Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Four

🌹🌹🌹

Papaalis na sana si Chelsea nang hapong iyon. Nang maisipan niyang tingnan ulit si Mister X. Nanatili lamang ito naka-tanaw sa malayo ang mga tingin nito ng masilip niya.


Hindi na siya lumapit ro'n dahil may tumitingin nang nurse sa kanya. Matapos ng ilang sandali ay nagpasya na siya umalis ng ospital.


Pagsampa niya ng bus, umupo siya sa pangdalawahan sa dulo ng bus. Inayos niya muna ang sarili bago tumingin sa bintana.


Habang bumabyahe siya pauwi, naalala niya bigla si Mister X. Hindi niya lubos maisip na may hitsura pala ang inaalagaan. Si Mister X. Nahihiwagan rin siya sa pagkatao niyon.


Siguro kung hindi nangulit si Arazo sa kanya na ahitan si Mister X ay malamang hindi niya ito makita ang malinis at maaliwalas na mukha.


Napaisip tuloy siya kung ano ba ang nangyari nito, base na rin sa pagsusuri niya kay Mr. X ay malamang marami sigurong pinagdaanan. Sana man lang makausap niya talaga nang lubusan si Mr. X, sa ngayon para hirap pa rin kami sa pagsusuri sa kanya.

Napabuntong-hininga siya.

*****

Pagdating sa bahay ay sinalubong niya ang kanyang Ina. Nagmano siya rito.

" 'Nay, may iba pa bang pinag-lumaan na damit si Kuya?" tanong niya rito matapos ilapag ang dala niyang bag.

"Titingnan ko lang, anak" sagot nito bago pumasok sa kuwarto.

Sumunod si Chelsea sa kanyang inay papunta sa kuwarto ng kuya niya. Naguumpisa na rin siyang namili ng damit na luma. Mabuti naman at hiniwalay ng kuya nito ang luma at bago dahil hindi na sila mahihirapan maghanap.

"Aanhin mo ba itong mga lumang damit ng kuya mo?" mayamaya tanong ng inay niya.

Napahinto sa ginagawa si Chelsea nang umupo sa kama ang inay niya dala ang iba pang pinaglumaan ng Kuya Daniel niya.

"Ibibigay ko kay Mister X, 'Nay. Wala kasi siyang maisuot na damit" sabi niyang nakangiti.

"Iyong taong grasa na pasyente ninyo?" tanong nito.

"Opo. At take note, 'Nay, guwapong taong grasa. Inahitan siya n'ong nanay ng isa sa mga pasyente roon and voila! Lumabas ang kanyang tunay na anyo!" masayang pahayag niya sa kanyang inay. Nasisiyahan siya sa nangyari kanina sa ospital, lalo na kay Mr. X.

Natawa ang inay niya sa sinabi niyang iyon. Inilapag nito ang mga lumang damit sa lapag.

"Guwapo ba, 'kamo anak?" nakangiti itong tumingin kay Chelsea na hindi naniniwala sa sinabi.

"Opo, 'Nay. Hindi ka maniniwala. Iniisip ko tuloy, paano kaya siya nagkaganoon? Siguro, kung hindi siya taong grasa, papasa siyang modelo" bigla niyang naisip kung magiging modelo si Mister X malamang dudumugin si Mr. X ng maraming fans na gustong magpapicture sa kanya.

"Exaggeration!" Iiling-iling ang ulo ng kanyang inay sa mga sinasabi nito.

"Baka ma-in love ka riyan sa pasyente mo, ha? Careful, careful!" paalala niya rito sa kanyang anak.

Chelsea rolled her eyes at napa-tss ito. "Ang Inay naman. Curious lang ako. Bakit naman ako ma-in love d'on, haller?" ini-wave niya ang kanyang dalawang kamay na parang imposible ang sinasabi ng inay niya.

"Malay ko ba!" mayamaya nakibit-balikat ang inay nito.

"Mula nang maging pasyente ninyo iyang Mister X na iyan, lagi mo na siyang ikinukuwento sa akin. Ngayon naman, dadalhin mo ng mga lumang damit ng kuya mo" sabi ng inay nito

"Masama bang tumulong?" sabi niya na depensa sa sarili.

Pinaikot niya ang mga mata niya at ipinakita ang disbelief sa mukha niya.

"Para kayong si Arazo, iyong isang pasyente namin. Wala nang ginawa kundi buskahin ako" nguso niya na naalala ang makulit na pasyente sa ospital.

"Ikaw naman, hindi ka na mabiro" natawa na lamang ang inay nito sa kanyang inasta nito.

Ginulo nito ang buhok niya na nakagawian nitong gawin noong bata pa siya. Napapangiti na lamang si Aling Guada sa kanyang anak, marunong na rin tumulong nito sa ibang tao kahit sa kaunting bagay.

"Hindi masama ang tumulong, maliliit pa kayo ng kuya mo ay sinasabi ko na iyan sa inyo" ipinaalala ni Aling Guada ang mga sinasabi nito noong mga bata pa sila.

Napangiti si Chelsea, hindi naman niya nakaligtaan iyon ang mga pangaral ng inay. Iniladlad niya ang hawak na sando at tinantiya ang sukat niyon.

"Kasya ito sa kanya. Siguro, kapag tumaba siya, magkasingkatawan sila at magkasintangkad ni Kuya Daniel" inistimata niya ang sukat ni Mister X.

"Narinig ko ba ang pangalan ko?" narinig nilang tanong ng kuya niya.

Lumingon sila sa pinto at nakita niya itong nakasilip doon. Nakangiti itong pumasok nang tawagin ng nanay nila. Nakasuot pa ito ng jacket na may tatak na NBI sa likod.

"Ano ang gagawin ng maganda kong kapatid sa mga damit ko?" tanong nito sa kanya pagkatapos guluhin ang buhok niya.

"Kuya naman! Masisira ang aking hairdo!" reklamo niya rito.

Sinimangutan niya rin ito pero alam nitong nagbibiro lang siya. Napatingin siya sa orasan, maaga pa. Pero ang aga naman ng uwi nito.

"Maaga ka yata ngayon? Wala ka sigurong date, ano?" tinaasan niya itong isang kilay na tanong niya rito.

"Galing ako sa trabaho, bubwit!" natatawang bulalas nito at pinisil ang ilong niya.

"Araay! Kasi naman!" Umingos siya at parang batang nagsumbong sa ina.

" 'Nay, o!" nag-inarte siyang na parang iiyak.

"Para kayong mga bata" natatawang sabi na lang ng inay nila.

Nagtinginan sila ng Kuya Daniel at napabungisgis siya. Ang Kuya naman niya ay napangiti na lamang.

"Matatanda na kayo ay hindi pa rin nagbabago ang mga ugali ninyo. Kulitan kayo nang kulitan" napa iling na natatawa ang inay nito.

"Naku, 'Nay!" panimula niya. Umiiling-iling siya harap ng inay na parang nalalaman niya kung bakit ganoon na lang ang kuya nito.

"Siguro kapag nag-asawa na iyang si Kuya, kakalimutan na niya tayo. Ganyan lang siya ngayon kasi wala pa siyang sariling pamilya" ang pasaring na pahayag niya. Pero sa kalooban niya, malungkot kung mangyari iyon.

Sila na lamang ang magkapamilya magkakalayo pa. Nakakalungkot isipin na lumayo ang isang pamilya. Wala nang masasandalan kung kailangan ng isa.

"Sige, sulsulan mo pa si Nanay. Hindi mangyayari iyon kahit kailan" sabi nito.

"Promise?" biglang umaliwalas ang mukha niya.

Itinaas nito ang kanang kamay na animo nanunumpa sa harap ng hukuman.

"Oo, bubwit, kaya huwag ka ng mag-emot dyan hindi bagay sa iyo" sabi nito na natatawa.

Mayamaya ay hinubad nito ang jacket. Natambad ang baril nito sa holster na nakapulupot sa katawan nito.

"Ano ba ang gagawin mo sa mga iyan?" muling tanong nito nang mapatingin sa mga damit na ibinubukod niya sa karamihan.

"Ido-donate ko na lang kaysa manilaw sa taguan. Okay lang naman, di ba,Kuya?" ngiti niya rito.

"No problem. Basta ikaw, bubwit!" ginulo ulit ang buhok niya.

"Aish! Si kuya naman oh. Sira na itong hairdo ko!" busangot na naman siya. Nakukulitan siya sa ginagawa ng Kuya Daniel nito.

"Hay, naku, tapusin mo na nga iyan, Chelsea, at maghahain na ako ng hapunan. Sumunod na kayo, ha?"

Pagkasabi niyon ay tumayo na ang kanilang ina.

"Sabay-sabay na tayo" mayamaya sabi ng kuya niya.

Mabilis lamang ito nagbihis at lumabas ng kuwarto. Agad na rin sumunod si Chelsea sa kanila.

🌹🌹🌹
ABANGAN.....

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro