Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Eighteen

🌹🌹🌹

Eksakto sa araw na iyon ay isang taon na mula nang huling makita ni Chelsea si Xerxes. Iyon ay nang araw na umalis siya sa mansiyon ng mga Anderson.



At dalawang linggo lang pagkaraan ay nalaman niya kay Kathryn na nagtungo sa Amerika si Xerxes upang doon magpagamot. Alam niyang iyon na rin ang paraan nito upang makalimot ito.



Nawalan sila ng komunikasyon sa loob ng isang taon at pitong buwan nagdaan. Hindi siya kinontak nito. Kay Kathryn lang siya nakakabalita paminsan-minsan. Hanggang sa nakahiyaan na rin niyang magtanong.



Inisip niyang marahil ay nakakita na roon ng iba si Xerxes kaya dapat na rin niyang kalimutan ang pangako niyang hihintayin niya ito.



Sa kasalukuyan ay nagde-date sila ni Mark at natutuwa siyang tanggap nitong nais lang muna niyang makipagkaibigan. Hindi siya nito pine-pressure sa kung ano talaga ang status ng relationship nila.



Sa ngayon ay nag-a-apply siya patungong Canada, sa hospital kung saan nagtrabaho na si Kelvin. Tinutulungan siya nito at si Lovern. At habang hinihintay nilang maaprubahan ang kanilang application ay patuloy ang kanilang pagboboluntaryo sa mga government hospital.



Katatapos lang niya sa duty niya sa Ospital ng Manila noong isang linggo at pinilit na muna niyang magpahinga tutal malapit na ang Pasko. Nakaplano nang uuwi sila sa Tanay, Rizal kasama si Kathryn dahil gustong-gusto ito ng lolo at lola nila.



Nang sumunod na araw ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Lovern, tinatanong siya kung maaari siyang maging private nurse ng lola ng kaibigan nito.



"Limang araw lang, girl. Habang nandito lang sa Pilipinas iyong matanda. Babalik din sila sa Amerika a week before Christmas. Marami raw kasing inaasikaso iyong anak at mga apo kaya kailangan ng magbabantay at magpapainom ng gamot on time"



"Wala akong ganang magtrabaho sa ngayon, Lovern. Mas gusto ko na lang muna rito sa bahay"



"Sige na, tanggapin mo na. One hundred dollars daw ang ibabayad sa iyo. Malaki rin iyon. Hindi mo na poproblemahin ang pamasko para sa mga inaanak mo"



"Bakit hindi na lang ikaw?"



"Naka-duty pa ako nang isang linggo rito sa Lung Center. Kailangang makompleto ko iyon"



"Ayoko"



"Sige na, para sa akin. Naka-oo na ako sa kaibigan ko, baka magtampo iyon."



"Bakit mo ako isinubo hindi mo pa nga ako tinatanong? Humanap ka na lang ng iba riyan"



"Nakita na niya ang resume mo at nagustuhan ka niya. Sige na, girl. Pumayag ka na"



Sa pangungulit ni Lovern ay napapayag din siya nito.


*****


Kinabukasan ay isinama siya nito sa isang subdibisyon dito sa Quezon City at ipinakilala sa sinasabi nitong kaibigan. Mabait at palakaibigan ang ngiti ng babaeng gustong kumuha sa serbisyo niya. Ang matandang babaeng aalagaan niya ay hindi naman mukhang alagain.



"She's my Tita Lourdes. She had suffered from stroke a year ago kaya may maintenance siyang gamot na iniinom. Kailangan mo lang siyang samahan dito at painumin ng gamot sa tamang oras. Ayokong basta ipagkatiwala siya sa mga katulong, eh" ani Miss Aimee.



"See? Madali lang ang trabaho mo, 'di ba?" excited na sabi ni Lovern.



"Paano mo ba naging kaibigan si Miss Amiee?" tanong niya kay Lovern nang ihatid na niya ito sa gate.



"Huwag mo nang itanong. Alam mo namang marami akong connections, nagtataka ka pa? Sige, aalis na ako"



"Okay. Ingat ka, ha?"



Nang umalis ito ay binalikan niya sa lanai ang kanyang magiging amo.



"Pasensiya na po, inihatid ko lang sa labas si Lovern"



"It's okay. Siyanga pala, aalis muna ako at isasama ko si Tita Lourdes. Siguro, maiwan ka na lang muna rito"



"Ho?"



Gusto niyang sabihing bilang private nurse ay trabaho niyang bantayan ang pasyente niya kahit saan magpunta iyon.



"You stay here, okay? Babalik kami in an hour"



"S-sige ho" sabi niya na hindi na nakipagtalo.



Desisyon nila iyon, bahala sila. Ayaw pa ba niya, hindi siya mahihirapan?



Pagkaalis ng mga ito ay sinamahan siya ng katulong sa magiging kuwarto niya.



"Hindi ba guest room ito?" nagtatakang tanong niya.



"Hindi kaya nagkakamali ka?"



"Ito po ang kuwartong sinabi ni Ma'am sa amin"



"Pero...."



Nagpasya siyang huwag nang makipagtalo. Ano ba naman ang nalalaman ng kawaksi? Sumusunod lang ito sa utos ng amo niya.



Nang maiwan siyang mag-isa ay iginala niya ang paningin sa kuwarto. Kahit saan niya ituon ang paningin ay pink ang kulay na nakikita niya. It was her favorite color. Coincidence lang kaya iyon?



There was also a bouquet of fresh flowers on the night table. Humahalimuyak sa apat na sulok ng kuwarto ang bango niyon.



Humiga siya sa kama at nagulat pa siyang napakalambot niyon. Parang sa kama ng isang prinsesa. Siguro nga ay napakayaman ng pamilyang nakatira doon.



Hindi pa siya natatagalan sa pagkakahiga niya nang kumatok na muli ang kawaksi.



"Ma'am Chelsea..."



"Bakit?" tanong niya rito nang buksan niya ang pinto.



"Ipinapatawag po kayo ni Sir"



"Sir? Sinong sir?"



Ang alam niya ay si Ma'am Aimee at si Ma'am Lourdes lang ang amo niya roon. Walang nabanggit na may kasama roon "Sir" ang dalawa.



"Si Sir po. Hinihintay niya kayo sa study room"



Magtatanong pa sana siya pero mabilis nang mawala sa harap niya ang kawaksi. Kunot ang noong tinungo niya ang study room na nasa hallway na madadaanan patungo sa lanai.



"Sir, ipinatatawag daw ninyo ako?" tanong niya nang makapasok siya roon.



Pinagbuksan siya ng pinto ng kawaksing sumundo sa kanya at iginiya siya papasok doon bago agad na ring lumabas ito.



"Take a seat" sabi ng lalaking nakaupo patalikod sa kanya.



Mataas ang executive chair kaya hindi niya makita ang bulto nito. May kung anong pamilyar sa timbre ng tinig nito.



"Take the box" sabi nito na parang nakita ang pagtataka sa mukha niya nang makita niyang nakapatong sa uupuan niya ang isang kahon na may pulang ribbon.



"Open it" sumunod na sabi nito nang ilapag niya sa mesa ang kahon.



"Ho? Bakit ko bubuksan?"



"Because I told you so?"



Weird, sabi ng isip niya, gayunman ay tumalima siya sa utos nito.



"What's inside the box, Chelsea?"



Napakunot-noo siya nang makita ang ilang piraso ng lumang damit ng kuya niya. Iyon din ang mga damit na ibinigay niya kay Xerxes noon!



"Paano napunta ito rito?"



Sa puntong iyon ay humarap ang lalaki sa kanya. At hindi siya makapaniwala kung sino iyon.



"Xerxes...."



Wala siyang masabi dahil parang ayaw gumana ang utak niya. She was shocked. Hindi siya makapaniwalang nasa harap niya ang lalaking laging laman ng isip niya.



Tumayo ito mula sa kinauupuan at lumapit sa kanya. Ikinulong nito sa mababangong palad nito ang mga pisngi niya. Nalanghap niya ang musk colone na gamit nito. Naamoy niya ang mabango nitong hininga.



"Xerxes, ikaw nga..."



"Ako nga ito, mahal ko" nakatawang sabi nito at hinagkan siya sa mga labi niya. Isang mabilis na halik na may kalakip na pananabik.



"K-kaninong bahay ito? Sino iyong kanina...?"



"Aimee is my cousin. Kapatid ng mama ko si Tita Lourdes, iyong mama niya. Kinuntsaba ko sila at si Lovern para lang magkita uli tayo"



"You never called up... isang taon at kalahati iyon, Xerxes. Akala ko'y kinalimutan mo na ako. Inisip kong nakahanap ka na ng iba roon"




"Kaya ba nakikipag-date ka na sa iba?" pabirong tanong nito.



"Magkaibigan lang kami ni Mark, I swear..."



"Wala kang dapat ipaliwanag sa akin. Alam ko namang hindi mo ako ipagpapalit sa iba. Tiniyak ko iyon nang araw ma muntik na kitang maangkin." He grinned.



"I bet hanggang ngayon ay naalala mo pa iyon..."



"Ay, bastos!" bulalas niya at pabirong hinampas ito sa braso.



"Ang gusto kong malaman ay kung ano ang mga nangyari sa iyo habang naroon ka sa Amerika"



"Marami akong ikukuwento sa iyo, mahal ko. At nakahanda akong ikuwento sa iyo ang mga detalye. But it could wait. Sa ngayon ay kailangan nating umalis dahil naghihintay na sila sa Resto"



"Resto? Sila?"



"Ngayon ang araw ng aking pamamanhikan. Pormal kong hihingin ang kamay mo kay Nanay Guada"



"What? Anong mamamanhikan? Niligawan mo na ba ako? Hindi ko yata natatandaang sinagot kita. At teka, wala pa akong balak mag-asawa, eh"



"Talaga? Kung ganoon, hahanap na lang ako ng iba---?"



"H-hindi! I mean, naguguluhan kasi ako"



"Huwag ka nang maguluhan, mahal ko"



Kinuha nito ang kamay niya at dinala sa dibdib nito.




"I am feeling something wonderful inside. And it started when I first looked at you. Noong una kong mapansing napakaganda ng iyong mga mata at napakalambing ng boses mo. Pero kinailangan nating magkalayo para sa ikabubuti nating dalawa. At ikaw na ngayon ang aking nakikita, hindi na si Suzy. Ngayong sigurado na ako sa sarili ko, siguro naman ay hindi mo na ako tatanggihan"



"Xerxes.....I feel something wonderful, too. Noong tumitig ako sa mga mata mp at makita ko ang lumbay, I knew then, natagpuan ko na ang lalaking mamahalin ko habang-buhay"



"Oh, Chelsea....binuhay mong muli ang puso ko"



"At hindi ako magsasawang mahalin ka hanggang sa huling hininga ko, Xerxes. I love you... I've waited for you"



Nang sandali itong kumawala sa pagkakayakap sa kanya ay napaungol ito.



"Bakit?" tanong niya nang makita sa mga mata nito ang paghihirap ng kalooban.



"Sa palagay ko'y makapaghihintay pa naman sila....ano sa tingin mo, mahal ko?"



"Bakit? May iniisip ka ba?"



Kumabog ang dibdib niya nang makita ang pagnanasang malinaw na mababakas sa mukha nito.



"I am thinking of something else..." sabi nito at anuman iyon ay ibinulong na lamang nito sa kanya.



"Loko!"



Pabirong hinampas niya ito sa braso.



"Ikaw na nga ang nagsabing naghihintay na sila. Bakit kung saan mo pa ako dadalhin?"



"Okay. Makapaghintay naman ako" pabirong sabi nito kaya natawa na lamang si Chelsea.



Tinawagan nito ang driver kaya paglabas nila ng mansiyon ay naroon na ito at naghihintay sa tabi ng isang Ford Expedition. Naupo sila sa backseat habang hindi pa rin siya makapaniwala na naroon na nga si Xerxes.



Wala pang trienta minutos ay narating nila ang naturang lugar. Sa kanto niyon sa harap ng napakalawak na park ay nakatayo ang isang napakagandang restaurant na mukhang esklusibo lamang iyon sa mga mamayang tao. It was a third floor resto na may iba't ibang klaseng pananim. Para siyang mala-fairytale ang style dahil maganda ang desenyo at ambiance nito.



Sa araw na iyon ay wala ni isang tao na makikita. Sa palagay niya ni-rent ito ni Xerxes. Bumaba sila ng sasakyan at iginiya siya nito paakyat sa ilang baitang na hagdan papanhik sa entrada.



"Ang tahimik naman dito, Xerxes"



"Don't worry, safe ka naman sa akin at saka papunta na sila dito"



Akala ni Chelsea nandito na ang hinihintay nila, ngunit wala pala. Tiningnan niya ito nang pisilim nito ang palad niya.



"Handa na akong ikuwento sa iyo ang lahat-lahat sa buhay ko, Chelsea" anito.



"At dito ko gagawin iyon. Habang tayong dalawa lang. Gusto kong tuluyang pakawalan ang nakaraan at magsimula ng bagong buhay kasama ka"



Dahan-dahan sila sa pag-akyat sa hagdan, nagpapahinga pansumandali.



Finally ay nakapanhik sila sa ika-tatlong palapag ng resto. Lumabas sila sa may rooftop at ganoon na lang gulat niya nang makitang ginayakan iyon para sa isang party!



Kahit saan niya ibaling ang kanyang paningin ay bouquets of fresh, colorful roses ang nakikita niya. Humahalimuyak ang bango ng mga bulaklak, nagpapadagdag sa romantic feeling na binubuhay niyon sa damdamin niya.



There were chairs and tables ready. Sa ibabaw ng mga mesa ay mga bulaklak pa rin at scented candles na sinindihan na. Sa isang tabi ay nakahanda na rin ang mga pagkain sa buffet table. Mga tao na lang ang kulang.



"Ano'ng ibig sabihin nito, Xerxes...?"



"They're already waiting her, Chelsea. Nandiyan lang sila sa tabi-tabi at naghihintay na tawagan ko sila para saluhan tayo. But I want to enjoy this moment with you. Sabihin na nilang makasarili ako....I'm sure they would understand"



Bago pa niya maunawaan kung ano ang ibig sabihin ni Xerxes ay pumailanlang na mula sa kung saang hidden speaker ang isa sa mga awiting pinasikat ng Air Supply:"Two Less Lonely People In The World"



Hinawakan nito ang kamay niya at niyaya siyang sumayaw. Hindi niya napigilan ang damdamin niya, ang outpour ng emosyon. Napaluha siya nang magsayaw sila ni Xerxes.



"Hindi ko pa naranasan ang ganitong kaligayahan sa buong buhay ko, Xerxes...." sabi niya at napahikbi.



His lips sealed her sentiments. Hinagkan siya nito nang buong tamis na para bang iyon lang ang nais nitong gawin nang mga sandaling iyon. Himinto sila sa pagsasayaw at niyakap nang mahigpit ang isa't isa.



"I love you so much, Chelsea. Binuhay mong muli ang pag-asa at pag-ibig sa puso ko. Maybe it was destiny that brought me to you. Kung hindi ako dinala sa ospital na iyon ay hindi kita makilala. Minsan na akong nawalan ng tiwala sa Diyos, minsan ko na Siyang sinisi dahil hinayaan Niyang mamatay sa car accident ang mag-ina ko....pero ngayon, nagpapasalamat ako sa Kanya dahil ibinigay ka naman Niya sa akin"



"Xerxes....wala akong masabi sa iyo kundi mahal din kita..."



"That's all I need to hear, Chelsea...sa araw-araw ng buhay ko, mula sa sandaling ito hanggang sa aking huling hininga"



"I love you..."



Ngumiti siya bago nagkusang kintalan ng halik ang mga labi nito. Ang mga kamay niya ay nasa mga balikat nito.



"I love you, Xerxes..."



"I love you, too, Nurse Chelsea....I love you"



At nagpatuloy sila sa pagsayaw sa saliw ng love song.




















E.N.D

Hi Guys,

       Thank you for supporting this story. Sana po palagi nyo sanang basahin paulit-ulit. Huwag nyo po sanang kalimutan i-Vote at Comment po. Malaking bagay po iyon sa'kin.
         Salamat sa nagsubaybay ng kwentong ito. ^__^
         I hope you guys still keep supporting all Publish story her..

Thank you guys!!! ♡♡♡

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro