Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 29 💗

° Chapter XXIX:
Sweet Like a Candy °

Brianna's POV


*KINABUKASAN*




"I like you."

"I like you."

"I like you."

Bahagya kong ginulo ang buhok ko. Kakagising ko lang at ilang beses na nagre-recall yang linya ni Thirdivin sakin kagabi.

Ano ba kasing trip na naman niya bakit siya nagsabi ng ganun hmp.

Napailing nalang ako sa naisip ko. Siguro may plano lang yung kumag na yun kaya niya sinabi yun. Don't fall Brianna!

Saktong pagkatayo ko sa kama nang biglang nagvibrate itong cellphone ko. Tiningnan ko kung sino yung tumawag.

Ah yung bestfriend niya pala.

"Hi Takie--" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil bigla itong pinutol ng taong nasa kabilang linya.

["Hi Bria! Sorry pero can I ask some favor sayo, hehe a little favor pwede ba?"] Bungad ni Taky na pinagtaka ko. Bakit naman manghihingi ng pabor ang isang malapit na kaibigan ni Third sakin? Hmmm...

Hayaan mo na mabait naman si Taky.

"Of course basta ba kaya ko hihiz." Pagpayag ko na parang gusto kong pagsisihan pagkatapos kong marinig kung ano iyong favor na gusto niya.

["Huhuhu si Thirdi kasi e maysakit daw sabi ni Tita e kakaalis lang ng parents ni Thirdi sa bahay nila at dahil kilala ko yung bestfriend ko na yun alam kong ayaw niya ring magpaalaga sa mga maids nila na pinapunta pa ni Tita para bantayan siya. I just want to ask if you can go to their house?"] Pagkatapos ng pag-amin niya sakin kagabi paano ko siya haharapin ngayon? Saglit akong natahimik sa tanong ni Taky.

["I will promise na pag may ginawa sayo si Thirdi ako mismo gaganti para sayo pretty please? Need niya lang talaga ng mag-aalaga sa kanya ngayon kasi nabinat ata siya kahapon nung nahulog kayong dalawa sa pool ih."] Paliwanag ni Taky sakin na tinanguan ko lang.

Naalala ko ang paliwanag pala ni Third dun sa nangyari, nahulog lang kaming dalawa without knowing na ako lang talaga yung nagsadya na mahulog sa pool.

Sakitin pala yung bully na yun ts.

At dahil sa hindi kaya ng konsensya ko na hayaan nalang si Third ay, "Sigi, kaso hindi ko alam kung saan yung bahay nila e." Mahirap kalabanin ang konsensya kaya eto pumayag ako.

["Don't worry. I've told my driver na sunduin ka niya mamaya para hindi na ikaw maligaw. Thank you Bria. Nandito kasi kami ngayon sa bakasyon together with my fam so need ko talaga ng tulong mo and thank you kasi pumayag ka though hindi maganda yung trato ni Thirdi sayo. Basta ba yung promise ko sayo tandaan mo yun. Sabihan mo siya pag may ginawa siya sayong di maganda. Basta ako bahala. Sigi bye na ah. Sorry na rin sa abala hihi."]  Mahabang kuwento ni Taky na sinang-ayunan ko nalang.

"Babye, ingat kayo." Nasabi ko nalang. Hindi ako makasingit sa kuwento niya kanina lang e.

["Babye thank you ulit."] at dun ibinaba na ni Taky ang phone niya.

At dahil no choice ako, kailangan ko ng maligo at ayusin ang sarili ko para puntahan ang sakiting Thirdivin na yun.

Ilang minuto pa ang lumipas at tinotoo nga ni Taky na may susundo sakin na driver nga niya papunta dun sa bahay nila Third.

Nagpaalam na ako kila Daddy at Mommy Ma at laking pasalamat ko dahil pumayag sila though may curfew pa rin ako hehe.

Ilang minuto na naman ang lumipas at nandito na nga ako kila Third. Teka nga, bakit ba kinakabahan ako kanina pa. Shemz bakit parang naiilang ako na ewan.

"Pasok na po ba tayo Mam Seruth?" I don't know kung bakit apelyido ko ang sinabi ni Taky sa driver niya hayan tuloy nakadagdag yan sa ilang na nararamdaman ko ngayon.

"Hi po sa inyong lahat." Nakangiting bungad ko sa limang maids na nakalat sa buong paligid, may kanya kanya silang nililinis e hindi ko lang maisa isa hehe. Nakangiting tinanguan lang nila ako.

Lumapit naman sa gawi ko ang isang may edad na babae na sa pakiwari ko'y matagal ng nagtatrabaho dito sa bahay nila Bach Thirdivin.

"She's Mam Brianna Leya Seruth, pinapunta po siya dito ni Mam Takie Lore." Pakilala sakin ni Kuyang Driver. Nahihiyang ngumiti ako sa kanya

"Follow me." Mariing utos ni Manang Yaya na sinunod ko naman. Paakyat na kami sa isa pang palapag ng bahay nila at habang naglalakad sa hagdan ay nagsasalita si Manang.

"Nasa taas pa si Sir Bach, actually kanina pa namin siya ginigising pero hindi siya sumasagot kaya minabuti nalang namin na wag nalang siyang istorbohin total yun na rin naman ang sinabi samin ni Madam." Tumango na lamang ako sa sinabi niya at bahayang napalunok nung huminto kami sa kulay abong pintuan na feeling ko kuwarto na ni Third. Nadoble pa kasi yung kaba ko nung huminto kami ni Manang e.

"Ito po yung kuwarto ni Sir Bach. Tawagin niyo nalang po kami sa baba kapag kailangan niyo po ng tulong." Iniwan na ako ni Manag sa pintuan. Huminga muna ako ng malalim bago ako nagdecide na pumasok sa loob.

Literal na napaarko ang bibig ko sa letrang O dahil sa pagkamanghang nararamdaman ko habang nakamasid sa kabuoan ng kuwarto niya.

Hanggang sa mapatingin ako sa malaki niyang kama na siya lang naman ang nakahiga. Actually mas magarbo pa yung kuwarto niya sa kuwarto ko e.

Dahan dahan akong naglakad papunta sa kama kung saan natutulog ngayon si Third, hanggang sa mapahinto ako at kumuha ng silya na inilapit pa sa higaan niya.

Bahagya ko siyang tiningnan. Ang mga tao talaga mukhang maamo kapag tulog. Napangiti ako sa naisip ko. Oo sobrang amo ni Third kapag tulog pft hahahaha.

Inilapit ko pa ang mukha ko sa kanya, sinamantala kong tingnan ang tulog na si Third. Tiningnan ko ang kabuoan ng mukha niya. Oo na, aaminin kong gwapo pa rin siya tulog man o hindi.

Ilang minuto ko yun tiningnan hanggang sa bigla siyang magsalita na kinagulat ko, "Kung kandila lang ako tunaw na ako sa tinginan mo na yan." Ngumisi siya tsaka niya dinilat ang pareho niyang mata. Ngayon pareho na kaming nakatitig sa isa't isa.

Bahagya akong napaatras dahil nagising na pala siya tapos hindi man lang--argh bakit ko ba kasi nilapit pa yung mukha ko tsh.

Agad kong inayos ang pagkakaupo ko sa kinuha kong silya na malapit sa kama niya.

Marahan siyang bumangon tsaka isinaldal ang likod niya sa headrest ng kama niya.

"Anong ginagawa--" pinutol ko agad ang tanong niya.

"Pinapunta ako ni Taky." Direktang sagot ko. Simpleng tango lang ang reply niya sakin saka siya nagsalita.

"Ah yung madaldal na yun ts." Ngumiti siya pero halatang nanghihina siya. Agad akong nanlamya sa nakita ko, hindi ako sanay na makita maysakit itong Thirdivin na to, nakakapanghina kasi e. Ah ewan basta.

"Kumain ka na?" Preskong tanong ko na inilingan niya meaning hindi pa siya kumakain--hala teka nga tanghalian na ah?

"Kagigising mo lang?" Tanong ko ulit na obyus naman yung sagot pero gusto ko lang kompirmahin.

"Oo ts. Halata naman e." Huminga lang ako ng malalim sa sinabi niya. Kaya pala hinang hina yung itsura niya kasi hindi pa siya kumakain e ala-una na.

"Teka lang. Dyan ka lang. Kukuha ako ng pagkain mo." Wala sa sarili utos ko sa kanya tsaka ako lumabas ng kuwarto niya.

Nakiusap ako kay Manang na samahan akong dalhan ng pagkain kay Third, tsaka ko ito inako nung nasa labas na kami ng pinto ng kuwarto ni Bach.

Kinuha ko yung tray na binitbit ni Manang saka ako pumasok sa loob at doon ko inabotan ang parang nangangalay na si Third.

Agad kong nilagay sa lamesa niya yung tray ng pagkain niya tsaka ko siya tinulungan na abutin kung ano man yung inaabot niya sa closet niya.

"Ang kulit mo rin ano? Sinabihan kitang dyan ka lang sa kama mo tapos bigla bigla kang tatayo. Imposibleng hindi ka nahihilo ano nalang kung matumba ka diba, ano bang inaabot mo?" Sermon ko sa kanya na tiningnan pa siya pero iniwas niya lang ang tingin sakin.

"Wala, nagbago na isip ko. Ayoko ng kunin." Bumugtong-hininga nalang ako sa sinabi niya. Lakas ng topak niya minsan tch.

"Kumain ka na." Malumanay na sabi ko saka ko kinuha ang tray na pinatong ko sa lamesa niya at saka ko iyon nilagay sa kama niya.

Umayos siya ng upo at sinimulang kumain. Nilibang ko nalang ang sarili ko sa games na meron ako sa phone ko, tiles hop.

Malapit ko na sanang mareach yung high score ko nung bigla akong tawagin ni Third. Inis ko siyang tiningnan. SAYANG KASI YUN E tch.

"Oh. Problema mo? Tinawag lang kita ang sama mo na makatingin." Takang tanong pa ni Third na bwiset hayst.

"Natalo lang naman kasi ako sa nilalaro ko. Malapit ko na sanang mareach yung high score ko e nagulat ako kasi tinawag mo ko." hindi ko alam kung bakit nagpaliwanag pa ako sa kanya e hindi naman niya maiintindihan yun.

"Peace! Hindi ko naman alam e. Sasabihin ko lang namang tapos na kong kumain." Aniya.

Huminga akong malalim saka niligpit ang tray sa kama niya tsaka ko nilagay sa lamesa. Akmang ibaba ko na sana iyon nung biglang tumayo na naman si Third at medyo napagewang pa na napakapit sa aparador na nasa gilid lang din ng kama niya.

"Thirdivin naman." Iritableng usal ko na pinipilit ang sarili kong hindi mainis sa pagiging makulet niya. Para rin siyang si Jajah e hindi marunong makinig.

Tinulungan ko siyang tumayo at inalalayang maglakad hanggang sa di sinasadyang matapilok ako dahil sa isang maliit na bangko na hindi ko napansing nakaharang pala sa dadaanan namin. Hayan tuloy pareho kaming natumba at--nakapatong siya sakin habang ako ay nasa ilalim niya.

Pinagsisisihan ko na talaga yung pagpunta dito sa teritoryo ni Third. Aish.

"S-sorry." Agad siyang tumayo at tinulungan ako.

Agad akong nagpagpag ng damit. Aalis na sana ako nung bigla akong hilain ni Third paupo sa kama niya.

At nagulat ako sa sumunod niyang ginawa...



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro