Chapter 30 💗
° Chapter XXX:
A Love Warning? °
Thirdivin's POV
Oo na, nagulat ako dahil bigla kaming nahulog sa isa't isa sa malamig na sahig. Hindi ko kasi alam na pati katangahan nitong Nerdy Nerd na to e dala hanggang dito sa kuwarto ko.
"S-sorry." Nautal kong wika na tinulungan pa siyang makatayo.
Nagpagpag ng damit si Nerdy pagkatayo niya at bago pa man siya makalayo sakin ay agad kong hinawakan ang kamay niya at hinila siya paupo sa kama ko.
Wala sa sariling niyakap ko siya.
"Anong ginaga--" Agad kong pinutol ang pagsasalita niya.
"Saglit lang. Ganito kasi ginagawa ko sa sarili ko pag nahihilo ako." Depensa ko. Hinayaan niya namang yakapin ko siya.
Subalit wala pang ilang minuto ay agad na naman siyang nagsalita, "Teka nga, naghahanap ka lang ata ng mapagtri-tripan e." Huminga ako ng malalim sa bintang niya. Kumalas siya sa yakap ko at agad na lumayo sakin.
"Tingin mo ba mapagtri-tripan pa rin kita? Nanghihina na nga buong katawan ko, ts." Singhal ko na ininda pa ang pagkabinat ko. Grabe naman kasi manghina katawan ko.
"Eh bakit ka nga nangyayakap dyan." Patanong niyang saad na medyo ikinainis ko.
Bakit ba kasi siya yung pinadala si Takie tsk.
"Do I really need to explain it to you? Ts. Nasanay lang akong ginagawa ko yun sa Nanay ko." Mariing paliwanag ko. Nakita kong tumango siya sa sinabi ko.
"Ah. So ginagawa mo yun kay Tita--"
"No. Not her. She's just my stepmom. Wag ka na ngang magtanong dyan. Umalis ka nalang." Nanghihinang sabi ko saka ako nagbalot ng kumot. Binalik ko ang katawan ko sa pagkakahiga ko sa kama.
Ilang minuto ang lumipas narinig ko ang yabag ng kaniyang mga paa palayo sakin.
Marahan kong sinilip si Nerdy Nerd na ngayon ay nag-aayos ng tray na pinagkainan ko kanina lang. Nakita kong lumabas na siya ng kuwarto ko pagkatapos ko siyang pagsalitain.
Bakit parang nakonsensya ako? Hindi ko ba dapat siya sinabihan ng ganun? Paano kung umalis na siya talaga?
Hays. Hindi talaga ako kakain kapag galing sa maids yung pagkain ko ts. Ayoko. Natrauma na ko dun kaya ayoko na talaga at ang parents ko lang ang nakakaalam nito.
Nung bata pa kasi ako, I have this kind of maid na syempre babae tas close kami, as in na tipong gusto ko siyang kasama lagi. Gusto ko siyang kalaro, siya yung madalas naghahatid-sundo sakin sa school at madalas kong kasama kapag wala sila Mama at Papa sa bahay.
I fully trusted that maid, not knowing na isa siya sa mga taong magiging dahilan para mapahamak ako.
May pinakain siya sakin na isa sa mga paborito kong ulam dati, menudo. Kinain ko iyon, naalala ko pa kung gaano kasarap yung pagkakaluto niya.
After kong kumain nun, biglang dumilim ang paligid ko. Later I was knew na nasugod ako sa hospital. Grabe yung galit nina Mama at Papa sa paborito kong maid dati. Doon ko nalaman na binalak akong patayin nung maid na yun sa pamamagitan ng paborito kong pagkain, may nilagay daw itong seasoning sa pagkain ko na pwede ko raw ikamatay kung sakali, ayon ang sabi nila sakin.
"Anong iniisip mo dyan?" Nawala ako sa isip ko nung biglang pumasok si Nerdy sa kuwarto.
Akala ko umalis na siya, hindi pa pala.
Lihim akong ngumiti dahil sa naisip ko. Mabuti naman hindi siya umalis.
"Wala. Akala ko umalis ka na."
"Kung pwede lang e kaso hindi. May konsensya naman ako Thirdivin." Mariing paliwanag niya na hindi ko naman maintindihan yung ibig sabihin.
"I see..." Simpleng reply ko na bahagya pang umiwas ng tingin.
"Teka lang. Seryoso? Hindi ka nagalit?" Nanlililit ang mga matang tanong niya sakin dahilan para mabaling na naman sa kanya yung atensyon ko.
"Huh? Bakit naman ako magagalit?" Takang tanong ko na saglit pang tumingin sa mukha niya.
"Hindi ba ayaw mo ng tinatawag kang Thirdivin?" Ah kaya pala.
"Ahm. Okay lang naman, basta ba ikaw lang magtatawag sakin ng ganun." Nanliit na naman ang mga mata ni Nerdy. She's cute actually.
"Seryoso ka ba dyan? Bakit feeling ko trip na naman to... pati yung kagabi--"
"Totoo yun." Literal na napaawang ang bibig niya sa direktang sagot ko.
"Ha? Eh paanong magkakagusto ka sakin e ikaw nga tong-- teka nga, akala mo ba makakalimutan ko yung mga pinaggagawa mo sakin ha?" Nagpamewang naman siya saka ako tinitigan.
"Oo. Alam ko naman yun, kaya nga gusto kong bumawi. Pero seryoso yung sinabi ko sayo kagabi, seryoso akong gusto kita sa maniwala ka man o hindi." Sinserong ani ko na tinitigan siya pabalik.
"Baka kaya mo lang nasasabi yan kasi nakokonsensya ka? Nakokonsensya ka kasi ang dami mong ginawang masama sakin." May punto siya pero iba kasi yung nakokonsensya ka sa gusto mo talaga yung tao diba?
Alam ko sa sarili kong, "I really do like you. Hindi ko lang inaamin. That day na binalik ko yung bike mo, doon palang nararamdaman ko na." Mariing paliwanag ko na hindi niya mapaniwalaan.
"But its weird--"
"Yes. Sobrang weird." Dugtong ko sa dapat na sasabihin niya.
---
Pagkatapos naming mag-usap ni Nerdy Nerd ay pinauwi ko na siya. Malapit na rin kasing gumabi kaya sinabihan ko na siyang umuwi na. Pinahatid ko naman siya sa driver ni Taky.
Ewan ko ba kung bakit ganito yung pakiramdam ko ngayon. Feeling ko kasi gumaling ako sa sakit ko though madalas umaabot pa talaga ito ng isang linggo kahit na sinat lang ito. Kasi aminado naman akong pasaway ako mas lalo na sa pag-inom ng gamot para gumaling pero mabuti nalang dahil nagsabi si Taky sakin na papapuntahin niya si Nerdy Nerd. Atlis dahil sa pagpunta niya dito sa bahay kahit pano eh gumaling naman ako.
Nakaupo ako ngayon, kasalukuyang nakatingin dito sa bintana ng kuwarto ko. Madilim na ang langit. Rinig na rinig ko ang pagtulo ng tubig mula sa kalangitan, malakas ang ulan. Mabuti talaga nakauwi na yung babaeng yun.
Nagdecide ulit akong magpunta sa kama ko subalit habang papunta ako ay biglang nagring ang phone ko sa study table na katabi lang ng kama ko. Kinuha ko iyon at tiningnan kung bakit ito nagring.
A Message from School of Golise: Thai University
Teka? Naglabas na sila ng result? Agad kong clinick ang email sakin ng school.
Good Day!
We just want to informed you that you, Mr. Bach Thirdivin Simeon had PASSED the exam and interview in our school, School of Golise: Thai University. You are now welcome to our school of artists, we are hoping to see you here.
Sincerely,
The SoG: TU Team.
Napangiti ako sa nabasa ko, so nakapasa na nga talaga ako. Matutupad ko na yung pangarap kong maging artist.
Pero paano si Brianna?
Napunit ang ngiti ko dahil sa naisip kong tanong. Oo nga. Paano siya?
Ngayon na alam kong dumating na itong opportunity ko para matupad ko yung pangarap kong maging artist saka pa ako umamin sa kanya.
Ang wrong timing ko naman pala ts.
Nag-umpisa akong mag-isip, no hesitate is the correct word. Nagdalawang isip ako. Itutuloy ko pa ba to at iiwanan si Nerdy or isusuko ko ito at dito nalang maggraduate hanggang college?
One of the requirements na needed kong gawin para makapasok sa SOG:TU is to get ready sa pag-alis ko dito sa bansa. Thai University yun so meaning kailangan kong pumunta sa Thailand para lang makapag-aral doon at maging isang ganap na artist. Thru online akong nag-exam at nag-interview sa kanila and I really don't expect na makakapasa ako doon.
My parents knew na bata palang pangarap ko na talagang maging artist and they support me on that kaya bago pa man ako mag-apply sa Thai Univ, tinanong ko muna sila at paniguradong matutuwa sila sa balitang ito. Hindi ko lang alam kay Brianna, si Nerdy Nerd.
I need to tell her right away para malaman ko yung magiging reaksyon niya sa balitang to.
Brianna's POV
Kasalukuyan akong naglalakad sa school hallway habang bitbit ang ilang gamit ko. Papunta kasi akong locker room para doon mailagay ang mga dala dala kong notebooks subalit habang naglalakad ako ay saglit akong napahinto sa mini board ng school, kung saan maraming nakapaskil na different posters and announcements, at kapag minamalas ka nga naman. Nakita ko na naman yung mukha kong may 3rd warning na logo sa baba ng picture.
Biglang nagflashback lahat lahat ng pinagagawa ni Third sakin. As in LAHAT pati yung mga panahong bago lang ako sa school na 'to yung bullies, yung mga moments na naging papansin siya sa pambubully niya, tsaka yung bihirang scenes namin na talagang naging mabait siya.
Gustong gusto kong maniwala na totoo yung sinabi niya sakin nung nagpunta ako sa bahay nila pero sa tuwing naiisip ko kung paano kami nag-umpisa? Parang gusto kong magduda. Yung tipong naniniwala ka naman pero hindi ka nagtitiwala. Naging bully siya sakin at hindi ko alam kung hanggang dulo ba magiging bully pa rin ba siya.
Mariing tinitigan ko yung picture ko sa school board. Huminga ako nang malalim. Ang panget ko sa pic bakit ito pa yung pinaskil nila dito? Nilapitan ko pa yung poster sized picture ko. Hanggang sa di ko namalayan na may biglang humarang sa bandang logo ng poster sized photo ko. Teka nga. Tinitigan ko yung dinikit nito na may salitang, love!?
Teka nga anong--Love Warning!?
"Hi." Nanlaki ang pareho kong mata nang mapagtanto ko kung sino itong nasa likuran ko na siya namang nagdikit ng salitang love kapalit nung salitang '3rd' na well known logo naman niya and yes, he is Thirdivin.
Seryoso talaga siya dyan sa love warning?
Napayuko ako at dahang dahang humarap sa kanya. Nakatitig siya sakin. Samantalang ako parang tuod na naamaze sa mukha niyang malapit na rin sa mukha ko.
Nakasandal ang isa niyang kamay sa board, nakatitig siya sa dalawa kong mata na para bang binabasa niya yun. Bigla akong kinuryente sa puwesto namin. Ito yung mga nababasa ko sa mga libro, isa ito sa mga gusto kong scene na gusto kong maranasan na ngayon ay finally naranasan ko na.
Gusto kong umiwas ng tingin kasi pakiramdam ko natutunaw na ako sa tinginan niya pero hindi ko iyon magawa. Parang naging magnet yung mata niya na tipong yun at yun lang ang gusto mong tingnan. Ngumiti siya sakin, hindi mapang-asar at mas lalong hindi ngisi. Ngiting ngayon ko lang nakita na parang ang sweet at sincere lang tingnan.
"Saan ka papunta?" Preskong tanong niya. Yumuko ako para mapigilan ang sarili kong masyado na namang naaattract sa aura niya.
"Sa Locker Room. Hahatid ko lang sana to." Mahinanong sagot ko na inilahad pa ang mga bitbit kong notebooks.
Tinanggal niya ang kamay niyang nakasandal sa board saka niya kinuha yung notebooks na bitbit ko lang kanina. Sa pagkagulat ko hindi ko na napansing nauna na siya maglakad papunta sa locker room. Patakbo ko siyang sinundan pero hindi ako naglakas loob na sabayan siyang maglakad. Nakayuko lang akong nakasunod sa kanya hanggang sa mabangga ako sa likod niya.
"Bakit ka ba nandyan sa likod ko? Nakayuko ka pa." Saglit akong tumingin sa kanya. "Wala lang. Trip ko lang." Wala sa sariling sagot ko.
"Ah... Trip mo lang pala ah." Agad niyang hinawakan ang kamay ko kaya ang ending nakasabay ko siyang maglakad with holding hands pa.
"Anong trip na naman ba to Third? Kaya nga ako nakayuko kasi pinagtitinginan ako nang masama ng fangirls mo, shemz." Pabulong kong sabi kay Third na tinawanan niya.
Teka nga? Ang weird ah. Tumawa talaga siya sa sinabi ko? Hindi naman ako nagjoke bakit siya tumawa?
"Just let them. Hayaan mo sila. Ay! By the way. Pagkarating natin sa locker room may gusto akong sabihin sayo." Hindi na ako nakapagtanong pa sa sinabi niya dahil saktong pagkahinto namin ay locker room na. Agad kong inayos ang gamit ko sa locker saka ko kinompronta si Third.
"So. Ano yung sasabihin mo sakin?" Pag-usisa ko saka ako namewang.
"Magiging maayos naman siguro ang buhay mo pag nawala naman ako diba?" Agad nagsalubong ang kilay ko sa panimulang aniya.
Ano bang gustong sabihin nito?
"Aalis na ako sa school Nerdy Nerd. Hindi mo na to makikita. Itong kagwapuhan ko." Agad akong tumawa sa sinabi niya. Ang yabang talaga pft hahahaha!
"Wag kang tumawa, seryoso ako. Aalis na ko sa school." Seryoso niyang usal dahilan para mapaayos ako. Pinigilan kong tumawa kahit medyo nakakatawa, ang hangin naman kasi niya ehehe.
"At saan ka naman pupunta aber?" Tanong ko nalang para hindi ko siya mainis.
"Thailand." Agad akong napatahimik sa sinabi niya. Hindi ako nagsalita. Nakatitig lang siya sakin samantalang ako, iniwas ko ang tingin ko sa kanya.
Ang layo, thailand pa?
"Nakapasa ako sa isa sa mga kilalang school doon ng mga artists. You know what, its a great opportunity to me knowing na ever since gusto ko na talagang maging artist at ngayon na nandito na handa akong bitawan ito para sa'yo just let me know--"
"No. Hindi mo gagawin yan." Mariing putol ko sa dapat na sasabihin niya.
"Why? Gusto ko lang naman ipakitang sincere talaga ako sayo at--"
"Kung sincere ka talaga, wag kang magstay." Nakakunot ang noo ni Third habang nakatingin sa akin and me? Hindi pa rin nakatingin sa kanya. Nakatitig lang ako sa katabi niyang silver steel bench na kasalukuyang inuupuan niya.
"Why?" Hindi ko alam kung nanghihina ba siya o ano, pero feeling ko nagulat lang siya sa sinabi ko though kahit ako mismo ay nagulat din sa nilabas na mga salitang ng bibig ko.
"Wag kang magstay dahil lang sa gusto mo ko. Huwag na wag mong pakawalan yung opportunity na dumating sayo dahil minsan lang yan mangyari sa mga tao." Sinserong sabi ko. I cross my arms.
"Mabuti ka pa nga e nakapasa ka doon sa school na gusto mo. Sa school na finally makakapagbigay ng kulay para sa pangarap mo, not like me." Napayuko ako. Pinipigilang hindi magcrack ang boses ko.
"Hey chin up. Bakit ba nakayuko ka na naman--" But I failed, the tears fell. Agad niya akong nilapitan at binigyan ng yakap. Tinago niya ang mukha ko sa braso niya.
Naalala ko kasi yung ilang beses ko na pagtry sa isang school na gustong gusto kong puntahan bago pa ako mapadpad dito sa school na ito. Alam niyo bang puno ako ng pag-asa that time? Hoping na makakapasa ako pero hindi nangyari ih. Maybe its not really for me, yung dream kong maging business woman tuluyan ko ng sinukuan.
"Shhh. Please don't cry." This is the first time na makaramdam ako ng comfort galing sa tao na minsan na rin akong sinaktan.
Ahhhh. Bakit ba kasi naging emosyonal na ako.
"Lumayo ka nga. Ang baho mo." Pagtataboy ko kay Third dahilan para kumalas ito sa pagkakayakap niya sakin. Agad kong pinunasan ang mga luha kong nagtuloy tuloy sa pagtulo at nagulat ako dahil kasabay ng pagpunas ko ay ang paghawi rin ni Third sa magkabilang pisngi ko.
Huminga siya nang malalim pagkatapos niyang punasan ang mga luha ko. He smiled at me saying, "Okay. Hindi ko na po pakakawalan yung opportunity na dumating sakin at mas lalong... Hindi kita hahayaang mawala rin sakin." Then he kissed my forehead. Oo na kinilig na ako sa ginawa niya at naniniwala na rin akong gusto niya nga ako.
---
Days had passed, ito na. Ito na yung oras na kailangan ko ng magpaalam sa bully slash naging crush ko slash naging crush din ako na si Third.
Ngayon kasama ko si Taky. Papunta na kami sa airport and knowing na ngayon yung alis ni Thirdivin sobrang nakakapanghina, ang bigat pala sa loob yung feeling na iiwanan ka though nagpaalam naman siya hehe.
"Hey are you okay?" Tumango lang ako bilang sagot sa tanong ni Takie sakin. Isinabay nila ako sa sasakyan nila at ito ako ngayon, nagmumukmok habang nakatingin sa bintana ng black van nila.
Huminga nang malalim si Taky, ngumiti naman ako sa kanya para hindi na siya mag-alala sakin. These past few days naging close kami ni Taky, Third pati yung isa pa niyang friend na si Marko at medyo nakakalungkot lang kasi kung kelan namang napalapit na ako sa kanya, sa mga kaibigan niya at sa pamilya niya dito pa niya ako iiwan. Ts. Apakabully talaga, pasalamat siya gwapo siya tsh.
Finally nandito na kami sa airport. Saktong pagkapasok namin ng paliparan namataan agad namin sila Marko, pamilya ni Third at si Third mismo. Magkasabay na pupunta sa Thailad sina Marko at Third kaya pareho silang paalis ngayon. Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko.
Ready to go na silang dalawa bitbit yung mga maleta nila samantalang ako parang tuod lang na nakatingin sa kanila. Hindi ko kayang ngumiti. Ewan ko kung bakit.
Hinayaan ko munang magmoment yung pamilya ni Third hanggang sa bumaling sila sa akin. Lahat sila nag-aabang sa sasabihin ko o sa ikikilos ko pero ako mismo hindi ko alam ang gagawin ko. Sobrang bigat at nakakapanghina. Hindi naman kasi ako nainform na ganito pala kalungkot maghatid ng taong mahalaga sayo papunta sa malayong lugar at mas nakakalungkot, kasi first time ko ito.
"Sige na, umalis ka na. Ingat ka doon gwapo ka pa naman baka mapagkamalan ka pang di straight. Yung mga pasalubong ko ah? Wag mong kalimutan. Have a nice trip." Napalunok ako ng laway sa mga nasabi ko. I know na nalulungkot ako pero hindi ko naman pwedeng ipakita yun mas lalo na't alam ko namang need niya talagang umalis ih.
Tipid siyang ngumiti sakin saka muling nagpaalam. Ilang minuto ang lumipas, nag-umpisa ng lumakad papunta sa main exit ang pamilya ni Third, samantalang ako nakatayo pa rin kung saan niya ako iniwan. Para akong napako sa kinatatayuan ko, kanina pa ako hindi makagalaw.
Hanggang sa nabawi ko yung lakas ko at agad na naglakad. Patakbo akong naglakad papunta sa plane ticket booth which is currently doon papunta sina Third at Marko. Pasigaw kong tinawag si Third at agad siyang lumingon sakin. Agad akong tumakbo palapit sa kanya at niyakap siya nang sobrang higpit.
"Hindi naman siguro ito yung huli diba?" Hindi ko na napigilang hindi umiyak. Niyakap niya ako pabalik.
"Hindi ito yung huli. Babalikan kita at pangako ko yun. Ang tanging gusto ko lang na gawin mo ay hintayin ako kaya please. Wait for me, Bria." Mas lalo akong nanghina sa sinabi niya. Mabuti nalang yakap niya ako kundi nakaupo na ako ngayon sa white tiled floor ng airport.
"Maghihintay ako sa pagbabalik mo dahil yun ang gusto mong gawin ko." Kumalas na ako sa yakap ko. Agad niyang pinunasan ang mga luha ko at saka hinalikan ang noo ko na recently madalas na niyang ginagawa. Binitawan na rin niya ang kamay kong kanina lang din ay hawak hawak niya pa.
Ngumiti ako sa kanya saka ako lumakad palayo. Kinaway ko ang dalawa kong kamay bilang paalam sa kanilang dalawa. Parehong ngumiti sa akin sila Third at Marko at mula roon ay tuluyan na nga silang nawala sa paningin ko.
Umaasa ako na sa pagbabalik niya, ako pa rin ang pipiliin niya. Sana nga ako pa rin Thirdivin.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro