Chapter Five
🌹🌹🌹
"Wow naman! Bago ang damit ni Mister X. Mukha na siyang tao, ah" ang pang-aalaska ni Arazo nang makita niyang binibihisan si Mister X.
Hindi na lang pinansin ni Chelsea ang pambubuska ni Arazo. Ipinagpatuloy nila ni Aling Nora ang pagbihis kay Mister X. Nang ang shorts na ang isusuot dito ay hinayaan na niyang ang nakatatandang babae ang gumawa niyon.
Nang araw na iyon ay muling tsinek ng mga doktor ang kalagayan ni Mister X. Mabuti na ang kalagayan nito kaya tinanggal na ng mga doktor ang oxygen.
"Puwede na siyang uminom at kumain" ani Dr. Layos, isa sa mga nagsusuri at nagsagawa ng operasyon kay Mr. X.
Tinanggal niya ang Nothing Per Orem sign na nakadikit sa paanan ng kama nito.
"The problem is, kaya ba niyang kumaing mag-isa? Mukhang tulala pa rin, eh" ani Dr. Villarin, napansin ng doktor na malayo ang tingin.
"Let's hope na magsalita na siya ngayon" anas ni Dr. Layos na positibong mangyari iyon.
"Kinakausap nga namin lagi, Doc" sabi ni Aling Nora na nakikiusyoso.
"Baka sakaling magsalita" sabi nito.
"Sige, kausapin lang ninyo" anang Dr. Layos at sang-ayon rin ang ibang doktor na nagsuri kay Mister X, bago sabay-sabay nang lumabas ang mga ito.
Nang makalabas na ang mga doktor at nurse, nagpaiwan muna si Chelsea roon. Natutuwa siya sa mga positibong nangyari kay Mister X. Pero may kulang, ang makapag salita na ito.
"Magsalita ka na, Mister X" sabi niya habang nakangiting naktitig sa mukha nitong blangko sa ekspresyon.
"Natatandaan mo na ba ang pangalan mo?" ang mahina niyang sabi kay Mr. X.
"Oo nga naman, magsalita ka na. Ano ba'ng nangyari sa iyo?" tanong ni Aling Nora.
"May pamilya ka pa ba?" ulit na tanong nito.
Pero wala pa rin silang nakuhang sagot o reaksiyon mula rito.
*****
Nang sumunod na araw ay late na dumating si Chelsea sa ospital dahil nasiraan ang jeep na sinakyan niya. At dahil rush hour ay nahirapan silang mag-transfer sa ibang sasakyan. Alas-otso na siyang nakarating doon.
"Hindi pa nga pala kumain iyan, Nurse Chelsea" sabi ni Aling Nora nang mag-rounds na siya. Si Mr. X ang tinutukoy nito.
"Pinapakain namin, pero hindi kumikibo. Susubukan mo kayang pakainin? Baka kapag ikaw ang nagsubo, eh, kumain" sabi ni Aling Nora. Mababakas sa mukha ang pag-alala kay Mister X.
Itinabi niya ang pang-BP at thermometer at kinuha sa ibabaw ng cabinet ang gelatin at malamig nang sabaw na rasyon nito. Hindi pa ito maaring kumain ng matigas at marami kaya iyon lang muna ang pagkain nito.
"Kain na, Mister X" sabi niya at sinubuan ito.
"Open your mouth.....ah....."
Ibinuka niya ang kanyang bibig upang gayahin nito. Nakita niyang napatitig ito sa kanya. Iyong titig na nakakakilala. Tingin pa nga niya ay pinagtatawanan siya ni Mister X dahil sa pagbuka niya sa bibig niya.
"Kain" sabi niya, seryoso.
Nakakaunawa ba ang lalaking ito at pinaglalaruan lang sila?
"Kain..." ulit niya.
Pagkalipas ng ilang sandaling nakatitig lang ito sa kanya, sa wakas ay ibinuka nito ang bibig.
"Ah....ngumanga ka" sabi niya
Ngumanga nga ito. At kumain.
Tuwang-tuwa si Aling Nora at ang ibang bantay roon nang maubos ni Mister X ang jelly gulaman at ang sabaw. At least, nalaman nilang nakakaintindi ito.
"Gutom lang pala kaya hindi kumikibo, eh" sabi ni Aling Nora.
"Tubig...." mayamaya sabi ni Mister X, na garalgal ang boses.
"O, nagsasalita na!" bulalas ng babae.
"Tubig daw, tubig!" sigaw pa nito ng isang nababantay roon.
Maging siya ay napangiti nang kunin ang bote ng mineral water na iniabot ng isang bantay para kay Mr. X. Pinainom niya ito bago muli itong nahiga sa kama.
Bago siya umalis ng ospital nang hapong iyon ay sinilip pa niyang muli si Mr. X para alamin kung nakikipag-usap na ito sa mga tao roon. Pero maliban sa salitang tubig ay wala na raw ibang katagang namutawi sa bibig nito hanggang sa mga oras na iyon sabi ni Aling Nora.
*****
"Mukhang malalim ang iniisip ng magandang kong kapatid, ah. Tungkol ba sa trabaho mo sa ospital?" ang tanong nito sa kanya.
Alas-nuwebe na at nagpapahangin si Chelsea sa balkonahe nang lumapit sa kanya ang Kuya Daniel niya. Kapapasok lang ng inay nila sa kuwarto. Nauna na itong matulog dahil masama raw ang pakiramdam.
"Tungkol sa maraming bagay..." sabi niya at tinanggap ang tasa ng kapeng iniabot nito.
"Salamat" ngumiti siya. Inaamoy niya ang aroma sa kape. Somehow she felt calm.
"Ikaw, Kuya, bakit hindi ka pa natutulog?" mayamay tanong nito.
"Hindi pa ako inaantok. Kuwentuhan muna tayo. Matagal-tagal na rin nating hindi nagagawa ito-----nagkakape sa balkonahe habang nagkukuwentuhan" magiliw sabi ng kuya niya.
"Na madalas nating gawin noong nabubuhay pa ang Itay, hindi ba?" sambit niya na nagpaalala ang mapait chapter ng kanilang buhay.
"Dito sa bahay, siya naman kasi ang mahilig sa kape" sabi ni Kuya Daniel na sumilay ang ngiti na inaalala ang nakaraan.
Napangiti sila sa pag-alala sa nakaraan. Nakapanghihinayang na maagang kinuha ng Diyos ang itay nila. Wala na yatang babait pa rito sapagkat mula nang magkaisip sila ay uliran na ito. Ganoon nga yata ang buhay. Kung sino ang mabait ay siyang maagang sumasakabilang buhay.
"Isang linggo na lang pala at matatapos na ang pagiging volunteer mo sa East Avenue. Balak mo raw umuwi sa probinsiya para magbakasyon?" untag nito sa ilang sandaling katahimikan.
"Sinabi pala sa iyo ni Inay?" sabi niya rito. Sumisimsim rin siya ng kape paunti-unti.
"Oo. Tinatanong niya ako kung puwede akong magbakasyon kasama ninyo pero alam mo naman ang trabaho ko" biglang nalungkot ito.
"Nauunawaan ko iyon, Kuya" sabi niya rito. Hindi naman talaga madali ang trabaho ng Kuya Daniel niya at naiintindihan niya ito kung sakali hindi ito makakasama sa kanila.
Pumatlang ang katahimikan.
"Sa isang araw nga pala, may ipakikilala ako sa inyo ni Inay. Siguruhin mong wala kang lakad sa isang araw, okay?" malawak ang mga ngiti pinapakita nito sa kanya.
"Babae?" hula niya rito. Kapag ganoon ang ngiti ng Kuya Daniel niya ay alam niyang may kinalaman sa trabaho o babae.
Pinagmasdan niya ang magiging reaksiyon nito. Unang pagkakataon iyon na narinig niyang may ipakikilala ito sa kanila.
"Oo"
Ngumiti ito.
"Isang magandang babae" ang pahayag nito sa kanya.
"Mas maganda pa sa amin ni Inay?" taas niyang kilay na tanong.
Kung isang magandang babae ang maging nobya nito ay malamang masama rin ang ugali. Pero sa tingin niya naman, hindi mamimili ang Kuya niya ganoon ang ugali.
"Hindi naman. Kasingganda lang ninyo" sabi nito.
Humigop siya ng kape bago nag-isip na muling inusisa ito.
"Bakit mo ipakikilala sa amin? Mag-aaasawa ka na ba?" tanong niya.
"Hindi pa. Malayo pa iyon. Gusto ko lang makilala ninyo si Kathryn"
*****
Kinabukasan ay dinagdagan ni Chelsea ang baong sandwich nang hindi nalalaman ng inay niya. Ibibigay niya ang isa niyon kay Mr. X dahil kumakain na ito. Tiyak na magsasalita na ito kapag natikman ang pinakamasarap na chicken sandwich na gawa ng inay niya.
Pagdating niya sa ospital ay nadatnan niyang naka-elevate ang kama ni Mr. X at pasandal itong nakahiga roon. Patingin-tingin ito sa paligid pero nang makita siyang papalapit ay tumitig itong muli sa kisame.
"Good morning, Mister X" sabi niya
"Kunin ko uli ang BP mo, ha?" nagpaalam siya rito bago kumuha ng BP.
Napansin niyang wala na ang urine bag na nakatali sa gilid ng kama nito.
"O, tinanggal na pala nila ang catheter mo?" ngiti niyang sabi rito.
Hindi ito sumagot at lumingon lamang sa kanya. Kinuha niya ang BP nito at muli ay normal iyon. Nang matapos siya pagkuha ng BP ay inilabas niya ang sandwich sa bulsa niya.
"Dinalhan kita ng sandwich" sabi niya nang ilapag iyon sa ibabaw ng cabinet malapit sa ulunan nito.
"Masarap iyan"
"Inoperahan na si Arazo kagabi at nasa recovery room ngayon. Kung nandito iyon, tiyak na tutuksuhin ka na naman niyon" sabi ni Aling Nora nang lumapit sa kanya.
"Binilhan ko siya ng mainit na tubig dahil tumango nang tanungin ko kung gusto niya ng kape"
Pagkasabi niyon ay tinimplahan nito ang isang balot ng instant coffee sa tasa.
"O, may tinapay ka rito, ha" ani ni Aling Nora nang mapansin ang isang balot na tinapay.
"Nagsasalita na ba siya, Aling Nora?" tanong niya rito.
"Hindi pa rin. Pero tumatango na at umiiling kapag tinatanong namin. Magandang senyales na iyon, 'di ba?" ang pahayag ni Aling Nora na masayang binalita sa kanya.
"Oho" sabi niya.
Ngumiti siya at tumitig sa mga mata ni Mr. X na nakatitig din sa mukha niya nang mga sandaling iyon. Napakunot-noo siya nang mabakas sa mga mata nito ang emosyon. Nalalaman na ba ni Mr. X ang nangyayari sa kapaligiran nito?
🌹🌹🌹
ABANGAN.....
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro