Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Thirteen

🌹🌹🌹

Nang siya na lamang doon ay isa-isang nagbalik sa isip niya ang mga alaala. Parang nakikini-kinita niyang patakbong lumalabas mula sa direksiyon ng kusina ang limang taong gulang na si Yana para salubungin siya.


Kasunod nito ang asawa niyang si Suzy na nakasuot ng apron, telling him, "You're just right on time, darling. Dinner is ready!"


Sabik na kinalong niya si Yana at pinupog ng halik. Nawala ang lahat ng pagod niya sa maghapong pagtatrabaho sa opisina nang mayakap niya ang kanyang munting anghel.


At added bonus nang halikan siya ni Suzy sa mga labi at sabihin ng "I love you". Humakbang siya patungo sa kinasasabitan ng natatakpang kuwadro ng mag-ina.


Hinila niya ang puting tela na nakatakip doon at tumambad sa paningin niya ang portrait ng dalawa. Nakangiti ang mga ito. Kalung-kalong ni Suzy ang noon ay tatlong taong gulang pa lamang na si Yana.


Bilugan ang mga mata nito, maumbok ang mapupulang pisngi, mapula ang makipot na mga labi. Ang maliit na ilong nito ay may gatla sa dulo, minana sa ina at sa buong pamilya nito. Naka-pigtail ang buhok nitong kumukulot sa dulo.


Muling sinalakay ng kalungkutan si Xerxes. Parang tubig na rumaragasang nagbalik sa alaala niya ang araw na iyon. Ang araw na naganap ang malagim na aksidenteng kumitil sa buhay ng kanyang mag-ina. Ilang buwan na ang nakalilipas mula noon.....


Nang maputol ang daloy ng alaala ng nakaraan ay humihingal na dinaklot niya ang dibdib niya. Napabulalas siya at lumong-lumong napaluhod sa marmol na sahig.


"Suzy.....Yana...." humihikbing tinawag niya ang pangalan ng kanyang mag-ina.


Tumingala siya at luhaang pinagmasdan ang kuwadro na tanging naiwang alaala ng dalawa.


Minahal niya nang higit pa sa buhay niya si Suzy at ganoon din ang anak nila. Bago niya nakilala si Chelsea ay wala nang pag-asa ang buhay niya. Pero parang mainit na sikat ng araw sa balat niya ang presensiya ng dalaga. Kinukumutan siya ng kabaitan nito.



Ngayon ay alam niya ang dahilan kung bakit sa kabila ng mga pinagdaanan niya ay nalagpasan niya ang mga iyon. Narito pa rin siya. Kailangan na niyang tanggaping bahagi na ng nakaraan niya ang kanyang mag-ina.

*****

"Hindi ka pa ba kakain, anak?"


"Wala pa akong gana, 'Nay"


"Kaninang umaga ka pa hindi kumakain. Tanghali na ngayon. Baka magkasakit ka sa ginagawa mo"


Napabuntong hininga si Chelsea bago inihimlay ang ulo niya sa mga braso niyang nakapatong sa pasimano ng balkonahe.


"Huwag na lang ninyo akong pansinin, 'Nay. Okay lang ako"


"Ano bang okay? Iniisip mo na naman si Xerxes? Hindi ba dapat na mapanatag ka na dahil nalaman natin kung sino talaga siya? Ang sabi ng kuya mo ay iniuwi na siya nina Kathryn kahapon"


Kung alam lang ng inay niya ang nangyari nang huli silang magkita ni Xerxes ay tiyak na mauunawaan nito ang nararamdaman niya.


Bumuntong hininga ito.


"Hindi ako makapaniwala sa mga pangyayari. Ang buhay nga naman ng tao..."


"Aalis na ako. Baka bukas na ako makauwi. I-lock mo ang gate at huwag kang basta magpapapasok ng tao rito. Gagabihin na naman tiyak ang kuya mo"


"Opo. Hindi na ninyo ako kailangang paalalahanan"


"Aalis na ako"


Inihatid niya hanggang sa gate ang ina at paglabas nito ay ini-lock niya iyon. Nang makasakay ng tricycle ang ina ay nagbalik siya sa balkonahe at naupo sa tumba-tumba.


Yakap niya ang throw pillow habang iniisip niya sa Xerxes. Ano kaya ang nangyari kung ibinigay niya ang pagkakataong hinihingi nito?


It's better this way...sabi niya na sinagot ang sariling katanungan. Pilit niyang kinukumbinsi ang sarili niya pero lalo lang pumapait ang luhang lumalabas sa mga mata niya.


Kung ilang beses na niyang pinagalitan ang kanyang sarili pero iisa lang ang kinahihinatnan niyon. Muli niyang maaalala si Xerxes at ang damdamin niya para dito.


May isang oras nang nakakaalis ang inay niya nang dumating ang Kuya Daniel niya kasama si Kathryn. May bitbit na pagkain ang mga ito na pinagsaluhan nila sa merienda.


Tapos na silang kumain at nagpapalamig sa sala nang sabihin ni Kathryn ang sadya nito sa kanya. Nagulat siya nang sabihin nitong kukunin nito ang serbisyo niya.


"Kailangan ni Xerxes ang isang private nurse na mag-aalaga sa kanya habang nagpapagaling siya. Ikaw ang inirekomenda ko, tutal, magkakilala na kayong dalawa. Mas mapapaaga ang paggaling niya dahil komportable na siya sa iyo."


"Don't worry, you'll be paid for your service. Ikaw ang bahala kung magkano ang hihingin mong suweldo. Kaya naman niyang magbayad nang mahal, eh" tumawa ito bago bumaling sa kapatid niya.


"Nagkausap na kami ng kuya mo. He agreed with it. Pero siyempre, ikaw ang magdedesisyon kung tatanggapin mo ang alok ko"


Kahit hindi siya bayaran ay maluwag sa kalooban niyang alagaan si Xerxes. Pero siyempre pa ay hindi niya maaaring sabihin iyon. Ayaw niyang magduda ang kapatid niya at si Kathryn sa kanyang pakay. Ipinakita niyang hesitant siya upang ikubli ang tunay na nararamdaman niya.


"Tatanggapin mo ba ang trabaho, Chelsea?"


Kunwari ay tapos na siyang pag-isipan iyon.


"Why not? Kailan ako magsisimula?"


"Bukas na bukas din kung gusto mo"


"Okay. Let me know kapag handa ka na para ihahatid na kita sa mansiyon"


*****


Hindi tumutol ang inay ni Chelsea nang sabihin niyang tinanggap niya ang trabahong inialok ni Kathryn. Nagpaalala lang ito na sana ay huwag siyang masyadong emosyonal upang huwag siyang masaktan sa huli.


Bagaman hindi niya inamin sa inay niya ay alam niyang nararamdaman nito ang itinatago niyang damdamin para kay Xerxes.


May isinasagawang operation laban sa isang illegal recruiter sa Bulacan ang team ng Kuya Daniel niya kaya si Kathryn lang ang sumundo sa kanya sa bahay kinabukasan.


Bago sila umalis ay tiniyak nito sa inay niya na magiging maayos ang kalagayan niya sa mansiyon. Tiniyak din nitong mapagkakatiwalaan at disenteng tao si Xerxes Anderson kaya wala itong dapat ipag-alala.


"He was a loving husband and father" sabi ni Kathryn patungkol kay Xerxes habang minamaneho ang bagung-bagong black Mitsubishi Montero nito.


"You couldn't imagine how devastated he was. Nakita ng mga mata niya ang nangyari sa kanyang mag-ina. Nakatayo siya sa gilid ng highway nang mabangga ng trailer truck ang kotseng sinasakyan nina Suzy at Yana. He was there....pero wala siyang nagawa para iligtas ang mag ito"


"Ngayon ay nauunawaan ko na kung bakit ninais niyang sirain ang buhay niya" aniyang bilang reaksiyon sa sinabi nito.


"He could be difficult sometimes, Chelsea, ipinagpapauna ko na sa iyo. He is in a healing process. So please, be patient with him"


Alam niya iyon. At pagkatapos niyang bawian ng pag-asa at pagkakataon si Xerxes dahil sa pag-aakala niyang wala siyang magiging kinabukasan dito at tiyak niyang nagbago na ang pagtingin nito sa kanya.


Maaaring isipin ni Xerxes na kaya lang siya nakikipaglapit ngayon ay dahil nalaman na niya ang tunay na pagkatao nito. Kailangang mabura ang masamang impression nito sa kanya. Pagsisilbihan niya ito nang buong puso niya.


"Gaano katagal na kayong magkakilala ni Xerxes?" tanong niya.


"We've known each other since we were young. Ninong ko ang papa niya. Halos magkasing-edad kami. Late twenties siya nang ikasal sila ni Suzy. You know what? Ngayon ko lang napansin na kamukha ka ng yumao niyang asawa" namamangha pahayag nito.


"Really?"


Iyon marahil ang ibig sabihin noon ni Xerxes. Napabuntong hininga siya.



"Mahal na mahal niyang tiyak ang kanyang asawa...."


"Yes. Mahal na mahal niya ang kanyanh mag-ina. But he has to move on. Tulungan natin siya. Nabanggit mong naging magkaibigan kayo habang naka-duty ka pa sa hospital. Kausapin mo siya palagi"


"Susubukan ko" pangako niya.




🌹🌹🌹
ABANGAN....

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro