Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 5 ❤️

° Chapter Five: The Pasimuno °





Third's POV


Kinabukasan.
Masigla akong pumasok sa school. Napansin ng mga kasama ko yung ganda ng mood ko ngayong araw.


"Naks. May ibang aura si Bach ngayon ah." Komento ni Noel na nginitian ko.



"Maganda gising nito Seven hahahaha!" Kuwento naman ni Warren kay Seven na naglalaro ngayon ng mobile legends.




Hindi ko sila pinansin sa mga comments nila sakin. Nagscroll ako sa facebook at may naisip ako.



May chinat akong admin ng isa sa mga fans ko na may facebook page. Sinabihan ko sila na ipost yung video na pinakuha ko kahapon at nakita kong sinunod naman nila yung sinabi ko.



Ngayon tayo magsisimula ng laro kay Nerdy Nerd.




Ngumisi ako sa naisip ko at saka ako nagdecide na pumasok na. Habang nasa daan ay nakita kong may mga nagdikit ng poster sa wall nung court na nilalakaran ko.




Teka. Ang panget naman ni Nerdy sa picture.




Nilapitan ko pa to para mas malinaw kong makita. Nang makita ako nung mga nagdidikit nung posters ay bigla silang nagsitakbuhan palayo sakin.

Mga duwag tsh.





"Woy. Ikaw ah. Ano to Third?" Takang tanong sakin ni Noel. Napapikit pa ko dahil sa biglang pagtanong niya.


Nagulat ako kasi bigla siyang sumulpot sa gilid ko habang nakatingin sa pictures. Kamuntikan ko pa siyang mabatukan dahil sa ginawa niya.



"Pinapakalat nila yung nangyari kahapon." Wala sa sariling nasabi ko. Tumango lang si Noel sakin.


"Dinikitan ko siya ng sticker mo e. Actually, ngayon ka nalang ulit nagdikit ng warning. Ngayon puntirya na siya ng mga bullies pati yung mga taong nagkukunwaring bullies." Kuwento ni Noel na sinang-ayunan ko.



Tama siya. Dahil sa ginawa ko, mas darami ang mga taong mantri-trip sa babaeng yun.


Hinayaan ko na yung posters na halatang edited. Nakita kong sumunod na rin sakin sila Warren at Seven. Sabay sabay kaming naglakad at kapag sinusuwerte ka nga naman.




Nakita kong ngumiti si Nerdy habang nakatingin sa phone niya. Napatingin siya samin at nakita ko kung paano mag-iba yung buong mukha niya. Ngumisi ako sa kanya.




Dito palang tayo magsisimula, Nerdy Nerd.




Hindi ko na siya tiningnan pa. Tumuloy na kami papunta sa classroom. Ilang minuto pa ay nakarating na kami dun. Nakita kong inis na pumasok si Nerdy at padabog na umupo sa katabi kong upuan. Tumawa ako dahil sa ekspresyon niya.






"Ano Nerdy Nerd hindi mo pa rin ako kilala?!" Nakangisi kong tanong na pinanliitan niya ng tingin. Pareho kaming nakaupo sa upuan namin.






"Hindi! At wala akong balak na kilalanin ang isang gaya mong bully!" Inis niyang sabi.







Abaaa. Ayoko sa lahat yung sinisigawan ako.







Nainis ako sa kanya kaya nung nakita kong kinalikot niya yung phone niya ay hinablot ko agad yun. Inis niya akong tinitigan.







"What? Gusto ko lang namang magpakilala sayo e. Leya..." Plastic akong ngumiti sa kanya.





Halatang hindi niya ako nakilala.





"Ts. Bakit sino ka ba?" Pagtataray niya.




Sinasabi ko na nga ba hindi na niya ako kilala. Pwes, ipapaalala ko sayo.





Ngumisi ako saka ko nilapit ang bangko ko sa upuan niya. Taka ko niya akong tiningnan.





"Ahm, I'm Bach Thirdivin Simeon. You're old friend Leya." Kumunot ang noo niya sa sinabi ko.






Imposibleng makalimutan niya ang isang katulad ko HAHAHAHA!


Napakaimposible talaga.






Ngumiti ako nang mapalad sa kanya. Tinitigan ko siya at dahan dahang nilapit ang mukha ko sa mukha niya. Nagulat siya sa ginawa ko kaya tinulak niya ako. Ngumisi ako sa kanya saka ko binalik ang upuan ko sa dating puwesto. Nakamasid pa rin ako sa kilos niya kahit na may guro na kami. Iniwas niya yung tingin sakin saka tumitig dun sa libro na nasa lamesa niya.






Nung magrecess ay nagmadali si Nerdy na lumabas ng classroom kaya hinablot ko agad yung jacket niyang pula. At dahil dun kaya napabalik siya sa loob ng classroom. Tinaas ko ang hoodie niya at pinilit na hinarap sakin. Pumikit siya saka nagbugtong hininga. Pinanliitan niya akong tingin.




"Bakit Third?" Taas kilay niyang tanong.




"Medyo matagal na rin Nerdy Nerd. Baka gusto mong makipagkuwentuhan sa old friend mo?" Parinig ko saka ko siya tinitigan. Nakipaglaban din siya ng titigan sakin.


Kagaya pa rin nga siya ng dati.






"Ayoko. Bakit ako makikipagkuwentuhan sa kagaya mong bully. Ts." Singhal niya saka siya magwalk out.






Hahabulin ko pa sana siya pero nawala siya agad sa paningin ko.




Asan naman kaya nagpunta yung babaeng yun?!








Hindi ko na siya hinanap pa. Sumabay na ako kila Warren na pumunta sa school canteen at habang nasa daan ako papunta dun ay may di ako inaasahan na mangyari.




Nakita kong sinadya siyang banggain nung lalaking dumaan dun sa hallway na papunta sa canteen ng school namin.



Binalewala ko yun. Not until nung pinatid siya nung babaeng nakasaldal sa pader. Unexpectedly siyang nadapa at--


Nasalo ko siya. Sumakto yung pagkadapa niya sa pagdating ko.




At dahil doon, napatingin ako sa mga mata niya. Bahagya pang lumaki ang mga mata ko sa gulat. Nakatitig kami sa isa't isa. Malapit ang mukha namin pareho. Ngunit nawala yun nung bigla akong tinulak ni Nerdy. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makalayo siya sakin.



Dahil sa pagtulak niya, may naisip ulit akong gawin sa kanya.


Nagbago ang dereksyon ko, este dereksyon namin. Embis na papunta kami ng canteen ay pumunta nalang kami kung saan dinadala ni Nerdy ang bike niya.





Napansin ko kasi kung saan niya dinadala yun at nalaman ko na iyon pala ang lagi niyang ginagamit pauwi at papasok dito sa school.



Hmmm... Anong gagawin ko dun?! Syempre tulad ng lagi kong ginagawa sa mga baguhan.


Ang mantrip.




Ipinatanggal ko ang gulong ng bicycle niya saka dinikitan ng 3rd Warning.



Nakakainis kaya siya, sa totoo lang. Yung tipong akala mo napakatapang niya hindi naman. Ayaw ko pa naman sa mga taong nagpapatapang tapos kapag nasa harapan na duwag naman.




Nang matapos na ang pantri-trip namin ay pumunta na kami sa tambayan namin.



Nakakawalang ganang pumasok.



Nagdecide nalang kami na tumambay sa tambayan namin sa school. Tuwang tuwa naman yung mga kasama ko kasi hindi kami papasok.

Hinayaan ko nalang na makatulog ako dun.





Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro