Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 6 ❤️

° Chapter Six: A Day of Disaster °

Brianna's POV




Lumabas na ako sa cr. Sinigurado kong walang Third o kahit Bach na anino sa paligid. Naglakas ng loob na kong pumunta sa hallway na pupunta sa canteen.



Bwiset na Thirdivin yun! Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya't naging ganyan na siya ngayon. Dati naman hindi siya ganun e. Hindi siya nambubully. Hindi na siya yung Third na gusto ko dati. Dahil ibang iba yung Third ngayon.


Habang nasa daan ako papunta sa school canteen ay may katangahan akong nagawa.




Bakit ba kasi iniisip ko yung Thirdivin na yun tsh.





Hayan tuloy nakabangga ako habang naglalakad.




"Sorry, Sorry." Agad akong humingi ng tawad sa nakabunggo ko. Bahagya pa akong yumuko sa harap niya.




"Tsh! Tatanga-tanga kasi!" Inis namang singhal nito sakin. Nagtaka naman ako dahil pinagtawanan ako nung mga nakakita sakin.


Nakakatawa ba yun?!



Napakamot ako sa ulo ko dahil sa inasal nila sakin.



Ganito ba talaga yung mga mga tao dito? Parang ang laki ng kasalanan ko. Malaking kasalanan na ba ang may makabangga ngayon? Sabihin niyo? Kasalanan na ba iyon?






Haayys. Ramdam kong nasa sakin yung tingin ng mga tao sa paligid. Pakiramdam ko pinagmamasdan nila ako at pwede nila akong atakihin anytime kapag may mali akong kinilos.





Ang weird kasi para akong may stalker sa tinginan nila.




Tinuon ko nalang sa daan yung paningin ko at di sinasadyang matapilok ako.

Nadapa ako at--

Nasalo niya.




Napalunok ako dahil sa puwesto namin. Nakayakap siya sakin, nakalagay yung kamay ko sa dibdib niya at parehong tinitigan ang isa't isa. Saglit akong napatigil sa paghinga ko dahil dun. Naramdaman ko agad yung paglundag ng puso ko.



Third? Bakit. Bakit ka naging ganito?





Pinanliitan ko siya ng tingin. Pero napilitan agad yun. Inis ko siyang tiningnan dahil biglang nagflashback sa utak ko yung mga ginawa niya sakin. Sinadya kong tinulak siya palayo sakin tsaka ako patakbong lumayo sa kanya.





"Boset! Bwiset!" Inis kong singhal sa sarili ko habang nagpapadyak ng mga paa.









Bakit sa dami rami ng pwedeng sumalo sakin ay SIYA PA!?





Nagtuloy tuloy ako sa paglalakad hanggang sa may mga humarang sakin at--




"Ano ba!" Sigaw ko sa mga babaeng nakapalibot sakin. Hawak ako ng dalawang babae sa balikat ko. Pinilit nila akong yumuko hanggang sa maladlad sa sahig yung mga tuhod ko.


Inangat ko ang ulo ko at inis na tiningnan ang mga babaeng nakapalibot sakin. "Ano bang kailangan niyo ha?!" Pasigaw kong tanong sa kanila. Ngumisi lang ang mga babae sakin.




Napapikit ako dahil bigla akong sinambunutan nung babaeng nasa harapan ko.




Aray, masakit ah!




"Akala mo ba, hindi namin nakita yung scene niyo ni Bach kanina?" Mahina munit may ibig sabihin na sabi nung medyo matangkad na babae. Siya yung nanambunot sakin. Sa gigil niya, hinawakan niya rin ang panga ko saka niya pinitpit.







"Kung ako sayo. Lalayo ako kay Bach. Kasi... Hindi mo magugustuhan ang mangyayare pa sayo kapag dumikit ka pa ulit sa kanya at wag na wag mong sasaktan ang mahal naming Bach dahil hindi lang to ang matitikman mo." Pagbabanta niya na diniinan pa ang pagkakahawak sa buhok ko. Tinitigan pa niya ako. Napalunok ako dahil dun.







Mga baliw na fans pala to ni Third. Tsh. As if namang lalapitan ko yung bida bida na yun.








PALAGI NIYANG SINISIRA ANG ARAW KO!







"Tara na girls. Okay na yan. Tinulak lang naman niya si Bach, siguro naman tatanda na yan." Utos nung nanambunot sakin na sinunod nung dalawang babae na hinawakan ako sa balikat. Padabog nila akong binitawan at tinulak pahiga sa sahig.








Nainis ako sa sarili ko dahil sa nangyaring to. Hindi ko dapat hinayaan ang mga babaeng yun na pagbantaan ako. Sa inis ko, hindi agad ako nagpunta sa classroom. Pumunta na muna ako sa lugar kung saan ko iniiwan yung bike ko. Tago yun kaya sigurado akong walang makakapansin kung saan ko yun nilalagay pero--

(0-o)



Lumaki ang mata ko sa nakita ko,

WAAAAAAH!!

ANYARE SA BIKE KO?!





Pakiramdam ko maiiyak na ako sa sobrang inis. Mas nainis pa ko nung makita ko ulit yung sticker na dinikit ni Third sa noo ko kahapon. Ngayon nakadikit naman ito sa upuan ng bike ko.



3rd warning?




Malamang SIYA na naman ang may gawa neto.




Lagi nalang siyang naglalagay ng ganyang sticker sakin at SOBRANG HINDI NA NAKAKATUWA! Itong buong araw na to ay puro kamalasan sakin! Yung Third na yun ang PASIMUNO sa lahat ng nangyayari sakin sa school na to!






Grabe na siya! Ginagalit talaga nila ako ah.






Sa magkahalong pikon, inis at galit ko ay binuhat ko yung bike ko at saka hinanap yung sumira nun.







Humanda talaga sila.



PØNYETA!! SOBRANG NAKAKAINIS NA.





FINALLY. Nakita ko rin sila sa isang liblib na part nung malawak na court. Nakita ko silang masaya na nagkukuwentuhan. Tiningnan ko sila ng masama habang papunta ako dun.


As in SOBRANG SAMA.






Nakita ko pa nga ang isang gulong ng bike ko na nilalaro nila. Huminga ako nang malalim saka ako naglakas loob na magpunta sa harap nila. Ibinalibag ko sa harapan nila yung bike kong walang gulong! Ang mahal kong bisikleta na sinira nila.






Paano na ako uuwi mamaya e ang layo pa ng bahay ko?!







At dahil sa biglang pagbalibag ko ng bike sa harapan nila ay nakuha ko ang atensyon nila. Napatigil din sila sa pakikipagdaldalan at saka nila ako tiningnan. Inis ko silang tinitigan isa isa.










"PAANO NA AKO UUWI KUNG SINIRA NIYO NA YUNG GINAGAMIT KO PAUWI? Ha?! MGA BWISET KAYO! Sirang sira na yung araw ko. Wala naman akong maalala na ginawan ko kayo ng masama ah?! Bakit niyo ako penepesti ng ganito! Ano? Masaya na kayo?! FINALLY nagalit na ko, finally nakaganti ka na. Masaya ka na Third?!" Tuloy tuloy kong reklamo sa kanila. Nanggigil na ko e.







Eto naman ang gusto niya diba?! Ang magalit ako.







At dahil sa inis ko ay kinuha ko mula sa bulsa ko yung 3rd warning sticker na nakita ko kanina sa bike ko. Inis kong nilukot iyon saka binato sa ulo ni Third. Kasalanan mo ito! Kasalanan niyo itooo!






Dahan dahang iniangat ni Third yung ulo niya tsaka ako tiningnan ng deretso. Tiningnan ko siya pabalik. Pinanliitan ko siya ng mata ko pinilit na pakalmahin ang sarili ko kahit na alam kong gustong gusto kong sumabog na.







Pagkatapos ng eksena ko doon ay nagwalk-out na ako!





Sa gilid ng mata ko ay nakita ko ang pagtayo ng mga alepores ni Third pero pinigilan niya sila na sugurin ako.






Ts. May naiisip na naman sigurong paraan ito kaya di muna ako ginantihan.







Bahala na. Kailangan kong makasurvive sa school na to. Wala nang atrasan to.





Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro