Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 7 ❤

° Chapter Seven:
The Girl who I liked the most °




Thirdivin's POV






Sabado ngayon at walang pasok! Sinadya kong tanghali ako magising.



"Bach? Bach?" Nagising ako dahil sa pagkatok at pagtawag sa pangalan ko. Nanliliitan ang mga mata kong tiningnan kung sino yun.



Marahan niyang binuksan ang pinto ng kuwarto ko at maaliwas ang mukhang nilapitan niya ako sa kama ko.

Tsh, siya lang pala.




Tumalikod ako sa kanya at nagtalukbong ng unan sa mukha ko.



"Bach. Kakain na. Bumaba ka nalang kapag nagugutom ka na ah? Kailangan na naming umalis ng Papa mo." Malumanay niyang paalam sakin. Naramdaman kong hinawakan niya ang kumot ko at inayos nya yon.




"Sige. Alis na ko." Paalam niya ulit saka umalis sa kuwarto ko.




Bumugtong hinga ako saka inayos ang sarili ko. Babangon na sana ako sa kama ko pero biglang sumulpot si Taky.



Teka parang gusto kong matulog ulit.




"Thirdiiiiii!" Malakas ang boses na tawag niya sa pangalan ko. Binuksan niya yung pinto ng kuwarto ko at walang paalam na pumasok. Tinakpan ko agad yung dalawang tenga ko dahil sa lakas ng boses niya. Tinawanan naman ako ni Taky dahil sa ginawa ko.




Agad niya akong pinuntahan sa kama at gigil na niyakap. Napilitan akong ngumiti dahil sa ginawa niya.





"Sobrang namiss kita Thirdiii." Humiwalay na siya sakin ng yakap saka nagpout sa harap ko. Umupo siya ng maayos sa tabi ko.



"Ang aga mo mamwisita." Komento ko saka ko mas ginulo ang magulo ko nang buhok.



"Grabe ka naman sa best friend mo! Ganyan ka na ba talaga? Wala na ba talaga akong halaga? Nakakaiyak naman Thirdiii." Pagdradrama niya sa harapan ko na tinawanan ko lang.




Nagdecide na kong bumangon na sa kama. Bahagya kong ginulo ang nakaayos na buhok ni Taky. Nainis naman siya sa ginawa ko.





"Alam mo bang ang hirap mag-ayos ng buhok ha?! Tapos guguluhin mo lang. Nakakainis ha!" Parinig niya sakin. Hinayaan ko siyang ayusin yung ginulo kong buhok niya.






Nagpunta na akong banyo para maghilamos at magsepilyo at pagkatapos ay nakita kong tinitingnan ni Taky yung mga picture frames na nakalagay sa long side table na nakalagay sa gilid ng kuwarto ko.






Nilapitan ko siya at pasimpleng tiningnan yung picture na hawak niya. Napangiti ako dahil sa nakita kong picture frame.






"Siya pa rin ba yung gusto mo Thirdi?" Takang tanong niya habang nakatingin sa picture.






"Oo. Walang papalit sa kanya. Wala akong balak na palitan siya." Sinserong sagot ko. Napatingin sakin si Taky at nakita ko kung paano niya ako sinang-ayunan.








That's a picture of me and Krimielly Camiel Kaze. She's my first love. First love na first heartbreak din. Until now, aminado akong siya pa rin yung babaeng pinakagusto ko. Kahit na alam kong may sarili na siyang love life ngayon, kahit na hindi niya ako pinili nuon still alam ko sa sarili kong mahal ko pa rin siya hanggang ngayon. And I'm very thankful to Taky kasi siya yung nandyan nung feeling ko wala na akong kasama, mas lalo na nung iniwan ako ni Krimi.











By the way, her full name is Takie Lore Camyzayk and Taky is her well known nickname. Actually, to tell you honestly she's my first crush. First crush na ang lakas ng loob na ifriendzone ako. Pero thankful ako dahil sa ginawa niya. Kasi until now she still my girl best friend and I like how she treat me, not only as a friend but also as her brother. Kinakapatid niya ako actually hahahaha! Mabait siya, maganda, masaya siyang kasama, madaldal at malakas ang boses kaya medyo nakakarindi minsan but the best thing that she have is that, she's so understanding. Mas lalo na sakin, napaka-understanding niya.




Nawala ko sa isip ko at napatingin sa katabi ko, bigla kasi siyang nagsalita.



"Teka. Bakit pala ganun pakikitungo mo kay Tita?" Tanong niya ulit pero hindi ko siya sinagot.




"Bakit ba nandito ka ha?" Balik tanong ko saka ko kinuha ang frame na hawak niya. Binalik ko yun kung saan niya kinuha.





Nagtaka si Taky dahil iniwasan ko yung tanong niya. Alam kong curious siya pero hindi ko pa talaga kayang ikuwento ngayon yung tunay na dahilan.






"At bakit?! Masama bang bumisita ha?!" Pagtataray niya na tinawanan ko lang. Mabuti marunong siyang makisabay sa trip hahahaha!





"Pero seryoso, bakit ka napabisita ngayon dito sa bahay namin?" Tanong ko kay Taky habang inaayos ko yung sarili ko sa salamin.




Tumingin siya saglit sakin tsaka siya umakting na parang napaisip.




"Wala lang. Sabado ngayon eh. Baka lang gusto mong gumala." Parinig niya sakin. Nagtama ang paningin namin sa salamin, ngumiti kami sa isa't isa.




Alam na, HAHAHAHA!




"Gagala lang pala e. Basta libre mo, okay ako." Natatawang sabi ko dahilan para magsalubong ang dalawang kilay ni Taky. Taka niya akong tiningnan sa salamin.






"Ang daya mo ah! Ikaw na nga tong pinuntahan dito tapos ganyan ka pa sakin. Umaasa pa naman ako sa libre mo." Natawa ako ulit dahil bigla siyang nagdrama ulit sakin.






Hay nako Takie Lore. Pasalamat ka kaibigan talaga kita ts.





"Oo na. Kawawa ka naman kayo lilibre ko na, okay ka na?" Nakangising sabi ko na nginitian niya ng pagkalapad lapad.






Ganyan talaga siya kapag napagbigyan hahahaha!






"Umalis ka na muna sa kuwarto ko. Magbibihis ako para makaalis na tayo." Utos ko na sinunod niya agad.






Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili ko ay lumabas na ako ng kuwarto ko. Medyo natawa pa nga ako dahil naabutan kong kumakain si Taky sa salas namin. Grabe siya kumain. Punong puno yung bibig niya.





"Grabe, nagutom ka na agad? Halatang hindi muna kumain bago lumayas sa bahay ah." Parinig ko kay Taky pero ngumiti lang siya sakin. Uminom na siya ng tubig at saka lumapit sakin.





"Tara na?!" Hindi pa man ako nakakasagot sa sinabi niya ay tuluyan na niya akong hinila papunta sa kotse niya.




"At saan mo naman balak magpunta?" Tanong ko habang nagmamaneho siya.




"Ahm. Edi sa kinagawian HAHAHAHA! TIMEZONE!" Masiglang sabi niya na nginitian ko lang.





Mahaba habang bonding ulit ito kasama si Best friend!





Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro