Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Fourteen

🌹🌹🌹

Alas-sais na ng gabi nang dumating sila sa mansiyon ng mga Anderson sa Magallanes. Sumalubong sa kanila ang isang may-edad na lalaking ipinakilala ni Kathryn na si Mang Kanor.



Driver daw ito ng pamilya ni Xerxes at pansamantalang umuwi sa pamilya nito nang mawala ang amo.



"Nag-alala ang papa na baka hindi pa kayang magmaneho ni Xerxes kaya pinabalik niya si Mang Kanor. Siya at si Yaya Iseng ang makakasama mo rito. Dati na silang naninilbihan sa pamilya ni Xerxes kaya wala kang aalalahanin sa kanila. Wala kang ibang gagawin dito kundi alagaan ang pasyente mo. Anuman ang kailangan mo ay sabihin mo lang kay Yaya" pinaliwanag ng maigi ni Kathryn ang gagawin niya sa loob ng bahay.



Tumango siya at bumaba na sila ng kotse. Naunang pumasok sa dalawang palapag na mansiyon si Mang Kanor bitbit ang mga gamit niya.



Pagpasok nila sa loob ay nakaramdam siya ng antisipasyon ni Xerxes kapag nagkaharap silang muli. Galit ba ito sa kanya? Malamang iyon.



"Nasa lanai po si Sir, Mam Kathryn" sabi ng may-edad na babaeng sumalubong sa kanila sa sala.



Sa tantiya niya ay nasa singkuwenta y sais na ang edad nito, malusog ang pangangatawan at bilugan ang mga mata.



"Si Yaya Iseng" mabilis na pakilala ni Kathryn sa babae bago iginiya na siya patungo sa kinaroroonan ni Xerxes.



Nakaupong patalikod sa direksiyon nila ang lalaki, sa isang reclining chair na gawa sa rattan, nang datnan nila ito sa lanai. Sa tabi nito, sa isang bilog na mesita ay nakapatong ang isang kopita at bote ng imported brandy.



Kinabahan siya sa isiping baka lasing ito.



"Xerxes, we're her" sabi ni Kathryn nang humarap sila rito. Pinansin nito ang bote ng alak sa mesita.



"You're drinking again? Masama sa iyo iyan!"



"I'm not drunk" sagot nito bagaman halata sa  pamumula ng mukha na nakainom na nga ito.



Hindi ito nag-angat ng mukha para tingnan sila kaya lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya.



"Yes, you are" sabi ni Kathryn bago matapang na kinuha ang bote ng alak sa tabi nito.



Tinawag nito si Yaya Iseng at ipinabalik ang alak sa taguan.



"May magpapaalala na sa iyo lagi na bawal kang uminom. Kasama ko na si Chelsea. Siya ang private nurse mo habang nagpapagaling ka"



As if on cue ay nag-angat ito ng mukha at tumitig sa kanya. Nagtiim ang mga bagang nito. Hindi niya mabasa sa reaksiyon nito ang nasasaisip nito nang mga sandaling iyon.



"Walang puwedeng magbawal sa akin" kaswal ngunit malaman ang bawat katagang binitawan nito.



Alam niyang sa kanya nito ipinatutungkol iyon.



"Come on, don't be stubborn. Paano ka gagaling kung gagawin mo ang bawal?"



Hindi ito sumagot sa sinabi ni Kathryn. Nanatili lang itong nakatitig sa kanya. As if challenging her to react. Pero nanahimik siya at hinayaan ang mga ito.



"I will leave Chelsea to you. Be nice to her" sabi pa ng dalaga na parang nagbibilin sa isang minor.



"Dito ka na maghapunan" alok ni Xerxes sa babae. Ngunit tinanggihan na iyon.



"May dinner date ako sa mga kaibigan kong galing Europe"



Tumingin ito sa suot na relo at kinonsulta kung anong oras na.



"I have to go dahil tiyak na hinihintay na nila ako"



"All right..."



Makahulugan ang ngiti ni Xerxes nang hagurin ng tingin ang kabuuan niya.



"Don't worry. Chelsea is in good hands..."



"Ipapaalala ko lang sa iyo na kapatid ni Daniel ang tinutukoy mo" sabi ni Kathryn nang lapitan ito.



Bulong iyon ngunit sinadya nitong lakasan upang marinig niya.



"Be nice to her, okay?" ulit nito sa sinabi kanina.



"I am nice" tila nakakalokong sagot naman ni Xerxes.



Nang magpaalam na si Kathryn at maiwan siya roon kasama si Xerxes ay parang lalabas na sa dibdib niya ang puso niya sa tindi ng kaba.

*****


Pasimpleng pinagmasdan ni Chelsea si Xerxes habang tahimik silang naghahapunan. Nakaupo sila sa magkabilang dulo ng twelve-seater dining table.



Masarap ang pagkain pero hindi siya makakain nang marami sa kabang sumasalakay sa kanya nang mga oras na iyon. Pakiramdam niya ay nakatuntong siya sa numero at nakabantay si Xerxes sa bawat kilos niya.



Pagkatapos kumain ay nagbalik si Xerxes sa lanai. Dinalhan ito roon ni Yaya Iseng ng kape. Siya naman ay tsinek ang mga gamot na dapat niyanh ipainom dito sa oras na iyon.



"Inumin mo muna ang gamot mo" sabi niya nang puntahan niya ito sa lanai dala ang gamot at isang basong tubig.



Kinuha nito ang gamot at ininom habang ang mga mata ay nakatitig sa kanya.



Nang akmang tatalikod na siya ay tinawag siya nito. Humarap siyang muli rito at inalam kung ano pa ang kailangan nito.



"Private nurse kita kaya gusto kong lagi ka sa tabi ko" sabi nito.



"Hindi ka matutulog hanggang gising pa ako"



"Alam ko iyon" sabi niya.



"Ibabalik ko lang sa kusina itong baso"




"Ipatong mo na lang iyan sa mesita. Hayaan mong  si Yaya Iseng ang magligpit niyan"



Upang huwag na silang magtalo ay sinunod na lang niya ang kagustuhan nito.



"Don't you just stand there. Get the chair"



Itinuro nito ang isa sa apat na monobloc chair na nasa di-kalayuan.



Kinuha niya ang silya at naupo sa harap nito gaya ng sinabi nito. Hindi siya mapakali habang pinagmamasdan nito ang kabuuan niya.



Pakiramdam niya ay isa siyang specimen na isinalang sa microscope at ngayon ay under scruntiny.



"Hindi mo ako binabayaran para maupo lang dito" sabi niya nang hindi na siya makatiis sa ginagawa nito.



"Nananadya ka ba?"



"What? I'm not doing anything" anitong wari ay inosente sa sinasabi niya. Pangiti-ngiti pa ito na parang nakakaloko.



Alam niyang pinaglalaruan siya nito at naiinis siya. Pero wala siya sa posisyon para magreklamo dahil tama naman ito, wala itong ginagawa sa kanya.



"You look lovely in your white uniform..."



Napabuntong hininga siya sa pambobola nito. Hindi niya napigilan ang sarili niya at napairap.



"Thank you"



Naaliw ang tawang pinakawalan nito sa reaksiyon niya. Lalo siyang nainis sa lantarang pagpapakita nito na pinaglalaruan siya.



"Lalo ka palang gumaganda kapag nagagalit" sabi pa nito.



"Hindi nakakatawa!" bulalas niya.



"Baka malabo lang iyang paningin mo"



"Wala pa bang nagsabi sa iyo na maganda ka?"



"Marami na"



Ngumiti ito nang makahulugan.



"Really?"



"Ano pa ba ang kailangan mo? Baka puwede na muna akong pumanhik sa kuwarto ko para ayusin ang mga gamit ko. Hindi ka naman pilay kaya puwede kang tumayong mag-isa, hindi ba? Hindi ko kailangang bantayan ang bawat kilos mo"



Tiningnan siya nito na para bang sinasabing napakarami pa niyang sinabi.



"All right..." mayamaya ay sabi nito.



"Ipapatawag na lang kita kay Yaya kapag may kailangan ako sa iyo"



"Salamat" sabi niya bago tumayo na mula sa kinauupuang monobloc chair.



"Chelsea..."



Bago siya tuluyang makalayo ay tinawag nito ang pangalan niya. Lumingon siya at nakita niyang seryoso na ang expression nito.



"Natutuwa akong ikaw ang mag-aalaga sa akin"



"Private nurse mo ako, Xerxes" sabi niya upang ipaalala rito ang trabaho niya.



"Ginagawa ko lang ang trabaho ko"

*****


Nang mapag-isa si Xerxes ay hindi niya maiwasang isipin si Chelsea. Hindi mapasusubalian ang pisikal na attraction nila sa isa't isa.



Chelsea reminded him of Suzy in some ways. Kapag nasa paligid ang dalaga ay pansumandaling nakakalimutan niya ang sakit.



"Tulungan mo ang sarili mong makabangon mula sa dalamhati, Xerxes" ang sabi sa kanya ng kinakapatid na si Kathryn.



Matutulungan siya ni Chelsea na maghilom ang sugat ng nakaraan. Pero sariwa pa iyon sa alaala niya. At ayaw niyang maging unfair sa dalaga.



Na-realize niya na naging impulsive siya nang itanong niya noon kay Chelsea kung posibleng mahalin nito ang isang tulad niya.



Siguro ay makabubuting hayaan na lang niyang ang panahon ang gumawa ng daan upang makatawid siya nang tuluyan sa pamimighati niya.





🌹🌹🌹
ABANGAN...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro