Chapter Sixteen
🌹🌹🌹
Napangiti na lang siya sa sinabi ni Xerxes nang papalabas ng kuwarto. Alam niyang iyon ang paraan nito ng pagsasabing iwan niyang bukas ang adjoining door. Gayunman ay isinara niya ang pinto nang makalabas siya sa master's bedroom.
She took a quick shower in the bathroom at the end of the hallway. Ternong pajama ang suot niya nang magbalik siya sa kuwarto. Naghahanda na siya para matulog nang marinig niyang tinatawag ni Xerxes ang pangalan niya.
Binuksan niya ang pinto at nakita niyang namimilipit ito sa pagkakahiga sa kama. Agad niyang dinaluhan ito upang alamin kung ano ang nangyayari.
"Ang ulo ko...masakit!"
Sanay na siya sa mga pasyente sa ospital pero iba pa rin ang pakiramdam niya kapag mahalaga sa kanya ang taong nakakaranas ng sakit. Tila ba naaapektuhan niyon pati pakiramdam niya.
Kinunan niya ito ng blood pressure at nang makitang mataas na iyon ay kumuha siya ng gamot. Inilagay niya ang gamot sa ilalim ng dila nito at naghintay.
Pagkalipas ng kalahating oras ay muli niya itong kinunan ng BP. Kasabay ng pagbaba ng blood pressure nito ay nawala na rin ang pamimilipit nito sa sakit ng ulo.
"Thank you..." sabi ni Xerxes nang tulungan niya itong mahiga nang maayos sa kama. Hinawakan nito ang kamay niya at pinisil.
"Mabuti na ba ang pakiramdam mo?"
"I'm feeling better now"
Kinonsulta niya ang oras at nang makitang oras na para sa ibang gamot nito ay kinuha niya ang medicine box na nasa ibabaw ng night table. Nagsalin siya ng tubig sa baso at pinaimo ito ng gamot.
"Thank you..."
"Walang anuman. Matulog ka na, okay?"
Ngumiti ito at may kung anong inabot mula sa ulunan. Remote control iyon. May pinindot ito roon at mayamaya pa ay pumailanlang ang lumang awiting "Moon River" mula sa speakers ng mini-component na nasa tabi ng flat-screen TV.
"Good night, Chelsea" ulit nito.
Tumango siya bago bumalik na nagbalik sa kuwarto niya.
Hindi niya alam kung nakatulog nang mahimbing si Xerxes dahil magdamag na pumapailanlang sa paligid ang mga lumang awitin nina Joe Cocker at Air Supply.
Nagisnan at nakatulugan niya ang malamyos na musikang sapat lang ang lakas para makatulog siya nang mahimbing. Kinaumagahan ay nagisnan niyang wala na sa kuwarto nito si Xerxes.
Natagpuan niya itong nagkakape sa lanai, at pagkakita sa kanya ay inutusan na nitong maghain ng agahan si Yaya Iseng. Sabay silang nag-almusal. Pagsapit ng alas-nuwebe ng umaga ay pinainom niya ito ng gamot.
Alas-diyes ay dumating ang papa ni Kathryn at nag-usap nang sarilinan ang dalawa. Kasabay nilang nag-lunch ang abogado at pagkakain ng tanghalian ay nagpaalam na ito.
Pumanhik sa kuwarto si Xerxes at nag-siesta kaya nagkaroon siya ng pagkakataong makipagkuwentuhan kay Yaya Iseng. Narinig niya sa babae ang narinig niya kay Kathryn; kahawig daw siya ng dating amo nitong babae, si Suzy.
Pawang magagandang bagay ang naaalala ng matanda sa yumaong asawa ni Xerxes.
Alas-singko ng hapon nang puntahan niya si Xerxes para painumin ng gamot nito. Mukhang maganda ang tulog nito dahil kinakitaan niya ito ng kakaibang sigla. Normal din ang blood pressure nito.
Aktong aabutin niya mula rito ang baso nang haplusin nito ang kamay niya. Sandali silang nagkatitigan at naramdaman niya ang mumunting siklab na nagpabilis sa pintig ng puso niya.
Itinatwa niya ang kakaibang pakiramdam ngunit nang akmang tatalikod na siya at hinila ni Xerxes ang braso niya. Napaupo siya sa gilid ng kama. Wala silang sinabi sa isa't isa at sa nakabibinging katahimikang namagitan sa kanila ay parang naririnig na niya ang tibok ng kanyang puso.
Nag-usap ang kanilang mga mata. Hinaplos nito ang kanyang pisngi at hinila siya palapit. Bago pa niya namalayan ay inangkin na nito ang mga labi niya. Hindi siya makapaniwala sa ginawa nito. He was kissing her!
Hindi niya alam kung gaano katagal na magkalapat ang mga labi nila. Nalanghap niya ang mabangong hininga nito. Nalasahan niya ang matamis na halik nito.
Paminsan-minsan umaagwat ang mga labi nito sa kanya upang pagmasdan ang mukha niya. Pagkatapos niyon ay hinahaplos nito ang pisngi niya na para bang tinatandaan ang bawat detalye ng mukha niya.
"Napakaganda mo, Chelsea..." bulong nito habang pumapaypay sa pisngi niya ang mainit na hininga nito.
"Bola..." sagot niya sa paraan ding pabulong.
Hindi na niya magawang itatwa ang nararamdaman niya para kay Xerxes. Nangangatal ang mga labi niya sa magkahalong kaba at pananabik. Parang sorbetes ang mga tuhod niya na natutunaw sa init ng pagnanasa nito.
"Hindi kita binobola, alam mo iyan..."
Muling nitong siniil ng halik ang mga labi niya. Sa pagkakataong iyon ay mas masidhi ang paghahangad nito na maangkin siya. Nararamdaman niya iyon lalo pa nang maglakbay ang mga palad nito sa ibabaw ng dibdib niya pataas sa maselang bahagi ng kanyang kawatan.
Hindi niya napigilan ang paghulagpos ng mahinang ungol sa lalamunan niya. She was surrendering....
Pero namalayan niyang umagwat ang mga labi nito sa kanya nang kapwa sila pangapusan ng hininga. Sa sansaglit na paghihiwalay ng mga labi nila ay nagbalik sa kanya ang katinuan.
"H-huwag, Xerxes..." nalilitong sabi niya.
"Hindi kita sasaktan..." sabi nito. Nararamdaman niyang nagsasabi ito ng totoo.
*****
Pumikit-dumilat sa magdamag si Chelsea, habang hindi siya patulugin ng alaala ng mga halik ni Xerxes kanina.
Kung hindi siya nakabawi sa sandaling pagkawala niya sa katinuan, may posibilidad na humigit pa roon ang namagitan sa kanila.
But he had been patient with her. Nakinig ito nang sabihin niyang hindi pa siya handa sa isang intimate na ugnayan. At bagaman wala silang ipinangako sa isa't isa ay nagkaunawaan ang kanilang mga puso.
Alam niyang isa nang kakaibang umaga ang naghihintay sa kanya kinabukasan. Nahihiya siya sa nangyari sa kanila nang nagdaang gabi ngunit ginampanan niya ang trabaho niya na parang walang anuman.
Kahit pa nga halata niya sa mga titig at ngiti ni Xerxes ang panunukso ay hindi na lang niya pinansin iyon.
Pagkatapos mag-almusal ay nagsabi itong maliligo kaya sinamahan niya ito sa kuwarto. Inihanda niya ang bihisan nito at inalam niya kung kompleto pa ang mga gamot na iniinom nito.
Ilang minuto na sa loob ng shower si Xerxes nang marinig niyang may kumalabog sa loob ng banyo. Inisip niyang siguro ay biniro na naman siya nito kaya ipinagpatuloy niya ang ginagawa niya.
Pero nang walang marinig na ingay mula roon ay nakadama siya ng pag-alala. Nag-ulinig siya at mayamaya pa ay narinig niya ang mahinang ungol ni Xerxes.
"Xerxes? Ano'ng nangyari sa iyo?" tanong niya nang katukin niya ang pinto ng banyo.
Inulit niya iyon at nang wala pa ring sumagot ay binuksan na niya.
"Xerxes! Oh my God!" bulalas niya nang pumasok siya ata maabutan itong nakalugmok sa loob ng shower enclosure.
"Ughh..." Umungol ito.
"Ano'ng nangyari sa iyo? Diyos ko!"
Tarantang dinaluhan niya ito, aware na wala itong saplot na anuman sa katawan ay hinila niya ang tuwalya at itinapi rito. Tiningnan niya ang ulo nito kung may dugo, kapagkuwa'y tsinek niya ang mga balikat at braso nito.
"I'm all right, I'm all right..." mayamaya ay sabi nito.
"Nadulas lang ako pero hindi naman ako nasaktan"
"Are you sure?"
"Yeah, I'm fine..."
Inalalayan niyang tumayo ito pero aksidenteng napahawak ang kamay nito sa shower knob at nabuksan ang shower.
"Ay, ano ba iyan!" bulalas niya nang maramdaman ang pagtama ng lumalagaslas na tubig sa katawan niya.
🌹🌹🌹
ABANGAN.....
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro