Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Fifteen

🌹🌹🌹

"Itong kuwartong ito ang ipinahanda ni Sir para madali ka raw niyang matatawag kapag may kailangan siya" anito na sabi ni Yaya Iseng sa kanya nang makapasok sila sa isang kuwarto.



Iginala ni Chelsea ang paningin sa apat na sulok ng kuwarto. Napipinturahan iyon ng puti at asul at mas mukhang study room kaysa kuwarto para sa bisita.



Sa isang tabi ay tila out of place ang isang pandalawahang kama na puti ang kubrekama. Sa kabilang sulok ay naroon ang isang swivel chair at study table kung saan nakapatong ang isang desktop computer. Makikita rin sa bahaging iyon ang built-in bookshelf na naglalaman ng sarisaring libro.



Agad niyang napansin ang pinto sa kaliwang bahagi ng kuwarto. Nang buksan ni Yaya Iseng ang pinto ay nalaman niyang daan iyon patungo sa master's bedroom.



"Adjoining room ito, study room ni Sir" paliwanag nito sa kanya.



"Puwede mo naman itong i-lock para may privacy ka"



Pagkatapos nitong ituro sa kanya ang mga dapat niyang malaman---kung saan ang mga switch ng ilaw, kung saan ang banyo at kung alin ang cabinet na puwede niyang paglagyan ng mga damit niya---ay iniwan na siya nito roon.



Kinuha niya ang traveling bag niya na inilapag ni Mang Kanor malapit sa paanan ng kama at inilipat niya sa cabinet ang mga laman niyon. Ang puting bag na kinalalagyan ng nurse kit niya ay ipinatong na lang niya sa ibabaw ng cabinet.



Nang mailipat niya ang mga gamit niya ay nahiga siya sa kama at ipinahinga ang nangalay na likod.



Pumikit siya at huminga nang malalim. Ilang oras pa lang siya sa mansiyon ay nararamdaman na niyang handa siyang gawin ang lahat alang-alang kay Xerxes.



Nang magmulat siya ng mga mata ay nahagip ng paningin niya ang maliit na kuwadrong kasama ng mga libro sa bookshelf. Bumangon siya at lumapit upang tingnan iyon.



Nakita niya roon ang larawan ni Xerxes kasama ang mag-ina nito. Mas bata si Yana sa picture na iyon kaysa sa portrait nito at ni Suzy na naka-display sa sala. Suzy was lovely, iyong gandang katulad ng sa aktres na si Marian Rivera. Sa tingin niya ay may foreign blood ito.



At tama si Kathryn, magkahawig sila ni Suzy. Iyon ang una niyang napansin nang makita niya ang portrait ng mag-ina sa sala sa unang pagpasok niya sa mansiyon.



"Chelsea...?"



Nagulat siya nang marinig ang boses ni Xerxes. Para siyang batang nahuling nang-uumit ng candy sa garapon nang pasimple niyang ibalik sa bookshelf ang picture frame.



"M-may kailangan ka, Xerxes?" tanong niya nang humarap ito.



Nakatayo itong nakahilig ang isang balikat sa frame ng pintong patungo sa master's bedroom.



"I just want to know if you're comfortable" sabi nito at humakbang palapit sa kanya.



"It used to be my study room. Habang nandito kabay ito na muna ang magiging kuwarto mo"



"Ipinaliwanag na sa akin ni Yaya Iseng"



Hindi niya alam kung para saan ang kabang naramdaman niya sa pagkakalapit nila ni Xerxes.



"I don't feel well..." kaswal na sabi nito kaya hindi niya alam kung nagdadahilan lang ito o nagsasabi ng totoo.



Upang makasiguro ay pinaupo niya ito sa swivel chair. Kinuha niya ang abg niya sa ibabaw ng cabinet at inilabas ang stethoscope at sphygmomameter. Kinuhanan niya nga blood pressure si Xerxes at nalaman niyang nagsasabi ito ng totoo.



"One hundred fifty over ninety" sabi niya rito.



"Makakabuting mahiga ka na muna"



Inihatid niya ito sa kabilang kuwarto at inalalayan hanggang sa kama. Dinoble niya ang unan upang bahagyang nakataas ang ulo nito.



"Nahihilo ka ba?"



"No. Parang namamanhid lang ang batok ko..." anito habang pilit hinuhuli ang mga mata niya.



"Nagpadala na ako kay Yaya ng pineapple juice"



Hindi nagtagal ay pumasok sa kuwarto si Yaya Iseng dala ang mataas na baso ng pineapple juice.



Sinabi niyang siya na ang bahala roon kaya agad ding lumabas ito. Ipinainom niya ang juice kay Xerxes habang nakatayo siya roon at hinintay ang susunod na sasabihin nito.



"Stay with me..." sabi nito nang iabot sa kanya ang baso na napangalahati nito ang laman.



Inilapag niya iyon sa ibabaw ng night table.



"Saan naman ako pupunta? Hindi ako aalis sa tabi mo hangga't hindi mabuti ang pakiramdam mo"



"I know..." anitong may lungkot sa mga mata.



"Ginagawa mo lang ang trabaho mo"



Hindi siya sumagot upang huwag nang humaba ang usapan. Pakiramdam niya ay sinabi iyon ni Xerxes para mag-react siya.



"Don't leave..." sabi nito at hinawakan ang kamay niya nang humakbang siya palayo sa gilid ng kama.



"Hindi ako aalis. Kukuha lang ako ng silya" sabi niya.



Hindi niya alam kung matatawa sa reaksiyon nito. Ngumiti ito at binitawan ang kamay niya. Hinila niya ang silya na nasa isang tabi at naupo roon.



"Kailangan kong i-monitor ang BP mo every thirty minutes. Saka lang kita iiwan kapag mabuti na ang pakiramdam mo, okay"



"Thank you, Chelsea..."



Tumango siya at nagkunwaring pormal nang sa gayon ay seryosuhin siya nito.



Nang tumahimik si Xerxes ay nagkaroon siya ng pagkakataong pagmasdan ito. Ibang-iba ang anyo nito sa lalaking inalagaan niya sa ospital. Bagaman hindi pa ito lubusang nakaka-recover sa mga pinagdaanang hirap ay mas maayos na ito kaysa noon.



Naramdaman niyang lalong tumitindi ang attraction niya kay Xerxes. Napakaguwapo niyo ngayon.... malinis, mabango. And she was falling....



"Why are you staring at me like that? Hindi ako si Brad Pitt"



Nagulat pa siya nang ma-realize niyang nakatingin na ito sa kanya. Napahiya siya na nahuli siya nitong nakatitig dito.



Agad niyang ibinaling sa ibang direksiyon ang mga mata niya pero iniunat nito ang braso at inabot ang mukha niya, urging her to look back at him.



Ayaw niyang paniwalaan ang damdaming nakita niya sa mga mata nito nang magtama ang kanilang mga paningin. Napapikit siya nang haplusin nito ang kanyang pisngi.



Ayaw niyang magpatangay sa nararamdaman niya. Posibleng ang nakikita nito nang mga oras na iyon ay si Suzy at hindi siya.



Nasa proseso ito ng pagpapagaling sa sugat na nilikha na pagkamatay ng mag-ina nito. Pitong buwan pa lang ang nakararaan. He was lonely. Nag-iisa. Nangangailangan ng karamay.



Papayag ba siyang maging panakip-butas kung sakali.



"Help me forget, Chelsea..." anitong malakas lang nang kaunti sa bulong.



"Kailangan kita"



"Nandito ako para alagaan ka, Xerxes. Iyon lang ang maipapangako ko sa iyo"



"Because it's your job..."anitong mahihimigan sa tinig ang pagkadismaya.



"You're here to do your job"



Gusto niyang sabihing higit pa roon kung bakit naroroon siya. Na ang pag-aalaga niya ay walang katumbas na halaga. Bayaran man siya o hindi ay tatanggapin niya ang trabaho.



Pero pinili niyang manahimik ay hayaan si Xerxes na paniwalaan ang iniisip nito.



"Normal na ang blood pressure mo"



Ibinalik ni Chelsea sa bag ang stethoscope at sphygmomanometer pagkatapos kunang muli ng blood pressure si Xerxes.



"Puwede ka nang matulog. Magpahinga ka na"



"Puwede kang matulog sa tabi ko"



"Nagbibiro ka ba?" Tinawanan niya ito.



"Wala ka nang ginawa kundi biruin ako"



Napabuntong hininga ito bago ngumiti na tila tinanggap na hindi siya makukumbinsi nito.



"Goodnight, Chelsea"



"Good night"



"Your safe with me, don't worry" anitong nang tumalikod na siya.




🌹🌹🌹
ABANGAN....

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro