Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

M3mMNstory


Just want to share this random thought na naiisip ko sa tuwing nakatingin ako sa story ranking nitong Mr. Third meets Ms. Nerdy.


Sa tuwing nakikita ko tong ranking naiisip kong pwede pa siyang mabago kasi syempre may mas magagandang stories pa out there kaya hindi ko siya masyadong binigyan ng pansin noon, not until now. Since April 25 hanggang ngayon May 30, 2020 ito pa rin ang ranking niya and I'm very proud sa narating ng book ko na to. Even though this is not my first book na nagawa ko at natapos, still nakakaproud kasi tingnan mo yung ranking niya ohh! Hindi pa rin ako makapaniwala na ganyan story ranking ng book na gawa ko. Uwuuu nakakaoverwhelm sa feeling grabe.

Syempre stay humble pa rin tayo dahil tulad ng iba, I still need to improve my writings kaya ikaw kung nagbabasa ka nito ngayon I'm hoping na makapagbigay ako ng inspiration sayo kasi tulad mo nung nag-uumpisa palang ako dito (sa wattpad) wala naman akong readers e. (Pramis, bilang ko lang sa daliri ko ang mga nagbabasa sa story ko) Alam mo bang kapag naka10 reads na ang isang story ko ay tuwang tuwa na ko? Ganun ako kacontented sa mga librong nagagawa ko. Plus nalang siguro kung naging 100 reads ang 10 reads kong book at super duper plus nalang kung umabot siya ng 1k+.

Sabi nga nila PATIENCE lang at totoo naman. Hintayin mong mag-improve ka pero dapat willing kang magpadevelop kasi itong journey ko sa pagsusulat hindi lang ito yung nagbabago sakin kasi pati personality ko nagbabago rin.

To tell you honestly, lumaki ako sa paghihintay. Lahat ata ng bagay na mayroon ako ngayon ay bunga ng paghihintay ko e pero habang naghihintay, nagpapatuloy ka dapat at syempre may ginagawa ka rin para magbunga ang mga bagay na hinihintay mo. Kaya ikaw kung nag-iisip kang magku-quit ka nalang sa mga gusto mong gawin magdalawang isip ka muna. Dahil hindi natin alam ang mararating mo kapag nagkataon na pinili mong magpatuloy.

So yun, nagdrama lang talaga si Unnie Author niyo eh kasi naman. Yung story ranking nitong Mr. Third meets Ms. Nerdy nakakaamaze ih.

Basta guys, don't stop dreaming, always choose to do what you love to do. Don't quit the passion that you have, just let that talent to unleash inside of you (lol tama ba english hahaha) kasi ikaw at ikaw ang magdadala sa sarili mong tagumpay balang araw.

Halabyuuuu all thank you kasi binasa mo tong random thoughts ko. Stay safe! Be Healthy and Continue Writing hehe :>

Nagmamahal,
At patuloy na nagmamahal

Unnie Author
*PinkARMY1095

Your Silent Fan Writer,
Park Min Bin ><

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro