START
Prologue**
"Ano ba Bach, palagi na lang bang ganito ha?! May balak ka pa bang magtino?" Gigil na sabi sa'kin ni Papa habang kumakain ako. Padabog pa niyang nilapag sa lamesa 'yung notice paper na pinadala ng principal sa kanya.
Hinayaan ko lang siyang sermunan ako dahil wala naman siyang alam sa totoong nangyari sa'kin.
"Kailan mo balak magtino? Palagi na lang akong pinapatawag sa guidance dahil d'yan sa mga binubully mo." Ramdam ko ang pagtitimpi ni Papa sa'kin pero binabalewala ko lang.
Kung nandito si Mama, hindi ako magiging ganito.
"Hon, huwag ka naman gan'yan sa anak mo. Alam kong may rason bakit siya ganyan." Nagpintig ang tainga ko sa narinig ko.
Umeeksena na naman ang paepal.
"Alis na ko." Walang ganang paalam ko subalit imbis na paalisin ako ay hinablot ni Papa 'yung kuwelyo ng uniform ko.
"Wala ka na ba talagang respeto? Kinakausap pa kita tapos tatalikuran mo ko? Bach, bastos ka na ba talaga?!" Mariing sigaw niya. Napapikit pa ako dahil sa lakas ng pagkakasabi niya.
"Pa, sorry. Kailangan ko na talagang umalis. Mala-late na ko." Kahit na inis na ako pinilit ko pa ring maging kalmado. Kahit anong gawin ko tatay ko pa rin siya.
Huminahon naman si Papa at tinanggal na ang kamay niya sa kuwelyo ko. Bumuntong-hininga ako saka ako umalis ng bahay.
Pagkarating ko sa school. Sinalubungan agad ako ng kaibigan ko.
"Bach! Ano na? Cutting tayo." Nakangiting salubong sa'kin ni Warren saka siya umakbay sa balikat ko.
"Wala ako sa mood, pre." Ngumiti ulit si Warren saka ako tiningnan.
"May problema ka ulit sa bahay niyo? Teka, hulaan ko. May notice paper ka ulit?" paninigurado niya at tumango lang ako.
"Hayst. Actually, napagalitan din ako ng Daddy ko dahil d'yan pero hinayaan ko na lang. Magkakasagutan lang kami kapag pinatulan ko, e." kuwento niya habang naglalakad kami sa hallway ng school.
Hinayaan ko siyang daldalin ako hanggang sa makarating kami sa classroom. Pumasok kami at tahimik na umupo sa upuan namin.
"And this is the formula..." Hindi ko na kinaya yung antok ko. Nakatulog ako habang nagkakaklase 'yung Math Teacher namin.
Nagising ang diwa ko dahil sa panggigising ni Warren sa 'kin. Hihirit pa sana ako ng tulog kaso binatukan niya ako.
Punyeta 'to ah. Tama bang batukan ako?
Syempre, bumawi ako sa kaniya. Binatukan ko rin. Tumawa lang ang gunggong.
"Ang sakit ng ulo ko sa 'yo, Warren." reklamo ko habang iniinda 'yung sakit ng pambabatok niya.
Tumawa lang siya sa akin saka ginulo ang buhok ko. Sa inis ko, tiningnan ko siya ng masama pero ngumiti lang siya sa akin. Hindi ko na siya pinansin kasi mas mapipikon lang ako. Ininat ko na lang 'yung dalawang braso ko na nanghihina dahil sa pagkakatulog ko sa arm chair.
"Alam mo Bach, may bagong transferee raw bukas." dagdag kuwento niya na naman.
"Oh, saan daw galing?" Takang tanong ko.
"Sa semi-private school daw at balita ko babae!" Nakangising sagot niya.
As usual, mahilig po talaga si Warren sa mga babae at walang bago ro'n.
"Tingin mo, maganda kaya 'yun o hindi? Sana maganda!" Wala sa sariling komento niya habang nagi-imagine.
Minsan, naiisip kong nababaliw na siya dahil sa pagi-imagine niya ng gan'yan. Kaya masarap siyang sampalin sa katotohanan, e.
Blanko ang mukha kong pinuntahan 'yung canteen. Nagugutom na ko at kailangan ko ng kumain.
Tulad ng inaasahan, maraming babae na naman ang umaligid sa 'kin pero ni isa sa kanila wala akong pinansin. Wala akong pakialam sa kanila basta kailangan kong makabili ng pagkain.
"Hanga talaga ako sa karisma mo, pre. Walang makakatalo sa 'yo." Ngumiti lang ako sa sinabi ni Warren. Sabay naming kinuha 'yung binili naming pagkain.
"So, iyong transferee na sinasabi mo. Bukas pa siya papasok sa school natin?" tanong kong muli kay Warren habang kumakain ng sandwich.
"Oo." Tumango pa si Warren bilang sagot.
"Teka nga. Nasa kalagitnaan na tayo ng school year 'di ba? Mabuti, tumatanggap pa rin 'yung school natin ng mga transferee." komento ko na sinang-ayunan ni Warren.
"Oo nga 'no? Siguro kasi may valid reason 'yung transferee kaya pinayagang lumipat dito?" Alanganing sagot niya na tinanguan ko.
"Siguro nga," nasabi ko na lang.
"Anong pangalan pala, alam mo?" dagdag tanong ko ulit.
"Saglit, alalahanin ko." Hinintay kong maalala ni Warren 'yung pangalan.
"Ano nga ulit. . . 'yun! Brianna Leya Seruth full name no'ng transferee." Kumunot ang dalawa kong kilay sa sinabi niya.
Seruth?! Bakit parang pamilyar sa 'kin?
Hanggang sa mag-uwian kami sa klase ay iniisip ko pa rin kung bakit pamilyar sa 'kin 'yung apelyidong, Seruth. Hindi ko matandaan ko kung paano, saan at kailan ko narinig 'yun.
Bukas. Makikita ko 'yung transferee na 'yun.
Magkikita tayo, Brianna Leya Seruth.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro