kami nawalan ng pag-asa. Alam kong matatagpuan ka namin. O kung hindi man, alam kong babalik ka isang araw. Umuwi rito ang pamilya mo pero kailangan din nilang bumalik agad sa States kaya ipinabahala nila sa akin ang paghahanap sa iyo. Matutuwa sila kapag ibinalita kong natagpuan ka na" nakangiting wika ni Richard
Ngumiti ito at pinisil ang balikat niya.
"Linggu-linggo ay may nagpupunta rito para maglinis kaya maayos ang bahay"
"Maraming salamat..."
Niyakap niya nang mahigpit ang kaibigan.
"Tatawagan ko ang mama at papa para hindi na sila mag-alala. Tatawagan ko na rin si Hannah. I will tell them na nakauwi na ako. Give me some time though bago tayo mag-usap tungkol sa mga responsibilidad na naiwan sa pangangalaga mo"
"I understand, Xerxes. Take your time. Hindi mo kailangang magmadali. Maayos ang mga negosyo mo maliban sa building na ipinatatayo mo. Ipinahinto ko na muna ang construction niyon"
"We'll talk about it, Richard. Sa ngayon, maari mo na akong iwan dito"
"Are you sure you'll be okay? Kung sa bahay ka na muna kaya tumuloy? Matutuwa si Lucy kapag nalamang natagpuan ka na namin"
"I'll be fine here, thank you"
Ngumiti siya at tinapik ang balikat nito.
Saka pa lang sumabad sa usapan si Kathryn na nakikinig lang sa kanila mula sa isang tabi. Kasama ito ni Richard na sumundo sa kanya sa ospital.
"I think it would be best kung kukuha na muna tayo ng private nurse na mag-aalaga sa iyo, Xerxes. Hindi ka pa lubusang magaling. Kailangan mo pa ng regular check up sa neurologist mo. Mayroon ka pang medications na kailangang inumin regularly"
"Sa palagay ko ay tama ang kinakapatid mo, Xerxes. You need a private nurse habang nagpapagaling ka"
"Kung papayag ka, puwede kong kunin ang serbisyo ni Chelsea. You know her. Siya iyong nurse na nag-aalaga sa iyo sa hospital. Kapatid siya ni Daniel. Sa kanya ko nakita ang litrato mo kaya nalaman naming naka-confine ka sa East Avenue"
"Ikaw na ang bahala kung sa palagay mo'y kailangan ko ng private nurse"
"I will talk to Chelsea then. I'm sure naman papayag siya dahil hindi ka naman niya aalagaan nang libre" biro pa nito.
"Bueno, magpapaalam na kami. Si Kathryn na ang bahalang kumuha ng private nurse na mag-aalaga sa iyo"
Muli ay nagkamay sila ng kaibigang abogado bago tuluyan nang magpaalam ang mga ito.
"Magpagaling ka, Xexes. At sana ay huwag mo nang ulitin ang ginawa mo noon" paalala pa ni Kathryn sa kanya bago ito lumabas ng mansiyon kasama ang ama.
🌹🌹🌹
ABANGAN...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro