Chapter 3 ❤️
° Chapter Three: A Post °
Brianna's POV
Hindi ko kinuwento kay Mommy yung nangyari sa first day ko sa school dahil bumabalik lang yung inis ko. Nagkunwari nalang akong okay at masaya pero hindi talaga.
Kakalipat lang namin ng bahay at ng school kaya hindi ko pwedeng irequest sa parents ko na ilipat ako ng school dahil lang sa may mga nag-bully sakin at para di na sila mastress, pipilitin ko nalang makasurvive sa school na pinasukan ko.
No choice e at kailangan ko nalang mag-go with the flow sa mga mangyayari pa sakin sa school, hayst.
And now, nasa school na ulit ako. I don't know kung bakit pero nawiwirduhan ako sa mga taong nasa paligid. Nakatingin kasi sila sakin na para bang may malala akong sakit. Yung tingin nila na parang naaawa na ewan. May iba naman na nginingisian lang ako. Nagsalubong ang dalawa kong kilay sa mga nakikita ko.
Bakit ganito mga tao dito?
Hinayaan ko nalang yung mga taong nakatingin sakin habang naglalakad ako papasok sa classroom ko. Nagheadset nalang ako at nagpatugtog. Pagkatapos magsalpak ng headset sa tenga ko ay nilabas ko ang phone ko at nagscroll ng mga kanta. Naisipan ko na ring mag-open ng facebook kasi nabo-bored ako. Hanggang sa makakita ako ng memes na sobrang nakakatawa kaya hindi ko maiwasang di matawa.
Hutekk na yan, hahahaha!
Habang nasa daan ako ay naka-facebook pa rin ako. Nagscroll pa ako ng ibang memes.
Nasa kalagitnaan na ako ng paglalakad ko sa court nung bigla kong inangat ang ulo ko. Agad na nawala ang ngiti ko sa mukha dahil sa nakasalubong kong mga lalaki. Pinanliitan ko sila ng mga mata.
Yung totoo? Trip ba to o sinadya talaga?
Nginisian lang ako nung lalaking bida bida habang pinanliliitan ko sila ng mata ko. Babalewalain ko na sana sila kung hindi ko lang nakita sa facebook yung mukha ko.
Teka nga. Ito yung nangyari kahapon ah?
Nakaauto play yung facebook videos ko kaya nagtataka kong pinanuod iyon. Ito nga yung scene kahapon. Simula nung hinarangan ako nung mga lalaki hanggang sa sumulpot si bida bida. Huminto lang ang video nung dinikitan ako nung lalaking bida bida ng sticker na may nakasulat na Third Warning.
Hinanap ko yung page na nagpost nung video. Area 33 ang name nung page.
Teka bakit Area 33?
Ahh fans pala nila yung mga admin sa page nun. Tiningnan ko yung comments dun sa video at nalula ako sa mga yun mas lalo na sa views.
Oo nga. Sikat nga sila.
May mga negative comments at may mga naawa sakin tas meron ding hate comments. Sa inis ko hindi ko na tinuloy yung pagbabasa ng mga comments. Papatayin ko na sana yung phone ko nung bigla kong makita yung picture ko sa pader ng court na nilalakaran ko. Literal na napanganga ako sa pagkagulat ko.
PATI BA NAMAN PICTURE KO?! Pwede ko kaya silang kasuhan dyan!
Sa inis ko agad kong pinagtatanggal yun pero hindi ko naituloy na matanggal lahat kasi marami.
Malalim akong huminga tsaka tumingin ng masama sa mga pictures ko sa nakapost sa pader.
Talagang yung may sticker na third warning ang kinuhanan nila ng picture?! Ano bang meron sa school na to ha? Bakit ba ginaganito ako ng mga tao dito!
Umagang umaga ganito ibubungad sakin ng school na to. Wala na! Sirang sira na yung araw ko!
Inis akong pumasok sa school and as usual nakita ko ulit yung palaging nagpapainit ng dugo ko.
Mapantrip ka ah! Tsh.
Padabog kong nilapag ang bag ko sa tabi niya. Tumawa lang siya sa ginawa ko at inis ko lang siyang tiningnan.
"Ano Nerdy Nerd hindi mo pa rin ako kilala?!" Nakangising tanong niya na pinanliitan ko ng tingin.
Nerdy Nerd? Talagang gumawa pa siya ng nickname ha.
"Hindi! At wala akong balak na kilalanin ang isang gaya mong bully!" Inis kong sabi sa kanya. Saka kinuha ang phone ko. Pero hinablot niya agad yun. Inis ko siyang tiningnan.
"What? Gusto ko lang namang magpakilala sayo e. Leya..." Taka ko siyang tiningnan.
Teka nga! Close ba kami para tawagin niya ako sa pangalan ko ha?
"Tsh. Bakit sino ka ba?" Pagtataray ko. Ngumisi siya saka niya nilapit ang bangko niya sa upuan ko. Taka ko siyang tiningnan.
"Ahm, I'm Bach Thirdivin Simeon. You're old friend Leya." Awtomatik na nagkunot ang noo ko sa sinabi niya.
Haaa?! Siya si Third?! Si Bach? What?! No. This can't be.
Ngumiti lang siya sakin saka niya nilapit ang mukha niya sa mukha ko. Sa gulat ko tinulak ko siya. Ngumisi lang siya sakin saka niya binalik ang upuan niya. Iniwas ko sa kanya ang tingin ko. Napatitig ako sa libro kong nasa lamesa.
Hindi pwedeng siya yun. Napakaimpossible naman na yung mabait na Third na kakilala ko ay magiging kagaya niya. Hindi ko matanggap. Basta hindi ko kayang isink-in sa utak ko.
Nung magrecess ay dali dali akong lumabas ng classroom pero nahablot ni Third yung jacket na suot ko at dahil dun kaya napabalik niya ako. Tinaas niya ang hoodie ko at pinilit na hinarap sa kanya. Napapikit ako at malalim na huminga bago ko siya tuluyang hinarap.
"Bakit Third?" Taas kilay kong tanong sa kanya. Ngumisi siya sakin.
Hobby niya bang ngumisi ngayon ha? Pwes. Hindi bagay sa kanya, tsh.
"Medyo matagal na rin Nerdy Nerd. Baka gusto mong makipagkuwentuhan sa old friend mo?" Parinig niya sakin.
Talagang pinagdidiinan niya yung old friend?! As if namang kaibigan ko talaga siya dati tsh.
"Ayoko. Bakit ako makikipagkuwentuhan sa kagaya mong bully. Ts." Singhal ko saka ako magwalk out sa klase. Mabilis akong naglakad papunta sa female cr para masigurado kong hindi ako masundan ni Third.
Naghugas ako ng kamay at naghilamos sa lababo dun. Mariin kong tinitigan ang sarili ko sa salamin.
Hindi talaga pwede! Yung dating crush ko naging ganito na. Argh! Bria don't fall for him again. WAG NA WAG NA!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro